Chapter: HAPPY ENDING“Pa, where’s Vander?” tanong ni Dawn. Ngayon ang discharge nilang dalawa pero hindi niya nakita si Vander sa silid pagkamulat ng mga mata niya kaninang umaga.“Nauna na siyang lumabas, Anak. Hindi ka na niya ginising kanina.” Ang kaniyang Mama ang sumagot habang abala ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Lihim namang nagtampo si Dawn. Usapan nila ni Vander ay sabay silang lalabas.“Let’s go!” paanyaya ng kaniyang Ama.Tahimik pa rin si Dawn habang na sa sasakyan.“Smile, Baby!” nakangiting sabi ng kaniyang Ina.Pilit naman siyang ngumiti.“Huwag ka nang malungkot, baka may inaasikaso lang si Vander,” singit ng kaniyang Ama.Her parents decided to settle everything between them and she’s happy that they are together now. Hindi nag-asawa ang kaniyang Ina nang maghiwalay ito ng kaniyang Ama. Siguro ang Papa niya talaga ang soulmate ng Mama niya.“I’m happy, Pa.” Pilit na ngiti pa rin ang ibinigay niya sa Ama.“Happy ka ba talaga, Anak? E, bakit parang malungkot ka naman? Huwag kang ma
Last Updated: 2025-04-29
Chapter: WOKE UPMatamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril kay Dawn. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo. Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa isang pribadong silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa’t-isa.“You need to wake up na mga anak. Excited na kami sa aming magiging apo,” biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.Tumingin sa pintuan si Abegail nang bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander ang pumasok na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon pero si Romano ang iniluwa ng pintuan.“Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin,” malambing nitong sabi.“Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa na maulit muli. Our
Last Updated: 2025-04-28
Chapter: CRITICAL CONDITIONTumikhim siya para alisin ang pagkapahiya. “Ahm… Ma, si Vander po pala, asawa ko,” pakilala niya rito.“I know,” nakangiting sagot ng kaniyang Ina.“Paano mo nalaman? ’Di ba ang alam mo peke ang kasal namin at pinalabas sa TV na hiwalay na kami?” nagtatakang tanong ni Dawn.“Yes, but Vander talked to your Father after you take over the company, and your father told me about it.”Nang-aasar naman siyang ngumiti sa Ina. “So Mama, nag-uusap po kayo ni Papa ng hindi ko alam? Magkakaroon na ba ako ng kapatid?” panunukso niya sa Ina.Namula naman si Ms. Abegail sa sinabi niya. “Don’t put me in the hot seat, Dawn. Dapat kami ang bigyan niyo ng apo,” bawi nito.Siya naman ang namula sa sinabi ng Ina at hindi nakasagot sa tudyo nito.“Don’t worry, Tita. We will work that soon,” nakangiting singit ni Vander.Bahagya niya itong pinalo sa braso pero tumawa lang ang lalaki.“Miss Abegail, pwede na ba nating tapusin ang shoot?” magalang na tanong ng photographer. Waring naiinip na sa dramang nasasa
Last Updated: 2025-04-27
Chapter: GETTING BACK TOGETHER“Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta
Last Updated: 2025-04-26
Chapter: THE HEIRESS MOTHERKinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: UNEXPECTED VISITORNagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng
Last Updated: 2025-04-24

NOTORIOUS
Assassin code: Exposing yourself means death.
Well known for being a killer. A killer who killed by order. An order to be executed quickly. But, what if the order is a trap? A trap to execute the notorious assassin from being exposed to the enemies.
Code Zyrex and Agent Xero are two different people from different sides, both skilled in their field. An assassin and a detective on the same mission. A mission to kill and to capture.
What if during their mission, they meet the spectacular beggar? Pasens’ya na spectacular daw talaga siya.
Meet Reyna Anastacia Goldenhand, kung gaano kaganda ang pangalan niya, ganoon naman kapangit ang pamumuhay niya. Isang pulubi na laging problema ang pagkain sa araw-araw, nakatira sa isang improvised tent, sako na bubungan at karton na higaan. Tulad ng kan’yang pangalan, siya ang reyna ng lansangan at tulad ng kan’yang apelyido, ginagamit niya ang bilis ng kamay upang mabuhay.
Paano kung malagay siya sa isang sitwasyon na hindi lang pagkain ang problema niya? Isang problema na sangkot ang dalawa at nadamay lang talaga siya.
“Kapag namatay ako na kumakalam ang sikmura... hihilahin ko kayo sa impyerno!” Reyna Anastacia Goldenhand.
Read
Chapter: EPILOGUE 1.2"Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura
Last Updated: 2021-12-25
Chapter: EPILOGUE 1.1One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom
Last Updated: 2021-12-25
Chapter: CHAPTER 90.2"You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga
Last Updated: 2021-12-24
Chapter: CHAPTER 90.1"Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.
Last Updated: 2021-12-24
Chapter: CHAPTER 89.2Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang
Last Updated: 2021-12-23
Chapter: CHAPTER 89.1Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.
Last Updated: 2021-12-23

The Stranger who Loves my Twin Sister
Sa mundo ng karahasan, matagpuan pa kaya ang tunay na pagmamahal?
***
Simula pagkabata, naranasan ni Gaia ang pangungutya at pang-aalipusta dahil sa kakaibang marka na tinataglay niya. Itinuturing siyang salot na dapat layuan at iwasan. Lumayo siya sa karamihan at namuhay mag-isa, ngunit umaasa pa rin siyang magbabago ang takbo ng buhay niya.
Isang araw, napili si Gaia bilang premier guard sa doom’s gate–ang pinaka-delikadong lugar sa buong kaharian. Akala niya’y simula na iyon nang pagbabagong gusto niya, pero paraan lamang pala iyon para mawala siya.
Iba’t-ibang panganib ang hinarap ni Gaia, hanggang mawalan siya ng tiwala sa mga taong nasa paligid niya, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Aurus La Mier–ang estrangherong nagmamahal sa kakambal niya. Tutulungan siya nito, pero hindi para sa kaniya kundi sa kapatid niya.
Paano haharapin ni Gaia ang mga bagong pagsubok sa pagdating ni Aurus? Mapigilan niya kaya ang puso na huwag umibig sa binata?
Read
Chapter: Chapter Forty-one“Ina!” sigaw ni Brie.Bumitaw si Gaia kay Aurus at bahagyang dumistansya bago lumingon kay Brie. Tumatakbo ito patungo sa kaniya kaya sinalubong niya ito ng yakap. Humikbi ito sa kaniyang balikat habang buhat niya.“Ina, natatakot po ako.”“Patawad, Brie, kung nakita mo ang lahat ng ito. Maayos na ang lahat at ligtas ka na. Wala ng mananakit sa ’yo at hindi ko rin hahayaan na masaktan ka habang buhay ako,” mahinahon niyang sabi sa bata habang hinahaplos ang likuran nito.“Ginoong Aurus, ayos ka lang ba?”Naagaw ng boses babae ang atensyon ni Gaia kaya bumaling siya sa likuran niya. Nakatayo roon si Aurus habang katabi ang isang babae na nagtatakang nakatingin sa binata. Nagtataka rin siya kung bakit hindi gumagalaw si Aurus. Nilapitan niya ito at marahan itong tinapik sa pisngi.“Humihinga ka pa ba, Aurus? Anong nangyari sa ’yo? Bakit natigilan ka riyan?”Bahagya siyang nagulat nang bigla nitong hinawakan ang kamay niyang tumapik sa pisngi nito, pero hindi pa ito nakuntento at niyakap
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Chapter Forty“May regalo ako sa ’yo, premier guard.”Bumaling ang tingin ni Gaia sa matandang nagsalita. Marahil ito ang nag-utos sa mga lalaking nambulabog sa pintuan ng kwartong kinaroroonan niya kanina. Mabuti na lang at nagising agad siya bago pa makapasok ang mga ito. Nararamdaman niyang may panganib, dahil sa mabibigat na presensya sa labas ng silid. Tulad ng kaniyang inaasahan, kaguluhan ang sumalubong sa kaniya nang bumukas ang pinto. Mabilis niyang natapos ang laban at plano sanang umalis sa lugar, pero mas marami ang kalabang naghihintay sa kaniya sa bulwagan. Ngayon naman ay nasa harapan na niya ang taong hinahanap niya.“Hindi ako mahilig sa regalo, tanda. Gusto ko lang maningil sa taong nag-utos para patayin ako,” seryoso niyang sabi.Tumawa lang ito at parang aliw na aliw sa kaniyang sinabi. “Sigurado ka ba? Tiyak magugustuhan mo ang regalong inihanda ko sa ’yo, premier guard. Gawin mo na lang ang gusto mong paniningil pagkatapos mong makita ang regalo ko. Iyon ay kung magkaroon ka p
Last Updated: 2025-04-21
Chapter: Chapter Thirty-nine“Huminahon ka, tiyo. Maupo ka muna at mag-usap tayong mabuti,” pagpapakalma niya sa hindi mapakaling tiyuhin.“Wala akong oras para makipag-usap sa ’yo, Liam. Kailangan ko ang babae, buhay man o patay! Halughugin niyo ang buong paligid,” utos nito sa mga tauhan. Kahina-hinala ang kilos ng tiyuhin niya ngayon, at nagkaroon siya ng hinala rito nang maalala ang tanong ng babae sa kaniya. Hinahanap ng babae ang taong nag-utos sa mga tauhan ng Riyam para pasabugin ang dooms gate at patayin ang premier guard.Hindi kaya may kinalaman doon ang tiyuhin niya?“Pigilan sila at huwag hahayaang makalabas sa bulwagan,” maawtoridad niyang utos na agad sinunod ng kaniyang mga tauhan. Mabilis din humarang ang sampu niyang tagasilbi sa unahan niya para protektahan siya sa anumang panganib.Malakas na tumawa si Guyam. “Magaling, mahal kong pamangkin. Nakuha mo na ang tiwala ng sampung babaeng iyan at nakuha mo pa rin ang isang iyon. Ganoon ba kataas ang kagustuhan mong manatili sa posisyon bilang lide
Last Updated: 2025-04-20
Chapter: Chapter Thirty-eight“Wala akong alam sa sinasabi mo, pero sa tingin ko, ito ang kailangan mo.”Kaagad napansin ni Gaia ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ng lalaki. Agad niyang naisip na krandular ang dahilan kaya sapilitan nitong kinukuha ang pinuno ng mga amazona. Gusto nitong malaman sa mga lider mismo kung namukadkad ang krandular, pero wala siyang ideya kung bakit hindi bumabalik ang mga pinuno sa tribo. Lalo na’t walang pagsisisi siyang nakita sa mukha ng mga kababaihan kanina.Tumitig siya sa lalaki. Maaari kayang tama ang sinasabi nito na kusang loob nagpaalipin ang mga dating lider, pero ano’ng dahilan?“Paano mo nakuha ang krandular?” Kunot noo itong naghihintay sa sagot niya.Huminga nang malalim si Gaia. Hindi na niya dapat isipin ang tungkol sa mga dating lider ng amazona. Mas dapat niyang isipin ang pakay sa lugar na ito at kung paano matutukoy ang utak sa pagpapasabog sa dooms gate. Dalawang taon siyang naghirap upang pangalagaan iyon, at hindi siya papayag na makalusot ang mga ito nang
Last Updated: 2025-04-17
Chapter: Chapter Thirty-sevenLulan ng karwahe, nakikiramdam si Gaia habang nakapikit. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa loob. Alam niyang may tumitingin sa nakahantad niyang hita mula sa mga kasama sa loob ng karwahe. Nang maramdaman ang pagkilos ng nasa kanan, mabilis siyang nagmulat ng mga mata at dinakot ang kamay nito na nagtangkang hawakan ang hita niya. Nagulat ang lalaki, pero hindi ito nakahulma nang ihampas niya ang sarili nitong kamay sa mukha nito. Napatingala ito at nauntog sa dingding ng karwahe.“Argh! Bwiset kang babae ka!” Galit nitong binunot ang patalim sa baywang, pero mabilis niyang sinapak ang lalaki at sinipa palabas ng karwahe. Nasira ang pintuan at tuluyan itong nahulog. Hinawakan siya ng natitirang lalaki sa loob ng karwahe, pero pinilipit niya ang braso nito.“Aray! Bitiwan mo ako!” sigaw nito.Naramdaman ni Gaia ang bahagyang pagtigil ng karwahe.“Ano’ng nangyayari dito?” bungad na tanong ng isang lalaki na sumilip sa nasirang pinto ng karwahe.Hinila ni Gaia ang hawak na lalaki
Last Updated: 2025-04-16
Chapter: Chapter Thirty-sixBinaybay ni Aurus at Trey ang daan na tinahak ng grupong kumuha kay Gaia. Ayon kay Trey, isa ang grupong iyon sa sumugod sa dooms gate na gustong pumatay kay Gaia. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga kahit alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Nag-aalala siya na baka hindi pa bumabalik sa dati ang lakas nito pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam niyang hindi nagpapakita ng kahinaan si Gaia, pero nararamdaman niyang may epekto rito ang pagtatalik nila kagabi. Napansin niya iyon nang lumabas ito sa silid kaninang umaga. May panginginig ang mga binti nito, pero kaagad nitong naitago iyon. Wala naman siyang ideya sa plano nito kung bakit nagkusa itong sumama sa grupo ng Lunos.“Kuya Aurus, bakit po tayo iniwan ni Ina?” inosenteng tanong ni Brie.Marahang lumalakad ang sinasakyan nilang kabayo dahil sa makipot na daan. Medyo madulas din iyon dahil sa pag-ulan kagabi.“Hindi niya tayo iniwan, Brie. May
Last Updated: 2025-04-15

The HUNTRESS
[Action-romance story]
For over 20 years, Eiress never experienced having a family. All her childhood days were spent in training. She mastered all forms of combat and became a huntress, hunting people for her father's own benefit. She was dissatisfied and wanted to leave, but an unexpected event occurred during her last mission. A mysterious man tricked her into drinking a medicine that increased her lust and prevented her from completing her task. That night, she unintentionally grabbed someone to help her cope with the pill’s effects, but it was the same man. She was claimed by that man and became pregnant. A day had passed, and a good chance presented itself to her. She finally escaped her previous life and left everything behind.
Eiress lived a normal life and got to be a different person. Happiness and peaceful life is all that she needs. She had never felt such a strong feeling as she did when she became a mother, but danger was always after her. She’s willing to do everything to protect her child, even if it means turning back into her old life.
How is she going to manage raising a child while fighting a threat? What if her path crosses with that man again, will the man support her or take advantage of her? Let’s figure it out.
Read
Chapter: Final ChapterPagkatapos ng madugong laban, nagtungo si Eiress sa kanilang mansiyon sa Polican. Walang nagbago sa mansiyon mula sa kung ano ang itsura nito na natatandaan niya noong bata pa lang siya. Kasama niya sina Tandang Kaziro at Lord Scion. Naiwan naman si Trigger kasama si William at si Red ay umalis na rin nang matapos ang laban. Hinayaan na lang niya si Red dahil malaki rin ang nagawa nitong tulong sa laban kanina. Utang na loob din niya ang pagliligtas nito kay Liam kahit isa ito sa inutusan ni Luciano para ipahamak ang pamilya niya sa Chipan.“Your eye color is different from before,” saad ni Lord Scion habang papasok sila sa mansiyon. Magkahawak sila ng mga kamay at may mga bahid pa ng dugo sa katawan nila mula sa nagdaang laban.“Yeah. This is my original eye color.”“I have a vivid memory about a young girl with blue eyes. I don’t remember exactly what happened before, but I love her eyes.”“Do you think, it’s me?” tanong niya kay Scion.“I don’t know. Maybe yes, if we met at a very
Last Updated: 2024-05-07
Chapter: Chapter 84Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi
Last Updated: 2024-05-07
Chapter: Chapter 83Abala sa pakikipaglaban si Eiress nang palibutan siya ng mga kalaban. Nahati ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa mga tauhan ng Nesselio. Hindi pa tuluyang nakapapasok sa bayan ang mga ito. Ilan pa lang sa kampo ng Nesselio ang nakita niyang nakikipaglaban at ang karamihan sa mga iyon ay nagbabantay sa malaking gate sa bungad ng bayan.“Oh, sh*t!” saad ni Eiress nang tamaan siya ng sipa mula sa kalaban. Tumalsik siya sa isa pang kalaban at inambahan siya ng baril. Mabilis naman niyang inagaw ang baril ng lalaki at pinutok sa kasama nito. Alam niyang nag-aalangan ang mga itong paputukan siya dahil sa kanilang distansiya. Nakapalibot sa kaniya ang mga kalaban at sa simpleng pag-iwas niya ay tatama ang bala sa kasama ng mga ito.“You can’t kill me, idiots!”Inagaw niya ang baril ng lalaki at sunod-sunod niya itong hinampas hanggang bumagsak ito. Ginamit naman niya ang baril sa mga kalaban. Sunod-sunod siyang nagpaputok, ngunit agad naubos ang bala ng hawak niyang baril.“Patayin niyo
Last Updated: 2024-05-07
Chapter: Chapter 82Pawang mga tahimik ang grupo ni Eiress sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papasok sa bayan ng Canixer. Alerto ang bawat isa dahil sa mabilis nilang pagpasok na wala man lang sagabal. Tahimik din sa bayan at mabibilang sa daliri ang mga tao sa kalye.“Tulad ng inaasahan sa kapatid ko, hahayaan niya tayong pumasok sa teritoryo niya para ikulong dito. Inaasahan mo rin ba ito, Marchesa?”“Yes. Any moment from now, enemies will be scattered around us,” sagot ni Eiress.“Wala na rin silbi ang isang ’to sa atin. Bakit hindi mo pa siya patayin?” muling reklamo ni Trigger kay Eiress patukoy kay Red.“May silbi pa rin ako sa inyo, Trigger Wilt. Ibang lugar ang sadya ni Eiress sa loob ng Canixer at doon niya ako kailangan. Tama ba ako, Eiress?”Hindi naman sumagot si Eiress. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa paligid ng sasakyan. Wala na siyang nakikitang tao sa dinadaanan nila.“Itigil mo ang sasakyan,” utos ni Eiress kay Trigger.Walang pagdadalawang isip na sumunod si Trigger.
Last Updated: 2024-05-07
Chapter: Chapter 81Sa mansiyon ng mga Nesselio ay sabay-sabay at tahimik na kumakain ng agahan si Isabella kasama ang mag-asawang Carolina at Arturion. Hindi pa rin sanay si Isabella sa buhay ng pagiging Nesselio, pero kailangan niyang tiisin iyon para sa plano nila ng daddy niya.“Am I late with your breakfast?”Namilog ang mga mata ni Isabella nang marinig ang boses ni Cario.“Cario! Why are you here?” bulalas niyang tanong nang makita ang lalaki sa pintuan ng dining room. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Akala niya ay matatagalan si Cario sa bayan ng Boran.“Where should I go, except to my home?”Peke namang ngumiti si Isabella. “Ahm… I’m just surprised. I thought you’d stay in Boran for some weeks,” palusot niya.Hindi pinahalata ni Isabella ang pagtutol sa itsura niya dahil sa pagdating ni Cario. Hindi pa siya nakahahanap ng tiyempo para gawin ang plano niya sa mga Nesselio, at malaking sagabal si Cario sa gagawin niya. Alam niyang malakas at matalino si Cario, kaya kailangan niyang doblehi
Last Updated: 2024-05-07
Chapter: Chapter 80Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi
Last Updated: 2024-05-07