Home / Other / The Heartless Detective (Series 2) / Heartless Two: Crowned Princess No More

Share

Heartless Two: Crowned Princess No More

Author: LichtAyuzawa
last update Last Updated: 2024-04-25 00:01:11

Elena point of view

Tatlong minuto pagkatapos lumabas ng amo niya ay parang may sariling isip ang mga paa niya na sumunod dito palabas ng bahay.

Pinagmamasdan niya ang matipuno nitong likod habang naglalakad ng bigla itong tumigil sa paglalakad at hinarap siya. Parang nilamukos na papel ang noo nito dahil sa pagkakakunot.

"May kailangan ka ba?" Nagtatakang tanong nito.

Napatigil siya sa paglalakad at napaiwas ng tingin dito dahil sa pagkapahiya. "A-Ah, a-ano," hindi matapos nasambit niya. Halos batukan niya ang sarili niya dahil sa pagbubuhol-buhol ng dila niya.

Nakarinig siya ng malakas na pagbuntong hininga at mahihinang mga yabag palapit sa kinaroroonan niya.

"May kailangan ka ba?" Pag-uulit nito nung tuluyan na itong nakalapit sa kaniya.

Nalanghap niya kaagad ang halimuyak ng mint flavor nitong toothpaste, mas lalo niyang iniwas ang tingin niya dito dahil ramdam niya ang tingin na pinupukol nito sa kaniya -nanunuri at ginagalugad ang bawat parte ng pagkatao niya.

"Tch!" Pagpalatak nito.

Kasunod ng pagpalatak nito ay nahigit niya ang paghinga niya dahil may humawak na kamay sa baba niya at sapilitan siyang ipinatingin.

Inilapit nito ang mukha sa kaniya dahilan para mapaatras siya pero dahil sa hawak nito ang baba niya ay mabilis din nitong nailalapit sa mukha nito ang mukha niya sa tuwing tatangkain niyang lumayo.

"Tinatanong kita kung may kailangan ka ba at bakit mo ako sinusundan?" Ma-otoridad na tanong nito, pero naroon pa rin ang lambing.

Lambing? Tanong ng isip niya. NO WAY! Mabilis na bwelta din niya.

Napatitig siya dito at ramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya dahil halos isang pulgada nalang ang pagitan ng mga mukha nila.

Natatawa nitong pinagmasdan siya at ang nag-iinit niyang mukha.

Siguradong pulado na ang mukha niya ngayon. Lihim na komento niya.

"Are you in love with me?" Bigla ay tanong nito.

She was caught of guard dahil sa direct to the point nitong pagtatanong.

Bigla niya tuloy naalala yung parents niya na laging direct to the point din.

Peke siyang umubo para itago dito na natigilan siya sa naging tanong nito.

"H-Hindi kita gusto sir," diretsong sagot niya pero hindi niya ikakaila na muntik na siyang mautal.

"Really?" Nakangising tanong nito pero bakas ang disappointment sa boses nito.

Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba ang narinig na disappointment sa boses nito or talagang dismayado ito dahil sinabi niya na wala siyang nararamdaman para rito?

Pinilig niya ang ulo niya para i-clear ang laman ng utak niya.

"Aalis na ako at tanghali na, make sure na wala kang papapasukin ni isa man ng hindi ko alam!" Paalala nito na balik ulit sa matalim na boses.

Tanging tango lang ang naging tugon niya sa bilin nito.

Hinintay niya lang na tuluyan ng makalabas ng gate ang amo bago niya kinandado ang gate para makabalik sa loob ng bahay at makapag simula ng magtrabaho.

Pagdating niya sa loob ay sinimulan na niya ang isang dekada na niyang ginagawa -ang maglinis ng bahay.

Una niyang ginawa ay magpunas ng mga kasangkapan na hindi naman ganon kadami tanging isang flat screen telivision at isang drawer na punong-puno ng libro lang ang mayroon dito.

Napatigil siya sa pagpupunas para igala ang mga mata niya sa buong sala.

Ang bahay ng amo niya ay masyadong malaki para sa isang tao considering na walang mga appliances kaya naman ang ambiance nito ay para lamang itong isang abandonadong museum.

Napabuntong hininga siya at nagdesisyon na muli ng ipagpatuloy ang paglilinis pero maya-maya lang ay may kung anong parang tali ang humihila sa kaniya na hawakan ang mga libro.

Dadamputin na sana niya ang libro ng bigla niyang nakita ang mukha ni Cris.

Nanlalaki ang mga mata na napaatras siya.

Sh*t minumulto ba ako!?

Napagtanto niya ang sinabi niya pagkatapos niyang maalala na buhay pa ang amo niya.

Nilampasan niya ang shelve para makaiwas sa problema pero maya-maya lang ay napatigil siya sa paglayo at dahan-dahan na umatras.

"Pahiram muna ako ha," pagpaalam niya sa isang libro na may pabalat na imahe ng tao at nakatingin sa kaniya.

Dumampot siya ng isang libro, pero;

Napasinghap siya dahil sa gulat nung biglang tumunog ng malakas ang landline phone. Muntik pang malaglag ang limited edition na libro na mabilis niyang dinaib para hindi tuluyang malaglag sa sahig.

Malakas ang kabog ng dibdib niya habang tinititigan ang book kung walang damage -so far wala naman.

(KRINGGGGGG.....)

Napatalon siya at mas lalo siyang nanginig sa takot dahil tumutunog pa rin ang telephone.

Hindi pa man niya nakikita kung sino ang tumatawag ay may hinala na siya kaagad kung sino ito.

Naglakad siya palapit sa landline nila na patuloy lang sa pagtunog. Wala siyang cellphone dahil kasama iyon sa mga inalis ng parents niya noong tinanggalan siya ng mga ito ng korona.

Pagdating niya sa landline ay inangat niya ang telephone at itinapat sa tainga niya.

"Binabayaran kita para maglinis hindi para hawakan ang mga libro ko. Kapag may naging dents sa mga iyan ay ihanda mo ang sarili mo dahil sisiguraduhin ko na mapaparusahan ka." Banta nito at binagsakan siya ng tawag.

Namutla siya at tuluyan ng nawalan ng gana na maglinis ng bahay.

Hindi mawala sa isip niya kung paano nalaman ng amo niya na hinawakan niya ang mga libro nito.

"Is he a freak?" Tanong niya sa sarili. Maging siya kasi ay nagtataka.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heartless Detective (Series 2)   Heartless 121

    Cris point of view Mas binilisan niya ang pagtakbo papunta sa kotse pero sakto sa pagdating niya ay siyang pag-andar natigilan siya at pansamantalang natulala pero ilang segundo lang ay nakabawi siya at mabilis na humabol sa sasakyan, pero huli na siya at ang tanging nagawa nalang niya ay ang siguraduhin na nakuha niya ang plate at ibang details sa sasakyan. Ilang minuto niyang pinagmasdan ang sasakyan na naglaho na ng tuluyan sa paningin niya bago siya bumalik sa hotel room niya para i-track ang sasakyan ni Ronamyr. "Do you gathered evidence?" Napatingin siya kay Samuel mula sa pagkakatingin niya sa laptop niya. Saka lang niya naalala na ilang araw na pala ang nakalipas mula nung kidnapin ni Ronamyr si Elena. "You've been up for three days bro. And you didn't even touched your food!" Bulalas nito. Napatingin siya sa pagkain na nasa harapan niya and true enough wala itong kabawas-bawas. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "I don't know how to eat in this type of

  • The Heartless Detective (Series 2)   Heartless 120

    Elena point of view She felt stupid for falling in love instantly, and now karma hits her. She fell in love to a criminal and worst is, she gave herself to him many times. Binilisan niya ang pagtakbo palayo sa lugar na iyon, palayo kay Cris na walang ibang iniisip kung hindi ang katangahan na nagawa niya. All her life na kasama niya si Cris ay hindi siya naghinala na may madilim itong nakaraan. And now she can't even look at him in the eye without thinking the innocent life he took. Pagdating niya sa labas ng hotel ay hindi niya alam ang gagawin. Luminga-linga siya sa kaliwa at kanan niya para maghanap ng matatanungan and then it hits her. "You are so idiot Elena! You are a PhD Holder and you can't even find a cab!?" Singhal niya sa sarili. Naglakad siya palayo hanggang sa nakakita siya ng kotse na may sign na taxi sa itaas. Kaagad siyang nabuhayan ng loob at mabilis na tumakbo patungo doon. "I need to go to the airport!" May pagmamadaling aniya at siya na ang nagbukas n

  • The Heartless Detective (Series 2)   Heartless 119

    Cris point of view "Ikaw na muna ang bahala sa Lolo at Lola ko," aniya sa kaibigan niya. Naghintay siya ng ilang minuto pero ramdam niya na parang may mali kaya naman pinatay niya kaagad ang tawag bago pa makapag-react si Samuel. Pagkapatay niya ng tawag ay nakarinig siya ng hagikgik dahilan para mabilis siyang mapatingin doon. "What?" Tanong niya kay Elena na malaki ang pagkakangisi sa kaniya. Umiling ito pero hindi nawala ang ngisi na nakapaskil. Pinagtaasan niya ito ng kilay at hindi niya tinantanan ng tingin sa huli ay malambing na yumakap ito sa kaniya. "What?" Tanong niyang muli dito. Umiling ito at mas hinigpitan ang yakap sa kaniya. "I am just happy kasi akala ko ay matitiis mo talaga ang mga Lola mo." Sambit nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Much as I hate that they lie to me, hindi pa rin sila mawala sa isipan ko." Sambit niya. "Thank god at hindi nawala ang lalaking minahal ko ng totoo. I was scared that you have change, because of

  • The Heartless Detective (Series 2)   Heartless 118

    Samuel point of view "Hanggang kailan mo planong guluhin ang buhay ng kaibigan ko!?" Hindi niya maitago ang galit na nararamdaman niya. Pero ang babae na kaharap niya ay parang walang kahit anong nararamdaman dahil sa pag-ngiti nito. "I don't understand you," simpleng tugon nito. Umigting ang panga niya at padarag na binitawan niya ito. "Stop messing up my friends life or I will put you in jail for your remaining life!" Pagbabanta niya bago niya ito tinalikuran pero hindi pa siya nakakalayo nung bigla itong magsalita. "You don't know who you are dealing with." Napatigil siya sa paglalakad pero hindi siya tumingin dito. "I know exactly who I'm dealing with," maikling tugon niya at saka siya nagpatuloy sa pag-alis. "He messed my life first." Malinaw niyang narinig ang mga salitang binitawan nito bago siya tuluyang nakalayo dito pero mas pinilit nalang niya na huwag na itong pansinin dahil alam niya na useless lang kapag pinatulan pa niya ito. Pagkaalis niya kung saan

  • The Heartless Detective (Series 2)   Heartless 117

    Samuel point of view "Darlinggg!" Gusto niyang maawa at the same time ay mapangiwi dahil sa nakikita niyang pagpalahaw ng Lola ni Cris habang mahigpit na nakayakap sa asawa nito. "Tumahan ka darling at nakakahiya sa kaibigan ng apo natin!" Pagalit ng Lolo ni Cris pero kahit galit ang tono ng boses nito ay ramdam pa rin niya ang awa doon para sa minamahal na tumatangis. Hindi niya maiwasan ang mainis sa kaibigan nagagawa nitong tiisin ang sariling Lola. Pero naiintindihan naman din niya ang kaibigan dahil valid ang reason nito para magdamdam. "Susubukan ko po ulit na tawagan si Cris." Nahiwalay sa pagyayakapan ang dalawa para tignan siya. Bakas ang labis na pasasalamat sa mukha ng mga ito. "Salamat iho." Umiling siya. "This is the only thing that I can do to help you but I can't promise you na magbabago ang isip ni Cris. I don't know kung ano ang dahilan ninyo sa pagsisinungaling niyo pero hindi ninyo pwedeng i-invalidate ang nararamdaman ni Cris. Pasensya na po pero ka

  • The Heartless Detective (Series 2)   Heartless 116

    Cris point of view "Do you have a plan? You know, for a starter?" Napatigil siya sa pagtipa sa laptop na dala niya para tignan si Elena. Tahimik itong naghihintay ng isasagot niya. Nag-isip siya sandali ng isasagot sa tanong nito pero wala siyang maisip kaya naman nagkibit-balikat siya at muling bumalik sa pagtipa. "Then how are you gonna find answer to your question?" Tanong nitong muli. Napabuntong hininga siya kasabay ng paghinto sa pagtipa dahil wala pa siyang matinong maisasagot sa tanong nito. "I don't know yet, but eventually I will find the answer that I am looking for," siguradong sagot niya at saka siya muling nagpatuloy sa pagtipa. Namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Hindi niya maiwasan ang pagtakhan ang pananahimik ng girlfriend niya kaya naman tinapunan niya ito ng tingin at doon niya lang nalaman na natutulog na ito. Natawa siya. "Tulugan daw ba ako eh," komento niya habang naiiling.Mabilis na tinapos niya a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status