KENT POV
Nagtungo akong hospital pagkatapos ko sa cafeteria. Akala ko ok na, akala ko hindi na mangyayari ang ganitong eksena pero nagkamali ako. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko kanina ng makita ko si Charlotte na nasa ganung posisyon. Matagal na kaming magkakakilala at nasasaktan kami kapag nakikita naming nasasaktan sila.Nakarating akong hospital at mabilis na hinanap sila.“Ms. alam mo kung saan banda si Charlotte Valle?” tanong ko sa kadadaan na nurse.“Pakitanong na lang po dun sir.” Turo niya sa isang front desk.“Salamat.” Saad ko saka nagtungo dun.“Nurse, Charlotte Valle po.” Anas ko, tiningnan niya naman ang kaharap niyang computer.“Nasa emergency room pa po Sir.” Hindi na ako umimik at nagtungo na akong emergency room, naabutan ko naman silang lahat dun na hindi mapakali sa paghihintay.“Si Ellise ang nakahampas kay Charlotte.” Singit na ni Jamin. Gulat akong napalingon sa kaniya at ganun na rin si Chase pero parang wala lang kay Kendrick at Gavin. Bakit nga ba hindi na muna kami nagtanong bago namin siya pinagbintangan. Ako pa ang naunang nagpahiya sa kaniya at kung ano ano ang sinabi.“Masaya na kayo? Masaya na kayo dahil nasaktan niyo na si Ash? Akala ko matatalino kayo pero katulad din pala kayo ng iba na masyadong mapanghusga.” Tumalikod sa amin si Sophia.“Sophie.” Tawag sa kaniya ni Kendrick pero wala itong pinakinggan at dirediretsong umalis.“Sa tingin ko deserve ni Ash ng isang masinsing sorry.” Huling saad ni Freya bago sumunod kay Sophia ganun na rin si Jamin. Namutawi ang katahimikan sa aming apat dahil sa nalaman, gusto kong sabunutan yung sarili ko dahil sa inis.Ang dami kong nabitawang salita simula nung nasa cafeteria pa lang kami hang
KENT POVLumabas na kami sa Dean’s office at hindi mawala ang paningin ko kay baduy girl dahil panay lang ang titig niya kay Ellise na wari mo’y pinag-aaralan ang bawat kilos nito. Ipinagtataka ko rin ang bahagyang pagkagulat ni Lolo kanina ng makita siya, pareho ng pagkagulat din ni Daddy. Pakiramdam ko kilala nila si baduy girl, sino ka ba talaga?Parepareho kaming tahimik, mabilis na nag-iba ng direksyon si Ellise na siyang hindi na rin namin pinansin.“Ash.” Sabay sabay naming tawag sa pangalan niya ng akma na sana itong aalis. Nagtinginan lang kaming apat saka ibinaling uli kay baduy girl. Nilingon niya kami at tumingin ng nagtatanong, bumuntong hininga ako bago nagsalita.“I’m sorry, I didn’t know. I know it’s my fault hindi ako nagtatanong bago sumugod.” Sinsero kong hinging tawad sa kaniya. Wala namang nagbago sa reaksyon niya at nanatili lang itong blan
“Pasensya ka na talaga.” Ngumiti ako at tumayo.“Mauna na ako sayo.”“Salamat sa oras mo Ash.” Nginitian ko na lang siya at tumalikod na. Kaya naman pala akong tawagin sa pangalan ko may pabaduy baduy girl pa siya, tsss. Nakarating ako ng motor ko at pinaandar na iyun para makauwi.“Kamusta ang pag-uusap niyo?” umupo ako sa sofa at isinandal ang batok ko dun.“Maayos naman.” Umupo naman si Aira sa harap ko at tinitigan ako.“Friend na kayo?” napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Nag-usap lang kami pero hindi ibig sabihin nun ay magkaibigan na kami.“Hindi, walang dahilan para maging magkaibigan kami.” saad ko.“Yung Dean natin.” Biglang saad niya kaya umayos ako ng upo at seryoso ang mukha niya.“What about him?” kumunot ang noo niya na tila may inaalala.
ASH POVNakarating kami ng room namin at nandun na yung tatlo.“Galing kayo kay Charlotte?” tanong ni Sophia na ikinatango ko dahil mas nauuna akong maglakad kay Aira. Umupo na ako sa upuan ko.“Kamusta siya?” Si Freya naman.“Ok naman na siya, kagigising lang din kanina.” Si Aira ang sumagot. Nakahinga naman sila ng maluwag sa narinig.“Salamat naman kung ganun.” Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng maalala ko si Ellise.“Anong balita kay Ellise?” tanong ko ng hindi lumilingon sa kanila.“Ang balita ko suspended lang siya ng isang linggo, may sinabi ang parents niya kay Dean na naging valid ng reasons niya kaya yun lang ang parusang natanggap niya.” valid reasons? Ano naman sana ang magiging valid reasons niya sa paghampas ng tubo sa kaestudyante niya?“Alam niyo ba kung ano?” ibina
“Anong kailangan niyo?” natatakot na tanong ni Kendrick habang umaatras.“Pasensya na mga boss trabaho lang.” Nakangising saad ng nasa gitna. Hindi namin kakayanin ang lahat ng mga ito. Nasaan ba ang guard at nakapasok ang mga hampas lupa na ito?“Sinong nag-utos sa inyo nito?” matigas na tanong ni Gavin. Nilingon ko si Kendrick na pinuntahan si Chase na nasa sahig pa rin.“Hindi niyo na kailangang malaman pa.” habang hinahampas pa niya sa palad niya ang isang baseball bat. Kung hindi ako nagkakamali ay mga gangster sila. “Sige bugbugin ang mga iyan.” Utos niya sa mga kasama. Kaniya kaniyang lapit naman ang mga bata nito sa amin. Hindi naman kami pwedeng umatras dahil hindi namin kasama si Chase, hindi namin siya pwedeng iwan.“Anong plano natin?” tanong ko kay Gavin dahil siya ang malapit sa akin.“Wala tayong cho
“Ayos lang ba kayo?” inalalayan niya akong tumayo. Gusto kong magtanong, gusto kong matakot pero parang wala akong boses para magsalita. Ano ka ba talaga? Bakit ganun na lang sila matakot sayo kahit na kayang kaya ka naman nilang patumbahin ano mang oras. Ang daming gumugulo sa isip ko, bakit kapag binubuyo ko siya o nasasaktan na hindi ka lumalaban. Hindi mo ako pinapansin, gumaganti ka pero kung anong nagawa ko sayo yun din ang ibabalik mo, pero bakit ganun? Bakit kung sumuntok ka para bang bihasang bihasa ka.“Hoy okay ka lang ba?” pitik niya sa mismong harapan ko na siyang nakapagpabalik sa akin sa realidad. Kunot noo ko siyang tinitigan, hawak hawak niya ang braso ko habang nakatingin sa pwesto nila Gavin at Kendrick na itinatayo si Chase. “Let’s go to the hospital.” Anas niya. Iniakbay niya ang kamay ko sa balikat niya at inilalayang maglakad patungong kotse ko. Hindi ako makapagsalita, tulala lang akong nakatitig sa kaniy
“Sinabi na ngang ibalik mo na lang bukas eh.” Bakas na ang inis sa tinig ko. Salitan naman ang mga mata ni Gavin na tumingin sa amin.“May motor nga ako sabi.”“Edi sakyan mo na yang kotse ko hanggang ACIS saka mo iwan dun. Ano ok ka na? Mag-iinarte pa?” halos tumaas na rin ang boses ko. Napangisi siya at ngumiti na siyang ikinaiwas ko ng tingin. Kailangan pa bang ngumiti kapag napahiraman? Tsh!“Sige balik ko sayo bukas susi.” Papayag din naman pala pahirapan pa. Isinarado ko na ang kurtina pero nanatili akong nakaupo at pinapakiramdaman silang dalawa ni Gavin.“Hayaan mo na mainit lang ang ulo.” Rinig ko pang saad ni Gavin.“Ok lang lagi naman mainit ang ulo eh.” Anas niya na may kasamang pagbungisngis.“Hatid na kita sa labas.” Huling mga salitang narinig ko bago ko sila narinig na umalis.“Yieeee nag-
GAVIN POVNandito pa rin kami sa hospital dahil hindi pa nagigising si Chase habang si Kent naman ay pinapainom pa ng mga pain killer na gamot. Pareho kaming nakayuko ngayon ni Kendrick dahil nandito na ang mga magulang namin. Hindi pa napapagalitan yung dalawa dahil si kent, gagong yun nagtutulog-tulugan.“Ano bang mga balak niyo sa buhay niyo at nasasangkot na kayo sa mga ganiyang gulo?!” sigaw ni Mommy. Hawak hawak niya ang sintido niya dahil sa galit habang pabalik balik ang lakad niya.“Mom hindi namin alam, wala kaming pinasok na gulo. Look nasa loob kami ng school ng mangyari ang insidente. Hindi nga namin sila kilala eh.” Nakikiusap ko ng saad. Galit sila pero bakas pa rin ang mga pag-aalala sa mga mukha nila.“Bakit nasaan ang guard? Ang sabi niyo may dala silang mga baseball bat, ni hindi man lang ba niya yun narinig. Lalo na ang mga sigawan niyo dun.” Seryosong tanong