“Tsss.” Nilampasan ko na lang siya.
“Ash bakit ganiyan ang suot mo?” sunod niyang tanong habang nakasunod sa akin. “Damit pa rin naman to. Huwag kang OA.” Umupo na ako sa upuan ko at sinimulan ng kumain. “Alam ko pero bakit ganiyan?” sinamaan ko siya ng tingin at nanahimik na rin. Ang dami daming tanong. Ano naman problema sa suot ko? Isang loose shirt at pantalon lang naman. Masyadong mga OA. Langya yan. Kung makareact kala mo naman kulang sa tela ang isinuot ko. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang bag at susi ko saka lumabas ng bahay namin at nagtungong garahe.Pinainit ko muna ang makina ng sasakyan ko. Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin si Aira at ginawa niya rin ang ginawa sa sasakyan ko.
“Sigurado ka ba talaga dito?” kunot noo niyang tanong.
“Hmm.” “Oh sige. Mag-iingat ka.” “Ikaw ang mag-ingat.” Sumakay na ako sa motor ko at tinakbo papuntang ACIS, AC International School. “Hoy magdahan dahan ka naman. Akala mo lagi kang hinahabol.” Sigaw sa akin ni Aira na nasa likod ko. Hindi ko siya pinansin at ilang minuto lamang ay narating ko na ang ACIS. Ipinarada ko na dun ang motor ko at maya maya pa’y nakasunod na rin si Aira. Pinanuod ko na lang siyang nagparada ng motor niya saka humarap sa akin at inilibot ang paningin. “Grabe di ko akalaing ganito pala ito kalaki. Excited na tuloy ako.” halata naman sa mukha niya. Naglakad na ako at pumasok sa loob ng school na ito. Malawak nga talaga siya. Ilang hektarya kaya ang field ng school nato? Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Hindi ako nagpunta dito para alamin ang lawak ng school na ito. Nagtungo na lamang kami ni Aira sa locker at inilapag dun ang mga gamit namin saka kinuha ang mga schedules. “Mabuti na lang pala sa iisang course at schedule tayo nilagay ni Vance no? Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko.” Rinig kong saad ni Aira habang tinititigan ang hawak niyang schedule niya which is same with mine. Paalis na sana ako ng locker namin ng marinig ko ang sunod sunod at na sigawan at takbuhan ng mga ilang estudyanteng nandito sa locker. “WAAAAHHHH ANG GWAPO GWAPO NILA.”“ANG CUTE MO GAVIN.”“ANG GWAPO GWAPO TALAGA NI KENT”“GRABE AMOY KO HANGGANG DITO ANG PABANGO NI CHASE.”“KUNG NAKAKAMATAY LANG ANG NGITI NI KENDRICK BAKA PINAGLALAMAYAN NA TAYO NGAYON”“WAAAHHH I LOVE YOU KENT.” Uso pa rin pala hanggang college ang tilian ng mga babae at mga heartrob kuno? Tsss sayang ang perang pinapaaral sa inyo ng mga magulang niyo kung puro landi lang ang ginagawa niyo sa school. Naglakad na ako palayo sa locker ko at nakasunod naman si Aira. Siguro nasa labas ang mga pinagsisigawan nila dahil hindi ko naman sila makita kahit saang sulok ng locker na ‘to. Paliko na sana ako at dun ang daan palabas ng locker ng mapataas ang kilay ko ng may madapa sa harap ko or should I say napatid? Tiningnan ko siya at para siyang palakang nakabukaka. Kalalaking tao napakalampa tsss. Inilibot ko ang paningin ko at maraming estudyante ang nakatingin sa gawi namin. May tatlong lalaki rin na nasa harapan ko ngayon. “Anong ginagawa niya?”“Kung ako sa kaniya tutulungan ko na si Kent tumayo.”“Ano ba kasing nangyari? Bakit siya nadapa?”Kaniya kaniya nilang mga bulungan. Ibinalik ko ang paningin ko sa lalaking ito na hindi pa rin tumatayo. Problema nito at di pa tumayo? Tiningnan ko ang apat at tinaasan ng kanan kong kilay. “Padaan ako.” walang emosyon kong saad sa tatlo dahil nakadapa itong isa habang sila ay nakaharang sa daraanan ko. “Oh My God. Ano bang problema niya?”“She must be crazy.”“No, she’s weird.”“I think bago lang siya. Look at her shirt so baduy. Ew.” “Tsss.” Hinawi ko na lang ang dalawang lalaking magkatabi saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Kaniya kaniyang lihis din ang mga kababaihang nakaharang sa daraanan ko. Ramdam ko ang matatalim nilang mga mata habang nakamasid sa akin pero pinagsawalang bahala ko na lang iyun. Hindi pa ako nakakalayo sa paglalakad ng tamaan ako ng kung ano sa ulo ko. “Oh My God Ash. Are you okay?” kunot noo akong humarap sa likod ko para tingnan ang pangahas na bumato sa akin. Tiningnan ko pa ang isang sapatos na tumama sa ulo ko. “Ano bang problema mo?!” kinunotan ko siya ng noo. Pinagsasabi nito?“Akala mo kung sino kang siga dito ah?!” blangko ko siyang tiningnan. Usok na lang kulang sayo para magmukha kang toro. “Hindi mo ba kami kilala ha?! kung lampasan mo ako parang hindi ako Luxurious ah?!” tumatagilid ang ulo ko kaliwa’t kanan dahil hindi ko maintindihan ang kinakagalit ng taong ‘to.“Pipi ka ba? Bakit hindi ka magsalita?! Ang yabang mo!” bakla ba ang lalaking ‘to at kung makadaldal at makasigaw ay dinaig pa ang babae. “Ano bang pinagsasasabi mo?” “Ha!” iniwas niya sa akin ang paningin niya at ibinalik din agad ng kunot na kunot na ang noo niya. “Kung ibang babae yun baka nagkandaugaga na siya para tulungan ako.”“Aahh.” Tatango tango ko pang saad. “So ikaw yung mukhang palakang nakadapa dun?” sabay nguso ko sa likod niya. Narinig ko pa ang bungisngis ng ilan. “What?.” Hindi makapaniwala niyang saad. Tss sinasayang niya oras ko. Tinalikuran ko na siya pero nakakailang hakbang pa lang ako ng batukan ako. Napakuyom na lang ako sa kamao ko at bumuntong hininga. Hindi ka nagpunta dito para sa gulo. Hinarap ko siya ng mas blangko ang mukha ko. KENT CHESTER POV Naiinis ako sa pagmumukha ng babaeng ‘to. Luxurious na ‘to dinaanan niya lang? Ha! I can’t believe it! Ngayon lang ako nakaengkwentro ng babaeng katulad niya. Blangko ang mukha niya at walang kahit na anong makikitang emosyon dun. Kung makatingin akala mo’y wala kang kwentang bagay. Kung sino ba namang gago ang nampatid sa akin at madapa ako sa mismong harapan ng babaeng ‘to. Napahiya ako dun ng sobra. “Gago ka?” blangkong saad niya nanaman. Napakalalim ng mga mata niya at para kang hinihigop nun kapag tinitigan mo siya. “OMG”“Sino ba siya para gawin yan?”“She’s creepy.”Nagulat na lang ako ng batukan niya ako!“Miss that’t enough.” Awat samin ni Gavin. Tiningnan niya si Gavin at tumatagilid pa ang ulo niya animo’y pinag-aaralan ang mukha nito.“Nakailan sa akin ang kaibigan mo tapos ako na iisa pa lang inaawat mo?” hinawakan ko ang kwelyo niya sa sobrang inis. Napakayabang niya!“Ash.” Rinig kong nag-aalala ng babaeng kasama niya. Tiningnan niya ako sa mga mata ko at nilabanan ko ang mga iyun. “Huwag kang sisiga siga dito! Nandito ka sa teritoryo ko! Hindi mo ba talaga ako nakikilala?” “Required ba na makilala ka muna bago pumasok dito?”“Ha! ha.” halos hindi makapaniwalang saad ko sa kaniya at matalim siyang tiningnan. Itinulak ko siya dahilan para tumama siya sa pader. Mas lalo akong nainis ng parang hindi man lang ito nakaramdam ng sakit! Sinugod ko nanaman siya at hinawakan sa kwelyo. “Ano ba Kent that’t enough. Babae yang inaaway mo ano ka ba!”“Huwag kang sumali dito Gavin!” sigaw ko sa kaibigan kong sobrang bait sa mga nabubully ko. Ibinalik ko sa bwisit na babaeng ito ang paningin ko. “Bakit mo ako binatukan?!” “Eh kung ikaw kaya ang tanungin ko? Bakit mo ako binato ng sapatos, binatukan at itulak? Binatukan lang kita pero ikaw na maraming beses na ginawa sa akin para ka ng torong nag-uusok ang ilong sa galit.” “Kent Chester ano ka ba!!” hinila ako ni Chase palayo sa babaeng ito. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagpapakabayani nanaman. “Sinabi ko ng huwag kayong mangingialam eh!!” hinila ko sa kaniya ang braso ko at tiningnan nanaman ang walang kwentang babaeng ito na inaayos ang nalukot niyang damit sa bandang leeg. “Let’s go Aira.” Aya niya sa kasama niya pero hinarangan ko ang daraanan niya. “Hindi pa tayo tapos!”“Bakla ka ba?” “What?”“Sabi ko bakla ka ba?”Inulit pa talaga. Tibay!“Sinasabi mo ba yan para halikan kita?” nakangisi kong tanong pero hindi man lang nagbago ang reaksyon niya. “Mapapatay muna kita bago mo mahalikan ang labi ko.” Sunod sunod akong napalunok. Masyadong nakakatakot ang tono ng pananalita niya. Hindi ko siya makitaan ng nagbibiro sa mukha. Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil biglang nag-iba ang tono niya pero nilabanan ko pa rin ang mga titig niya. “At sinong may sabi sayong hahalikan kita?” nagkibit balikat lang siya. “Ewan ko. Sinasayang mo ang oras ko.” Nilampasan niya ako at hahawakan ko sana ang balikat niya pero naging mabilis ang kilos niya at nahawakan niya ang kamay ko saka ako patalikod na binalibag. Napaigtad ako sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ko. “Shet, she’s crazy.”“Ang lakas ng loob niya.”“Lagot siya. Masyado siyang mayabang.”Mga bulungan ng mga estudyante dahil sa ginawa sa akin ng babaeng ito. “Ahh.” Daing ko. “Kent, hey bro. Are you okay?” Si Kendrick.“Miss hindi naman ata tama yung ginawa mo?” Si Gavin. “At sa tingin mo tama ang ginawa niya?” hindi na nakapagsalita ang mga kaibigan ko saka tumalikod ang hambog na ‘to. Hinawakan ko ang balakang ko dahil iyun talaga ang napuruhan ng bumagsak ako sa sahig. Damn it! Humanda ka sakin, gagawin kong impyerno ang buhay mo dito sa ACIS. Magbabayad ka!Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)
“Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na
Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka
“Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman
“Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi