Share

Kabanata 20

Kabanata 20

Hindi na muli nagparamdam si Yohan. Hindi ko na dapat poproblemahin iyon pero hindi ko akalain na iniisip ko hanggang sa pagbalik ko sa trabaho. Kinagat ko ang labi ko at mas lalong nawalan ng gana nang nakita ko na hindi na siya kumakain sa restaurant na ito.

“Okay ka lang?” tanong ni Jane sa akin. “Simula nang bumalik ka, kakaiba ka na. May nangyari ba?”

Umiling ako at saka nagpunas na sa mga lamesa. “Okay lang ako.”

Bumuntonghininga siya. “Alam mo ba na araw-araw si Sir Jude dito? Nagbabaka sakali yata na papasok ka,” aniya. “Mukhang may tama na rin yata si Sir Jude sa iyo. Ang haba ng hair mo.”

Iyon na naman ang problema ko. Kapag nakaharap ko ulit si Sir. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pasekreto akong naghahanap ng ibang trabaho. Kung tatanggihan ko siya, hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya pagkatapos. Mas mabuti nang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jonalyn Tejada
ang ganda..salamat author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status