Fiona Carolina Mendez grew up being the center of attraction. She is the daughter of both politicians and they’ve been very careful with their actions. But when Fiona got pregnant, her parents were disappointed with her and almost despised her. In order for her to save her parents from shame, she left home and hide her child. Four years later, she met Yohan Tanaka, a ruthless playboy and a billionaire who seeks for a hook-up and tried to get in her life without knowing that there would be a twist that could change their lives as they became close to each other.
Lihat lebih banyakSimula
Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ko ang pregnancy test kit. Tumulo ang luha sa aking mata habang tulalang nakatitig dito. I am doomed. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa magulang ko.
“Fiona, are you okay? Tapos ka na ba riyan?” nag-aalalang tanong ni Trixie, ang best friend ko.
Pumikit ako at huminga nang malalim. Pinalis ko ang luha sa aking mata at ibinulsa ko ang test kit. Inayos ko ang buhok ko at saka isinuot ko ang shades upang takpan ang namumula at namumugto kong mata.
Nasa powder room ako ngayon at tulala sa nalaman. Siguro kapag nalaman ito ng magulang ko ay patay ako. Ang mga magulang ko ay isa sa mga nirerespeto ng mg tao sa San Mateo. Senador ang Daddy ko at si Mommy ay congresswoman. Ako lang ang anak nila and they always give anything kung ano ang gusto ko.
Nang lumabas ako sa powder room ko ay nabungaran ko ang kaibigan ko na nag-alala na sa akin. Agad niyang hinawakan ang nanlalamig kong kamay.
“What happened? Bakit ka natagalan? Did you cry? I think I heard your sobs! Gosh!”
Agad akong umiling at pilit na ngumiti sa kanya. “I am fine. Let’s go. I need to go home.”
Lumabi siya. “I thought you were fine? Bago pa tayo rito sa Mall and now you want to go home?”
I sighed. “I’m sorry, Trixie. I know you want to hang out with me but I…I really need to go home.”
Hindi na ako mapakali and all I want is to jail myself at home.
She sighed and nodded. “Okay. We’re just going to hang out next time. Take care, okay?”
I nodded and waved my hands on her. She smiled at me pero hindi ko masuklian iyon. I am always been careful with my actions. May inaalagaan akong pangalan. Hindi ko alam na wala pa lang proteksyon ang lalaking iyon.
I was at fault too. I let myself to that man who I barely know. I was drunk back then at mainit ang katawan. I gave my virginity to a stranger. And now, nabuntis niya ako. Paano ko ito sasabihin sa magulang ko?
Nang nakarating ako, agad akong dumiretso sa kwarto at nagkulong. Sobrang sama ng pakiramdam ko at hindi na maubos-ubos ang luha sa aking mata.
Just why…
Hinaplos ko ang tiyan ko at mas lalo pa akong naiyak dahil hindi ko alam kung paano aalagaan ito. I have dreams. Gusto ko sumali sa mga pageants. I want to make my parents proud of me. Pero paano?
Natigilan ako sa pagmuni-muni nang naramdaman ko na para akong naduduwal. Binitiwan ko ang pregnancy test kit na hawak ko at agad-agad na dumiretso sa loob ng banyo at doon sumuka. Hinawakan ko ang buhok ko at lumuhod sa bowl.
Sunod-sunod na pagsuka ang ginawa ko at halos naubusan na ako ng hininga. Tumayo ako at tinignan ang sarili sa salamin. Napahaplos ako sa aking mapuputla na labi. Tumulo muli ang luha sa aking mata at agad akong naghilamos. Fl-in-ush ko ang sinuka ko sa bowl at saka pinunasan ang kamay.
Nang lumabas ako ay halos tumigil ang mundo ko nang nakita ko si Mommy na hawak-hawak ang pregnancy test kit. Tulala siyang tiningnan iyon. Namilog ang mata ko at nagsimula muling tumulo ang luha ko.
“M-Mom…” My voice trembled.
Nag-angat ng tingin si Mommy sa akin at nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Mas lalo tuloy akong natakot.
“M-Mom…”
“What is this, Fiona?” tanong ni Mommy sabay angat sa hawak niyang pregnancy test kit. “Saan mo ito nakuha?”
Hindi ko maihakbang ang paa ko. Sunod-sunod lang ang pagtulo ng luha ko.
“Sa iyo ba ito?” Mahina siyang humalakhak. “Siguro sa kaibigan mo ito. Hindi mo kami bibiguin, anak…” Umiling siya.
Umiling ako at saka huminga nang malalim. “Mom—”
“Right,Fiona?”
Pumikit ako. “Mom…I’m…I’m…pregnant…”
Nang nagmulat ako ng tingin ay nakaawang na ang labi ni Mommy. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero natatakot ako.
“What?” Naihulog niya ang pregnancy kit. “You can’t be serious, anak. Ang pangarap mo…”
“I know…” Umiyak na ako ng tuluyan. “I’m so sorry Mom, I am so sorry—”
Tumambad na ngayon ay galit na mukha ni Mommy. Mas lalo lang akong natakot.
“Sorry?!” singhal niya. “You are sorry?” Lumapit si Mommy sa akin at agad akong sinampal. Napaupo ako sa sahig dahil sa ginawa niya. “You are letting yourself! Malandi ka! Ano na lang ang sasabihin ng mga sumusuporta sa akin? Sa amin ng Daddy mo? Na hindi ko pinalaki ng maayos ang anak ko?”
Tuloy pa rin ang pag-iyak ko at tuloy pa rin ang galit ni Mommy. Hindi ko namalayan na nakapasok na rin si Daddy, nagtataka sa sigaw ni Mommy.
“Honey, what’s the problem?” nagtatakang tanong ni Daddy sabay tingin sa akin.
Tinuro ako ni Mommy. “Ang anak mo, Carlos! Buntis!”
Umawang ang labi ni Daddy.
“Ang bata-bata pa niya! Eighteen! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa atin, Carlos! This is a serious matter!”
“Who’s the father?” malamig na tanong ni Daddy.
Nanginginig na nag-angat ako ng tingin kay Daddy. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka suminghap.
“I-I don’t know—”
“You don’t know?” His voice thundered. “Sabihin mo sa akin kung sino ang ama ng dinadala mo, Fiona! Kailangan mong matali sa kanya bago pa lumaki iyang tiyan mo!”
Namilog ang mata ko at mas lalong natakot. Hindi na ako nagsalita at iyak na lamang ang tanging ginawa ko.
Kinuha ni Mommy and Daddy ang mga cards ko at grounded ako. Pati phone ko ay kinuha para hindi ko ma-contact ang kahit sino. Nasa kwarto ako at miserableng-miserable. Matapos nang malaman nila na buntis ako, hindi na nila ako kinausap. Pero hindi naman nila ako pinabayaan. Palagi akong dinadalhan ng mga maids ng pagkain. Pero simula nang nalaman nila na buntis ako, malamig na sila sa akin. Kapag titignan nila ako, disappointment ang nakikita ko sa mga mata nila.
I disappointed them and I guess I deserved this treatment. Ayokong masira sila nang dahil sa akin. Wala ring kasalanan ang magiging anak ko dahil kagagawan ko ito. I don’t know the man who impregnated me. I just know that his name is Miguel but I barely recognized his face.
After weeks of being in my room, I decided to leave my luxury life. I am guilty and I don’t want my parents to suffer because of me. For eighteen years, they gave everything to me. And I didn’t give what they wanted me to be.
18th of November, I left.
WakasI didn’t waste my time. Pagkatapos ng ilang araw naming honeymoon ay naghanda na ako para sa pagbalik ko. I promised them na babalik ako. Babalik ako.Pero kahit sumang-ayon na sila, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala at mag-overthink sa mga bagay-bagay.Paano kapag nakabalik ako ay babalik sa dati? Paano kung sumang-ayon lang si Felecity pero ang totoo ay hindi pala? Paano kung napilitan lang si Yohan na payagan ako na umalis?“Gosh, Fiona! Kasal ka na okay? Tanaka ka na. Hindi ka itatakwil ng asawa’t anak mo sa ilang araw mong pag-stay sa New York!” si Mommy nang tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya ang mga thoughts ko. “Kung ayaw mong umalis, huwag ka nang tumuloy! Sayang nga lang ang opportunity.”Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Mom—”“Ako mismo ang uuwi diyan kapag tinaboy ka nila. Don’t worry, Fiona. Sa ngayon, bigyan mo rin ng pansin ang nego
Kabanata 174Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Yohan ngayon. Halos hindi nga ako makatulog sa kakaisip. Na baka panaginip lang pala iyon at hindi totoo.Pero hindi, kasal na ako at katabi ko na ang asawa ko.Asawa ko…Ang sarap sa pandinig. Nakakaganda ng araw. Parang isang magic lang ang lahat. Biglaan. Ang alam ko lang ay ang magd-date kami sa resort na iyon pero sa isang iglap, kinasal ako.Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga.Ito ang unang araw naming bilang mag-asawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.“Yohan…” tawag ko kay Yohan para gisingin siya. “Gising na. Kailangan pa nating umuwi.”Nandito pa rin kasi kami sa resort at gusto ko nang umuwi para makita ang anak ko.“Hmm. Let’s sleep pa, hmm? Inaantok pa ako.”Napairap na lamang ako at saka mag-isa na lamang na bumangon. Akmang
Kabanata 173Hilang-hila ako ni Yohan na para bang walang katapusan. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Parang ang sarap sa pakiramdam. Parang bumalik kami noon. Ang sarap sa feelings.“T-Teka Yohan! Saan tayo pupunta?” tanong ko at halos magpahila na nang husto sa kanya dahil sa malaki niyang mga hakbang.“Somewhere in here, Fiona,” aniya habang patuloy pa rin sa paghila at pagkatakbo.Bigla akong na-excite at kinabahan at the same time.Nang nakarating kami sa isang malaking space na buhangin na sobrang puti, tumigil kami at saka hiya ako hinarap. Ngumiti siya sa akin.“Close your eyes, Fiona,” aniya.“Bakit?”“Surprise nga, right?” he chuckled. “Now, close your eyes, Fiona.”Tiningnan ko muna siya nang matagal bago pumikit. Naghintay ako na mayroong mangyayari pero wala. Ang tanging naririnig ko lang ay mga alon na nagh
Kabanata 172 Tulala akong nakatingin sa baso ko habang si Tita Ylena ay kalmadong nagkakape sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Oo, sinabi ni Yohan na pupunta ang Mommy niya pero hindi ko akalain na ngayon na araw pala. “I’m happy to see you, hija,” panimula ni Tita Ylena. “It’s been five years.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Oo nga po, five years.” Ngumiti siya pabalik sa akin at saka ininom niya ang kape. Narito kami ngayon sa isang open space na coffee shop dito sa resort. Ang view namin ay ang dagat na may naghahampasan na mga alon. Huminga ako nang malalim at saka tiningnan siya. “Five years na po siya Tita, pero hindi ko pa rin makakalimutan,” ani ko. Napawi ang ngiti niya at saka siya tumikhim. “Hija, I am not here to have another fight with you.” Umiling siya. “I am actually here to visit. I told my son. Napaaga nga lang.” Humalukipkip ako at tiningnan siya. “Oo
Kabanata 171 Naunang nakatulog si Yohan. Ako naman ay narito lamang, inaalala ang mga pangyayari. Tiningnan ko ang singsing na nasa aking daliri. I remembered five years ago, when Yohan unexpectedly proposed to me. Hindi mawala sa isip ko iyon at kung may malungkot man akong mararamdaman, iniisip ko iyon. “I am happy, Fiona…” Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. “Masaya ako na makasama kita sa paskong ito.” “Yohan…” “Ayoko na pagsisihan ko ito sa huli. Maybe you are doubting me because of my family but I don’t really care about it, Fiona, as long as I have you.” “W-What are you saying, Yohan? Pasko ngayon, seryosong-seryoso mo yata ngayon…” “Because I am dead serious, Fiona Carolina.” Napalunok ako. “Alam ko na hindi ako nagiging mabuti sa iyo. I ruined your life. I ruined everything. Hindi siguro ako deserving sa iyo pero kahit ganoo
Kabanata 170Nang mas naging malalim pa ang aming halikan ay unti-unti niya akong inihiga sa malambot na kama. Nang nagkatinginan kami ay parang tumigil ang mundo ko. Parang sa sandaling ito ay siya lang ang nakita ko.“Yohan…”Huminga ako nang malalim.“Alam mo na kung gaano ako kasabik sa iyo, Carolina,” he huskily said.Ang kanyang kamay ay unti-unting gumapang paitaas sa aking damit.“Y-Yohan…” Daing ko sa kanyang pangalan.Hinaplos niya ang binti ko bago niya ako hinalikan ulit. Unti-unting nag-init ang aking katawan dahil sa kanyang kakaibang paghaplos. Nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Habang busy siya sa kanyang paghalik, busy din ang kanyang kamay sa panggagapang.Parang nanibaguhan ulit ang aking katawan sa kanyang mga halik at hawak. Bago ulit ito sa akin dahil ngayon ko lang ulit
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen