Share

Kabanata 49

Kabanata 49

Nang nasa higaan na ako ay nag-text agad si Yohan. Palipat-lipat ako ng posisyon sa paghihiga at pinipigilan ko ang sarili ko na ngumiti. Tulog na ang anak ko sa tabi ko. Tanging screen na lamang ng aking cellphone ang nagsilbing ilaw ko. Patagilid akong humiga at saka kinagat ang aking ibabang labi. Nagtipa ako ng reply.

Ako:

Nakauwi ka na?

Yohan:

Yup. I just took a shower, babe.

Ako:

Mabuti naman at nakauwi ka nang maayos.

Yohan:

I am expecting you here in my condo tomorrow, babe.

Napasinghap ako at biglang natigilan. Kinagat ko ang labi ko sabay tipa ng bagong reply.

Ako:

Hindi ako sigurado kung makapunta nga ako, Yohan.

Yohan:

Hindi tayo nakapag-date kanina. :(

Ako:

Magkikita pa rin naman tayo. Hindi naman kasi puwede na halos dito ka na umuuwi. May pamilya ka pa naman. May magulang.

Yohan:

Lol. I’m old enough

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status