Pagkatapos kumain ay napagpasyahan niyang umakyat sa itaas para sana kausapin si Hellios tungkol sa nangyari pero ng katokin niya ang pintuan nito ay hindi ito sumagot. Naisip niya na baka may ginagawa lang ito sa loob kaya pinihit niya sa seradura. Nadismaya siya ng malamang naka-lock iyon mula sa loob. Mukhang ayaw talaga siyang kausapin ng lalaki.
Wala siyang nagawa kung hindi bumalik nalang sa kwarto niya. Ngayon ay parang gusto niyang magsisi sa kadaldalan niya kanina. Okay na sana sila, tas biglang nagtanong siya ng ganun. Nawalan tuloy ito ng gana, at mukhang pinagtataguan pa yata siya dahil ni ang harapin siya ay ayaw nitong gawin. Iniisip niya kung matutuloy pa ba sila mamayang gabi sa bahay ng mga magulang nito. Sa halip na maghintay sa labas ng kwarto nito ay dumiretso siya sa kwarto niya. Maghihintay nalang siguro siyang katukin siya nito mamaya sa kwarto niya.
It was already 6 pm in the evening at hindi pa rin siya kinakausap nito. Pumunta siya sa wardrobe niya at naghanap ng masusuot. Kailangan niya pa rin maghanda. Mabuti na iyon para kapag nagbago ang isip nito ay tapos na siya.
She picked up all her clothes in the wardrobe and started choosing her favorite dress. This time ay isang Long Chic Red Dress na napili niyang isuot. Nabili niya ang dress na yun ng minsang nagbakasyon sila ng buong pamilya niya sa Macao. Medyo sexy ang datingan pero hindi naman gaanong revealing ang cut nito. Kita lang ang likod at legs niya pero presentable naman tingnan. Ayaw niyang magmukhang manang sa harap ng mga magulang nito lalo pa at ito ang pangalawang beses na makikita niya ang mga ito.
Natigilan siya ng mag-vibrate ang cellphone niyang nakapatong sa kama. Wala naman ibang nagti-text sa kanya bukod sa mga magulang at kaibigan niya kaya nagtaka ng makita ang isang unfamilliar number na nakaregister sa screen niya.
'You better get ready at 7 pm. Dadaan ako diyan after one hour." Anito sa mensahe.
Kahit hindi pa nagpakilala ang lalaki ay alam na niya kung sino ang nag-message. Talagang text talaga? Ni hindi man lang siya kinausap sa personal. Sa inis ay ibinato niya ang cellphone sa kama. Pagkuwa'y muling humarap sa mga damit niyang nakapatong sa kama. Napatigil siya sa akmang pagkuha ng isa pang damit ng umilaw na naman ang cellphone niya sa ibabaw ng kama. Inis na kinuha niya iyon at binasa ang bagong message na nagmula sa number ni Hellios.
'Why are you not replying? Did you read my message? Reply after you read this.'
Ibang klase talaga ito. Kung makautos akala mo ay secretary siya nito. Hindi ba at ayaw nga siyang harapin nito? Kaya bakit niya ito re-replayan samantalang ito naman ang unang di namansin. Ngayon lang niya na-reliazed na mas mataas pa pala ang pride niya kaysa sa inaakala niya.
Pagkatapos m****a ang text nito ay inoff na niya ang cellphone at binalikan ang mga damit na pinagpipilian niya kanina sa kama.
She picked the red dress and then she wore it. Humarap siya sa salamin niya sa kwarto at tiningnan ang sarili mula doon. She absolutely loved the color. Lumabas siya ng banyo at nag hanap ng hair blower at hair iron. Inayos niya ang buhok bago nag-apply ng makeup sa mukha. Her lipstick shade was ruby red lipstick from MAC retro matte. She put some blush-on after applying a small amount of liquid foundation on her face. She looked at the mirror for the last time and when she felt satisfied ay lumabas na siya ng banyo. She looked at the clock at nakitang malapit ng mag ala-syete ng gabi ngunit wala pa rin ito. Tutuloy pa ba sila? Kung hindi ay magbabasa nalang siya ng libro at matutulog sa kama. Ayaw niyang magmukhang tanga sa kakahintay dito.
Akmang papasok na siya ng banyo para magpalit ng damit nang may kumatok sa pintuan niya. Napangiti siya ng marinig ang boses ni Hellios sa likod ng pintuan. "Are you done? Make it faster, they are already waiting." Inip na sabi nito.
Hindi niya tuloy alam kung may bipolar disorder ba ang lalaki dahil kanina lang ay sweet ito sa kanya, ngayon naman ay inip at galit. Paiba-iba ito ng ugali kaya mahirap basahin kung anong tumatakbo sa utak nito.
"I'm coming!" Aniya dito.
When she opened the door she saw him gaping at her. Tila nagulat ito sa itsura niya. Ang buong akala yata nito ay magbibihis pa siya at maghihintay pa ito ng matagal sa labas.
"A-Alis na ba tayo?" Tanong niya dito.
Gusto niyang matawa sa itsura nito. Bahagya kasing nakanganga ang bibig nito habang nakatitig sa mukha niya. Bumalik lang ito sa wisyo ng hawakan niya ang kamay nito. Napatingin ito sa magkahugpong kamay nilang dalawa.
"Let's go?" Pag-aya niya dito.
Mukha naman na natauhan ang lalaki at humigpit ang hawak sa kamay niya.
"You look beautiful," Puri nito sa kanya.
Namumulang ngumiti siya dito. "Thank you."
Magkahawak-kamay silang lumabas ng masyon. Nakangiting sinalubong sila ni Mang Gerry sa labas at inabot ang susi kay Hellios. This time ay pinagbuksan na siya nito ng pintuan sa kotse. Nakangiti siyang nagpasalamat dito bago pumasok sa loob. Mukhang magiging maganda ang takbo ng gabi niya ngayon, base na rin sa mga ikinikilos ni Hellios. Excited na siyang makita ang mga magulang ni Hellios!
Kung nalula siya sa laki ng bahay ni Hellios ay mas nalula siya sa laki ng bahay ng mga magulang ni Hellios. May fetish ba ang mga ito sa malalaking bahay? Sa pagkakaalam niya kasi ay ang mga magulang lang ni Hellios ang nakatira sa bahay na iyon. Kung matatawag pa ba na bahay yun. Kahit pa yata magka-apo sa tuhod ang mga biyenan niya ay hindi kukulangin ang space ng bahay.
Pagkapasok palang nila ay sinalubong na agad sila ng mga katulong. They bow down their heads habang nasa bukana ng pintuan ng bahay ng mga magulang nito. Napatingin siya kay Hellios. Iniisip niya kung nag-eenjoy din kaya ito sa atensyon na nakukuha nito sa ibang tao. Pinatanggal niya kasi ang ganong gawain ng mga katulong sa bahay kapag dumadating siya, o di kaya naman ay si Hellios ng bahay. Mukhang okay lang din sa asawa niya ang ginawa niya dahil wala naman itong sinabi sa ginawa niya. Mukhang pabor pa nga ito sa nangyari.
"Where are my parents?" Agad na bungad nito sa unang katulong na sumalubong sa kanila.
"Nasa sala po sila, Senyorito." Anito habang nakayukong nakaharap sa kanilang dalawa.
Inilibot niya ang tingin sa mukha ng mga katulong. Karamihan sa mga ito ay bata pa. Nasa disi-otso pa yata ang mga ito. Nanghinayang siya sa mga ito. Sayang naman kung hindi ito magtatapos ng kolehiyo. Mukhang napansin iyon ni Hellios kaya pasimple itong bumulong sa kanya.
"They are all professionals." Pasimpleng bulong nito sa kanya.
Marahas na napalingon siya dito. Nakita yata nito ang pagtataka sa mukha niya kaya sumagot ito agad. "We never force them to work for us a maid. My mother support their education then she let them choose their own desire courses. After graduated, some of them leave our house but most of them stayed. Hindi rin naman kasi biro ang sweldo nila rito." Paliwanag nito sa kanya.
Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit hanggang ang iba sa mga ito ay bata pa.
"They are waiting, sweetheart. Let's go." Anito habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya.
Nakangiting pinisil niya iyon at sumabay dito sa paglalakad. Nakita pa niya ang ibang katulong na pasimpleng sumisilip sa kanila na kinikilig. Hindi niya tuloy mapigil ang ngiti niya habang naglalakad silang dalawa.
"You looked happy." Puna nito sa kanya.
"Of course, I have you." She sweetly said at him.
Tumaas ang sulok ng labi nito at hindi na ito nag-komento pa.
Habang naglalakad sila ay nilibang niya ang sarili niya sa pagtingin-tingin ng kabuuan ng bahay nila Hellios. Malapit na sila sa sala ng biglang itong huminto sa paglakad. Kamuntikan na siyang mauntog sa likod nito. Tatanungin na sana niya ito ng makitang seryoso itong nakatitig sa kung saang bahagi ng sala. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito at nakita ang dahilan kung bakit ito biglang napahinto sa paglakad.
Dalawang tao ang nakaupo sa sala bukod sa mga magulang ni Hellios. Mukhang naramdaman ng mga ito ang presensya nilang dalawa kaya napalingon ito sa kanila. Agad na tumayo ang lalaking may malaking pagkakahawig sa asawa niya at nakangiting bumati sa kanilang dalawa.
"So, she is your wife?" Sinuyod muna siya nito ng tingin bago muling nagsalita.
"What a lucky bastard." Anito kay Hellios.
Hindi niya alam kung nang-aasar ba ito o ano pero isa lang ang alam niya. Hellios was pissed at this man that he was gritting his teeth while he was looking at him.
Doon lang tumayo ang kasama nitong babae, at lumapit sa kanilang dalawa. Her face looked so familiar. Parang nakita na niya ito dati, pero hindi niya matandaan kung saan at kailan. Nasa ganoong pag-iisip si Santina ng biglang magsalita ang lalaking kasama nito.
This time ay nawala na ang ngisi ng lalaki at seryoso ng nakatitig sa kanya.
"Aren't you going to introduce us, Hellios?" Seryosong tanong nito sa asawa niya habang ang mga mata ay nakatitig pa rin sa kanya.
"Since my brother doesn't want to talk. I'm Aries Madriaga by the way."
'Kung ganon ay ito ang kapatid ni Hellios!'
"I'm his younger brother... It was nice to finally meet you my dear sister-in-law." She could feel the tension between the two. Parang may hindi tama. Naninibago din siya sa pagiging tahimik ng asawa niya. Magkapareho lang ang tangkad ng dalawang lalaki pero magkaiba ng charisma at ka-gwapohan ang mga ito.
Kung si Hellios ay intimidating ang dating. Si Aries naman ay may positive na aura. Bumaling si Aries sa kasama nitong babae bago tumingin sa kanilang dalawa at nagsalita.
"This is Bianca Shannon Ferrer Madriaga." Ani nito.
Nanigas ang buong katawan niya ng makilala ang babaeng kaharap.
" My wife."
Hello, my dear readers! I'm sorry, but I have to lock the next chapter of my story. You can unlock the remaining chapters by claiming your rewards or buying some coins in the GoodNovel App. If you enjoyed reading Hellios and Santina's story, you can vote for it by using gems also. It could help me in the future. Thank you!
Tinignan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Nagpaganda talaga siya ngayong araw, dahil ngayon kasi ang wedding anniversary nilang mag-asawa. May maganda rin siyang ibabalita dito kaya siya naghanda ng husto. Wala sa sariling hinaplos
Malapit nang umuwi ang asawa niya at pinag-iisipan niya kung ano bang magandang lutuin para dito. Naputol lang ang ginagawa niya ng makarinig ang sunod-sunod na doorbell sa labas ng bahay nila. Pina-day off niya kasi muna ang mga katulong at driver para maasikaso ng solo ang mag-ama niya. Maluwang ang ngiti na nagbukas siya ng gate. Sa pag-aakalang yun ang asawa niya ngunit nadismaya lang siya nang makita kung sino ang busetang nasa labas ng bahay nila. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Walang imik na pinapasok niya ng mansyon ang babae at inalok ng pagkain. Pero agad naman nitong tinanggihan ang mga inoffer niya. "May I know, kung anong kailangan mo dito? Medyo busy kasi ako e." Diretsahang sabi niya dito. Wala siyang panahon para makipagplastikan sa wanna be mistress ng asawa niya.
Dalawang buwan na nakatira silang mag-ina sa mansyon ng asawa pero wala pa rin itong mintis sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang dalawa ni Brio. Hindi siya gawa sa bato para hindi maramdaman na nagsisisi na ito sa nagawa nitong kasalanan. Sa totoo lang ay matagal na niya itong pinatawad. Nabulag lang siguro siya ng masasakit na alaala kaya niya ito napagsalitaan ng masama. Napapangiti siya kapag naaalala niya ang mga effort na ginawa ng asawa sa kanya. Ang mga bulaklak, pagbibigay ng buong oras sa kanilang mag-ina at ang walang sawa nitong pagsasabi ng "Mahal kita." Hindi siya ganoon kasama para hindi magpatawad sa taong nagsisisi
Hindi alam ni Santina kung anong nangyari pero dalawang araw nang walang bangayan ang dalawa. Gusto niyang isipin na sa wakas ay nagkasundo na rin ang mga ito. Pero sa tuwing nililingon niya ang dalawang lalaki ay masama pa rin ang palitan ng tingin sa isa't-isa."I want to buy a cup noodles." Biglang sabi ni Ivan sa kanya."You can have as many noodles as you want, after your admission here." Masungit na sabi ni Hellios dito."Hindi ikaw ang kinakausap ko." Mariing sabi ni Ivan dito."Ayaw rin naman kitang kausapin. Pero inuutusan mo ang asawa ko, at wala kang karapatan. Kaya makikialam ako hangga't kasali si Santina sa usapan.""At kailan ka pa naging concern kay Santi? Sa pagkakaalam ko ay mas pinili mo ang hipag mo dati kaysa sa asawa mo." Maanghang na banat nito kay Hellios."As far as I remember, you are not part of our
Hindi niya alam kung matatawa siya sa sitwasyon nilang tatlo nila Hellios at Ivan. Hindi kasi makakain ng maayos si Ivan at hiniling sa kanya na subuan ito ngunit agad na pumagitna si Hellios bago pa man niya magawa iyon, kaya ngayon ay si Hellios ang nagpapakain kay Ivan.Parehong nakasimangot ang dalawang lalaki habang masamang nakatitig sa isa't-isa. Kahit ang mga nurse at doktor na pumapasok sa kwarto ni Ivan ay natatawa din sa itsura ng dalawang lalaki. Napailing nalang siya ginagawa ng mga ito. Siya ang nagbabalat ng mansanas na isinusubo naman ni Hellios kay Ivan."Can you leave me alone? Nagmumukha tayong may relasyon sa harap ng ibang tao sa tuwing nakadikit ka sa akin. Baka hindi mo alam?" Masungit na sinabi ni Ivan dito."Well, we wouldn't be here in the first place kung hindi ka nag high speeding sa gitna ng highway para lang magpapansin sa asawa ko." Hellios fires back at Ivan.&nb
They were having a family launch together when her phone suddenly vibrated. She picked it up from her pocket and saw that Ivan's registered number was calling. She excuses herself for a bit and goes to the restroom."Hello? I'm sorry I couldn't call you yesterday---,"She was interrupted by a familiar voice from the other line."Is this Ms. Santina Hermosa?" The unknown man