Share

CHAPTER 65

     PANGALAWANG beses nang nakatanggap si Monica ng halik mula kay Martin para sa araw na iyon at nahulaan niya na parang papunta sa ibang bagay ang pangalawang halik na iyon. Mas mapusok at mas maharot. Maging ang dila ng lalaki ay ginagamit na rin nito upang hagurin ang kaniyang labi at tinutudyo nito ang dila niya na para bang nais nitong makipag-iskrimahan.

Maya maya pa ay naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng kamay ni Martin sa likod niya at bumaba iyon sa puwitan niya. Kinabig siya nito upang magdikit ang kanilang mga katawan. Mainit ang katawan ni Martin na para bang anumang sandali ay magliliyab na ito.

Monica, tumigil ka. Pigilan mo siya! Wala ito sa plano mo na magpapa-angkin ka sa asawa ni Milagros! Tili ng utak niya.

Ngunit sadyang nakakadala ang halik at maging ang haplos ni Martin kaya kahit pinaalalahanan na niya ang sarili ay mas gusto pa niyang namnamin ang ginagawa ng lalaki sa kaniy

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status