Share

CHAPTER 116

     HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.

Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!

Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.

Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status