Share

Kabanata 34

Naging abala ako kaninang umaga dahil pinapunta ko rito si Vincent upang dalahin ang ilan mga dokumento patungkol sa proyekto ng Royal Designs at Designers Unlimited.

Kagaya nang naipangako ko kay Aldrick na hindi ako pupunta sa opisina habang nasa Genova siya upang maiwasan ang hindi sinasadya na pagkikita namin ni Colton. Gusto ko na papanatagin ang damdamin ni Aldrick sa bagay na iyon. Iyon na lamang ang maibibigay ko sa kan'ya.

Nakipaglaro pa si Vincent kay Ashira kanina habang pinagtuunan ko ng pansin ang mga pina-review niya sa akin na mga kontrata. Matapos ang ilang oras na pagtatrabaho ko at pagbabantay ni Vincent kay Ashira ay agad din siya na umalis upang bumalik sa opisina.

Pagkaalis ni Vincent ay sinubukan ko na tawagan si Aldrick dahil pagkatapos ng huli na mensahe niya na nasa Genova na siya at makikipagkita kay Akiro ay hindi na kami muli na nakapag-usap. Nakapagtataka lamang na nakakailang tawag na ako ay hindi pa rin niya sinasagot iyon o ang kahit na mag-message ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status