Samantala nakita ng hari ang naganap na labanan ng dalawa habang na sa tuktok ito ng palasyo at tinitingnan sila sa ibaba. "Mahusay siyang humawak ng espada," sambit ni Heneral Agustin. Tumango-tango naman ang hari habang nakatingin kay Adira na sinusuri ang ibang armas. "Hindi ako nagkamali na siya ang kinuha ko. Umpisa pa lang ng kanilang pagsasanay, pero masasabi ko ng may matututunan na agad si Dylan sa kanya lalo pa't hindi ito nasisindak sa anumang sabihin ng prinsipe." Mukhang napahanga din ni Adira si Heneral Agustin. "Pero nakapagtataka pa rin. Hindi ko alam kung mayroon siyang ginagamit sa kanyang bansa na armas, pero nakakabilib ang ginawa niya kanina lalo na nung inangat niya ang espada at tumigil ito malapit sa leeg ng prinsipe at kung may nagtangka na gumalaw isa sa kanila ay tiyak kong masusugatan si Prince Dylan." Tinitigan ng hari ng mabuti ang binibini sa ibaba. "Mukhang hindi ordinaryong tao lang ang kinuha ko Agustin. May kaya siyang gawin na nakakabilib at hind
Kalmado itong tumitig sa kanya at hinintay ang sagot nito, pero ilang minuto na ang lumipas ay nakatitig lamang si Dylan sa kanya, kaya pinitik na niya ang noo nito na kaagad naman itong natauhan. "Ang sakit!" d***g ni Dylan. "Ang tagal mo kasing sumagot." Umingos lang ito. "Kahit pa mahal na mahal ko siya ay kailangan ko siyang kalimutan at iwan." Napa-isip siya, "Wala siyang kalayaan kung ganon nga ang mangyayari." Tumingin muli siya kay Dylan. "Hahayaan mong mangyari 'yon?" Tumango ito. "Kaya ngayon pa lang ay hindi na ako sumubok pang makipag-usap o bigyan ng pansin ang ibang prinsesa rito sa aming bansa para na rin hindi ako makasakit ng damdamin ng iba kung sakaling umibig ako, dahil kailangan ko rin pala siyang iwan." Ilang beses siyang tumango habang nakatingin sa ibang direksyon, pero paglingon niya kay Dylan ay nakatitig lang ito sa kanya. "Bakit?" Umiwas ito ng tingin at tinalikuran siya. "Ibabalik ko na ang espada kong ginamit. Maiwan na kita." Mabilis na lumakad si
ILANG araw din silang hindi nakapag-ensayo dahil may biglaan na pinuntahan si Prince Dylan para bisitahin ang nasasakupan nila na malayo sa palasyo, at ngayong araw lang ito nakabalik. Sumapit ang hapon, pero si Adira ay na sa kanyang kwarto lang at tila may iniisip. Hindi rin nagtagal ay lumabas rin siya ng kwarto at pumunta sa tuktok ng palasyo. Sumilip niya sa ibaba, pero napakunot ang noo niya ng makita ang prinsipe na hawak ang espada. "Kanina lang siya nakabalik, pero bakit mukhang nag-eensayo siyang mag-isa?" Nakita niya na ginagawa nito ang tinuro niya nung nakaraan na araw bago pa ito nagkaroon ng biglaan na lakad. Pinagmasdan niya lang si Dylan at sinuri ang mga galaw nito. Habang nakatingin lang si Adira sa Prinsipe. Si Prince Dylan naman ay inaalala ang mga tinuro sa kanya ni Adira. Iwinasiwas ni Dylan ang espada ng dahan-dahan, pero nakakalimutan niya ang ibang tinuro ni Adira sa kanya. Kahit pagod ay sinubukan niya pa ring mag-ensayo ngayon para hindi naman siya magin
Napangiti naman ito na pinagtaka niya. "Sa tingin ko ay hindi mo ako kilala." "Hindi, at wala akong balak na kilalanin ka," saad niya sa matapang na boses. Napatango-tango ito. "Isa rin akong prinsipe kagaya ni Prince Dylan, ngunit sa ibang palasyo nga lang." Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Prinsipe? Bakit ang ugali mo ay hindi pang isang prinsipe sa ginawa mo ngayon na panggugulo rito!?" Tumingin ito sa likuran niya kaya napalingon din siya. Nakita niyang nakatayo na si Dylan, pero napansin niya na hirap nitong itapak ang kaliwang paa, bahagya kasi itong nakatingkayad. "Lampa talaga," saad niya sa isip. "Magkaibigan kami ni Prince Dylan, gano'n lang talaga kami bumati sa isa't-isa. " Ngumiti ito ng malaki at masasabi niya ding may ipagmamalaki ito lalo na sa mukha huwag na lang isama ang ugali. "Sigurado kang kaibigan mo si Prince Dylan?" "Oo." Napangisi siya at biglang nawala rin. "Sinong niloloko mo dito ang isang tulad ko? Puwes hindi mo ako malilinlang." Nagulat nama
Nang sa oras na nakalapit na ang hari sa kanila ay nag-alala ito ng makita si Prince Dylan na nahihirapan dahil sa kaliwang paa nito. "Anong nangyari?" tanong ng hari at tumingin kay Adira at Prince Damon. "Nawalan ng balanse kaya ang kaliwang paa niya ay na sprain," saad ni Adira. Nagtataka ang hari na tumingin kay Prince Dylan. "Ano ang ginawa niya? Ang alam ko ay dumating siya kanina at nagpapahinga." Samantala si Adira ay nakahalukipkip ang mga braso habang pinakikinggan ang hari, pero nanatili siya sa tabi ni Prince Dylan. Napatingin si Adira sa prinsipe sa kanilang harapan na kalmado lang at parang walang ginawang kasalanan kaya natamo ni Dylan ang sprain sa paa. "Nakita ko na nagsasanay siyang mag-isa na wala ako," biglang saad niya. Nalilito namang tumingin ang hari sa kanya. "Bakit naman niya gagawin iyon?" Lumipat ang kanyang tingin kay Dylan na ngayon ay tahimik lang at nakahawak sa kaliwang paa nito. "Hindi ko rin alam kung bakit siya nag-ensayo mag-isa dahil ang al
Lumapit siya at tinanong si Dylan "Nasaan ang hari at si Heneral Agustin, bakit ikaw lang ang narito?" Umangat ang ulo nito at tiningnan siya. "Si Heneral Agustin ay umalis at doon siya dumaan sa likuran ng palasyo para sunduin ang manggagamot, si ama naman ay pumunta ng kusina para utusan ang mga katulong na maghanda ng pagkain." Napapikit ito, mukhang malala ang natamo nitong pilay. "Masakit?" tanong niya. Tiningnan naman siya nito ng masama. "Nakikita mo naman na nasasaktan ako. Bakit itatanong mo pa?!" Napapikit naman ang mata niya ng ilang beses. "Bakit galit ka tinatanong ka lang naman?" "Halata naman na masakit!" "Hindi ko kasi makita kung nasasaktan ka talaga." Isang galit na tingin ang binigay nito sa kanya. Umupo siya sa tabi nito. "Dylan, magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon?" Unti-unti namang kumukunot ang noo ni Dylan. "Anong sabi mo?" "Ang sabi ko magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon!" "Hindi may kulang ka, lalo na sa pangalan ko." "Ano?"
Pagpasok pa lang nila sa kwarto ni Dylan ay agad na ibinaba ito sa kama at dahan-dahan na tinaas ang kanyang kaliwang paa. "Maiwan ko muna kayo rito. Kailangan ko lang sabihin sa hari na narito na ang manggagamot. " Tumango lang si Prince Dylan at agad na ring lumabas si Heneral Agustin. Naiwan naman ang doctor at si Adira kasama ang prinsipe. Habang sinusuri ng doctor ang paa ni Dylan ay umupo naman si Adira sa upuan sa gilid ng kama na may kalayuan. Pinagmamasdan niya lang kung paano masaktan si Dylan habang pilit na ginagalaw ng doctor ang paa nito. Lumingon ito sa kanya at napakunot ang noo dahil ngumisi siya, kaya nanlilisik na naman ang mata nito sa kanya. Binuka niya ang bibig ng walang boses at ang sinasabi niya ay, "Lampa." Tumagilid pa ang ulo ni Dylan at sinusubukan sigurong alamin kung ano ang sinasabi niya ng walang boses. Nakita niya na patapos na ang ginagawa ng doctor kaya tinigilan na niya si Dylan. Pasalamat ito dahil inalis niya ang atensyon nito sa masakit nitong
Napabuga siya ng hangin. "Paano ka makakapag-ensayo kung dalawang linggo kang makukulong sa kwarto mo. Kung hindi ka nag-ensayo mag-isa, sana ay hindi mo natamo 'yan." Nakita niya kung paano nag-iba ang emosyon sa mukha ni Dylan. "May gusto kasi akong patunayan." "Ano?" tanong niya. "Alam kong mahina ako lalo na sa pakikipaglaban, kaya nag-ensayo akong mag-isa at ginamit ang tinuro mo sa akin bago pa ako umalis ulit sa palasyo. Aaminin ko, wala talaga akong silbi sa paghawak ng mga armas, pero nag-iisa lang akong anak ng aking ama, kaya kailangan kong malaman ang lahat." Humalukipkip siya at seryosong sinagot ang mga sinasabi ni Dylan. "Hindi mo kailangan patunayan ang sarili mo kung alam mong hindi mo pa kaya, puwede kang mapahamak kung iisipin mo lagi na kailangan mong matuto kaagad dahil sa napapahiya ka." "Ilang taon na rin binibini, ang ibang prinsipe na pinagtatawanan lang ako dahil sobrang hina ko sa lahat." Tumingala ito at inaalala ang nakaraan. Simula na naman ng palig