Share

13 - Unang Araw Ng Pagsasanay Ng Prinsipe

Si Adira ay naglalakad na sa pasilyo nang nakita niya si Heneral Agustin.

Nilapitan siya agad nito. "Sumama ka muna sa akin may ipapakita sayo ang hari." Naglakad ito muli habang nagtataka siyang sumunod dito.

Nang oras na nakapasok na siya sa opisina ng hari ay umupo kaagad siya kaharap nito. Napansin niya rin na may hawak itong papel at nakatitig rito. Bumuntong-hininga ito at tumingin sa kanya sa pagod na mga mata.

"Basahin mo." Inabot niya ang papel at binasa gamit ang mga mata .

"Tumatakbo ang oras at napapalitan ng araw ang buwan. Ang buhay ng isang maharlika ay nalalapit na ang katapusan, kaya hangga't hindi ito nangyayari ay sumunod ka sa isang kahilingan." Napakunot ang noo niya sa paraan ng sulat na may tinatago pang ibang kahulugan.

Habang hawak niya ang sulat ay nagsalita si King Stephen. "Isa lang 'yan sa dami ng naipadala sa aking sulat ng hindi pa kilalang tao. May konting kaba na sa aking dibdib dahil mas lalong lumalalim ang mga ibig iparating ng mga sulat."

"Pa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status