Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Halos 12:00am ay tahimik na ang lugar kung nasaan ang warehouse ni Adira nang may mga taong dahan-dahan na lumapit sa bahay niya at pasimpleng humanap ng daan para makapasok sa loob. Maswerte ang mga misteryosong lalaki dahil may isang malaking bintana ang warehouse na sira at kasya ang isang tao sa butas nito, pero kailangan gumamit ng hagdan para makapunta sa bintana na 'yon. Gumawa ng paraan ang mga lalaking nakasuot ng mask na itim, nakita nilang may mga tambak na mga gamit sa bahay sa gawing likuran ng warehouse kaya 'yon na lang ang ginamit nila, kaya napagtagumpayan nilang makapasok sa loob ng dahan-dahan na hindi sila makalikha ng ingay sa loob, maswerte sila dahil pagod si Adira kaya hindi nito naramdaman na may nakapasok na ng bahay niya. Nagsimula na ang mga lalaki na hanapin si Adira at hindi naman nagtagal ay nakita na ng isang lalaki ang hinahanap nila na tulog na tulog at hindi talaga naramdaman na may tao malapit sa kanya. Isang panyo ang nilagyan nila ng gamot na kula
"Ang plano niya ay kidnapin ka raw namin dahil hindi ka humaharap sa mga kliyente mo. Pero gusto kitang makausap ng personal kaya pumayag ako. Gamot ang nagpahimbing sayo ng tulog na inilagay sa isang panyo at tinukop sa iyong ilong habang natutulog ka, nagkaroon ng oras ang mga kumuha sayo na dalhin ka rito gamit ang eroplano. Naglakbay kayo ng limang oras para madala ka rito ng mga taong inutusan ng kasama mo na ang pangalan ay Simon. Si Heneral Agustin ang kumuha sayo ng lihim sa isang lugar. Pagkatapos niyong dumating dito ay hindi na maaari pang makita ng mga tao na 'yon kung saan ka dadalhin." Napakuyom ang kamao niya sa nalaman. "Gaano ba kahalaga ang alok mong misyon para lang madala ako rito?" Lumungkot naman ang mga mata nito. "Mahalaga pa sa buhay ko, ang aking anak, kaya kailangan kita para sa misyon na gusto kong gawin mo." "Anong klase ng misyon?" "Ang maging tagapagbantay, sanayin ang prinsipe na lumaban at lihim na magmasid sa paligid kahit saan man siya pumunta, ma
KINABUKASAN ay pauwi na si Prince Dylan galing sa kabilang parte ng lugar kung saan nakatira ang mga mababang uri na mga tao. Ang tanging ikinabubuhay lang ay ang pagtatanim ng gulay. Dinalaw niya ang mga ito at tiningnan kung maayos pa ba ang kabuhayan ng mga tao roon. Malapit na ang prinsipe kasama ng ilang kawal sa palasyo sakay ng kabayo. Nang nakarating sila sa tapat ng palasyo ay bumaba na siya at ang kawal na lang ang kumuha sa kabayo nito papunta sa kwadra. Pumasok siya sa loob at agad naman siyang binati ng mga kawal na nakabantay sa malaking pintuan, yumuko ang mga ito ng sabay-sabay, pero pagpasok pa lang niya ng palasyo ay sinalubong na kaagad siya ni Heneral Agustin. "Magandang umaga prinsipe, maayos naman ba ang naging paglalakbay mo?" "Oo, pero kailangan ko munang magpahinga at napagod ako sa paglalakbay." Aalis na sana ito ng pinigilan siya ng heneral. "Ngunit bago 'yon, pinapatawag ka ng hari. Alam kong pagod ka na ngunit importante ang sasabihin ng iyong ama." N
Kumunot ang noo nito. "Teka, sino ka? Anong ginagawa mo rito sa palasyo. Isa kang espiya! Heneral hulihin mo ang babae na 'to, ngayon din!" Ngunit si Heneral Agustin ay nakatayo lang sa likod ng prinsipe at hindi kumikilos. Nagtaka ang prinsipe dahil hindi pa rin gumagalaw si Heneral Agustin. "Heneral bakit hindi ka pa kumilos at hulihin siya?" Nag-alinlangan naman itong ngumiti sa prinsipe. "Pasensya na kamahalan hindi ko maaaring gawin ang pinag-uutos mo." "Bakit?" Sabay tingin kay Adira na nakangisi na ngayon, kaya naman lubos siyang naguluhan sa nangyayari. "Kailangan na nating pumunta muli sa opisina ng iyong ama Prince Dylan." "Bakit anong kailangan nating gawin ulit doon?" "Sumama ka na lang sa akin, ikaw rin binibini." Hindi makapaniwala na tumingin si Prince Dylan kay Adira. "Bakit kasama pa siya?" Hindi siya sinagot ng heneral at nag-umpisa ng lumakad. "Lumakad ka na sayang ang oras ko at nagmamadali ako." "Sino ka ba at anong ginagawa mo dito?" Tiningnan niya it
Kinabukasan maagang nagising si Adira, pero ang oras ng flight niya ay tanghali pa. Napagtanto din niya na hindi pa siya naliligo. Habang nilalakbay niya ang pasilyo palabas ay nakita niya ang prinsipe na nakatingin lang sa malayo. "Ang aga rin pala nilang nagigising." Lumapit siya sa likod ng prinsipe. "Magandang umaga, Prince Dylan!" Nabigla naman ito at bahagyang nagulat ng biglang kumunot ang noo nito. "Bakit narito ka pa, 'di ba dapat ay umalis ka na sa palasyo ko?" "Palasyo ng ama mo, prinsipe ka pa lang hindi pa hari, kaya hindi mo pa pagmamay-ari ang palasyo ni King Stephen." Tumalikod na lang ito sa kanya at hindi na nagsalita nasaktan ata sa sinabi niya. Tiningnan niya ang sapatos nitong makinis pa sa sapatos niyang suot na may putik pa, ang pants nitong parang ilang beses dinaanan ng plantsa, ang pang itaas nitong pang prinsipe talaga na may mga nakasabit sa gawing balikat at sa harapan na may tela na nakatahi mismo sa pang itaas na suot nito. Umangat ang paningin niya
Halos dalawang oras na hindi lumabas ng kwarto si Adira at sa paglabas niya ay nakabihis na siya at papunta na ng opisina ng hari para kuhanin ang passport niya. Pagbukas niya pa lang ng pinto ay nakakunot na ang noo ni Dylan. "Wala ka sa bansa mo, bakit bigla ka na lang pumasok rito ng walang pahintulot?" "Pasensya na mahal na prinsipe maiiwan na ako ng eroplano pag ginawa ko pa 'yon." Sabay ngisi niya, pero nagsalita na naman ito. "Basa pa ang buhok mo. Bakit naka ayos at tali na 'yan?" Tumingin naman siya kay King Stephen na nagtataka rin sa anak nito. "Ang dami mong nakikita prinsipe, pero ang sagot ko ay hindi ako naglulugay ng buhok kahit pa basa pa ay tinatali ko na. Nasagot ko na po ba ng maayos ang tanong mo?" Masama ang loob nitong tumingin na lang sa ibang direksyon. "Puwede ko na bang makuha ang passport ko malapit na ang flight ko, kailangan naroon na ako bago pa mag-alas dose ng tanghali at mayroon na lang akong 1 hour at 30 minutes." "Ito na ang passport mo mag-i
Nang nakapasok na siya sa loob ng bar ay sobrang ingay, mausok, amoy alak at maraming naglalandian sa mga gilid na hindi masyadong natatamaan ng liwanag ng ilaw. Sinubukan niyang makalagpas sa mga taong nagsasayaw sa gitna hanggang sa makarating siya sa isang madilim na puwesto na malaya siyang makikita ang mga tao. Pasimple niyang nilibot ang mga mata niya sa paligid dahil may mga nagkalat na bouncer malapit sa kanya na mukhang nagmamasid rin sa paligid. "High class nga ang bar na 'to masyadong mahigpit. Paano ako makakapunta sa kwarto kung nasaan si Mr. Torres?" Nakita niya ang isang pasilyo na may kadiliman dahil sa sobrang hina ng mga ilaw na nakakabit sa ibaba na nakadikit sa pader malapit sa sahig. Ang naka-braid niyang buhok ay inilagay niya sa kaliwa niyang balikat para may dahilan siyang tumingin sa pasilyo na 'yon, pero napansin niya na may CCTV sa itaas. "Mukhang may kailangan akong lusutan o linlangin bago ako makapunta sa kwarto." Mabuti na lang walang nagtangka na lumap