Compartir

Chapter 5

Autor: Katie Alcos
last update Fecha de publicación: 2026-11-20 09:01:47

"Daniel, cancel my dinner reservation."

Napatingin si Daniel mula sa hawak niyang tablet. Nasa sala sila ni Eric habang abala naman si Elena sa pagbabasa ng isang magazine na hindi naman niya maintindihan.

"Sir? May problema po ba sa restaurant?"

"No. Change of plans. We'll have dinner there tonight."

"Who's coming with you?"

Eric glanced at Elena.

"Both of us. You and Elena."

Napatingin si Daniel sa dalaga.

"Kasama po si Elena?"

"Do you have a problem with that?"

"Wala naman po, sir. I'm just wondering if she's ready to go outside."

Napatingin si Eric sa babaeng nakaupo sa sofa.

"She needs to see the world eventually. Hindi naman puwedeng manatili lang siya rito habang buhay."

Nang marinig ang pangalan niya, agad na tumingin si Elena.

"Ano ang pinag-uusapan ninyo?"

"May pupuntahan tayo mamaya," sagot ni Eric.

"Saan?"

"Dinner."

Napakunot ang noo ni Elena.

"Hapunan?"

Tumango si Eric.

"Sa isang restawran."

Bahagyang ngumiti ang dalaga.

"Kung gayon, kailangan ko bang magbihis nang marangal?"

Napatingin si Daniel kay Eric.

"Sir, she's asking if she needs to dress formally."

"Tell her to wear one of the dresses we bought yesterday."

Ipinaliwanag naman ni Daniel ang sinabi nito.

"Isuot ninyo po ang isa sa mga bagong bestidang binili natin."

Tumango si Elena.

"Kung gayon, maghahanda ako."

Nang umakyat ang dalaga, napailing si Eric.

"Make sure she doesn't wear anything too extravagant."

Daniel chuckled.

"Sir, she's probably the most elegant person in this house."

"That's exactly what I'm worried about."

Bandang alas-siyete ng gabi, handa na ang tatlo.

Nagsuot si Eric ng itim na long-sleeved polo, mamahaling relo, at itim na pantalon. Simple ngunit halatang mamahalin ang kanyang kasuotan.

Si Daniel naman ay nakasuot ng dark blue polo at maayos na pantalon.

Samantala, bumaba si Elena suot ang isang pastel blue na bestidang hanggang bukung-bukong ang haba. May maliliit itong burda sa manggas at simpleng disenyo sa baywang. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at may maliit na palamuting bulaklak sa gilid nito.

Napatingin si Daniel.

"Ang ganda ninyo po, binibini."

Ngumiti si Elena.

"Maraming salamat, Daniel."

Napatingin din si Eric.

Sandali siyang natahimik bago nagsalita.

"Let's go."

Napangiti si Daniel.

"That's your way of saying she looks beautiful, sir?"

Eric shot him a warning look.

"Do you want to walk to the restaurant?"

"Sorry, sir."

Napangiti lamang si Elena kahit hindi niya lubos na naunawaan ang kanilang pinag-uusapan.

Pagdating nila sa garahe, agad na nagtaka si Elena.

Maraming sasakyan ang nakaparada roon. May itim na SUV, isang sports car, at ilang mamahaling sasakyan na hindi niya pa kailanman nakita.

Napatingin siya kay Eric.

"Eric?"

"What?"

"Nasaan ang ating karwahe?"

Natigilan si Daniel.

Pagkatapos ay napatingin siya kay Eric.

"Sir, she's asking where the carriage is."

Eric sighed.

"Tell her we don't use carriages anymore."

Nagsimulang magpaliwanag si Daniel.

"Wala na pong mga karwahe sa ganitong uri ng paglalakbay. Sasakyan na po ang ginagamit natin."

Napatingin si Elena sa mga sasakyan.

"Mga sasakyan?"

Tumango si Daniel.

"Opo."

"Kung gayon, ano ang humihila sa mga iyan? Mga kabayo ba?"

Napatawa si Daniel.

"No, binibini. Walang kabayo."

"Kung gayon, paano sila nakakagalaw?"

Itinuro ni Eric ang SUV.

"That's a car."

Napatingin si Elena sa kanya.

"Kar?"

"Car. Sasakyan."

"Ah..."

Dahan-dahang lumapit ang dalaga sa SUV at sinuri ito.

Hinaplos niya ang makintab na pintuan.

"Napakakinis naman. At napakalaki."

Binuksan ni Eric ang p***o.

"Get in."

Napaatras si Elena.

"Ano?"

Itinuro niya ang loob ng sasakyan.

"Pasok."

"Sa loob?"

"Yes."

Napatingin si Elena sa malaking upuan.

"May tao ba rito?"

Eric stared at her.

"Why would there be a person inside?"

"Hindi ko alam. Baka may kutsero sa loob na siyang magmamaneho."

Napahalakhak si Daniel.

"Sir, I think she expects someone to be inside the car."

"Daniel, stop laughing and help her get in."

Maingat na pumasok si Elena sa sasakyan. Ngunit bago tuluyang umupo, sinuri muna niya ang loob nito.

"Nasaan ang mga kabayo?"

"There's no horse!" Eric exclaimed.

Napatingin sa kanya ang dalaga.

"Kung gayon, huwag kang magalit. Nagtatanong lamang ako."

Napailing si Eric at isinara ang p***o.

Nang umandar ang sasakyan, agad na napahawak si Elena sa magkabilang gilid ng upuan.

"¡Dios mío!"

Napatingin si Daniel sa kanya mula sa passenger seat.

"Okay lang po kayo, binibini?"

"Daniel! Bakit gumagalaw ang sasakyan?"

"Umaandar po tayo."

"Alam kong umaandar tayo! Ngunit paano?"

Napangiti si Daniel.

"May makina po kasi ang sasakyan."

Napakunot ang noo ni Elena.

"Makina?"

"Opo."

"May tao bang nagpapaikot niyan?"

Napatingin si Daniel kay Eric.

"Sir, I don't think I can explain the engine."

"Then don't."

Samantala, patuloy na nakatingin si Elena sa labas ng bintana.

Habang palayo sila sa mansyon, unti-unting nagbabago ang tanawin.

Nakita niya ang malalaking gusali, matataas na poste, mga ilaw na nagliliwanag sa mga kalsada, at napakaraming sasakyan.

Nagdikit ang mga kilay niya.

"Eric..."

"What?"

"Nasaan na ang mga punongkahoy?"

Napatingin si Eric sa kanya sa rearview mirror.

"What do you mean?"

"Napakaraming gusali. Bakit halos wala nang mga punongkahoy?"

"Because this is the city."

"Ang lungsod?"

Tumango siya.

"Yes."

Napatingin muli si Elena sa labas.

May mga taong naglalakad sa bangketa. Ang iba ay nakasuot ng pantalon, maiikling damit, at sapatos na hindi niya pa nakikita.

May mga babaeng nakasuot ng damit na para sa kanya ay hindi nararapat isuot sa pampublikong lugar.

Napailing siya.

"Napakakakaiba ng pananamit ng mga kababaihan ngayon."

Napangiti si Daniel.

"Nagbago na po talaga ang panahon, binibini."

"May ilan pang tila hindi nagsusuot ng sapat na damit."

Napatingin si Eric sa kanya.

"What's wrong with their clothes?"

Hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

"Daniel, ano raw?"

"Tinatanong po kung ano ang problema sa pananamit nila."

Napatingin si Elena sa mga taong nasa labas.

"Sa aming panahon, hindi ganyan ang kasuotan ng isang binibini. Dapat ay maayos at disente."

Napangiti si Daniel.

"Different times, different fashion."

Napakunot ang noo ni Elena.

"Ano raw?"

"Wala po, binibini."

Habang patuloy silang naglalakbay, may nakita si Elena na napakalaking billboard.

May larawan iyon ng isang magandang babae na nag-aalok ng produkto.

Napatingin siya rito.

"Eric!"

"What now?"

"Napakalaki naman ng larawan ng babaeng iyan!"

Napatingin si Eric sa billboard.

"So?"

"Bakit nila inilalagay ang larawan niya sa mataas na gusali? Kilala ba siya ng lahat?"

Napangiti si Daniel.

"Advertisement po iyan."

"Anong ibig sabihin?"

"Paraan po iyon para ipakilala ang isang produkto."

Napaisip si Elena.

"Kung gayon, ipinapakita nila ang mukha ng isang tao upang bumili ang mga tao?"

"Something like that."

Napailing ang dalaga.

"Napakaraming kakaibang bagay sa panahong ito."

Maya-maya ay napatingin siya sa isang malaking gusali na may salaming dingding.

"Eric, bakit napakataas ng mga tahanan ninyo?"

Napatingin siya sa gusali.

"Those are buildings."

"Tahanan ba iyan?"

"Some are offices. Some are apartments."

Napakunot ang noo ni Elena.

"Napakaraming tao ba ang naninirahan sa iisang gusali?"

"Yes."

"At hindi ba sila nag-aaway?"

Napatawa si Daniel.

"Sometimes, binibini."

"Kung gayon, napakahirap siguro mamuhay sa ganyang kalagayan."

Napailing si Eric.

"She's asking too many questions."

Narinig iyon ni Elena.

"May masama bang magtanong?"

Napatingin si Eric sa rearview mirror.

"Nothing."

"Hindi mo ako dapat pagalitan dahil lamang nais kong matuto."

Hindi na sumagot si Eric.

Maging si Daniel ay natawa na lamang.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant.

Pagbaba nila, agad na napatingin si Elena sa napakagandang gusali. May malalaking salamin, ilaw sa entrada, at mga tauhang maayos ang pananamit.

"Napakaganda naman ng tahanan na ito."

Napangiti si Daniel.

"Restaurant po ito, binibini."

"Tahanan ng mga taong kumakain?"

Napatawa siya.

"Parang ganoon na nga po."

Pumasok silang tatlo.

Agad silang sinalubong ng isang hostess.

"Good evening, sir. Welcome!"

Napatingin si Elena kay Eric.

"Ano ang sinabi niya?"

"She's welcoming us," sagot ni Eric.

Hindi lubos na naunawaan ni Elena ang kanyang sinabi.

Lumapit si Daniel at ipinaliwanag iyon sa Tagalog.

"Binabati lang po tayo ng magandang gabi."

Tumango ang dalaga.

"Kung gayon, dapat ay batiin din natin siya."

Ngumiti siya sa hostess.

"Magandang gabi rin sa iyo, hija."

Bahagyang nagulat ang hostess ngunit ngumiti rin.

"Right this way, ma'am."

Dinala sila sa isang magandang mesa malapit sa malaking bintana.

Umupo si Eric, kasunod si Daniel. Maingat namang naupo si Elena at inayos ang laylayan ng kanyang bestida.

Ibinigay ng waiter ang mga menu.

Kinuha iyon ni Elena at agad na binuklat.

Ngunit nang makita ang mga nakasulat, napakunot ang kanyang noo.

"Eric?"

"What?"

"May suliranin ako."

Napatingin siya.

"Ano iyon?"

Itinaas ni Elena ang menu.

"Hindi ko nauunawaan ang mga nakasulat dito."

Napatingin si Daniel at napangiti.

"Sir, she can't read the menu."

Eric took the menu from her.

"Daniel, help her choose something."

"Of course, sir."

Umupo nang maayos si Daniel at ipinakita ang ilang pagkain sa menu.

"Binibini, ano po ang gusto ninyo? May manok, baka, isda, at pasta."

Napatingin si Elena sa kanya.

"Mayroon ba kayong kanin?"

Tumango si Daniel.

"Opo."

"Kung gayon, kanin at ulam na lamang."

Napatingin si Eric.

"She wants rice?"

"Opo, sir."

"Fine. Order whatever she wants."

Muling bumaling si Daniel kay Elena.

"May gusto po ba kayong inumin?"

"Mainit na tsokolate sana."

Napatingin si Daniel kay Eric.

"Sir, hot chocolate."

"At this hour?"

Napakunot ang noo ni Elena.

"Ano raw?"

"Mayroon po tayong tsokolate, binibini," mabilis na sagot ni Daniel.

Napangiti ang dalaga.

"Kung gayon, iyon ang aking nais."

Habang hinihintay ang kanilang pagkain, panay ang tingin ni Elena sa paligid.

May mga taong kumakain, nag-uusap, at tumatawa. May ilang gumagamit ng maliliit na telepono habang ang iba naman ay abala sa pagkuha ng larawan ng kanilang pagkain.

Napatingin siya sa isang babaeng nakatapat sa kanyang cellphone.

"Daniel?"

"Opo?"

"Bakit kinakausap ng babaeng iyan ang sarili niya?"

Napatingin si Daniel sa direksiyon na itinuro niya.

Napangiti siya.

"Video call po iyon, binibini."

"Katulad ng maliit na bagay na ipinakita mo sa akin?"

"Opo."

Napaisip si Elena.

"Kung gayon, hindi talaga nawawala ang mga tao sa loob niyon?"

"Hindi po."

Tumango siya.

"Mabuti naman. Akala ko ay napakalupit na ng inyong panahon."

Muntik nang mabulunan si Daniel sa iniinom niyang tubig.

Maging si Eric ay napailing.

Hindi nagtagal ay dumating na ang kanilang pagkain.

May kanin at inihaw na manok para kay Elena, habang steak naman ang inorder nina Eric at Daniel.

Nang matikman ng dalaga ang pagkain, agad siyang napangiti.

"Napakasarap!"

Napatingin si Daniel.

"Nagustuhan ninyo po?"

"Opo. Napakasarap ng kanilang pagluluto."

Eric took a sip of his drink.

"Good."

Maya-maya ay napatingin si Elena sa kanya.

"Eric?"

"What?"

"May nais akong itanong."

Napabuntong-hininga siya.

"Go ahead."

"Sa dami ng pagbabagong nangyari sa mundong ito, mayroon pa rin bang mga taong tulad namin?"

Napahinto si Eric.

"People like you?"

"Mga taong marunong magpakita ng paggalang, nagmamahal sa kanilang pamilya, at marunong magpahalaga sa dangal."

Saglit na natahimik si Daniel.

Hindi agad nakasagot si Eric.

"Of course. There are still good people."

Napatingin si Elena sa kanya.

"Kung gayon, mabuti naman."

Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi alam ni Eric kung bakit tila may kakaibang bigat ang simpleng tanong na iyon.

Marahil dahil sa unang pagkakataon, may isang taong nagtanong sa kanya tungkol sa mga bagay na hindi nasusukat ng pera.

Pagkatapos ng hapunan, sabay-sabay silang lumabas ng restaurant.

Habang naglalakad patungo sa sasakyan, napatingin si Elena sa mga naglalakihang gusali at nagliliwanag na mga ilaw.

"Napakalayo na pala ng narating ng mundo..."

Mahina niyang bulong.

"Dalawang daang taon..."

Saglit siyang natigilan.

Dalawang daang taon mula nang huli niyang makita ang kanyang pamilya.

Dalawang daang taon mula nang huli niyang maramdaman ang yakap ng kanyang ina.

At ngayon, kahit gaano kaganda ang mundong nasa harapan niya, wala na siyang matatawag na tahanan.

Napansin ni Eric ang biglang pagbabago ng ekspresyon niya.

"Elena?"

Napatingin ang dalaga.

"May problema ba?"

Umiling siya.

"Wala. Nais ko lamang sanang makita muli ang aking pamilya."

Hindi man lubos na maipaliwanag ni Eric ang nararamdaman niya, naunawaan niya ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.

Tahimik siyang tumingin sa dalaga bago binuksan ang p***o ng sasakyan.

"Come on. Let's go home."

Napatingin si Elena.

"Uuwi na tayo?"

Tumango si Eric.

"Opo, binibini. Uuwi na tayo," dagdag ni Daniel.

Bahagyang ngumiti si Elena bago sumakay.

Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa panahong ito.

Ngunit sa gabing iyon, habang nakasakay sa isang sasakyang walang kabayo at napapalibutan ng mga gusaling tila umaabot sa langit, may isang bagay siyang unti-unting naunawaan.

Hindi na siya makababalik sa mundong kanyang iniwan nang ganoon kadali.

At ang lalaking nagngangalang Eric Arzagon ang tanging taong maaari niyang lapitan sa panahong hindi niya lubos na nauunawaan.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Lady in the Painting Caught Billionaire's Heart   Chapter 49

    Maaliwalas ang umaga ng Linggo. Maagang nagising si Elena upang maghanda. Matapos ang ilang linggong puno ng kakaibang pangyayari, lihim, at mga banta, nais muna niyang magkaroon ng tahimik na araw kasama sina Eric at Daniel.Nasa sala siya nang bumaba si Daniel, nakasuot na ng simpleng polo at pantalon.“Good morning, Elena!”“Magandang umaga rin, Daniel. Maaga kang nagising.”“Syempre. Sunday ngayon. Araw ng pahinga.”Napangiti si Elena. “Akala ko ba ayaw mong gumising nang maaga kapag walang trabaho?”“Depende. Kapag may libreng almusal, kaya kong gumising kahit alas-singko.”Napailing si Elena sa biro nito.Ilang sandali pa ay bumaba si Eric. Simple lamang ang suot nitong long-sleeved polo at pantalon. Walang mamahaling relo o anumang bagay na karaniwang isinusuot niya kapag may business meeting.“Ready na ba kayo?” tanong niya.“Oo,” sagot ni Daniel. “Pero may tanong ako. May dress code ba sa simbahan? Baka mamaya bawal ang gwapo.”Tiningnan siya ni Eric nang walang emosyon.“Kun

  • The Lady in the Painting Caught Billionaire's Heart   Chapter 48

    Sabado ng umaga, masayang bumaba si Elena sa hagdan ng mansion.Hindi siya nagmamadali. Wala rin siyang dalang lumang dokumento, kuwaderno o anumang bagay na may kinalaman kay Jacinta. Sa halip, may hawak siyang maliit na listahan ng mga pagkaing nais niyang bilhin sa palengke.Pagdating sa dining area, nadatnan niya sina Eric at Daniel na parehong nakaupo sa harap ng kani-kanilang cellphone.“Magandang umaga!”“Good morning,” sagot ni Eric.“Morning, Elena,” bati ni Daniel. “Bakit parang napakasaya mo ngayon?”Inilapag ni Elena ang kanyang listahan.“May naisip akong gawin ngayong araw.”“Ano iyon?” tanong ni Eric.“Nais kong magluto tayo ng maraming pagkain. Matagal na tayong hindi nagkakaroon ng masayang salu-salo rito sa mansion.”Napatingin si Daniel kay Eric.“Sir, narinig ninyo? May handaan!”“Hindi pa nga ako sumasagot.”“Pero mukhang masarap ang plano.”Napangiti si Elena.“Hindi naman kailangang mamahaling pagkain. Maaari tayong magluto ng mga pagkaing karaniwang inihahanda

  • The Lady in the Painting Caught Billionaire's Heart   Chapter 47

    Maayos ang naging takbo ng unang dalawang araw nina Eric, Elena, at Daniel matapos silang bumalik sa trabaho.Unti-unti nilang nababawi ang mga responsibilidad na naiwan noong isang linggo silang hindi nakapasok. Si Elena ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento at pag-asikaso ng mga iskedyul, samantalang si Daniel ay halos hindi na maalis sa harap ng computer dahil sa dami ng email na kailangan niyang sagutin.Si Eric naman ay bumalik sa pagiging seryosong CEO na kilala ng lahat.Ngunit kahit abala sila, hindi tuluyang nawala sa isip nila ang mga lihim na natuklasan tungkol kay Jacinta.Noong Miyerkules ng umaga, habang inaayos ni Elena ang mga dokumentong ipinadala ni Propesor Villareal, may napansin siyang isang lumang sobre na nakasingit sa pagitan ng dalawang papel.Walang pangalan ng tatanggap sa harap nito. May maliit lamang na simbolong kapareho ng ukit sa medalyon.Dinala niya iyon sa opisina ni Eric.“Eric, may nakita ako sa mga dokumentong ipinadala ng propesor.”Tumingin si

  • The Lady in the Painting Caught Billionaire's Heart   Chapter 46

    Isang buong linggo ang lumipas mula nang magsimulang muli ang mga kakaibang pangyayari sa mansion.Pitong araw silang halos hindi lumabas ng bahay. Abala sina Eric, Elena, at Daniel sa pagsasaliksik tungkol kay Jacinta, sa mga lihim ng pamilya Rodriguez, at sa mga kasulatang iniwan ni Isabella.Marami silang natuklasan, ngunit marami pa ring tanong ang hindi nasasagot.Gayunpaman, napagkasunduan nilang hindi maaaring habambuhay na umiikot ang buhay nila sa sumpa.Kaya nang dumating ang Lunes, nagpasya silang bumalik sa dati nilang gawain.Maagang bumangon si Elena at naghanda para pumasok sa opisina. Nakasuot siya ng eleganteng cream blouse, itim na palda at simpleng sapatos. Isinuot din niya ang kanyang diamond bracelet na bigay ni Eric noong charity ball.Habang inaayos niya ang kanyang buhok sa harap ng salamin, napatingin siya sa repleksiyon niya.Isang linggo siyang halos hindi nakapunta sa opisina. Namiss niya ang mga simpleng gawain, ang pakikipag-usap kay Patricia, ang pag-aay

  • The Lady in the Painting Caught Billionaire's Heart   Chapter 45

    Matagal na nanatiling tahimik si Elena matapos mawala ang anino ni Jacinta.Nasa ilalim pa rin sila ng mansion. Nasa harap niya ang lumang aklat ni Isabella, ang medalyon at ang singsing na natagpuan nila sa kahon.Paulit-ulit niyang binabalikan ang sinabi ng mangkukulam.Hindi lahat ng tagapagmana ay nakaliligtas sa huling ritwal.Paano kung totoo iyon?Paano kung kailangan niyang isuko ang kapangyarihang minana niya upang tuluyang makalaya sa sumpa?“Elena?”Napatingin siya kay Eric.“Are you okay?”“Hindi ko alam.”Lumapit si Eric at marahang hinawakan ang kanyang kamay.“Hindi mo kailangang magdesisyon ngayon.”“Ngunit kung hindi natin tatapusin ang ritwal, patuloy tayong guguluhin ni Jacinta. Hindi lamang ako ang maaaring mapahamak. Pati ikaw at si Daniel.”“Hindi namin iniisip ang sarili namin ngayon,” sagot ni Eric. “Ang mahalaga, ligtas ka.”“Hindi ko nais na dahil sa akin ay may ibang taong masaktan.”“Hindi mo kasalanan ang lahat ng nangyayari.”Napabuntong-hininga si Elena.

  • The Lady in the Painting Caught Billionaire's Heart   Chapter 44

    Maagang nagising si Elena kinabukasan.Hindi dahil sa ingay o tawag ng sinuman, kundi dahil sa mga salitang lumitaw sa piraso ng painting noong nakaraang gabi.Hanapin ang pinagmulan.Paulit-ulit iyong umuulit sa kanyang isipan.Kung nasa lumang silid sa ilalim ng hagdan ang pinagmulan ng kapangyarihan ng kanilang pamilya, maaaring doon nila matuklasan kung paano tuluyang mapipigilan si Jacinta.Pagkababa niya sa kusina, nadatnan niya si Eric na umiinom ng kape habang may binabasang mga dokumento.“Maaga kang nagising,” bati nito.“Hindi ako gaanong nakatulog.”“Iniisip mo pa rin ang nangyari kagabi?”Tumango siya.“Gusto ko nang malaman kung ano ang nasa silid na iyon.”Ibinaba ni Eric ang hawak na papel.“Pagkatapos nating mag-almusal, pupuntahan natin.”“Kasama si Daniel?”“Of course. Ayokong magreklamo na naman siya kapag may multong lumitaw.”Biglang may boses mula sa likuran nila.“Sir, narinig ko po iyon.”Napalingon sila. Kakapasok lamang ni Daniel sa kusina habang inaayos ang

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status