The Lady in the Painting Caught Billionaire's Heart

The Lady in the Painting Caught Billionaire's Heart

last updateÚltima atualização : 2026-11-26
Por:  Katie AlcosAtualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel12goodnovel
Classificações insuficientes
49Capítulos
2visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

THE LADY IN THE PAINTING Caught Billionaire's Heart Written by: Katie Alcos Hindi naniniwala sa mahika at kababalaghan si Eric Arzagon, isang mayaman at aroganteng bilyonaryo. Ngunit nagbago ang lahat nang mabili niya ang isang lumang mansyon na may kakaibang painting ng isang magandang dalagang Pilipina na may petsang 1826. Isang gabi, nagising si Eric at laking gulat nang makitang may babaeng nakahiga sa tabi niya. Nakasuot ito ng isang eleganteng Traje de Mestiza at tila nagmula sa ibang panahon. Mas lalo siyang natigilan nang mapagtantong ito mismo ang babaeng nasa painting. Si Elena Rodriguez, isang dalagang Pilipina na nakulong sa loob ng larawan sa loob ng dalawang daang taon dahil sa sumpa ng isang makapangyarihang mangkukulam. Ngayong napadpad siya sa makabagong panahon, kailangang matutunan ni Elena ang mundong malayong-malayo sa kanyang kinalakihan. Samantala, kailangang tiisin ni Eric ang isang matigas ang ulong dalagang nagsasalita ng malalim na Tagalog na may halong Espanyol at may asal ng isang binibini noong panahon ng mga Kastila. Sa kabila ng kanilang madalas na pagtatalo, unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Ngunit habang lumalalim ang kanilang pag-iibigan, natutuklasan ni Eric ang isang madilim na lihim na nag-uugnay sa kanyang pamilya at sa nakaraan ni Elena. Maaari kayang manaig ang pag-ibig sa isang sumpang dalawang daang taon nang naghihintay? At hanggang saan kayang magsakripisyo ng isang bilyonaryo upang mapanatili sa piling niya ang babaeng mula sa nakaraan?

Ver mais

Capítulo 1

Chapter 1

"Terminate the contract. I don't care how much we've invested in that project. I want it gone by tomorrow."

Malamig at walang emosyong utos ni Eric Arzagon habang nakaupo sa likod ng malaking mesa sa kanyang opisina. Hindi man lang niya inangat ang tingin mula sa hawak na dokumento habang kausap ang taong nasa kabilang linya.

"But, sir, we've already signed the agreement. The other company is expecting—"

"Then make them expect nothing."

"Sir, the penalty will cost us millions."

Napangisi siya.

"Do you honestly think I became a billionaire by worrying about millions?"

Hindi na naghintay ng sagot si Eric. Pinatay niya ang tawag at basta na lamang ibinagsak ang cellphone sa mesa.

Para sa kanya, simple lang ang buhay. May pera, may kapangyarihan. At kung may humarang sa gusto niya, may paraan para alisin ang taong iyon sa kanyang landas.

Si Eric Arzagon, tatlumpu't dalawang taong gulang, CEO ng Arzagon International Holdings at isa sa mga pinakabatang bilyonaryo sa bansa.

Gwapo, mayaman, matalino, at kinatatakutan sa mundo ng negosyo.

Maraming babae ang naghahangad na mapalapit sa kanya. Maraming lalaki ang gustong maging katulad niya. Pero iilan lamang ang tunay na nakakakilala sa kanya.

At karamihan sa mga nakakakilala sa kanya ay may iisang paglalarawan.

Walang puso.

"Sir?"

Napatingin siya sa lalaking nakatayo sa harap ng kanyang mesa. Si Daniel, ang matagal na niyang personal assistant.

"What?"

"Your meeting with the investors is scheduled at three. Also, Mr. Villareal is requesting another appointment. He said he wants to discuss the project you cancelled this morning."

"Tell him I'm not interested."

"But sir, he's one of our major business partners."

Dahan-dahang sumandal si Eric sa kanyang upuan.

"Was I asking for your opinion, Daniel?"

Napayuko agad ang assistant.

"No, sir. I'm sorry."

"Then do your job."

"Yes, sir."

Pagkaalis ni Daniel, muling bumalik ang atensiyon ni Eric sa kanyang laptop. Wala siyang panahon para sa mga taong hindi marunong sumunod. Para sa kanya, ang emosyon ay kahinaan, at ang awa ay isang bagay na hindi dapat ipinapakita sa mundo ng negosyo.

Lumaki siyang nakitang pera at kapangyarihan ang nagpapagalaw sa mundo.

At natutunan niyang mas mabuting ikaw ang kinatatakutan kaysa ikaw ang kinakaawaan.

Alas-singko ng hapon nang matapos ang huling meeting niya.

Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan nang muling magsalita ang kanyang assistant mula sa passenger seat.

"Sir, tungkol po pala sa mansion na binili ninyo last month. Naayos na raw po ang ilang bahagi ng property. The caretaker is waiting for your arrival."

Eric glanced at his watch.

"How far?"

"About an hour, sir. Traffic is quite heavy."

"Then tell the driver to find another route."

"Yes, sir."

Sandaling tumingin si Eric sa labas ng bintana. Matagal na niyang gustong magkaroon ng isang property na malayo sa ingay ng siyudad. Hindi dahil gusto niyang magpahinga, kundi dahil ayaw niyang may ibang taong nakikialam sa kanyang buhay.

Nang makita niya ang lumang mansyon sa isang online property auction, agad niya itong binili.

Napakalawak ng lupain, napapalibutan ng matataas na puno, at may arkitekturang tila naiwan sa ibang panahon.

Isang magandang investment, ayon sa kanya.

Wala siyang pakialam kung may mga kuwentong kababalaghan tungkol sa lugar. Para sa kanya, mga imbento lamang iyon ng mga taong walang ibang pinagkakaabalahan.

"Sir, we're here."

Naputol ang pag-iisip niya nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking bakal na gate.

Bumukas iyon matapos pindutin ng guwardiya ang control panel.

Sa likod nito ay bumungad ang isang mahabang driveway na napapalibutan ng mga punong kahoy. Sa dulo ay nakatayo ang isang malaking mansyon na may matataas na haligi, malalawak na bintana, at lumang disenyong Europeo.

May ilang bahagi ng gusali na halatang nangangailangan pa ng pagkukumpuni, ngunit nananatili pa rin ang dating karangyaan nito.

Bumaba si Eric at inayos ang manggas ng kanyang mamahaling relo.

"Welcome home, sir," bati ng lalaking nag-aabang sa entrada.

Si Mang Tomas, ang caretaker ng mansyon.

"You're the caretaker?"

"Opo, sir. Ako po ang naatasang mag-asikaso rito simula nang mabili ninyo ang property."

Eric nodded.

"Show me around."

"Masusunod po."

Pumasok sila sa mansyon. Bumungad ang napakalawak na sala na may matataas na kisame, malalaking chandelier, at mga antigong muwebles. May makakapal na kurtina sa mga bintana at mga lumang larawan na nakasabit sa dingding.

Halos lahat ng kagamitan ay luma, ngunit maayos pa rin ang pagkakagawa.

"Matagal na po itong mansyon, sir. Ayon sa mga dating may-ari, mahigit dalawang daang taon na po ang ilang kagamitan rito."

"Then replace anything that's damaged."

"May ilang gamit po na sinasabing bahagi ng orihinal na disenyo ng mansyon. Baka gusto ninyong panatilihin—"

"Did I buy this place to turn it into a museum?"

Napahinto si Mang Tomas.

"H-Hindi po, sir."

"Good. I don't want old junk cluttering my house."

Nagpatuloy sila sa paglalakad.

Ipinakita sa kanya ang dining area, library, entertainment room, at ilang silid na maaari niyang gawing guest rooms. Ngunit nang makarating sila sa isang malaking silid sa ikalawang palapag, napahinto si Eric.

"What's this room?"

"Iyan po ang dating receiving room, sir. Pero maaari rin po itong gawing private lounge."

Malawak ang silid. May malaking fireplace sa isang bahagi, mahahabang kurtina, at isang antigong kabinet.

Ngunit hindi ang mga iyon ang nakakuha ng atensiyon ni Eric.

Kundi ang isang malaking painting na nakasabit sa dingding.

Isang babae.

Napakaganda nito.

Nakasuot siya ng isang eleganteng damit na kulay ginto at puti, may masalimuot na disenyo ng puntas sa manggas at dibdib. Ang kanyang mahabang buhok ay maayos na nakatali, may ilang maliliit na bulaklak na nakapalamuti rito.

Napakapino ng kanyang mukha. Mapupungay ang mga mata, matangos ang ilong, at may bahagyang ngiti sa labi.

Tila buhay ang pagkakapinta sa kanya.

Matagal itong tinitigan ni Eric.

"Who's she?"

Napatingin si Mang Tomas sa painting.

"Ah, iyan po."

"Do you know her?"

"Ang sabi po ng mga dating may-ari, Elena Rodriguez ang pangalan ng dalaga."

"Elena Rodriguez?"

"Opo. Isa raw po siyang dalagang Pilipina na nabuhay noong panahon ng mga Kastila."

Lumapit si Eric upang masuri nang mabuti ang painting.

Sa ibabang bahagi nito ay may maliit na ukit na tila bahagi ng orihinal na frame.

1826.

"Two hundred years old?"

"Halos ganoon na nga po, sir."

"Interesting."

"May kuwento rin po tungkol sa larawang iyan."

Napalingon si Eric.

"What story?"

"May mga nagsasabi pong hindi raw basta-bastang painting iyan. May kakaiba raw pong nangyayari kapag gabi. Minsan daw ay parang nagbabago ang ekspresyon ng dalaga."

Natawa nang bahagya si Eric.

"Seriously?"

"Pasensya na po, sir. Kuwento lang naman po iyon ng mga matatanda rito."

"People really need to get a life."

Ngumisi siya at muling tiningnan ang larawan.

"Keep it."

"Sir?"

"I said keep it. It's actually beautiful. It would look good in this room."

"Masusunod po."

Bago umalis, muli siyang napatingin sa painting.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may kakaibang pakiramdam siyang naramdaman habang nakatitig sa mga mata ng babae.

Parang may kung anong bagay na gustong sabihin ang mga ito.

Pero agad niya iyong binalewala.

Isa lamang iyong lumang painting.

Walang buhay ang mga larawang ipininta.

At lalong walang kakayahang lumabas ang isang babae mula sa isang larawan.

Gabi na nang tuluyang umalis ang mga tauhang nag-asikaso sa mansyon.

Nagpasya si Eric na doon na magpalipas ng gabi. Tutal, binili niya ang mansyon upang maging isa sa kanyang mga pribadong tirahan. Wala siyang dahilan para hindi ito gamitin.

Pagkatapos maligo at magpalit ng komportableng damit, nagtungo siya sa kanyang silid.

Napakalaki rin nito. May king-sized bed, walk-in closet, sariling banyo, at malawak na bintanang tanaw ang hardin.

Inilapag niya ang cellphone sa bedside table at humiga.

Bago tuluyang ipikit ang mga mata, sumagi sa isip niya ang mukha ng babaeng nasa painting.

Elena Rodriguez.

He wondered how beautiful she must have been in person.

"Whatever," bulong niya sa sarili.

Pinatay niya ang bedside lamp at ilang sandali pa ay tuluyan nang nakatulog.

Tahimik ang buong mansyon.

Walang ibang maririnig kundi ang mahinang pag-ihip ng hangin sa labas at ang paminsan-minsang tunog ng lumang kahoy.

Ngunit sa ikalawang palapag, sa silid kung saan nakasabit ang painting, may kakaibang liwanag na unti-unting lumitaw.

Nagsimulang gumalaw ang mga kurtina kahit nakasara ang lahat ng bintana.

Ang apoy sa fireplace na matagal nang hindi ginagamit ay biglang nagliyab.

At sa loob ng painting, dahan-dahang nagbago ang ekspresyon ng dalaga.

Nawala ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Pumikit ang kanyang mga mata.

Pagkatapos ay dahan-dahan itong dumilat.

"Sa wakas..."

Isang mahinang bulong ang narinig sa loob ng silid.

Kasunod niyon ay isang nakakabinging katahimikan.

Alas-tres ng madaling-araw.

Bahagyang gumalaw si Eric sa kanyang pagkakahiga nang may maramdaman siyang kakaiba sa tabi niya.

Akala niya ay unan lamang iyon na nahulog mula sa kabilang bahagi ng kama. Ngunit nang bahagya siyang gumalaw, may naramdaman siyang tela.

Malambot.

At hindi iyon ang kanyang kumot.

Napakunot ang kanyang noo.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.

"Shit..."

Napabalikwas siya nang makita ang isang babaeng nakahiga sa tabi niya.

Isang babaeng mahimbing na natutulog.

Mahaba ang buhok nito na nakakalat sa unan. Nakasuot ito ng isang elegante at mamahaling tingnang damit na may malalaking manggas, puntas, at burdadong disenyo.

Napatitig si Eric.

Hindi siya agad nakapagsalita.

What the hell?

Dahan-dahan niyang inabot ang bedside lamp at binuksan iyon.

Nagliwanag ang buong silid.

Mas malinaw na niyang nakita ang mukha ng babae.

Maputi ang balat. Mahahaba ang pilikmata. Matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata kahit nakapikit pa ang mga ito.

Pamilyar ang mukha.

Sobrang pamilyar.

Nanlaki ang mga mata ni Eric.

"Impossible..."

Parang nawalan siya ng hangin nang mapagtanto kung sino ang babaeng nasa tabi niya.

Ang mukha nito.

Ang buhok.

Ang damit.

Lahat ng detalye.

Ito ang babaeng nasa painting!

"Hey!"

Hinawakan niya ang balikat nito at bahagyang niyugyog.

"Wake up!"

Walang nangyari.

Mas mariin niya itong niyugyog.

"Hey! I'm talking to you!"

Biglang dumilat ang babae.

Napasinghap ito at mabilis na napaupo sa kama.

"Ay!"

Napaatras si Eric dahil sa biglaang reaksiyon nito.

Napatitig naman ang babae sa kanya. Halatang naguguluhan habang sinusuri ang paligid.

Ilang segundo silang nagkatitigan.

Hanggang sa biglang nagsalita ang dalaga.

"Anong ginagawa mo sa aking silid?"

Napakunot ang noo ni Eric.

"What?"

"Tinatanong kita! Anong ginagawa mo rito?"

Lalong kumunot ang noo ng lalaki.

"Excuse me? This is my room!"

"Silid mo?"

Mabilis na luminga-linga ang babae. Tiningnan niya ang malaking kama, ang ilaw sa gilid nito, ang mga kurtina, at ang mga kagamitang hindi niya kailanman nakita.

Pagkatapos ay muling bumaling kay Eric.

"Nasaan ako?"

"That's exactly what I want to know! Who the hell are you?"

Napahawak sa dibdib ang dalaga.

"¡Dios mío! Bakit ka sumisigaw? Wala ka bang modo?"

Eric stared at her.

"Are you seriously asking me that?"

"At bakit ganyan ang iyong pananamit? Hindi ka ba nahihiya?"

Napatingin si Eric sa suot niyang simpleng pantulog.

Then he looked back at her.

"Okay. Either I'm dreaming, or I've completely lost my mind."

"Anong ibig mong sabihin?"

"You're the woman in the painting!"

Biglang natahimik ang dalaga.

Unti-unti itong napatingin sa kanyang mga kamay. Pagkatapos ay hinawakan niya ang sariling mukha na para bang sinusubukang tiyaking tunay ang kanyang nararamdaman.

"Ang larawan..."

"What about it?"

"Nasaan ang larawan?"

Eric slowly stood up.

"Wait. You mean the painting in the other room?"

"Ang aking larawan..."

Muling napatingin ang dalaga sa kanya. Ngayon ay may halong takot na ang mga mata nito.

"Anong taon na ngayon?"

Eric blinked.

"What?"

"Tinatanong ko kung anong taon na ngayon!"

Napabuntong-hininga siya.

"2026."

Parang may kung anong bumagsak sa buong mundo ng dalaga.

Nanginig ang kanyang mga labi.

"Dalawang... daang taon?"

Napatingin si Eric sa kanya.

"How do you know that?"

Hindi sumagot ang dalaga. Sa halip, napayuko ito at napahawak sa magkabilang kamay.

"Imposible..."

"Look, I don't know what kind of prank this is, but—"

Bigla siyang tiningnan ng babae.

"Elena Rodriguez ang aking pangalan."

Natigilan si Eric.

"Elena Rodriguez?"

Tumango ang dalaga.

"At ikaw... sino ka?"

Sandaling natahimik si Eric bago sumagot.

"Eric Arzagon."

Hindi niya alam kung bakit, pero nang marinig ng babae ang kanyang apelyido, tila may kung anong takot na sumilay sa mukha nito.

"Arzagon?"

"Yes. Why?"

Ngunit hindi sumagot si Elena.

Sa halip, napatingin ito sa paligid, pagkatapos ay sa kanya.

"Kung gayon... hindi na ako nasa taong 1826?"

"No. You're not."

Nangilid ang luha sa mga mata ng dalaga.

"¡Dios mío!"

Napahawak siya sa ulo at napahagulhol.

Samantalang si Eric ay nanatiling nakatayo sa harap niya, hindi makapaniwala sa nangyayari.

Ilang minuto lamang ang nakalipas, isa siyang lalaking natutulog nang payapa sa sariling kama.

Ngayon, katabi niya ang isang babaeng ipininta dalawang daang taon na ang nakalilipas.

At ang mas nakakabaliw?

Hindi niya alam kung paano ito nawala mula sa isang painting at napunta sa kanyang silid.

Tumingin siya sa babaeng umiiyak sa kanyang kama.

Then he muttered under his breath.

"Great. Just great."

Hindi niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon.

Pero isang bagay ang sigurado.

Ang tahimik niyang buhay sa mansyon ay tuluyan nang nagbago.

At ang babaeng nasa tabi niya ang magiging pinakamalaking problemang hindi kayang solusyunan ng kanyang pera.

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sem comentários
49 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status