Share

Kausap

Gilda Point of View

                Tila hindi masanay ang aking mga mata sa dilim. Nangangapa pa rin ito hanggang sa ngayon. Wala pa rin akong makita na kahit ano.

                “Sino ka?” tanong ko muli sa kung sino man ang pumaswit sa akin noon. “Sumagot ka!”

                “Hello, anong pangalan mo?” tanong sa akin ng isang tinig. Malinaw kong ito na naririnig. Galing ito sa isang sulok ng kwarto, at hindi lamang sa aking isipan.

                Kagulat gulat na may iba pang tao rito bukod sa akin. Sa tagal ko na narito ay ngayon lamang ito nagparamdam sa akin.

                “Gilda ang pangalan ko. Sino ka? Bakit ka narito?” tanong ko sa kanya habang pilit hinahanap ng aking mga mata ang babaeng kausap ko.

                “Ako? Isa rin akong biktima nila,” aniya sa akin. “Ako ay ikinulong nila dito. Dahil galit sila sa akin.”

                “Gaano ka na katagal dito? Bakit hindi ka man lang nagsasalita?” tanong ko muli sa kanya.

                “Kasing tagal mo,” aniya sa akin. “Noong isang araw lamang ako ipinasok rito. Natatakot ako na kausapin ka. Natatakot akong matawag mo na baliw.”

                Napahinga naman ako ng malalim. Nakakagaan kaonti ng pakiramdam na hindi ako nag – iisa dito. Nakakawala ng takot ngunit nakakalungkot na mayroon nanaman silang ibang nabiktima bukod sa akin.

                Kailan matatapos ang kanilang krimen? Kailangan silang mapigilan sa mga krimen na ginagawa nila. Kailangan maisumbong sila sa mga pulis. Kulang pa ang pang habang buhay na pagkakulong sa mga bagay na ginawa nila. Wala itong kapatawaran.

                “Kailangan nating makatakas dito!” ani ko sa kanya. “Magtulungan tayo upang makatakas dito. Mamatay tayo sa gutom kung hindi tayo gagawa ng paraan upang makaalis sa lugar na ito.”

                “Ngunit paano?” tanong niya sa akin. “Pareho tayong nakagapos sa upuan, at hindi makagalaw. Ang pinto sa itaas ay kandado. Hindi mo ito mabubuksan sa loob. Wala tayong lakas upang tumakbo. Maabutan lamang nila tayo. Hindi ba at mas makakabuting tanggapin na lamang natin an gating kamatayan?”

                Tama siya. Wala kaming kakayahan upang makatakas dito. Para kaming mga baldadong walang kayang gawin upang iligtas an gaming sarili. Hindi kami makakatakbo palayo. Mahirap alam ko ngunit kailangan naming subukan. Hindi kami pwedeng sumuko na lamang ng ganoon. Hindi ko matatanggap ang kamatayan na naghihintay sa akin.

                Hindi ito katanggap tanggap!

                “Ano ka ba? Wala ka bang pangarap sa buhay mo?! Paano na ang mga pamilya mo na naghihintay sa pag – uwi mo?!” tanong ko sa kanya.

                Nais kong palakasin ang loob niya kahit ako ay walang wala ng lakas ng loob upang magpatuloy ngunit nakakuha ako ng kaonting lakas noong malaman ko na may kasama ako sa kwarto na ito. May katulong ako na tatakas sa bahay na ito.

                Hindi sa natutuwa akong narito rin siya ngunit iba ang aking nais iparating.

                “Wala na akong pamilyang uuwian,” ani niya sa akin. “Patay na ang aking mga magulang. Ulilang lubos na ako. Nag – iisa lamang akong anak. Wala din naman akong pupuntahan kung sakaling makawala ako dito kung hindi lansangan sa maynila.”

                “Ikinalulungkot kong marinig iyan. Magkatulad tayo ngunit may pangarap ako. Pangarap? Kahit anong pangarap wala ka ba? Ano bang gusto mo sa buhay? Mga bagay na nais mong marating.” tanong ko sa kanya.

                “Marami,” sagot niya sa akin. “Nais kong makapatapos ng pag – aaral ko. Nais kong maging doktor sa aking paglaki. Nais kong kumita ng maraming pera. Gusto kong magkaroon ng sariling bahay. Gusto ko pa magkaroon ng sarili kong pamilya. Ngunit paano ko mararating iyon kung ganito lamang ako? Paanong mararating iyon ng isang pulubing katulad ko? Walang future ang mga taong pakalat kalat sa lansangan, Gilda. Wala Palasak na ang buhay nila.”

                Nakakalungkot isipin na ang mga pangarap na iyan ay lumulubog na lamang dahil ayaw na niyang ipaglaban. Ngunit sa kaso ko ay hindi ako basta basta susuko. Hindi ko hahayaang lumubog ang isang barko kahit may butas na ito. Lagi akong gagawa ng paraan upang mapanatiling nakataas ito sa tubig hangang sa marting ko ang aking destinasyon.

               

                “Ang dami mong pangarap,” aniya ko sa kanya. “Mga inspirasyon, at dahilan upang magpatuloy ka. Hindi ba at sabi nga nila. Madadapa ka ng pitong beses ngunit tatayo ka sa pang walo? Sana lakasan mo ang iyong loob. Pwede tayong maging magkatulong sa buhay. Tayong dalawa ay magtutulungan upang maabot ang pangarap ng isa’t isa. Ano naman kung tayo ay mga pulubi sa lansangan? Hindi hadlang ang kaharipan sa ating mga pangarap kung tayo ay magsusumikap lamang!”

                “Hindi mo naiintindihan, Gilda,” aniya sa akin. Tila pamilyar ang kanyang boses sa akin. Ngayon ko lamang napansin. “Hindi ka mulat sa reyalidad. Mas nanaisin mong mamatay na lamang kaysa damhin ang bawat pagtapak sa iyo ng mga tao sa siyudad. Titignan ka nila na parang isang nakakahawang sakit. Ang mga mata nila ay puno ng panghuhusga. Isusuka ka ng lipunan hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko. Mas maigi nang sumuko na lamang, at mamatay rito. Makakamtam natin ang kapayapaan, at makakasama natin ang mahal natin sa buhay.”

                Napaisip ako sa kanyang sinabi. Hindi ko na nga madarama ang sakit kapag namatay ako ngunit ang tanong ay tunay na kapayapaan nga ba ang naghihintay sa amin sa pagpikit ng aming mga mata? O isang walang hanggang pagdurusa sa loob ng walang katapusang impyerno?

                Tila ako na mismo ang pumapatay sa aking sarili kung susuko ako. Umiling iling ako. Hindi ako papayag. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap.

                Magdodoktor pa ako! Tatapusin ko pa ang aking pag – aaral.

                “Kahit anong sabihin mo ay hindi ako panghihinaan ng aking loob. Gagawa ako ng paraan upang tumakas dito. Tatakas ako dito! Tatakas tayo rito!” ani ko sa kanya.

                Buo na ang aking loob. Hindi ako papayag na magapi na lamang nila Maria. Laban to ng aking buhay sa kamatayan. Ibibigay ko na ang lahat ng aking makakaya upang iligtas ang aking sarili sa kanilang mga kamay.

                Kailangan ko lamang maghintay ng tamang pagkakataon upang makakuha ng tiyempo!

                Tama! Kayak o pang magtiis. Kayang kaya ko pa maghintay. Makakamtam ko din ang lwanag. Makakatakas din kami dito. Magtitiwala ako sa aking sarili!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status