Share

Simula

Gilda Point of View

                Napatingin ako sa aking paligid. Wala akong makita kung hindi puro kadiliman lamang. Ilang araw na ba akong naririto? Anong mayroon sa kwarto na ito? Kaht nakabukas ang pintuan sa itaas ay hindi ko maaaninag ang kabuuan na kwarto.

                Dito ba nila itinatago ang mga biktima nila? Dito nila pinapatay? Ilang tao na kaya ang papatay nila? Ilang tao na ang kanilang inalay?

                Paano nilang nasisikmura na gawin ito sa kanilang miyembro ng pamilya? Anak ako ng anak ni Lola Teresa pero ginaganito nila ako? Anong klaseng kamag anak ang mayroon ako! Nakapanghihina ng laman.

                Nagbukas ang pintuan sa may itaas. Mula roon ay nakita ko ang isang nakatayong babae. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha pagka’t nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa labas.

                Nasanay na kasi ang aking mata sa madilim na silid.

                Sino ang babaeng nakatayo? Carmen ikaw ba yan? Imposible, hindi ganito ang pangangatawan ni Carmen. Si Maria ba ito? Medyo mahirap kilitasin. Bulto lang niya ang aking nakikita.

                Pumikit pikit ako upang pagmasdan ang taong nasa itaas. Kaht anong gawing pag pikit ko ay wala akong maaninag.

                Sino ba ito? Matutulungan niya ba ako?

                “Maria? Ikaw ba iyan?” tanong ko sa taong nasa may taas na pintuan kaya siguro hindi ko na siya halos makita. Sa tagal ko sa loob ng silid ay nasasaktan na ang aking mata na likha ng isang liwanag.

                “Tulungan mo ako! Parang awa mo na! Pangako, hindi na ako tatakas sa iyo!” sigaw ko sa kanya. “Pakawalan mo lamang ako! Hindi ako magsusumbong kahit na kanino. Ititikom ko ang aking bibig. Basta tulungan mo lang ako dito.”

                Hindi sumagot ang taong nasa itaas kaya naman napakunot ang noo ko sa kung ano ang ginagawa niya at nakatayo lamang siya sa itaas na pintuan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Malabo ito. Kahit anong gawing kurap ko ay hindi ko siya makilala.

                “Maria? Bakit hindi ka sumasagot?” tanong ko sa kanya.

                Ilang segundo ang lumipas ay nagsimula itong humakbang pababa ng hagdan.

                Sa bawat paghakbang nito pababa ay umiitim ang mahaba nitong itim na bestida. Ang balat nito ay tumatanda. May hawak itong isang bagay sa kanyang kamay.

                Ano iyon? Bakit hindi ko matanaw kung ano iyon?

                “L-lola Teresa?” tawag ko noong maaninag ko ang mukha niya.

                Nakalapit na siya sa akin at nakatingin lamang. Hindi siya nagsasalita basta nakatingin lamang.

                Ano ang ginagawa niya? Ano ang pakay niya sa akin? Bakit siya narito.

                “Lola Teresa, tulungan mo po ako,” ani ko sa kanya. “Pangako magiging mabuting apo niyo ako. Kahit ako na ang magluto, at gumawa ng lahat ng mga gawaing bahay. Kahit huwag niyo na ako pag – aralin ayos lamang. Ilabas niyo lang po ako rito!”

                Napakunot ang aking noo pagka’t hindi sumasagot ang taong nasa harap ko ngayon.

                B-bakiit? Bakit parang iba siya? Parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

                Napatingin ako sa kamay niya. Nanlaki ang aking mga mata sa dala dala niyang bagay. Isang kutsilyo! Isang malaking kutsilya na kayang kaya akong tagain.

                “L-lola huwag po,” ani ko sa kanya at napaatras. “Huwag niyo po akong papatayin please.”

                Mabilis niyang itinaas ang kanyang hawak na kutsilyo saka lumapit sa akin.

                “AHHHHH!!!” malakas kong sigaw noong pagsasaksakin niya ako. Lumusot sa aking mga kamay ang kutsilyo!

                Agaw hininga akong nagising mula sa aking pagkakatulog.

                Napatingin ako sa paligid ngunit puro kadiliman lamang ang aking mga nakita. Isang masamang panaginip. Akala ko ay totoo na.

                Nakakatakot ang panaginip kong iyon. Akala ko talaga ay mamamatay na ako sa mga saksak na ibinagay niya sa akin.

                Anong araw na? Anong oras na? Ilang araw na akong narito. Wala akong alam. Tanging kadiliman lamang ang aking nakikita.

                Ang alam ko lamang ay simula noong iwan ako ni Maria ay hindi na siya bumalik muli upang pakainin o painumin ako.

                Kumukulo na ang aking tiyan. Sana lang ay may naghahanap sa akin. Sana hinahanap ako ni Carmen. Sana magtaka siya na hindi ako kasama ni Maria sa palengke.

                Siya na lamang ang aking pag – asa. Please Carmen tulungan mo ako. Kailangan kita. Iligtas mo ako sa kanila.

                Kahit anong isip ko na hahanapin niya ako ay walang posibilidad na papuntahan niya sa mgapulis ang bahay ng lola Teresa. Hindi name kami masyadong close. Isa pa baka isipin niya lamang na naiiwan ako sa bahay namin.

                Makakawala pa ba ako sa bahay na ito? Parang isang impyerno. Namanhid na ang aking mga paa, at wala na akong maramdaman.

                Pakiramdam ko ay hindi ko na magagamit ang paa ko dahil sa nangyaring pagkakahulog ko sa hagdan. Walang awa si Maria. Paano niyang nagawa sa akin iyon? Paano niya akong tinulak sa hagdan ng wala man lang pagdadalawang isip?

                Paano niyang naitago ang sama ng ugali niya sa kanyang maamong mukha. Kung naniwala lang sana talaga ako ay hindi ako aabot dito. Kung sana ay pinaniwalaan ko si Carme sana ay wala ako rito.

                Nagsisisi ako na sumama ako kay Lola Teresa. Sising sisi ako. Akala ko magiging maayos ang buhay ko dito sa probinsya. Hindi pala. Magiging magulo pala ang buhay ko dito.

                Bakit sa dami ng pwede kong maging kapamilya ay mga kulto pa? Alam kong minsan suplada at maldita ako. May pagka maarte din pero hindi naman at patas na magdusa ako ng ganito.

                Mamatay na ako… gusto ko ng pagkain. Kailangan ko ng pagkain. Hilong hilo na ako. Wala pa akong makita. Pakiramdam ko ay kakapusin pa ako ng hininga.

                Kinikilibutan ako sa tuwing iniisip ko na mag – isa lamang ako sa kwarto na ito. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin.

                Pakiramdam ko sa oras na makita ko ang kabuuan ng kwarto ay mas mahihindik ako sa aking mga makikta. Mas okay na sigurong hindi ko nakikita ito dahil hindi ako matatakot sa kung ano man ang nasa tabi ko.

                Tulungan niyo ako… Tulungan niyo ako please.

                ‘PSSSTT’

                Napatigil ako noong may pumaswit. Sino ito? Si Maria nanaman ba ito?

                “Sino ka? Maria ikaw ba iyan?  Nasaan ka Magpakita ka sa akin!! Sino ka?!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status