Share

Kawalan

Gilda Point of View

            Nakatingin ako sa mataas na kisame ng aking kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko alam kung ilang segundo, minuto, at oras ang nagdaan.

            Pagod na pagod na ako kakawag sa kinalalagyan ko. Ginawa ko na ang lahat para lamang makawala sa pagkakatali sa akin ni Maria ngunit walang effect. Napagod lamang ako ngunit walang nangyari.

            Bumaba na ang araw, lumabas na ang buwan sa kalangitan habang ako ay nakatali sa upuan na natumba.

            Gutom na gutom ako. Kahapon pa ako hindi kumakain. Pakiramdam ko ay kinakain na ng sikmura ko ang sarili niya.

            Hindi man lang muli ako dinaan ni Maria upang pakainin.

            Nay, Tay, bakit ganito? Bakit kailangan kong magdusa ng ganito sa kamay ng mga taong akala ko ay tutulungan ako. Bakit kailangan kong magdusa pagkatapos kong magdusa sa pagkamatay niyo?

            Kung alam ko lamang na ganito sila ay sana hindi na ako sumama pabalik ng probinsya. Kung alam ko lang na gagantuhin nila ako ay baka mas minabuti ko pang mamulubi sa kalye.

            Bakit?! Bakit kailangan niyo ako iwan ng ganito? Bakit kailangan kong maulila ng maaga? May nagawa ba akong masama? Masama ba akong tao? Tinapakan ko ba ang ibang tao?

            Anong dahilan para parusahan ako ng ganito?

            Bakit?!!!!

            Napaiyak ako nang napaiyak. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sipon na nakaharang sa ilong ko. Sa bibig na lamang ako kumukha ng hangin para makahinga.

            Gilda, hindi ka dapat sumuko! Kailangan mong makalabas dito upang makapagsumbong sa mga pulis.

            Malapit na ako sa highway kanina pero dumating pa si Maria. Anong klaseng tao siya para maabutan ako ng ganoon?

            Kung sana ay nakinig lamang ako kay Carmen. Kung sana ay hindi ako masyadong naniwala kay Maria ay baka wala ako dito ngayon.

            Baka nakaligtas pa ako. Akala ko kasi mapagkakatiwalaan sila. Akala ko sila ang magiging kasangga ko sa lahat ng oras.

            Bwiset! Napakabobo ko at inakala kong minamahal nila ako pero ang totoo ay nanggigil pala sila sa akin.

            Anon na ang mangyayari sa akin ngayon? Iaalay nila? Gaya ng ginagawa nila sa iba?

            Bakit ako? Kadugo nila ako.

            Hindi ako basta basta susuko! Kahit mawalan pa ako ng mga paa ay gagapang ako paalis sa lugar na ito.

            “HAAA!!!” sigaw ko at pilit na itayo ang mabigat kong sarili.

            Napahiga muli ako pagkat hindi ko kaya. Idagdag mo pa ang makapal na upuan. Dumadagdag sa timbang. Nakakapnghina ng laman. Naubos na lahat ng lakas ko. Isama mo pa na gutom na gutom na ako.

            Gusto kong makainom ng tubig. Kailangan ko ng tubig. Baka mamatay na lamang ako sa gutom, at uhaw. Kung bakit ba kasi ipinagpaliban ko ang pagkain ng kahit ano. Sana man lang kahit saging sa lamesa ay kumain ako.

            Sa tuwi kasing naiisip ko ang mga nakita ko sa bodega ay nasusuka ako. Pakiramdam ko lahat ng pagkain ay galing doon. Kahit gulay ay pakiramdam ko na nagmula sa nakakasuka at nakakatakot na bodegang iyon.

            Kahit sinong tao siguro ay hindi na kakainin kapag nakita ang nakakahindik na senaryo sa loob.

            Napatingin ako sa pintuan noong bumukas ang pintuan.

            Bumungad sa akin si Maria. May dalai tong plato at baso.

            “Gutom ka na ba, anak ko?” tanong niya sa akin habang nakangiti.

            Dala dala na naman niya ang kanyang nakakatakot na ngiti.

            “T-tubig lamang ang gusto ko,” ani ko sa kanya.

            Baka kasi kung ano nanaman ang gawin niya sa akin kapag hindi ako sumagot sa kanya. Baka mas malala pa ang gawin niya sa akin. Baka bugbugin niya ako.

            Hindi ko pa naman magagawang depensahan ang aking sarili dahil sa kalagyan ko ngayon.

            Umupo siya sa gilid ko at nakita ko ang mga laman. Hindi lang laman kundi tipak tipak na hilaw na laman.

            May katabi itong kanin na kulay pula pa dahil sa dugo na nagmumula sa hilaw na laman.

            “Hindi ko na niluto dahil mas masarap siya kapag hilaw,” ani ni Maria at sumalok sa kutsara ng isang laman.

            Umiling iling ako sa kanya.

            “T-tubig lamang po ang gusto ko,” ani ko sa kanya.

            Biglang sumungit ang kanyang mukha.

            “Anong tubig lamang? Pinaghandaan kita ng pagkain pero tatanggihan mo lamang?” tanong niya sa akin. “Gusto mo bang magalit ang nanay, anak? Kainin mo ang hinain ko! Hindi pwedeng tubig lamang! Say ahhh”

            Madiin kong isinara ang aking bibig. Nababaliw na talaga siya. Gusto niya sa akin ipakain ang hilaw na laman ng tao?!

            Nasisiraan na talaga siya ng bait. Kapag hindi pa ako nakaalis dito ay baka ako ang masiraan ng bait sa mga pinaggagawa niya.

            Idinutdot niya ang kutsara sa aking bibig ngunit ayaw kong buksan ito. Hindi pa ako sira ulo upang kainin ang nakakadiring iyan.

            Ibinaba niya ang kanyang hawak na plato saka hinablot ang aking panga.

            “SABI KO SAY AHHH!!” mariin na sabi niya sa akin at gamit ang isang kamay ay pilit niya akong ipinanganga.

            Matigas pa rin ako ngunit bigla niya akong sinampal.

            “Ouc-“

            Agad akong napatigil noong sa pag inda ko ay sinubo niya agad sa aking bibig ang isang kutsara ng kanin at laman.

            Gusto kong isuka ngunit isinagad niya ito sa aking lalamuna at isinara ang aking bibig.

            Napaiyak na lamang ako sa kanyang ginawa.

            Hindi ko maipaliwanag ang lasa. Napakasama! Hindi ko maatim.

            “Nguya anak,” ani niya sa akin at kinuha an gang baso ng tubig sa gilid.

            Umiling iling ako.

            “Ayoko po, tama na,” ani ko sa kanya habang puno ng laman ang aking bibig.

            Itinapat niya sa bibig ko ang tubig at binuhos ito ng walang tigil.

            Nalunok ko ang laman at mga kanin sa loob ng aking bibig. Halos malunod ako sa tubig dahil nakahiga pa rin ako sa sahig habang pinapakain niya.

            Noong maubos ang laman ng baso ay saka lamang siya napatigil.

            “Good girl,” sabi niya sa akin at lumabas ng kwarto.

            “ACKKK!!” suka ko pilit.

            Ngunit konting butil ng kanin at tubig lamang ang lumabas sa aking bibig. Nalunun ko na talaga ang alam.

            Napapikit na lamang ako sa aking paghikbi. Kailan ako makakaalis dito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status