Share

BASEMENT

 Gilda Point of View

            Nagising ako sa aking pagkalog na nararamdan ko. Napatingin ako sa itaas ng bahay habang umaalog alog ang buo kong katawan.

            May humahatak sa aking buhok.

            Nakatali pa rin ako! At hindi lang iyon. Hinahatak ako ni Maria gamit ang aking buhok pababa ng hagdan.

            Saan niya ako dadalhin?! Saan kami pupunta?! Hindi niya naman ako papatayin hindi ba?! Hindi naman niya kukunin nag dugo ko hindi ba?!!

            Oh no! Please wag! Help me, lord! Ayoko pa pong mapatay.

            “S-saan mo ako dadalhin?” tanong ko kay Maria na hinahatak ako pababa ng hagdan.

            “Dadalhin? Sa bagong  kwarto mo, anak,” aniya sa akin.

            “P-po? B-bagong kwarto??!” tanong ko.

            Hindi na ito sumagot sa akin, at nakababa na kami ng hagdan. Sobrang sakit ng anit ko dahil sa kahapon, at sa ginawa niya.

            Hinarap niya ako sa may pinto.

            Ito ang pinto sa baba ng hagdan. Binuksan niya ang padlock noon saka binukas ang pinto. Muli niya akong hinatak papunta roon.

            Matapos ay tinanggal niya ang malaking carpet. Nakita ko ang isang panibagong pinto na nakalagay sa papag. May padlock din ito.

            “Halika, anak. Magslide ka,’ ani niya sa akin pagkabukas niya ng pinto sa may sahig.

            Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang sinabi.

            Umiling iling ako sa kanya.

            “Wag please! Maria wag please! Huwag mong gawin sa akin ito!!” ani ko sa kanya.

            “Shhh, mageenjoy ka pramis! Noong bata ako mahilig kami magslide ni Dan sa palaruan! Halika subukan mo din!” sabi niya sa akin, at lumipat sa akin.

            “HUWAG PLEASE!!!” iyak ko sa kanya. “MARIA HUWAG!!! HUWAG PARANG AWA MONA!! HUW-“

            Tuluyan niya akong tinulak sa may pintuan.

            Tumama ako sa unang palapag na sa palagay ko ay gawa sa kahoy, ngunit sa pagtama ko ay tila nilagpasan na ng upuan kung saan nakatali ako ang mga palapag ng hagdanan.

            “AHHHH!!” malakas na inda ko noong tumama ang tuhod ko pababa sa paa sa may malamg na sahig.

            Sobrang sakit! Pakiramdam ko ay sumabog ang aking laman sa paa saka nadislocate ang aking buto.

            “AHHH!!!” malakas kong iyak. “TULONG ANG SAKIT NG PAA KO!! ANG SAKIT NG PAA KO!!!”

            Narinig kong napatawa si Maria habang umiiyak ako. Gusto kong umiyak nang umiyak. Awang awa na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung paano ako makakawala sa lugar na ito!

            “Maria tulungan mo ako!” sigaw ko sa kanya habang umiiyak. “Ang sakit ng aking mga paa! Tulungan mo ako please!! Sobrang sakit talaga!”

            “Masarap ba magslide anak?” tanong niya sa akin mula sa itaas. “Sige enjoyin mo muna ang parke. Babalik na lamang ako mamaya ha?”

            “MARIA HUWAG MO AKONG IWAN!! TULUNGAN MO AKO!!!” sigaw ko sa kanya ngunit tuluyan na niyang isinara ang  pintuan sa itaas.

            Nabalot na ang dilim ang kwarto. Wala na akong makita.

            Tila nawala na ang pang amoy ko dahil na rin sa sipon ko. Wala na akong maamoy.

            May biglang kumalabog sa isang gilid na ikinagulat ko.

            “Sino yan?! May tao ba riyan?!” tawag ko sa kung sino man ang naroon ngunit walang sumagot sa akin.

            “Sumagot ka kung may tao man diyan!! Sino ka?! Biktima ka rin ba ni Maria?!” tanong ko muli ngunit makalipas ang ilang minuto ay wala pa ring sumasagot sa akin.

            Kung ganoon ay ano ang kumalabog? Saan galing iyon? Bakit may kumalabog kung nag iisa lamang ako rito?

            Napalunok ako. Habol ko ang aking hininga. Sobrang sakit ng aking mga tuhod, at paa. Maging ang aking anit ay humahapdi.

            Paano ba akong napunta dito? Paanong nangyari sa akin ang mga ito sa isang iglap lamang? Tila biglang umihip ang hangin!

            “Tulungan mo ako, boses,” ani ko.

            Siya lamang ang makakatulong sa akin. Tutulungan niya naman ako.

            Naghinatay ako ng ilang minuto ngunit walang boses na nagparamdam sa aking isipan. Wala akong marinig kundi katahimikan sa loob ng basement na ito. Tanging ang paghinga ko lamang ang naririnig ko.

            “K-kaibigan?” tawag ko na baka sakaling magparamdam sa akin kung tatawagin ko sya na kaibigan. “Kaibigan tulungan mo ako. Tulungan mo akong makalabas dito please. Tulungan mo akong makawala sa mga kamay nila!”

            Walang sumasagot sa akin kaya mas lalo akong nanlumo. Bakit kung kailan kailangan ko siya ay nawawala siya?!

            “SAGUTN MO NAMAN AKO!!!” sgaw ko. “WALA NA AKONG  MALALAPITAN IKAW NA LANG! TULUNGAN MO AKO!! PARANG AWA MO NA! GUSTO KO NANG MAKAWALA DITO! GUSTO KO NANG UMALIS DITO!! TULUNGAN MO AKO!!!”

            Napatigil ako ng isang mahinang pagtawa ang narinig ko sa may isipan. Nariyan na siya! Nariyan na ang boses sa aking loob.

            ‘Nais mo bang tulungan kita?’

            Tumango tango naman ako.

            “OO PARANG AWA MO NA! GAGAWIN KO ANG LAHAT TULUNGAN MO LAMANG AKO!”

            ‘Lahat?’

            “OO LAHAT!!!”

            ‘Papatay ka ba para sa akin?’

            Napatigil ako sa sinabi niya. P-papatay?! Nais niyang pumatay ako? Papatay para? Para sa kanya?!

            “Papatay? S-sinong papatayin ko?!” tanong ko sa kanya.

            ‘Mga tao. Kailangan ko ng kaluluwa ng mga tao, Gilda. Kaya mo bang pumatay para sa akin?’

            “Hindi ko kayang pumatay ng mga tao! Kung gagawin ko iyon ay wala na ring akong pinagkaiba sa kanila!” ani ko sa kanya. “Iba na lamang ang hingin mo sa akin! Huwag lang ang bagay na madudungisan ang aking mga kamay!”

            Muling tumawa ang boses sa aking isipan. Isang tawa na masakit sa tainga at animo ay boses ito mula sa kaila ilaliman ng isang balon. Malaking boses na kay pangit.

            ‘Kung ganoon ay huwag mo na ako uli tawagin, Gilda. Hindi kita matutulungan.’

            “Teka! Huwag kang aalis! Tulungan mo ako!” sigaw ko. “Iba na lang. Iba na lang ang hingin mo sa akin!”

            Napatingin ako sa kadiliman noong wala nang sumagot sa akin.

            “BOSES?!” sigaw ko. “BOSES ?! KAIBIGAN?! BUMALIK KA!!!”

            Bigo ako na makausap muli siya. Hindi ko kaya ang hinihingi niya! Hindi ko kayang pumatay ng isang tao! Kailangan ko ng tulong niya pero hindi ko kaya ang magiging kapalit nito!

            “AHHHHHH!H!!!” malakas kong sigaw sa kwarto. “MGA HAYOP KAYO!!!! PAKAWALAN NIYO AKO RITOO!!”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status