Share

Kulto

Third Person Point of View

        Nakaupo ang tatlong lalaki sa harap ng lamesa at kinukwestiyon sila ni Joselito dahil sa nangyaring krimen kagabi.

        Natagpuan nila ang isang bangkay na kinikilala bilang si Kathy.

        Ayon sa saksi na si Aling Linda kagabi ganap na mag aaladose ng umaga ay hinabol ng tatlong lalaki na sina Baldo, Carding at Samuel ang pauwing dalaga mula sa kanyang trabaho.

        Matapos noon ay hindi na bumalik ang tatlong lalaki kaya siya na ang nagligpit ng mga naiwang kalat nito sa harap ng kanilang tindahan.

        Pinukpok ng malakas ni Joselito ang lamesa gamit ang isang folder na gawa sa plastic. Malakas ang ginawang tunog nito na nakapag pagulat kila Baldo na animo ay nagising sa kanilang mahimbing na pagpapatansya.

        “Umamin na kayo!” madiin na ani ni Joselito. Inis na inis siya sa mga ito. Sa mga taong ganitong siya naiinis. Sobra ang galit niya sa mga ginawa nito dahil may anak din siyang babae. “Huling huli na kayong tatlo! Kayo lamang ang mga huling nakasama ng biktima! At ang kwento pa ng saksi ay pinipilit niyo ang dalaga na uminom kasama niyo.

        Nanatiling tahimik ang tatlo.

        “Dahil tinanggihan kayo na sabayan kayo sa pag iinuman ay hinabol niyo ang dalaga at pinatay? Ganoon ba ang mga nangyari kagabi??! Mga kupal kayo! Sumagot kayo sa akin!”

        Nanlaki naman ang mga namumulang mata ni Baldo noong maalala ang mga huling nangyari kagabi.

        Kita sa mukha nito ang pagkatakot.

        Kinuwelyuhan ni Joselito ang lalaking si Baldo.

        “ANO HINDI KA MAGSASALITA?!” tanong ni Joselito rito.

        “B-boss wala akong ginawang masama,” nanginginig ang panga na tanggi ni Baldo sa mga binibintang sa kanila.

        “ANONG WALA?! ITATANGGI MO PA! SIRAULO KA!!”

        “B-boss wala po talaga akong alam hindi ko pinatay si Kathy! Pinagtripan lang namin siya kagabi, h-hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari,” ani ni Baldo na bakas pa rin ang takot sa kanyang mukha.

        Itinulak naman ni Joselito ang lalaki paupo muli sa kanyang upuan.

        “Huwag mo ng itanggi, Baldo,” ani ni Joselito. “May witness tayo kaya naman kahit anong tanggi mo ay hihimas ka pa rin ng mga rehas. Hinahanap na lang namin ang magpapatunay sa mga krimen niyo. Hinabol mo si Kathy diba? Hinabol niyo siya!”

        “B-bigla kasi siyang tumakbo,” ani ni Baldo at napahawak sa kanyang mukha. “Hinabol ko lamang siya. Akala ko kasi nagpapahabol siya sa akin.”

        Napapikit naman si Joselito sa sinabi ni Baldo. Ang tingin niya dito ay may topak sa ulo.

        “Tapos anong nangyari?” tanong ni Joselito. “Ano ang mga ginawa niyo pagkatapos noon?”

        Umikot ang mga mata ni Baldo at napadiin ang pagkakahawak sa kanyang ulo. Mas lalo siyang nahintakutan.

        “Tumakbo siya sa may mga talahiban,” ani ni Baldo habang inaalala ang mga nangyari kagabi. “T-tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon at tuloy tuloy na t-tumakbo.”

        “Tapos?” kunot ang noo na tanong ni Joselito.

        “Pagdating ko roon hindi ko na siya nakita,” ani ni Joselito. “T-tapos narinig ko yung boses niya na humihingi ng tulong. Agad kong tinahak kung nasaan siya t-tapos nakita ko… may na-nakita akong mga t-tao.”

        Mas lalong kumunot ang noo ni Joselito sa kanyang narinig.

        “Mga tao? Sinong mga tao?” tanong ni Joselito.

        “H-hindi ko kilala!” madiin na sabi ni Baldo. “Pero sila, sila ang pumatay kay Kathy! Pinatay nila si Kathy at pinagsasaksak! NAKITA KO IYON NG DALAWANG MGA MATA KO!!!

        Tumayo si Baldo at hinawakan si Joselito sa kamay.

        “BOSS! BOSS! IKULONG MO NA LANG AKO!!! BAKA PATAYIN RIN NILA AKO!!! NARITO NA SILA! NARITO NA ANG MGA KULTO! PUMAPATAY MULI SILA!! MGA KULTO!! MGA KULTO!!”

        Itinulak naman ni Joselito si baldo paupo uli. Napatingin si Joselito sa kanyang kasamahan at nakatingin na rin ito sa kanya.

        Talamak ang kulto sa kanila ngunit huminay lamang noong mga nakaraang buwan.

        “Tapos anong nangyari?” tanong ni Joselito kay Baldo.

        “HINDI KO ALAM!!!” naiiyak na ani ni Baldo. “BASTA TUMAKBO NA LAMANG AKO!! TUMAKBO NA LANG KAMI!!!”

        Napatingin naman si Joselito sa mga kasama nito. Mga nakatulala.

        May tumawag sa kanyang phone kaya naman sinagot niya ito.

        “Anong balita?” tanong ni Joselito sa kabilang linya.

        ‘Negative, Sir’ sagot ng nasa kabila.

        Napaihip naman ng hangin si Joselito sa narinig.

***

        Agad na pumasok si Gilda sa kanilang bahay. Narinig niya ang balita sa labas. Mas lalo siyang kinakabahan sa natanggap na balita.

        Nagkita sila ni Carmen kanina at ikinuwento nito sa kanya ang mga tanong.

        Sumilip silip si Gilda sa kanilang pinto dahil pakiramdam niya ay may nakasunod sa kanya habang pauwi siya. Wala siyang makita kundi mga damo sa malawak na tubig.

        Kanina pa siya kinalilibutan. Ang sabi pa sa kanya ni Carme ay puro babae ang mga namamatay. Mga dalaga pa. Mas lalo tuloy siyang natakot.

        Halos mapatalon si Gilda noong may humawak sa kanyang balikat at pagtingin niya ay si Maria iyon.

        “Ano at balisa ka?” tanong ni Maria sa dalaga. Hinawakan nito ang kamay niya. “Hindi ba at sabi ko naman sa iyo ay huwag kang matatakot dahil sila ang dapat matakot sa atin.”

        “Hindi niyo po naiintindihan,” ani ko kay Maria. “Murderer ang taong tinutukoy niyo. Wala po sila sa kanilang tamang pag iisip. Wala silang sinasanto! Paano kung pumasok sila sa bahay natin. Paano kung gaya ng mga nababalita ay patayin din nila tayo?

        Ayoko pa po mamatay. Hindi ko po maiwasan ang matakot. Imagine wala tayong kaalam alam. Hindi pa nahuhuli ang mga kriminal na gumawa ng mga ganoon kahindik hindik na bagay. Alam niyo po ba ang balita? Walang mga laman loob ang mga bangkay ng mga babaeng natatagpuan. Yung una walang mga lamang loob. Yung pangalawa ay walang puso.”

        “Naiintindihan ko,” ani ni Maria at niyakap si Gilda. “Ngunit huwag kang mag alala. Habang nabubuhay ako ay hindi ko hahayaan ang kahit na sino ang saktan ka. Dadaanan muna nila ang aking bangkay bago ka nila magalaw.”

        Lumikot naman ang mga mata ni Gilda pakiramdam niya ay kulang ang mga salitang iyon upang maramdaman niyangligtas talaga sila. Pakiramdam niya ay lagi lamang nasa tabi niya ang panganib.

        Sobrang natatakot siya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status