"A-anong ginawa mo kay Timonthy Merlous?"hysterical na sigaw ni Verra. Hindi ito makagalaw dahil sa mga natamong sugat.
Nakita niyang ipinasok nito si Timothy sa kulungan. Bigla rin itong lumabas upang tuluyang kumalat ang dilim sa buong silid dahil sa pagsasara nito ng pinto ay ang pagkawala naman ng apoy sa sisidlan.
Magmula ng magbukas ang daanan sa kakahuyan ay bigla na lamang nagkagulo. Bigla ay sumiklab ang digmaan sa kanilang mundo, tila may hindi nakikitang puwersa ang nagbukas.
Nagkasagupan ang magkabilang lahi, nagkasakitan ang lahat hanggang sa humantong ang kamatayan sa bawat isa.
Gustong manghina ni Verra dahil sa mabilis na pagkaubos ng mga kasamahan. Tila hindi na mauubos-ubos ang mga zombie, lalong dumarami ang mga ito.
Lalong siyang nagdalamhati na maski ang nobyo na si Phoebi ay napatay ng mga ito. Wala na ang dating kapayapaan na pinalaganap at mini
Nang muli siyang umapak sa lupa ay muli na niyang iminulat ang mga mata, nanggilalas siya sa namumalatan--- sapagkat tumigil ang lahat. Umapaw sa tuwa ang puso niya, ngunit hindi rin nagtagal... agad na siyang nagpatuloy. "Kapit lang Tita, malapit na tayo!"anas niya rito ngunit nanatili lamang itong nakapikit at hindi na umiimik. Mabilis ang ginawa niyang pagtalon, hanggang sa higupin na sila ng tubig pailalim papunta sa mundo ng Acceria. BIGLA ang pagsagap ng sariwang hangin ni Kendra, mula sa kinaroroonan. Kitang-kita niya ang wasak na lupain, naagaw ang pansin niya sa paglalaban ng dalawang nilalang. Nagmadali siyang umahon, kasabay ang pagtapak ng kanyang mga paa sa lupa ay ang pagsulyap ni Timothy sa kanyang kinaroroonan. Kaya upang hindi nito nasangga ang pagtama ng puwersadong atake ni Hanzul. Sumadsad ito sa lupa, naghumiyaw ito dahil sa m
NANATILI lamang nakatutok ang tingin ni Timothy sa ilog kung saan naroroon dati ang daan papunta sa mundo ng Acerria. Tuluyang natuyo ang ilog kung saan umaagos ang talon, sa pagkatuyot nito'y tuluyang na ding nagsara ang lagusan. Ilang Taon na rin ang lumipas ngunit tila kahapon lamang naganap ang lahat. Akala ni Timothy at Kendra ay iyon na ang huling tagpo na makakasama nila ang isa't-isa. Ramdam nila ang kawalan ng pag-asa sa mga panahon na iyon. Inilibot ni Timothy ang tingin, tuluyan ng bumalik sa dati ang ganda ng mundo ng mga mortal. Ngunit sa kasawiang palad... hindi katulad ng naunang digmaan sa pagitan ng kanilang lahi at maging ng mga Zowol ang mundo ng Acerria ay tuluyang nawasak. Kasabay ng pagkasawak ay ang pagkawala ng kanyang ina na si Trinity. Naging maliwanag sa kanya ang lahat ng ito'y mawala. Tila napaghandaan na nito ang pag
MAGAALAS-NUEBE na ng gabi, ilang minuto na lang ay matatapos na ang klase ni Zain. Maiksi niyang tinapuan ang suot na relo. Manaka-naka'y itinapik-tapik niya sa lamesa ang hawak na ballpen. Pinasadaan niya ng tingin ang mga estudyanteng kasalukuyang sumasagot sa pagsusulit na isinagawa niya. Maya-maya'y biglang nakaramdam ng kakaiba sa paligid ang binata. Bigla'y pinagpawisan siya ng malapot. Maski ang hininga niya'y nahigit niya, bigla nalang tumigil sa paggalawan ang lahat ng nasa paligid ng binata. Tuluyan nilukuban ng kakaibang enerhiya ang buong silid. Nanatili siyang nakatingin sa nilalang na nasa kanyang harapan. katawang tao, ngunit halos maabot na nito ang kisame sa sobrang taas nito. Ang katawan nito'y tila napapalibutan ng ginto. Pilitt inaaninag ni Zain ang mukha nito ngunit nanatiling wala siyang maaninag. Bigla'y tila naringgan niyang umusal ito ng mga salita. "Nalalapit na ang tak
KASALUKUYANG nagluluto si Halls sa kanilang kusina. Ilang linggo na rin ang nakararaan ng lubos silang gulatin ng kakaibang pangyayari. Kung saan patungkol kay Eleezhia. Siya ang nakatukang magbantay sa bata ng gabing iyon, kasalukuyang nasa trabaho pa ang dalawang kapatid noon. Nakita niyang himbing na himbing pa sa pagtulog si Eleezhia. Iniwan niya ito saglit upang ipagtimpla ito ng gatas. Ngunit laking-pagkabigla niya ng magbalik siya'y wala na ito sa kinahihigaan. Bigla siyang sinakmal ng takot sa mga sandaling iyon. "Kamusta Halls?" Walang anu-ano'y may narinig siyang nagsalita sa kanyang likuran. Bigla niyang iniiwas ang tingin. Wala kasing kahit na anong saplot ito. "H-Hey! s-sino ka ba? N-Nasaan si Eleezhia!"pautal-utal at marahas niyang sabi. Mabilis siyang kumuha sa damitan ni Zai
ISANG pares ng mga mata ang nakatunghay sa mga nagaganap sa mundo ng mga mortal. Kung saan unti-unting umaayon ang lahat sa dapat na naitakda DATI pa. "MASAYA kana ba Grimmo na pati ang anak mo ay kailangan mong isali sa mga plano mo?"maanghang na sabi ni Cloefee. Marahan lang siyang binalingan nito, wala ni katiting na emosyon ang mababanaag rito. "Mahal kong Reyna alam mo namang hindi lang ito basta plano..."makahulugang sabi nito.Kumibot-dili ang labi ni Cloefee ngunit sa huli'y nanatili na lamang itong hindi umiimik. Isang makahulugang tingin ang iniwan nito sa kanyang hari bago tuluyan itong lumabas ng silid na kinaroroonan. Kahit anong pagtutol ang gawin niya'y wala rin mangyayari. Dahil sa mundong kanilang ginagalawan iisa lamang ang masusunod. Ang sino mang sumaway at gumawa ng maling gawa ay papatawan ng kapa
MARAHAN na pinaglandas ni Halls ang daliri sa leeg ni Hailey. Kitang-kita niya ang dalawang maliit na marka kung saan naroon pa rin ang bahid ng sariwang dugo ni Hailey. Napatutok ang mata ng binata sa magandang mukha ni Hailey. "I'm sorry h-hindi ko sinsadiyang kagatin ka. It's just that h-hindi ko lang mapigilan."bulong ni Halls rito. Isang manipis na ngiti ang ipinaskil ng dalaga, kasabay ng pagtayo nito. Hindi nito ipinahalata ang panghihina niya sa ginawang pagkagat ng binata sa kanya. Bawal na bawal kasi sa kanila ang magpakagat sa may dugong werewolf. Nagkakaroon ng malaking epekto at pagkairita sa kanila kapag nakagat sila nito. Bagamat hindi naman purong werewolf ang binata ramdam niya ang masamang epekto niyon sa katawan nito. Napansin pa niya ang panghihinayang sa mata ni Halls ng lumayo siya rito. Hindi naman niy
SA mga sandaling iyon ay tuluyan ng binalot ng pangamba at takot si Oleene. Hindi lang para sa kanya, kung 'di para na rin sa kalagayan ni Oreojon. Kitang-kita niya ang malaking hiwa nito sa tiyan. Kung saan aninaw niya ang sariwang dugo at laman ng binata. Gusto niyang maduwal ngunit nagpigil siya, ang totoo napakahina niya sa mga ganito. May phobia na kasi siya dati noong bata siya, kung saan isang trahedya ang kinasangkutang ng mga magulang niya na naging dahilan ng pagkasawi ng mga ito at maagang pagkaulila naman niya. Kabisadong-kabisado pa niya ang mga pangyayari, kung saan kalunos-lunos at tigmak na ng mapupulang dugo ang mukha' t katawan ng mga magulang sa sarili niyang kandungan. Unti-unting nanlabo ang paningin ng dalaga, dahil sa tuluyang pagtutubig ng kanyang mga mata. Hindi na niya namalayang mahigpit na pala niyang niyayakap si Oreo, kasabay ng impit na
MADILIM na ang buong kapaligiran, matatanaw ang malawak na kalangitan ang mga nakasabog na bituin at iba' t ibang uri ng hugis ng Buwan sa madilim na kalangitan. Marahan hinawi ni Herriena ang isang buwan para ilipat iyon sa kabilang panig ng langit. Maski ang mga bituin ay magaan niyang iniangat gamit ang kamay, isang kumpas ang kanyang isinagawa. Nangislap ang mga mata ng Diyosa ng sumunod ang mga mumunting bagay sa nais niya. Makaraan ang ilang sandali nanatili na lamang siyang nakatanaw. Ang kislap na bumabalot sa kanyang mga magagandang mata'y tila nahalinhinan ng panglaw. Mayamaya'y naramdaman na lang niya ang isang magaan at kakaibang enerhiya na kadalasan nadadama niya kapag magpapakita ang pinakamataas sa lahat--- Ang ama ng lumikha sa lahat. Hindi nga siya nagkamali dahil, unti-unti'y isang puting liwanag ang bumaba mula sa langit at tuluyang nagkahug