Discovering an unknown city in the middle of the forest, a proud lesbian Claudia Laurel is transported to the night that she’s going to marry the rumored gay alpha, Pietro Leicester, to stop the prophesied war. Thinking that it was outrageous, she did everything she could to leave the place but she failed. Determined to go back home, she agreed on living with the alpha for 100 days and leaves afterward. However, upon learning the truth of her identity, that she’s not much of a stranger to this city and the man she’s living with, will she still choose to leave? Would love be enough for her to stay in his world forever?
Lihat lebih banyakKabanata I.
“Malayo pa ba tayo, Manong?”
Isa’t kalahating oras na ang aming binabiyahe mula pa kanina pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakarating sa tinatawag nilang Evergreen City. Mula sa mataong lungsod, unti-unting nawawala sa aking paningin ang kumikislap na mga ilaw at napapalitan ito ng mga nagtataasang puno. Ang kaninang mainit na panahon ay napapalitan ng malamig na simoy ng hangin.
Kakamatay lang ng aking Nana na tinuturing kong Lola simula noong nagkaisip ako. At bago siya pumanaw, ibinilin niya sa akin na magtungo sa Evergreen City at doon mamuhay nang payapa, malayo sa aking ina-inahan at suluterang kapatid. Matagal ko ng tinitikis ang pagmamaltrato nila sa akin at ngayon nga ay pinalayas na nila akong tuluyan dahil sinugod ko siya dahil sinulot niya ang aking kasintahang babae.
Yes, I am girl who likes my own kind. At hindi ko ikinakahiya ‘yon. Para sa akin, ‘yon ang pinakamagandang desisyon na nagawa ko para sa aking sarili.
Huminto ang sinasakyan namin sa isang lubak-lubak na daan. Marahil ay nakarating na kami sa Evergreen subalit nang bumaba ako, isang madilim na kagubatan ang bumungad sa akin. Kaya minabuti kong tanungin si Manong, ngunit napaigtad ako sa gulat ng makita ang isang puting pusa na may kulay berdeng laso sa leeg nito.
“Meow! Meow!” iyak nito na tila hinahanap ang ina.
“Saan ka galing, pusa?” tanging tanong ko at aakmang kukunin ito sa driver seat. Bigla itong tumalon at mabilis na tumakbo patungo sa madilim at masukal na gubat. Sinundan ko ang iyak ng pusa habang iwinawakli ang mga nagtataasang damo na humaharang sa aking mukha.
Wala na akong makita, buti na lamang at maliwanag ang buwan na nagsisilbing gabay ko. Malayo na ang aking tinakbo at nakakaramdam na rin ako ng pagod kaya tumigil ako saglit. Humihingal akong humawak sa aking magkabilang tuhod.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa malapalasyong estraktura na kumikinang sa harap ko.
“Woah! Anong lugar ‘to?” bulalas ko sa aking sarili habang binibigyang-pansin ang makikinang na ilaw na nagmumula sa loob.
Naririnig ko ang malamyos na tugtog sa loob na tila may mga nagsisiyahan. Dinala ako ng aking mga paa sa kahabaan ng pulang tela at gano’n na lamang ang laki ng aking mata nang mapansing nakasuot ako ng puting bestida. Napayakap ako sa aking sarili na kitang-kita ang aking balat at nakaayos sa isang messy bun ang aking buhok.
“Ano ba ang nangyayari sa ‘kin? Na-engkanto ba ako? H’wag naman sana, Lord? Marami pa akong pangarap sa buhay,” ani ko na tila may kinakausap.
Nasa tapat ako ng mataas at matuwid na double door at nang itutulak ko ito, biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang dalawang babae na kagaya ko ay nakasuot rin ng bestida. Ang kaibahan lang namin ay ang kulay; nakasuot sila ng berdeng bestida na may lace.
“Oh, God, Claudia!” sabi ng babaeng maikli ang buhok na tinawag na Claire, at mas matangkad sa aking ng konti. “Where have you been?”
“Kanina ka pa namin hinahanap. What were you thinking?” sermon naman ng isang babae na mas maliit sa akin at may mahabang buhok. Claire called her Jilliane. “Kanina ka pa hinahanap ng lahat. Naghihintay na sa ‘yo ang alpha sa loob.”
“Alpha?” naguguluhan kong tanong habang pabaling-baling ang aking titig sa kanilang dalawa.
Ginawaran ko sila ng kunot sa noo subalit gano’n din ang ginawa nila. Tinampal ako nang mahina sa braso ni Claire na tila akala nila ay nagbibiro ako.
“Gaga ka! Seremonya ng kasal mo ngayon, nakalimutan mo ba? Magagalit sa ‘yo ang Papa mo kapag hindi ka sumipot kaya halika na,” babala ni Claire.
Itinaas ko ang aking kamay at nagsabi ng totoo sa kanila.
“I’m sorry but you’re mistaken. Hindi ako ang ikakasal. I’m Claudia but not the Claudia you’re looking for. Besides, it’s hard for me to believe that I’ll be married because I don’t like men. Kaya excuse me lang, kailangan ko ng umuwi,” asik ko. Subalit tinawanan lang nila ako pareho. “Ano ang nakakatawa?”
“You’re kidding. Kaya dapat hindi na natin siya pinainom ng potion, Claire.” Patuloy pa rin silang dalawa sa kakatawa habang tinatakpan ang bibig. “Tingnan mo. Natuyo ang utak.”
“Anyways, kahit ayaw mo, you can’t change the fact that the alpha chooses you to be his bride.” Kinuha nila parehas ang aking braso at saka hinila papasok sa loob ng palasyo.
Bumungad sa aking paningin ang naglalakihang chandeliers sa taas at ang matataas na columns na humahati sa buong hall. May mga bulaklak na nakabitay sa taas na tila mga bagon sa gubat. It was enchanting! Tila ang mga tao sa loob ay mga paru-paro na nagagandahan at nagsasayang nakikipag-usap sa kanilang mga kakilala. Ngunit ako, para akong isang ligaw na uod sa mundo ng mga paru-paro.
Nakaramdam ako ng kaba sa aking paligid. Marahil ay alam kong hindi ako tagarito at nawawala lamang ako. Hindi ko nga alam na may palasyo pala sa gitna ng gubat. Kasama ko pa rin sina Claire at Jilliane subalit pakiramdam ko maging sila ay hindi ko kauri. Kanina ko pa ito nararamdaman na may kakaiba sa kanila pero hindi ko pinansin.
“Don’t worry, Claudia. Alpha Pietro is a nice guy. He won’t do anything bad and besides, everyone knew what he is. Kaya nakaka-excite kung ano ang mangyayari sa inyo,” kilig na sabi ni Claire. Ngunit biglang nagbago ang expression ng dalawa at tila nakakita ng multo. Hindi ko rin namalayan na umalis na sila sa aking gilid.
“Claudia Laurel,” tawag sa akin ng isang matandang lalake. Matikas itong tingnan at ang tindig ay tila ay may taglay itong posisyon. Hindi ko agad siya nakilala dahil sa kaniyang mustache pero pamilyar sa akin ang lalakeng ito. “Didn’t I tell you to behave in front of the Leicester’s? Bakit ka na naman tumakas?”
And I knew it. Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Na-miss ko siya.
“Papa…” bulalas ko.
Aakmang yayakapin ko siya ngunit bigla siyang tumagilid at hindi ako pinansin. Hanggang dito ba naman hindi mo pa rin ako matanggap? Hindi ko alam kung ano na ang sumunod na sinabi ko pero gusto ko makasama nang matagal ang ama ko. He died because of heart attack when I told him I’m not into men kaya sinisisi ko ang sarili sa nangyari noon. Ngunit ngayon, gusto ko siya magtagal sa piling ko… kahit hindi niya ako matanggap bilang ako.
“Will you be happy if I marry the person you choose for me? Will you stay longer with me if I do what you want?”
“I’d appreciate your effort if you will.” Umalis si Papa sa aking harapan at hindi na lumingon pa. Inilagok niya sa kaniyang bibig ang natitirang pulang likido mula sa baso.
Hinawakan ko ang hem ng aking suot na sumasayad sa marble floor at tumalikod. Hinahanap ng aking mata sina Claire at Jilliane subalit hindi ko sila makita. Naramdaman ko na lamang ang mainit na balat na dumampi sa aking pisngi at tinuyo ang aking luha. Napaigtad ako sa gulat subalit nakabawi naman ako nang makita kung sino ‘yon.
It was him. The smile, the stance, and his clean hair cut. It spoke so much confidence as if he possessed of some high ranked title. At hindi nga ako nagkakamali. Lahat ng mga mata ay nakamasid sa amin. Hindi ako mapakali.
“A girl like you shouldn’t be left alone.” His voice is soothing, like a melted honey. But despite the sweetness it brought, hindi maikakaila na may kakaiba din sa reaksyon niya. Nakita ko mismo kung paano umismid ang kaniyang labi sa kaniyang sinabi na tila hindi siya sang-ayon dito.
Nakaramdam ako ng pagkadisgusto. Kahit pa siya ang may pinakamalamyos na boses sa buong mundo, hindi magbabago ang sekswalidad ko. Kaya nang biglang umasim ang kaniyang expression, hindi maalis sa isip ko na baka gaya ko lang din siya. Parehong naipit sa sitwasyong hindi namin ginusto.
“Don’t say words to please me. I won’t fall for that,” sabi ko agad.
“Talaga ba?” Hinawi niya ang buhok ko at maingat na hinawakan ang aking balikat at inilapit niya ako sa kaniya. Isang sentimetro na lamang ang ang layo naming dalawa at naaamoy ko na ang kaniyang mabango niyang hininga. He smelt like a new born baby.
Naririnig ko ang hiyawan at palakpak sa aking paligid nang unti-unting bumaba ang titig niya mula sa aking mga mata hanggang sa may malambot na bagay ang dumapo sa aking leeg. Tila nakuryente ako at napapikit sa gulat nang lumapat ang kaniyang maninipis na labi. Goodness gracious, Claudia! Gumising ka!
Hindi ako makagalaw. Parang ang aking mga paa ay nakadikit sa makikintab na tiles na aking tinatapakan. Dumako ang aking tingin sa kaniyang mata at hindi nakaligtas sa akin ang kumikislap na kulay ginto ng mga nito. Kanina lamang ay berde ‘yon ngunit biglang may kumislap at nagbago. It was the most astounding thing I saw as of today.
“W-Who the hell are you?” tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo.
“Girl, it’s Pietro!” paglilinaw niya. He snapped his fingers as if for me to recall.
Ngunit mas nagulat ako sa sinabi niya. Is he… gay? Gusto ko matawa. Am I marrying a gay?
Kabanata XIII. Vodi Flux Cup (Huling Parte) Hindi na muna ginising ni Pietro si Claudia dahil mahimbing ang tulog nito. Ilang minuto na ang lumipas subalit hindi pa rin sila lumalabas sa kotse. “Alpha, narito na ang dating alpha,” imporma ni Aru na nakadungaw sa labas ng bintana. Naalimpungatan si Claudia sa boses ni Aru kaya siya ay nagising. Kinukusot niya ang mga mata niya at humikab. Nagulat siya nang namalayang nakasandal na siya sa asawa at nakatitig ito nang mariin sa kan’ya. Kaya binawi niya agad ang kan’yang ulo sa balikat nito. Pinandilatan naman ni Pietro si Aru at bumalik ang tingin kay Claudia. “Gising ka na?” tanong ni Pietro habang may nakakurbang ngisi sa labi nito. “Dumeretso ka na sa k’warto at magbihis. Ipapahanda ko na kay Senior Penelope ang hapunan.” Tumango si Claudia sa sinabi ni Pietro at hindi na umangal. Nahihiya pa rin siya sa pagsandal niya rito. Sabay silang lumabas sa sasakyan at pumasok sa mansion. Sinalubong sila ni Senior Penelope sa may pinto.
Kabanata XIII. (Unang Parte)Nagpang-abot ang dalawang kilay ni Claudia dahil sa hindi niya maiintindihan ang nangyayari. Sa isip niya, bakit hindi sapat ang pagpapakasal niya kay Pietro gayong ito lang ang magiging dahilan upang mahinto ang balak ng Hawthorne.“Anong nangyayari, Pietro? Headmaster?” Pabaling-baling ang tingin ni Claudia sa dalawa habang pini-pet niya ang pusa.“Claudia, anong ginagawa mo rito? ‘Di ba sabi ko sa labas ka na maghintay?” Agad siyang nilapitan ni Pietro na tila nais iiwas ang topiko.“Palabas na sana ako nang makarinig ako ng ingay dito kaya sinundan ko. May hindi ba dapat akong marinig?” tanong ni Claudia habang pinagmamasdan ang balisang Headmaster.“Wala naman. Nag-uusap lang kami ni Uncle. Ready ka na?” agad na tugon ni Pietro. Sinenyasan din niya ang kan’yang tiyuhin n
Kabanata XII. Nang makaalis ang g’wardiya ay doon lang namalayan ni Claudia na mahigpit na siyang nakayakap kay Pietro. Namilog ang kan’yang mata saka tinulak niya ang asawa. Tumama si Pietro sa malamig na pader. “Kung saan-saan ka na naman dumidikit,” reklamo niya. Lumayo siya ng konti sa kan’yang asawa. “Ako pa talaga, ah. Sino ba nakayakap?” tanong nito pabalik. “Kamuntikan na nga tumayo ang alaga ko.” “Eew!” Inirapan niya ako. “Asa ka kung tatayo ‘yan.” “Wanna see? I can show it to you,” alok ng alpha na may nakakalokong ngiti. “No, thanks. Hindi naman ‘yan maganda sa paningin ko. Kaya itago mo na lang ‘yan o ‘di kaya’y ibenta mo para mapakinabangan.” Kinindatan ni Claudia si Pietro at saka taas-noong umalis sa kinaroroonan nila. Dumukwat ang ngiti sa labi ni Pietro. Iniwan ni Claudia si Pietro d
Kabanata XI. Third Person’s POVHindi maiwasang isipin ni Pietro ang umiiyak na si Claudia kanina. Isa si Claudia sa mga taong nakilala niya na hindi umiiyak agad sa simpleng salita lamang. Lagi siya ang nagpapalakas ng loob at siya ang naging sandigan noon nina Jilliane at Pietro. Sa isip ni Pietro, tila kakaiba ang pinapakita ni Claudia sa kan’ya. Nagtaka si Pietro na umagos ang mga luha ng dalaga nang walang habas.Likas na masakit magsalita si Pietro at kadalasan ay hindi niya inaasahan ang mga lumalabas sa kan’yang bibig. Sa kabilang banda, Claudia is the exact opposite. Malimit magsalita ang dala at hindi balat-sibuyas. Hindi maiwasan ni Pietro na manibago. Sa isip niya ay baka dahil sa memoryang nawala nito.Mariing nakapikit si Breanna habang nakahiga sa clinic ng school. Ini-eksamina siya ng doktor na nakatoka ngayong araw. Kanina pa siya nag-aalangan na dumilat dahil g
Kabanata X.Nagsimula na ang pagsusulit sa lima kong kaklase at binigyan sila ng perpektong marka. Sumunod naman ang grupo nina Claire at Jilliane at gano’n din ang nangyari.Unang pumanhik si Bree sa unahan at mataas ang kumpiyansa niya sa sarili na kaya niyang gumawa ng antidote sa isang wolfsbane. Ang wolfsbane ay isang herb na nakakapagpahina ng isang werewolf kapag ito’y nakain, nainom, at nalanghap kahit konti. But for humans, they’re as poisonous as poison dart frog. Napag-aralan namin ‘to noong high school.Subalit, hindi ko alam kung paano gumawa ng antidote. Nasa harapan namin ang lahat naming kailangan pero hindi ko alam ang proseso. Nang hinawakan ko ang isang dahon ng herb, tumaas ang gilid ng labi ni Bree.May sinasabi si Jilliane sa likod ko pero agad din siyang pinapatahimik ng prof. Binalaan siya na kapag tutulungan niya ako ay ibabawas niya ‘yon sa naku
Kabanata IX.“Pietro, umayos ka nga!”Kanina pa siya naglilikot sa kama. Kanina pa rin niya ako hindi tinigilan sa pagsuot ng panty. Sinubukan ko naman suotin ‘yong binigay niya kanina kaya lang, hindi talaga kumportable.“Can’t you just wear my boxer?” tanong nito nang mahina. “Kapag nahawakan ko ‘yan, h’wag na h’wag kang magrereklamo sa ‘kin, ah.”“Kaya nga may unan, ‘di ba? You’re an alpha. Alam mo na hindi p’wedeng lumagpas sa isang border,” saad ko habang nakatalikod sa kan’ya.Biglang tumahimik ang paligid nang hindi nagsalita si Pietro. Akala ko natutulog na siya dahil lumalim na rin ang kan’yang paghinga. Iniba ko ang aking p’westo at pasimpleng sumisilip sa kan’ya. Ngunit biglang nagpang-abot ang aming titig sa isa’t-isa na ikinabigla namin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen