BETWEEN LOVE & LIES

BETWEEN LOVE & LIES

last updateÚltima atualização : 2025-10-29
Por:  Valerie Dwein Atualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
6Capítulos
10visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Limang Milyon! Limang Milyon ang magiging kapalit ng buhay ng fiancé ni Alexa. Matindi ang pinsalang tinamo ng lalaki mula sa isang malagim na aksidente at sa ngalan ng pag-ibig handa siyang gawin ang lahat upang mailigtas ang buhay ng lalaking labis niyang minamahal. Kaya pikit mata siyang pumayag na ibigay ang kaniyang puri sa isang estranghero h’wag lang mawala si Jake. Ngunit paano nga ba niya haharapin ang buhay niya ngayon, kung dinadala na niya sa kaniyang sinapupunan ang sanggol na naging bunga ng gabing iyon? Makakaya pa ba siyang tanggapin ni Jake pati na rin ang kaniyang anak?  Gayung konserbatibo ang lalaki kaya nga sa loob ng limang taon nilang dalawa bilang magkasintahan ay iginalang nito ang kaniyang pagkababae. O mas tamang piliin na lamang niya ang alok na kasal ni Luis Antonio dela Merced ang mayamang lalaki na nakabuntis sa kaniya upang bigyan ng magandang buhay ang kaniyang anak kahit pa walang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa?

Ver mais

Capítulo 1

Chapter One: VIRGINITY FOR SALE

Marahang sinasabon ni Alexa ang buong katawan gaya ng bilin ni Odessa, ang baklang kilalang bugaw sa kanilang lugar at siya rin katransaksyon ng lalaking makakasiping niya ngayong gabi. Ilang ulit umaalingawngaw sa kaniyang isipan ang naging kasunduan nila. Limang Milyon… Limang Milyon ang halaga ng kaniyang puri!

“S…sigurado ka ba Odessa kaya talagang magbigay ng lalaking kausap mo ng Limang Milyon?” may pag-aalala niyang tanong kanina lang.

“Siyempre naman! Matagal na ako sa ganitong trabaho no! Alam ko sa amoy at tindig pa lang kung me pera o wala! Ang swerte mo nga e nung ipakita ko yung picture mo kay Mr. D wala na siyang naging say sa 5 million na request mo!” maarteng sabi ni Odessa.

Isang kilala at mayamang tao raw ang estranghero at barya lang sa kaniya ang halagang kaya niyang ibigay kay Alexa ngunit pihikan ito sa babae dahil ang gusto nitong makasiping ay isang birhen.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alexa kasunod ng pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mat ana humalo sa tubig na ibinubuga ng dutsa.

Ano nga ba itong napasukan niya? Kapit sa patalim?

Marahil sa paningin ng ibang tao ay pangungutya pa ang kaniyang sasapitin. Sino nga ba ang babae na makakayang ipagkaloob ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Isa siyang matinong babae at huwaran sa mga kabataan dahil siya ay isang guro. Nararapat lang na magandang asal ang kaniyang ituro ngunit ano ang ginagawa niya sa silid na ito?

Sapat na nga ba ang pagmamahal upang yurakan ang sariling dangal?

Isa lang ang malinaw sa kaniya sa ngayon at iyon ay hindi niya kakayanin kung mamatay si Jake! Buong buhay niya si Jake ang kaniyang kasama. Mula pagkabata simula nang kupkupin siya at pag-aralin ng nanay nito hanggang sa maging ganap na siyang guro.

Paano ba niya magagawang talikuran ang lalaki?

Limang milyon kapalit ng isang gabing paglulublob sa putikan!

Huminga siya nang malalim at pinuno ng hangin ang dibdib. Ngayon higit kailanman kailangan siya ni Jake at ng Nanay Sylvia nito. Wala nang ibang paraan. Ito na lang ang natitira! Bahala na kung ano ang magiging kapalit ng lahat ng sakripisyo niyang ito. Sa ngayon ang buhay ni Jake ang higit na mahalaga!

Tumatakbo ang oras. Alam niyang hindi ooperahan sa ospital nan iyon ang kaniyang kasintahan hanggang wala ang halaga na kinakailangan! Sa panahon ngayon lalo pa sa isang maselan na operasyon sa isang pribadong ospital ay napakaistrikto na pagdating sa bayaran ng bills.

Nang masiguro niya na malinis na ang buo niyang katawan ay nagpasya na siyang lumabas mula sa bathroom. Bumungad sa kaniya ang pulang lingerie sa ibabaw ng malapad na kama na sobrang nipis gawa iyon sa silk na may katerno na red rin na t-back.

Nangilabot siya. Pakiramdam niya ay nasa tabi lamang ng kaniyang tenga ang kaniyang puso sa lakas ng pagtibok noon. Alam niyang ito ang nais ng lalaking nakatadhana na umangkin sa kaniya ngayong gabi. Malakas at malamig ang aircon sa condo unit na ito ngunit pakiramdam niya ay bigla siyang pinagpawisan.

Ngayon lamang siya makapagsusuot ng ganito kaikli at kanipis na kasuotan pero taliwas sa imahinasyon niya noon hindi pala magiging para kay Jake ang lahat. Ang buong akala niya si Jake lamang ang lalaki na pagkakalooban niya ng sarili ngunit mas lalong hindi pala!

Isinuot niya ang manipis na pantulog na tanging tumatakip sa kaniyang kahubaran ngunit hindi pa rin naman ganap na maikubli ang kaniyang hinaharap sapagkat aminado siya na nabiyayaan siya ng malusog na dibdib.

“Wow!” tili ni Odessa na noon pala ay nasa likuran na niya. Hindi na niya namalayan pa ang pagpasok nito sa silid.

“Hay Alexa talaga namang napakaganda ng hubog ng iyong katawan! Kung ako si Mr.. ah…. Hmmm ikababaliw ko ang kagandahan ng mukha at katawan mo sa sandaling makita kita! Salamat at pumayag ka dahil natitiyak ko na malaki rin ang komisyon ko sa’yo! O basta galingan mo mamaya ha?!” maarteng wika ng bakla habang sinusuklayan siya nito mula sa likuran.

Pakiramdam niya ay may kung anong nakabara sa kaniyang lalamunan habang minamasdan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Pinilit niyang ikubli ang mga luha na ibig umalpas mula sa kaniyang mga mata.

Kailangan niya na maging matapang!

Para kay Jake!

Kailangan siya ni Jake!

“Naku dear… h’wag ka na umiyak ha? Baka mamaya hindi matuwa sa’yo si Mr. D hindi pa matuloy ang 5 million deal natin hija! Sayang naman! Sige ka kawawa naman si Papa Jake!” wika pa ng bakla habang naka labi.

Alam niya na malaki rin ang makukuhang halaga ni Odessa sa transaksiyon niyang ito kaya talagang halos itulak na rin siya ng bakla dahil alam niyang nasisilaw rin ito sa kinang ng salapi.

“Oh Alexa meron nga pala akong ibibigay sa’yo,” wika ni Odessa.

Kinuha nito ang isang pulang kahon at iniabot iyon sa kaniya at nang buksan niya ito tumambad sa kaniya ang isang piraso ng tela. Bigla siyang nakaramdam ng takot.

“Gusto ni Mr. D na naka-blindfold ka Alexa! Hindi niya gusto na makita mo ang kaniyang mukha!” maarteng wika ni Odessa.

“Diyos ko! Ano ba itong pinasok ko?!” hiyaw ni Alexa sa kaniyang isipan.

“Oy bakit parang natigilan ka diyan? Ok lang yan girl! Ganiyan siguro yung trip ni Mr. D sakyan mo na lang!” maarteng sabi ng bakla nang mapansin na natigilan siya sa idea na naka- blindfold pa talaga siya.

Tatlong mahihinang katok mula sa pinto ng silid ang narinig ng dalawa.

“I’m here!” tinig iyon ng isang lalaki mula sa likod ng pintuan.

Dali-daling ikinabit ni Odessa ang pulang silk na tela sa mga mata ni Alexa. Halata sa bawat kilos ng bugaw na bakla ang excitement dahil alam nito na pagkatapos ng gabing ito ay malaking komisyon ang naghihintay sa kaniya.

“Galingan mo Alexa! Good luck!” bulong ni Odessa sa kaniyang kanang tenga habang siya naman ay nakaupo sa malambot at malawak na kama.

Dali-daling umalis ang bakla mula sa pagkakaupo sa kaniyang tabi.

“Mr. D lights on po ba or lights off? I turn off ko na lang……” malanding wika ni Odessa sa kausap.

“Lights on!” malamig na wika ng baritong tinig.

Bigla siyang nanginig.

“Talaga bang lights on pa ang gusto ng lalaking ito?!” muli niyang sigaw sa kaniyang isipan. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili literal na kita ang kaniyang kabuuan dahil bukas ang ilaw. Ano pa nga ba ang pwede niyang ikubli alam naman nila kapwa ng lalaking ito na ngayong gabi ay siya ay kaniyang pagmamay-ari?

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comentários

Sem comentários
6 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status