Share

Chapter 8

NAKALABAS na ng kusina si Kira nang mahimasmasan siya. Saka lamang niya napansin na si Dimitri pala ang humila sa kaniya. Nakatayo na ito sa harapan niya.

“You’re such a disaster, Kira! Kamuntik mo pang masunog itong bahay!” nanggagalaiting sabi nito sa kaniya.

Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito dahil sa maskara ay nai-imagine niya ang galit nitong mga mata. Tumaas din ang tinig nito kaya wari siyang ginapos at hindi makakilos. Nakatitig lamang siya rito.

Dahil wala siyang kibo, iniwan siya nito at pinagalitan ang mga kawaksi. Lumuklok siya sa sofa at nakikinig sa mga sinasabi ni Dimitri kay Manang Sonia.

“Sino ba ang dapat kong sisihin bakit limitado lang ang alam ni Kira? Ipinagkatiwala ko siya sa inyo hindi para lang alagaan kundi turuang kumilos nang maayos. I didn’t expect this to happen. Akala ko okay na kaya pinakasalan ko siya. Bakit walang nagsabi sa akin ng mga problema, ha?” nakataas ng boses na sermon ni Dimitri sa mga kawaksi.

“Gusto ko namang magkuwento sa inyo
Rhod Selda

Note lang po. Hindi po naulit ang chapter. Ito po talaga ang chapter 8 at namali ako ng upload sa chapter 7. Pakibasa na lang po ulit ang chapter 7. Pasensiya na at maraming salamat.

| 1
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Eva Pante
good novel love it ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status