Share

CHAPTER 36: There's something bad

Kusang tumayo sa pagkakaupo ang demonyo. Hindi na kasi ito makapaghintay at nais niyang marinig muli ang sinabi ng binatang nasa ka yang harapan. Kaso tila ang dila nito ay umurong bigla at hindi makapagsalita. Ang matang singkit at lalong naging singkit. Tinitignan nitong maigi ang dalawa na may bahid ng inis at galit.

Kaya naman si Lucif at Cole ay malapit ng maihi sa kanilang suot na pajama. Lumalaki ang kanilang mga ulo at masakit na ang kanilang batok. Mabigat 'yon sa kanilang pakiramdam at pinagpapawisang maigi. Hindi na rin sila makahiga at agad napayuko si Lucif ng hindi oras at nakahawak sa kanyang dibdib. Hindi na niya ito kaya at kung magpapatuloy man ay baka sa kabaong na ang daretso niya at hindi sa hospital.

"Brother, h'wag mo naman kami tignan ng gan'yan. G-gusto lang naman namin sabihin ni Cole na hindi aksidente ang nangyari kay Era," paliwanag ni Lucif sa kapatid na nanlilisik ang mga mata at parang kakainin na sila ng buo sa mga oras na ito. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
mylenA705396194
ang ganda ng kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status