Share

The Mafia's Obsession
The Mafia's Obsession
Author: PROSERFINA

Chapter 1

KEYLA

Narito ako ngayon sa itaas ng stage nakasuot ng kapirasong saplot sa katawan at natatakpan lang ng kulot at burgundy color kong buhok ang aking dibdib. Tanging kapirasong string bikini lang ang suot ko sa panloob at kulay pulang lace ang suot kong gown habang natatapatan ako ng kulay pulang ilaw. Daig ko pa ang ruby stone na kumikinang sa mga mata ng kalalakihan na naririto sa isang malawak na auction hall kung saan ay illegal silang nagbebenta ng laman. Mga sariwang laman ng berhen na babaeng binibenta nila na parang sariwang isda sa merkado. Ngunit hindi lang ito basta bentahan ng mga berhen na babae. Dahil milyones ang nilalabas ng mga lalaking ito para lang makakuha ng bata at sariwa na pwede nilang gawing sex-slave, kabit, asawa o kahit ano pa man na gusto nila.

“Keyla? Are you ready sister?” Tanong ni Nara. Naririnig ko ang malakas niyang boses sa earpiece na suot ko. Sinadya ‘kong ipadukot ang aking sarili upang mapagtagumpayan ang aming misyon ni Nara ang kakambal ko. Sabay kaming nagsanay bilang mga assassin ng TAJSO or trial and justice secret organization. Layunin ng aming organization na supilin ang mga makapangyarihang taong napatunayan na nagkasala sa gobyerno at hindi mapanagot dahil sa kanilang taglay na mataas na kapangyarihan.

“Ready na ako sissy, ako na ata ang susunod na ibebenta. Magkano kaya ako?” Mahinang bulong ko sa kanya upang hindi makahalata ang mga lalaking nakatitig sa akin.

Mula nang malaman namin sa aming mga magulang na sila pala ay kasapi ng isang underground secret organization. Ay ginusto na rin namin ni Nara ang maging kagaya nila. Actually, triplets kami ni Nara at Isaiah pero mas nag-focus ang kakambal namin ni Nara na si Isaiah sa pagiging magaling na doctor kaysa maging kagaya namin. Hindi rin kami kagaya ng mga kambal na pareho ang mga mukha. Pero dahil maganda si Mommy at may taglay na ka-guwapuhan naman si Daddy. Ipinanganak kaming biniyayaan ng magandang mukha. Noong una ay tutol pa sina Mom at Dad na sumabak kami sa ganitong misyon. Kaya ginawa namin ang lahat upang payagan nila kami, pinagbuti pa namin ang aming pag-aaral habang secretong nagsasanay.

Accelerated student kami kaya mas maaga naming natapos ang aming mga kurso. Ako ay bilang isang virtual artist si Nara naman ay nagpalit ng kursong BSIT. Samantalang si Isaiah ay ka-ka-graduate lang upang maging doctor. Wala na rin sa serbisyo ang mga magulang namin dahil abala na sila sa pamamahala sa farm sa probinsya.

“Galingan mo at wag kang magpapagalos man lang. Kailangan pa nating umuwi sa farm dahil kay Isaiah.” Paalala ni Nara. Nasa labas naman siya at ini-intay ang go signal ko para sumugod sila rito.

“Don’t worry sister, nandito naman ang target natin wala pang thirty minutes sigurado bagsak na ang mga ito. Naka-abang na ba ang back-up natin?” Paniniguro ko sa kanya.

“Oo, go signal mo na lang ang ina-antay.”

Matapos ng pag-uusap namin ay nakatuon na ang atensyon ko sa aming target ngayong gabi.

“Let’s start the bedding of this beautiful and sexy virgin lady starts at one million!” Sigaw ng announcer na nasa aking tabi.

“Two million!” Sigaw ng lalaking gusto akong bilhin. Nakatayo lang ako sa gitna at nag-aantay na pataasin ang aking halaga. May-usapan kasi kami ni Nara na pag-umabot ang bid ko ng one hundred million ay ibibigay niya sa akin ang kulay red na Lamborghini niya. At pumayag naman siya.

“Fifteen million!” Sigaw naman ng matanda sa unahan.

“Wala na bang itataas?” Inip na bulong ko sa aking sarili.

Naagaw ng atensyon ko ang isang lalaki na kakarating pa lang naka-black suit ito at mukhang Turkish actor. Gwapo matangkad at maumbok ang ibaba. Sa unahan kasi ito dumaan. Kaya naagaw niya talaga ang atensyon ko.

Nakagat ko ang ibabang labi nang pasadahan niya ako ng tingin. Tumaas ang kilay nito at hinagod ako ng tingin.

“I think I found my soulmate Sis.” Mahinang bulong niya na si Nara lang ang nakakarinig dahil natatabunan ng earpiece ang kulot at pula niyang buhok.

“Who? Don’t tell me matanda na ang tipo mo ngayon?” Natatawang wika ni Nara. Kung nasa malapit lang ang kapatid ko ay nabatukan ko na ito.

“Fifty million!” Sigaw ni Mr. Facondo. Ang target namin ngayon. Ang mayamang bilyonaryong kabilaan ang illegal na transaction ng droga at lalo na ang human trafficking!

“Going once! Going Trice?”

“Sixty Million!” Sigaw ng lalaking kanina pa naka-agaw ng atensyon ko. Lalong kumabog ang dibdib ko kakaiba din ang boses ng lalaki yun. Parang pang bedroom voice with an accent. Boses pa lang parang mag-iinit ka na. Gusto kong matawa sa aking sarili. Ngunit baka mahalata ng nakatingin sa akin.

“Malaki na rin ang sixty million Sis, diba?”

“Don’t tell me siya yung narinig kong nagsalita? Sa pagkakarinig ko mukhang hindi pa siya matanda.” Saad naman nito matalas talaga ang pandinig ni Nara.

“Mamaya na kita kakausapin baka mahalata ako.” Nakayukong bulong ko.

“Seventy Million!” Sigaw ulit ni Mr. Facondo. Siguro balak niya akong ibenta sa mga yakuza niyang kaibigan sa doubleng halaga.

Lamborghini is waving!

“Seventy Million! May magbi-bid pa ba para sa napaka-ganda at napakasariwang dalaga na ito?” Tanong ng auctioneer. Talagang sariwa ako dahil hangang ngayon ay wala pa rin akong nagiging boyfriend. May trust issues na kasi ako sa lalaki. Dahil kahit pangit ngayon ay marunong ng mag-cheat at isa pa wala pang lalaking nakakakuha sa attention ko. Siya pa lamang. Mariin akong nakatingin sa lalaking hindi inaalis ang tingin sa akin.

“One hundred Million!”

Literal na nalaglag ang panga ko nang marinig kong isinigaw niya yun. Hindi ko akalain na para lang makuha ako ay handa siyang magbayad ng ganun kalaking halaga!

Panghuli na ako sa bidding kaya patapos na rin ang auction. Nag-uumpisa narin na magpulasan ang mga tao sa loob ng session hall pati narin ang pakay namin na si Mr. Facondo na mailap at madulas.

“Sis! Ngayon na!”

Kaagad kong inagaw ang baril na nasa tagiliran ng lalaking hahawak sana sa akin upang ihatid ako sa guwapong lalaki. Pinaputukan ko agad ito at nagsimulang magkagulo at magtakbuhan ang mga tao sa loob. Kaagad akong tumalon kahit mataas ang heels na suot ko at tinungo si Facondo na napapaligiran ng mga tauhan niya. Nakita ko din ang gulat sa mata ng lalaking bumili sa akin ng one hundred million. Ngunit kinindatan ko lang ito at nilagpasan. Kaagad kong nilapitan si Mr. Facondo at nakipagpalitan ako ng putok ng baril sa mga tauhan niya. Nagsidatingan naman ang mga pulis at hinuli ang iilang mga naabutan na sumali sa auction.

 “Who the hell are you?! Akala mo ba mapapakulong mo ko nang ganun-ganun lang! Nagkakamali ka!” Sigaw ni Facondo nang walang kahirap-hirap kong ubusin ang lahat ng bodyguards niya. Tinutukan niya ako ng baril kaya mabilis akong nagtago sa mga silya na narito.

Naubos na rin ang bala ng baril ko kaya yumuko ako upang hindi niya ako tamaan at mabilis kong tinakbo ang isang tauhan niya na nakahandusay sa sahig. Pinulot ko ang baril at kaagad na tinutok sa kanya. Hindi na ako nagdalawang isip na paputukan siya ng sunod-sunod hangang maubos ang bala ko.

“Hindi ka na dapat ikulong pa. Dapat sa’yo derecho impyerno.” Walang emosyon na wika ko sa kanya. Akmang aalis na sana ako ngunit may malakas na kamay na humablot sa braso ko.

“Where do you think you’re going?” Tanong ng lalaking may baritonong boses na nakahawak sa akin.

“Nabili na kita kaya sumama ka na sa akin.” Seryosong wika niya na ikinangisi ko.

“Some other time na lang babe, kailangan ko pang mag-pakain ng mga manok at magpastol ng mga hayop mamaya sa farm.” Nakangiting sagot ko sa kanya.

“Don’t play with me, let’s go!”

“Abay sandale!” Hinila ko ang lace gown at tinaas dahil na-apakan ko na ito sa paghila niya sa akin.

“Bitawan mo siya!” Sigaw ng kakarating lang na si Nara. Matalim ang matang ipinukol niya sa lalaking kumaladkad sa akin.

“And who the hell are you?” Tanong ng misteryosong lalaki sa kapatid ko.  

“I said let her go!” Ulit pa niya.

“Sissy, easy ka lang.” Saway ko sa kanya. Dahil baka lalo lamang uminit ang ulo ni Nara baka barilin niya nga ang lalaking ito.

“Sister?” Di makapaniwalang tanong niya.

 “Damputin niyo na yan!” Utos ni Nara na sinunod naman ng mga pulis at pinusasan ang lalaki. Kaagad niya namang ini-abot ang malaking coat na pambalot sa katawan ko.

“Tara na Keyla.”

“Sandali sis!” Pigil ko sa kanya na ikinapagtaka naman niya.

“Bakit anong gagawin mo— Keyla!” Tawag niya sa akin nang tumakbo ako papalapit sa lalaking kinakaladkad na ng mga pulis. Hinila ko ang string bikini na suot ko at mabilis na inabot ko sa kanya.

“Sayo na yan! Pagnakalaya ka at nagkita tayo ulit saka muna ako singilin! Bye!” Nakangiting sabi ko sa kanya. Nag-flying kiss pa ako bago ko siya tinalikuran.

“Nasisiraan ka na ba? Wala ka na nga halos suot binigay mo pa sa lalaking yung panty mo!” Singhal ni Nara sa akin.

“Hayaan mo na sigurado naman akong hindi na kami magkikita pang muli.” Sagot ko na ikinahaba ng nguso niya. Kaagad na kaming umalis sa auction hall para umuwi na sa farm kung saan naghihintay ang aming pamilya para sa celebration namin sa pagtatapos ni Isaiah.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Alona Solomon Bolando
pina tago pa sa ginto ang tybak hahhaha psaway ka thiago ayw pa ipakita hihi
goodnovel comment avatar
Basit C Sarip
loved it...
goodnovel comment avatar
Isang Bulagao
haha pasaway ka talaga keyla d talga ako Maka move sa panty hahahaha ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status