Masuk“Mas gugustuhin ko pang magpakasal sa isang estranghero kaysa muling ibigay ang buhay ko sa lalaking hindi naman ako mahal!” Matapos pagtaksilan ng sariling asawa, mapagbintangan sa krimeng hindi niya ginawa, at mamatay sa loob ng bilangguan, akala ni Evelyn ay katapusan na ng kaniyang kuwento. Ngunit nang muli siyang magising, nasa katawan na siya ng isang kontrabida sa nobelang minsan niyang binasa! Ang mas masama? Nakatakda siyang pakasalan si Alexander Blackwood, isang walang pusong bilyonaryong siya ring magiging dahilan ng kaniyang trahedyang wakas. Dahil ayaw nang maulit ang kaniyang nakaraan, ginawa ni Evelyn ang hindi inaasahan ng lahat. Tinanggihan niya ang bilyonaryo at sinubukang takasan ang kapalarang naghihintay sa kaniya. Pero habang pilit siyang lumalayo, lalo namang nagiging interesado si Alexander. At nang akala niyang makakawala na siya, isang nakakagulat na rebelasyon ang bumungad sa kaniya. May ibang taong kumokontrol sa mga pangyayari sa nobela, at alam nito ang sikreto ng kaniyang nakaraang buhay. Ngayong may misteryosong kaaway na nagtatangkang sirain siya, paano matatakasan ni Evelyn ang nakatakda niyang kapalaran? At paano kung ang bilyonaryong dapat sana ay sisira sa kaniya ang siya namang lalaking hindi na kayang pakawalan siya?
Lihat lebih banyakEVELYN'S POV
“Miss Evelyn! Gising na po kayo?”
Napabalikwas ako nang may humawak sa balikat ko. Hindi pa man ako nakakaayos ng upo ay muli nang nagsalita ang babaeng nasa harapan ko.
“Bilisan na po natin! Naghihintay na ang photographer!”
Napakurap ako sa narinig. Photographer? Bakit may photographer sa kulungan?
“Miss, okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong niya habang hawak ang makeup brush.
“S-Saan ako?”
“Nasa dressing room po tayo, Miss. Magsisimula na ang engagement photoshoot ninyo.”
Agad akong napatingin sa paligid. May malaking salamin sa harapan ko, mamahaling mga damit na nakasabit sa gilid, naglalakihang ilaw, at ilang babaeng abala sa pag-aayos ng kung anu-ano. Higit sa lahat, wala akong suot na prison uniform!
Napahawak ako sa tiyan ko at kinapa ang bahaging natatandaan kong nasaksak. Wala akong naramdamang sugat o kahit bahid ng dugo.
“Paano nangyari ito?” bulong ko, habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Huling natatandaan ko, sinaksak ako sa loob ng kulungan!
“Miss Evelyn, nandito na raw po si Mr. Blackwood,” sabi ng babae. “Kailangan na po nating magmadali.”
Bigla akong nanigas nang marinig ang apelyidong iyon.
“A-Anong pangalan mo?”
“Si Mia po, Miss.”
“Hindi! Ang tinatanong ko, ano ang pangalan ko?”
Lalong nagtaka si Mia sa tanong ko, pero sumagot pa rin siya. “Miss Evelyn Montgomery po. Bakit?”
Napaatras ako bago mabilis na humarap sa malaking salamin. Napahawak ako sa mukha ko nang makita ang isang babaeng may mahaba at itim na buhok, maputing balat, at berdeng mga mata.
“Diyos ko! Hindi ito ang mukha ko!”
Nasaan ang peklat ko sa noo at ang mga marka sa kamay ko? Bakit parang dalawampu't tatlong taong gulang lang ako?
“Miss, may problema po ba?” muling tanong ni Mia.
Hindi ako sumagot dahil pamilyar sa akin ang pangalang Evelyn Montgomery. Isa siyang karakter sa bestselling novel na binasa ko habang nakakulong, ang The Billionaire's Ruthless Bride.
At siya ang kontrabida sa nobelang iyon!
Napahawak ako sa dibdib ko habang sinusubukang unawain ang nangyayari. Ibig bang sabihin, namatay ako at napunta sa loob ng nobela?
“Labindalawang taong pagkakakulong!”
Bumagsak ang martilyo ng hukom kasabay ng pagkaputol ng lahat ng pag-asa ko.
“Hindi! Wala akong kasalanan!” sigaw ko habang nagpupumiglas sa dalawang pulis na humahawak sa mga braso ko. “Adrian! Sabihin mo ang totoo!”
Nakatayo ang asawa ko sa kabilang bahagi ng courtroom. Katabi niya si Vanessa, ang buntis niyang kabit, na tahimik lamang na nakamasid habang sinisira ang buhay ko.
Pitong taon kong tinulungang itayo ang mga ospital ni Adrian. Isa akong sikat na surgeon noon, pero isinuko ko ang career ko nang hilingin niyang ako ang mamahala sa negosyo namin. Akala ko, habang buhay kaming magkasama at pareho naming aanihin ang bunga ng mga sakripisyo namin.
Pero noong ikapitong wedding anniversary namin, natuklasan kong nagsasagawa pala siya ng ilegal na medical trials sa mga pasyente ng charity program namin. May namatay na pasyente, at sa halip na panagutan ang nangyari, ako ang ginawa niyang salarin.
“Adrian! Ikaw ang nag-utos ng mga eksperimento!”
“Evelyn, tama na!” sigaw niya. “Huwag mo nang dagdagan ang kasalanan mo!”
“Sinungaling ka!”
“Your Honor, nagsumite na kami ng ebidensya,” sabi ng abogado niya.
Peke ang lahat ng ebidensyang iyon, pero wala ni isa sa kanila ang naniwala sa akin. Mas masakit pa, maging ang assistant kong si Clara ay tumestigo laban sa akin.
“Clara! Sabihin mo ang totoo!” pagsusumamo ko habang nakatingin sa kaniya.
Hindi niya ako matingnan. “Pasensya na po, Doktora. Kayo po ang nag-apruba ng procedures.”
Parang gumuho ang mundo ko nang marinig iyon. Limang taon ko siyang tinuring na kapatid, pero sa huli ay ipinagpalit niya rin ako.
Habang kinakaladkad ako ng mga pulis, lumapit si Adrian. Pilit kong inangat ang mukha ko kahit hindi ko na mapigilan ang pagluha.
“Bakit?” umiiyak kong tanong. “Ginawa ko ang lahat para sa iyo!”
Yumuko siya upang walang ibang makarinig sa kaniyang sasabihin.
“Hindi na kita kailangan, Evelyn.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?”
“Si Vanessa ang magbibigay sa akin ng pamilyang gusto ko. Hindi katulad mo.”
Napatingin ako sa buntis niyang kabit, na ngumiti lamang habang nakamasid sa amin. Doon ko naintindihang wala nang halaga sa kanila ang lahat ng sakripisyo ko.
Ilang buwan akong nagdusa sa bilangguan. Binubugbog ako, ginugutom, at pinapahirapan ng ibang mga preso. Hanggang isang gabi, nagkaroon ng riot na nagdulot ng matinding kaguluhan sa buong kulungan.
“Tumakbo kayo!” sigaw ng isang preso habang nagtutulakan ang mga tao sa pasilyo.
Sinubukan kong tumakas sa kaguluhan, pero may biglang bumangga sa akin. Napasigaw ako sa matinding sakit at nang tumingin ako sa tiyan ko, nakita kong may nakabaong kutsilyo.
Bumagsak ako sa sahig habang unti-unting kumakalat ang dugo sa damit ko.
“T-Tulong...” mahina kong tawag, pero walang lumapit.
Habang unti-unting nagdidilim ang paningin ko, isang bagay lamang ang naisip ko. Kung magkakaroon ako ng pangalawang buhay, hinding-hindi na ako magpapakatanga sa lalaki!
At pagkatapos noon, tuluyan akong namatay.
“Miss Evelyn!”
Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Mia. Nasa harapan ko pa rin siya at halatang nag-aalala sa aking kalagayan.
“Miss, namumutla po kayo. Gusto ninyo ng tubig?”
Umiling ako habang muling tinitingnan ang paligid. Hindi ito panaginip. Talagang napunta ako sa katawan ni Evelyn Montgomery!
Naalala ko ang kuwento ng nobela. Si Evelyn ay anak ng makapangyarihang Montgomery family at baliw na baliw kay Alexander Blackwood, isang bilyonaryong may-ari ng mga luxury hotel. Dahil ayaw siyang pakasalan ni Alexander, ginamit niya ang sikreto ng nakababatang kapatid nito upang pilitin itong makipag-engage.
Napilitan si Alexander na pumayag, pero lihim niyang pinaplano ang pagbagsak ni Evelyn. Sa huli, makukulong ang kontrabida dahil sa tangkang pagpatay.
“Hindi maaari!” bulong ko nang maalalang muli na namang kulungan ang naghihintay sa akin.
“Miss?”
“Anong petsa ngayon?”
Sinabi ni Mia ang petsa, at agad na nanlamig ang buong katawan ko. Ngayon ang engagement photoshoot! Ito ang eksenang sisirain ni Evelyn ang wedding dress ni Sophia, ang tunay na female lead ng nobela.
Mahuhuli siya ni Alexander at mapapahiya sa harapan ng lahat. Dito magsisimula ang kaniyang pagbagsak.
“Miss, nandito na po ang damit ni Miss Sophia,” sabi ni Mia habang itinuturo ang puting wedding dress na dala ng isang assistant.
Agad kong nakilala ang damit. Iyon mismo ang gown na dapat sirain ng kontrabida ayon sa orihinal na kuwento. Pero hindi ako ang dating Evelyn, at lalong hindi ko hahayaang makulong muli!
“Ilayo ninyo ang damit na iyan,” utos ko.
“Po?”
“Ilayo ninyo sa akin!”
Agad itong dinala ng assistant sa kabilang bahagi ng silid. Napabuntong-hininga ako habang iniisip kung paano ko mababago ang kuwento.
Kailangan kong iwan si Alexander bago pa niya ako sirain!
Napatingin ako sa gunting na nakapatong sa dressing table at dahan-dahan itong kinuha. Napansin iyon ni Mia at agad siyang lumapit sa akin.
“Miss Evelyn? Para saan po iyan?”
Hindi ako sumagot. Sa halip, hinawakan ko ang laylayan ng mamahalin kong engagement gown at inangat ito nang bahagya.
“Miss, ano pong gagawin ninyo?”
TSKK!
“AHHH!” Napahiyaw si Mia nang bigla kong ginupit ang damit.
“MISS EVELYN!”
Hindi ako tumigil. Muli kong ginupit ang tela hanggang sa mapunit ang mamahaling lace, dahilan upang magkagulo ang mga stylist sa paligid.
“Diyos ko! Ang gown!” sigaw ng isa sa kanila.
“Miss! Milyon ang halaga niyan!”
“E, di milyon!” sagot ko habang patuloy na hawak ang gunting.
“Pero bakit ninyo sinisira?”
Inihagis ko ang naputol na tela sa sahig bago humarap sa kanilang lahat.
“Dahil hindi na ako magpapakasal kay Alexander Blackwood!”
Biglang tumahimik ang buong silid. Napanganga ang photographer, habang si Mia naman ay tila hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
“Miss, seryoso po ba kayo?” tanong niya.
“Oo!”
“Pero mahal na mahal ninyo si Sir Alexander!”
Napailing ako. Dahil sa pagmamahal, namatay ako sa una kong buhay. Hindi na ako uulit sa parehong pagkakamali!
“Sabihin ninyo kay Alexander na kanselado na ang engagement namin!”
“Pero Miss—”
“Wala nang pero!” putol ko sa sasabihin niya habang ibinababa ang gunting. “Ihanda ninyo ang gamit ko. Aalis na ako!”
Mabilis akong naglakad patungo sa p***o, pero bago ko ito mabuksan, may malaking kamay na biglang humawak sa pulsuhan ko.
“Anong ibig sabihin nito?”
Napalingon ako at nakita ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na suit, matalim ang panga, at malamig ang tingin.
Si Alexander Blackwood!
Ang lalaking sisira sa buhay ng kontrabida!
Bumaba ang tingin niya sa punit kong gown bago muling tumingin sa mukha ko.
“Evelyn, ano na naman ang drama mo?”
“Bitawan mo ako!” utos ko, pero hindi siya gumalaw.
“Bagong paraan mo ba ito para makuha ang atensyon ko?”
Napakunot ang noo ko. “Excuse me?”
“Una, pinilit mo akong makipag-engage. Ngayon, sinisira mo ang sarili mong damit?”
“Hindi ako nagpapapansin!”
Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Talaga?”
“Oo! Gusto kong kanselahin ang engagement natin!”
Sandali siyang natahimik bago malamig na tumawa, na para bang isa na naman itong kalokohang ginagawa ko para makuha ang gusto ko.
“Anong laro na naman ito, Evelyn?”
“Hindi ito laro!”
“Kung pera ang gusto mo, sabihin mo na lang.”
“Hindi ko kailangan ang pera mo!”
“Kung ganoon, ano?”
Huminga ako nang malalim bago siya tiningnan nang diretso. “Ang gusto ko, huwag na kitang pakasalan!”
Lalong humigpit ang hawak niya sa pulsuhan ko.
“Hindi ako naniniwala.”
“Problema mo na iyon!” Hinila ko ang kamay ko habang pilit na kumakawala sa kaniya. “Humanap ka ng ibang babaeng pakakasalan, Alexander!”
“Evelyn!”
“Ano?!”
“Bakit bigla kang nagbago?”
Tinitigan ko siya nang diretso. Hindi ko alam kung bakit napakahirap para sa lalaking ito na tanggapin na ayoko na siyang pakasalan.
“Dahil mas gugustuhin ko pang magpakasal sa isang estranghero kaysa makasama habang buhay ang lalaking hindi naman ako mahal!”
Biglang tumahimik ang lahat. Matagal niya akong tinitigan bago dahan-dahang lumapit sa akin. Napaatras ako, pero sinundan niya ako hanggang halos magdikit ang mga mukha namin.
“Sabihin mo, Evelyn...” Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko bago muling tumingin sa mga mata ko.
“May nahanap ka na bang estranghero?”
EVELYN'S POV“Evelyn, bukas ang engagement announcement ninyo ni Alexander. Siguraduhin mong hindi ka gagawa ng iskandalo.”Halos mabitawan ko ang cellphone nang marinig ko ang sinabi ni Papa Victor. Kakalabas ko pa lamang ng ospital matapos ang nangyaring pag-atake sa amin ni Noah, pero kasal pa rin ang unang pumasok sa isip niya. Para bang mas mahalaga ang reputasyon ng Montgomery family kaysa sa katotohanang muntik nang mapatay ang sarili niyang anak.“Papa, muntik na akong mamatay. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung okay ako?”“Sinabi sa akin ni Alexander na wala kang malubhang pinsala. Mabuti at ligtas ka. Pero hindi ibig sabihin niyan ay maaari mo nang balewalain ang responsibilidad mo sa pamilya.”Napahawak ako sa noo habang nakaupo sa gilid ng kama. May pasa ang balikat ko at masakit pa rin ang ilang bahagi ng katawan ko, ngunit wala namang natuklasang malubhang pinsala ang mga doktor. Pinayuhan nila akong magpahinga, bagay na mukhang hindi kasali sa mga plano ni Papa.“
EVELYN'S POV“Evelyn, yumuko ka!”Hindi pa man ako nakakakilos, isang malakas na pagbangga ang yumanig sa sasakyan namin. Napasigaw ako nang sumayad ang ulo ko sa sandalan, habang pilit na kinokontrol ni Noah ang manibela. Mabilis na lumapit ang itim na SUV sa aming likuran, at kahit sinubukan naming lumipat ng lane, agad nitong hinarangan ang dadaanan namin.“Damn it! Binabangga nila talaga tayo!” sigaw ni Noah.“Noah, tumawag na tayo ng pulis!”“Gamitin mo ang phone ko! Nasa dashboard!”Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang kaniyang cellphone. Agad kong tinawagan ang emergency hotline at ibinigay ang lokasyon namin, pati ang paglalarawan sa sasakyang sumusunod. Sinabi kong ilang beses na kaming sinubukang banggain at hindi namin alam kung hanggang kailan kami makakatakas.“Ma'am, stay on the line,” sabi ng operator.“Please, bilisan ninyo! Hindi ko alam kung gaano pa katagal naming maiiwasan sila!”Biglang lumiko si Noah sa mas makitid na kalsada, umaasang maiiwan namin ang huma
EVELYN'S POV“Paano kung hindi ako ang unang nakatuklas ng sikretong ito?”Hindi ko namalayang nasabi ko iyon nang malakas habang nakatitig sa mga dokumentong ibinigay ni Alexander. Kung kusang nakipagkita ang orihinal na Evelyn sa lalaking nasa litrato, maaaring may dahilan siya bukod sa paghahabol sa pagmamahal ng bilyonaryo.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Alexander.“Wala,” mabilis kong sagot habang isinasara ang folder. “Gusto ko lang malaman kung bakit niya kinausap ang lalaking iyon.”“Then tell me what you know.”Napatingin ako sa kaniya. Kung sabihin kong wala akong maalala tungkol sa litrato, lalo lamang siyang magdududa. Pero hindi ko rin maaaring ipaliwanag na ang babaeng nasa larawan ay ibang Evelyn.“Hindi ko pa alam kung ano ang kinalaman niya sa lahat ng ito,” sagot ko. “Pero hahanapin ko ang sagot.”“Hindi mo kailangang gawin ‘yan nang mag-isa.”“Alexander, kaya kong alagaan ang sarili ko.”Bahagyang tumigas ang kaniyang ekspresyon. “Someone is threatening you, E
EVELYN'S POV“Kung gusto mong mabuhay, huwag kang magtiwala sa kaniya.”‘Yan ang mga salitang unti-unting bumalik sa alaala ko habang nakatitig sa litrato ng sarili kong bangkay.Hindi ko maalala kung sino ang bumulong sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay sa bilangguan. Ngunit isang bagay ang sigurado ako, may nakasaksi sa pagkamatay ko, at maaaring siya rin ang taong nagpapadala ng mga mensahe ngayon.Muli kong binuksan ang litrato. Malabo ang paligid, pero malinaw ang duguang unipormeng suot ko. Hindi iyon larawang maaaring matagpuan sa internet, lalo na sa mundong hindi naman dapat umiiral ang dati kong buhay.Sinubukan kong i-save ang larawan, ngunit biglang nagdilim ang screen. Nang bumalik ang messaging application, wala na ang litrato at ang mga mensahe.“Hindi maaari!”Agad kong tiningnan ang gallery at downloads. Wala akong nakita. Kahit ang numero ng sender ay nawala sa conversation history.Napahawak ako sa noo. Kung kaya niyang burahin ang mga mensahe sa nakatagong c


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.