KEYLANakakakilabot ang mga tahol ng malalaking aso! At napakabilis din nilang tumakbo! Nahihilo na rin ako sobrang sakit na ng sugat ko. Kahit magpasikot-sikot ako sa damuhan siguradong matutunton ako ng malalaking aso na yun. Hindi ko na alam kung makakaalis pa ba ako at kung aabot pa ba ako ng buhay!“Keyla!!!”Narinig ko na naman ang malakas na sigaw niya. Siguradong nakalabas na gilagid noon sa galit sa akin pero wala akong paki-alam kung galit siya sa akin mas galit ako sa kanya!Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa dinadaanan ko dahil napapasin kong mas matatalim na ang bato dito kaysa kanina hangang sa nagmali ako ng tapak at nagulat na lamang ako nang dumulas ang paa ko pababa.“Ahhh!”“Keyla!!!”Jusko! Bakit bangin na itong nasa ibaba ko? Kung hindi ako nakahawak sa nakausli at malaking bato sigurado akong lasog-lasog na ang katawan ko sa ibaba sa lalim ng bangin! Hindi nga ako malalapa ng aso siguradong hindi na ako mabubuhay kapag tuluyan akong nahulog dito!“Keyla! Huma
KEYLALagpas tanghali na ay hindi pa rin siya bumabalik sa kuwarto ko. Nakatulog na nga ako ng ilang oras kanina pagkatapos tahiin ang sugat ko. Hindi naman sa ina-antay ko siya. Pero hindi ko rin alam kung bakit panay ang tingin ko sa orasan. Simula kanina hindi na siya bumalik. Parang ayaw ko na tuloy maniwala kay Doc Alvin na kinilig nga siya sa sinabi ko kanina.Parang nakakaramdam ako ng inis na hindi ko alam kung saan nangangaling. Naiinis ba ako dahil hindi niya ako dinadalaw dito o naiinis ako dahil hindi tumalab sa kanya ang pagpapabebe ko kanina?Hmp! Kapag hindi pa rin siya nagpakita sa akin maghapon ay hindi ko na siya kakausapin! Hindi man lang niya sinilip kung buhay pa ako! Tapos nagwalk-out pa siya kanina!Pagkatapos ‘kong magtanghalian kanina ay wala pa rin siya. Hindi ko pa rin nakikita ang masungit niyang mukha.Hangang sa malapit nang magdilim ay talagang hindi pa rin siya pumapasok sa kuwarto ko. Nakakabagot kaya mag-stay dito wala naman akong puwedeng kausapin ku
THIAGOKakarating ko lang sa mansyon dahil may inayos akong negosyo sa Manila. Hindi na ako nakapagsabi kay Keyla dahil urgent ang naging meeting ko sa isa sa mga negosyong balak kong pagtuunan ng pansin kapag tinalikuran ko na ang lahat ng mga illegal kong negosyo. Dumaan din ako sa dangwa upang bumili ng maraming rosas dahil yun daw ang gustong bulaklak ng mga babae. Kaya pinakyaw ko na ang lahat ng variety na nakita ko sa tatlong tindahan. Sapat na siguro ang mga yun para magustuhan ni Keyla. Nahirapan pa nga ang mga tauhan kong pagkasyahin sa loob ng chopper ang mga bulaklak sa dami.Ginabi na ako at sabik na rin akong makita siya. Kaya pagkababa ko ay nagmadali na akong magtungo sa kuwarto ni Keyla.Nang buksan ko ang pinto niya ay narinig ko siyang umuungol kaya nagmadali akong lumapit sa kanya.“Keyla? Keyla!”Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at marahan ko siyang niyugyog. Sa tingin ko ay binabangungot siya.“Wag…wag mo akong patayin!” Sigaw niya na ikinataranta ko.“Ke
KEYLAPagkatapos naming kumain ay niyaya naman niya akong lumabas ng mansyon. Pagkabukas pa lang niya ng pinto ay mga basket ng bulaklak na ang bumungad sa akin. Nakahilera sila sa daan at ang ganda nilang pagmasdan.“Anong meron bakit ang daming nagkalat na bulaklak dito?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at dumaan kami sa gitna ng nakahilerang bulaklak.“Hindi ko alam kung anong favorite mong flowers kaya binili ko na lamang lahat.” Sagot niya sa akin na ikina-awang ng labi ko. Binili niyang lahat ng bulaklak na ‘to dahil hindi niya alam ang gusto ko? Malakas na talaga ang tama nito sa akin.Ilang hakbang pa ay bumungad na sa akin ang arko na korteng bulaklak din. Nakaharap ito sa nagkikislapang ilaw sa malayong syudad. Sobrang ganda ng arc iba’t-ibang kulay ng rosas ang nakakabit dito at may mga orchids din. May mga maliliit din na lights na nagkikislapan sa paligid nito. Masarap sa matang pagmasdan. Para kaming nasa fairytale na beauty and the wolf ang
KEYLAImbis na sa loob ng aking kwarto ay ibang kwarto ang pinagdalhan niya sa akin. Kung yung kwarto ko ay maaliwalas pa ng kaunti dahil sa light colors na pintura sa pinasukan naming ay puro naman dark ang nakikita ko. Kulay itim ang kurtina, gray ang dingding at ang sahig. Pero itim din ang kanyang kama pati na rin ang kanyang sofa na may glass table sa gitna. May malaking glass cabinet din at may dalawa pang itim na pinto. May malaking chandelier din na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. May kilala akong mahilig din sa ganitong mixed ng kulay. Yun ay si Luna, hindi na ako magtataka dahil pareho silang misteryoso ang pagkatao.Dahan-dahan niya akong nilapag sa malambot na kama. Pagkatapos ay umalis siya at nagtangal ng coat. At pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay bihisan niya. Mataman lang akong naghihintay pero kinakabahan din ako. Okay lang naman sa akin ang ganitong kwarto. Kahit hindi masyadong maliwanag napaka aesthetic lang at mas nagiging sensual sa pakiramdam. Napasi
KEYLA Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Tumayo ako sa kama at nag-unat dahil pakiramdam ko naninigas na ang mga muscles ko sa kakahiga dahil sa sugat ko. Kapag gumaling na ako ay balak kong mag rock climbing para makababa ako sa bangin gusto ko lang naman subukan kung kakayanin kong makatakas dito kapag doon ako dumaan. Sa tingin ko ay nasa dalawang daan na talampakan ang lalim nito kaya mas maige kung gagamit ng harness pababa at pa-akyat pero mukhang hindi rin ako papayagan ni Thiago baka isipin niya tatakasan ko siya ulit. Pero kapag nagising na siya sa kabaliwan niya sa akin baka nga takasan ko siyang muli. Pagkalabas ko ng kuwarto ay siya na agad ang hinanap ng mata ko. Baka nasa loob lang siya ng bahay. Nag-ikot pa ako ngunit wala akong makita. Imbis na si Thiago ay si Harvey ang nakasalubong ko sa sala. “Nagugutom ka na Ms. Keyla? Nakahanda na ang almusal sa mesa.” Nakangiting sabi niya sa akin. “Si Thiago?” “Ah! Umalis siya kanina pinuntahan si Victor.” Sagot n
THIAGOHindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam na yakap ko sa pagtulog ang babaeng nagpatibok sa aking puso. Kung alam lang niya kung gaano ko siya kagustong angkinin ngunit inaalala ko pa din ang sugat niya. Kaya tiniis ko na lamang na hindi siya halikan upang makalayo ako sa temptation at makalimutan kong kailangan pa niyang magpagaling.Nahirapan akong matulog dahil ayaw kumalma ng alaga ko. Kaya naging mababaw lang ang tulog ko sa magdamag. Pero siya rinig ko ang mahinang hilik niya sa dibdib ko.Damn it! This is not a good idea! Paano ko natagalan ang bagay na ito?Halos pabukang liwayway na nang matangap ko ang tawag ni Victor. Lumabas ako ng kuwarto upang hindi makagawa ng ingay dahil ayokong magising siya sa mahimbing niyang pagkakatulog.“Victor, alam mo ba kung anong oras lang dito? Bakit napatawag ka?” Inis na tanong ko sa kanya.“Tuloy na ang malaking transaction natin ng smuggled weapon dito bukas. Gusto mo bang tignan ang mga armas?” Tanong niya sa akin. Matag
THIAGO“Thiago, tama na yan! Kapag hindi mo tinigil ang pag-iinom mo masusunog ang atay mo. Ano bang nangyayari sa’yo? Isang linggo ka ng nagpapakalunod sa alak. Sa tingin mo masu-sulosyonan ng pag-inom mo ang problema mo kay Keyla? Parang hindi ka lalaki ah!” Litanya ni Harvey sa akin. Akmang aagawin niya sa akin ang hawak kong rhum pero hinampas ko ang kanyang kamay. Isang linggo na ang nakalipas nang umalis si Keyla. Noong araw na umalis siya ay nalaman namin na sa bumagsak ang helicopter sa dagat malapit sa Laguna de bay. At hangang ngayon ay hindi ko pa rin nahananap si Keyla. Pinapuntahan ko na rin sa mga tauhan ko ang farm at wala na siya doon. Imposibleng kasama siyang lumubog sa ilalim. Alam kong hinding-hindi siya ganun kadaling mamatay. At isa pa walang bangkay ang na-recover kaya malakas ang kutob ko na buhay pa siya. Hindi pa rin tumitigil ang mga tauhan ko sa paghahanap pero hangang ngayon wala pa rin kaming balita. Para na akong masisiraan ng bait sa kakaisip kung nasaa