THIAGO
Pagkalabas ko ng kwarto ay nagtatakang mukha ni Harvey ang sumalubong sa akin.
“May nangyari ba? Nabawasan kasi ng isang linya ang wrinkles mo don’t tell me naka-score ka agad kay Miss K?” Nakangising sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at nagmadali akong bumaba ng hagdan. Nakasunod siya sa akin hangang makababa na ako sa sala at umupo ako sa malaking sofa.
Pina-tingnan ko muna si Keyla kay Doctor Alvin. Para malaman ko kung okay na ba siya at kung pwede na siyang kumain. Narito kami sa mansyon ko, malayo ito sa city at nasa tagong bahagi pa ito ng mataas na bundok. Kaya bangin na ang likuran nito. Para makarating dito ay kinakailangan pang sumakay ng helicopter. Pinasadya ko ang ganito kalayong palasyo para walang ibang makapunta dito. Wala din ibang nagtatangka na pumunta dito dahil bukod sa kontrolado ko ang buong lugar ay heavily guarded din ang lugar na ito. Hindi lang nagkalat ang mga tauhan ko sa labas. Nagkalat din ang mga Doberman pinscher sa nasasakupan ng lupa ko. Kaya dito ko dinala si Keyla upang masiguro ko na hindi niya ako madaling matatakasan.
“Harvey, maupo ka sa harapan ko may itatanong lang ako sa’yo.” Seryosong sabi ko sa kanya. Kaagad naman niya akong sinunod. Nang makaupo na siya nagdadalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba sa kanya dahil ito ang unang beses na manliligaw ako sa isang babae.
“Ano?” Naiinip na tanong niya sa akin. Napabuntong hininga muna ako bago ko ibuka ang aking labi.
“Nagka-girlfriend ka na ba?” Seryosong tanong ko sa kanya. Sumandal siya sa sofa at inilagay pa niya ang kanyang kamay sa arm rest.
“Oo naman! Hindi ko na nga mabilang eh. At lahat sila patay na patay talaga sa akin. Bakit mo naman naitanong?”
“Tulungan mo akong manligaw.”
Laglag ang panga niyang tumingin sa akin.
Hinihimas pa niya ang baba niya na parang ino-obserbahan kung totoo ba ang sinabi ko.
“Ikaw? Manliligaw? May tama ka din ba? Ang pagkakaalam ko si Miss K lang ang tinamaan.”
Tumayo ako at humarap sa salamin na bintana overlooking dito ang kulay green na bundok dahil bangin na ang likuran nito.
“I’m serious, kung yun lang ang paraan para pumayag siyang magpakasal sa akin ay gagawin ko. Kaya tulungan mo akong manligaw.”
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. At tinapik niya ang balikat ko.
“Thiago, pinapataas mo lalo ang respeto ko sa’yo. Isa ka talagang tunay na lalaki. Biro mo? Sa dami nang babaeng binasted mo? Si Miss Keyla lang ang tanging gusto mo tapos pinahirapan ka pa?” Hindi makapaniwalang pahayag niya. Napapailing na tinangal ko ang kamay niya. Hindi ko siya masisisi kung bakit hindi siya makapaniwala. Walang babae na nakakuha ng atensyon ko tanging siya lamang. Kahit maraming babae ang lumalapit sa akin. Wala akong ibang nararamdaman sa kanila.
“Okay, tutulungan kita. Kailan mo balak umpisahan?” Seryosong tanong niya sa akin.
“Mamayang gabi, kaya magisip ka na ng pwedeng kong gawin. Hindi ko alam paano manligaw pero wag na wag mo akong tuturuan ng katarantaduhan kung ayaw mong ipadala kita sa Russia.” Banta ko sa kanya.
“Grabe ka! Wag naman doon! Gusto mo na ba akong mamatay ng maaga? Gusto ko pang mabuhay at magkaroon ng anak. Hindi ko pa nga nahahanap magiging asawa ko eh.” Reklamo niya sa akin. Kumpara dito mas less ang gulo kaysa sa ibang bansa. Hindi kasi sila takot na pumatay doon dahil may mataas na posisyon sa goberno at mga may empluwensya kaya nagagawa nila kahit illegal. Dati ganun din ang gawain namin. Pero matagal ko nang tinalikuran yun. Mas interesado ako sa mga armas at mamahaling bagay na pwede kong bilhin sa murang halaga. Sakit lang sa ulo kung palagi kang target ng authoridad.
Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na siya sa akin.
Kinagabihan ay dumalaw ako sa kwarto ni Keyla. Gising na siya at naka-elevate na rin ang ulo niya. Derecho ang tingin niya sa akin nang makita niya ako. Sinara ko ang pinto bago ako lumapit sa kanya.
“Kailan mo ako pauuwiin? Baka nag-aalala na ang pamilya ko sa akin.” Seryosong sabi niya. Inayos ko ang kumot upang itakip sa katawan niya dahil malamig naman dito sa loob ng kwarto. At naghila ako ng upuan upang maka-upo sa kanyang tabi.
“Call your family, sabihin mo nasa maayos kang kalagayan. Hindi kita puwedeng pauwiin sa ngayon. Kung inaakala mo na sa pagpatay kay Mr. Fang matatapos ang mission mo nagkakamali ka. Sa ngayon nalaman ko na kumakalap na sila ng imbistigasyon upang mahanap ka. Kung mananatili ka dito hindi ka nila mahahanap. Ngunit kung lalabas ka at pupunta ka sa siudad siguradong malalaman nila kung nasaan ka. Malawak ang connection ni Mr. Fang. Napatay mo man siya hindi titigil ang kanyang pamilya para makaganti sa gumawa noon sa’yo. Ang tanging magagawa ko lang ay sirain ang CCTV na nakunan sa casino at pati na rin ang itago ka sa kanila. Kung ako sa’yo sabihin mo na rin sa pamilya mo na lumipat at magtago na rin sila dahil kapag nalaman nila ang tunay mong pagkatao. Lahat ng angkan mo siguradong babalikan nila.” Paalala ko sa kanya ngunit hindi ko man lang siya nakitaan ng takot sa lahat ng mga sinabi ko. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin. Dahil nakatitig naman siya sa akin at minsan naiilang na rin ako sa tingin niya.
“Ehem! Naintindihan mo ba yung sinabi ko Keyla?”
Nagulat siya sa pagtikhim ko at para siyang nagising sa mahabang pagkakatitig sa akin.
“Naintindihan ko pero bago ako tumawag sa kanila pwede bang pakainin mo muna ako? Kanina pa kasi nag-aaway ang mga dragon ko sa tiyan. Baka kainin na ng mga bituka ko yung mga bulate ko sa gutom.” Nakangiwing sabi niya sa akin sabay hawak ng tiyan niya. Hindi man lang seneryoso ang sinabi ko sa kanya.
Nakarinig kami ng katok sa pinto kaya tumayo ako upang pagbuksan si Harvey.
“Thiago, ito na yung mainit at masarap na sopas na ipinaluto mo.” Bungad niya sa akin.
“Wow! Amoy masarap ah! Salamat Harvey.” Nakangiting sabi niya kay Harvey na ikinakunot ng noo ko.
“Walang anuman yun Miss K, pagaling ka—”
“Alis na!” Inis na singhal ko sa kanya pagkatapos kong kunin ang malaking mangkok na dala niya. Sinipa ko pa pasara ang pinto para lang tuluyan siyang lumabas ng kuwarto.
“Ay galet? Hinatiran lang naman niya ako ng pagkain bakit ka nagagalit? Nagseselos ka ano?” Nang-iinis na tanong niya sa akin.
Umupo ako sa tabi niya at hinila ko ang maliit na mesa upang pagpatungan ng tray na may lamang mangkok ng sopas at tubig sa baso.
“Hindi ako nagseselos.” Walang emosyon na sabi ko sa kanya.
“Weh? Nagseselos ka kay Harvey kaya pinaalis mo siya.” Natatawang sabi niya sa akin na lalong ikinakunot ng noo ko.
“Pumunta ako dito para sana subuan ka. Pero pina-init mo na ang ulo ko kaya kumain kang mag-isa.” Padabog akong tumayo at naglakad patungo sa pinto pero nang akmang pipihitin ko na ang doorknob ng pinto ay narinig ko ang nasasaktang boses niya. Nagmadali akong lumapit sa kanya. Hawak niya ang kutsara at nakalabas pa ang dulo ng dila niya.
“What happen? Napaso ka?”
Nakangiwing tumango siya sa akin.
“Alam mong umuusok bakit mo sinubo kaagad?” Inis na singhal ko sa kanya.
“Eh ikaw naman kasi! Nagtampo ka kaagad syempre uunahin ko muna yung sikmura ko at kagabi pa ako walang kain.”
Biglang nawala ang inis ko dahil sa nakakaawa niyang mukha nasaktan talaga siguro siya kinuha ko ang kutsara sa kamay niya at dumampot ako ng tissue upang punasan ang baba niyang may natapong sabaw.
“Sorry na, ikaw naman kasi. Hindi na nga maipinta ang mukha ko pagtatawanan mo pa ako.”
Sumandok ako ng isang kutsara na sabaw at hinipan ko para bahagyang lumamig.
“Aaaa.”
Napatingin ako sa naka-awang na labi niya na nag-iintay na isubo ko sa kanya ang sopas na nasa kutsarang hawak ko.
Pinigilan ko ang sarili kong wag mag focus sa natural na mapula niyang labi. At dahan-dahan kong sinubo sa kanya ang sopas.
“Hmmm! Ang sarap.”
Dinilaan niya ang itaas niyang labi niya na parang bata kaya doon napunta ang mga mata ko.
“Subuan mo pa ako, gusto ko yung may hotdog favorite ko kasi yan lalo na yung malalaki.” Nakangiting sabi niya sa akin. Napasinghap ako dahil sa paraan ng pagkakasabi niya iba kasi ang pumapasok sa isip ko. Delikado ang babaeng ‘to, kapag hindi niya tinigil ang ganito baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mahalikan ko na siya.
“Can you please shut your mouth first? Nguyain mo na lamang ang sinusubo ko sa’yo.”
Nakasimangot niya akong tinignan. Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy ako sa pagsubo sa kanya. Hangang naubos niya ang isang mangkok.
“Thank you sungit…” Nakangiting sabi niya sa akin. Pinainom ko siya ng tubig at ini-abot ko pa ang napkin sa bibig niya upang punasan ang labi niya.
“Thiago…sino ka ba talaga? Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo ako dinala dito? Bakit gusto mo akong pakasalan? Ano ang intensyon mo sa akin?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Inayos ko ang tray at nagpasyang tumayo na upang lumabas na sana.
“Thiago.” Tawag niya sa akin nang akmang bubuksan ko na ang pinto. Bumaling ako ng tingin sa kanya.
“Hindi ko alam, pero gustong kong manatili ka lang dito sa tabi ko.”
Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na rin ako.
KEYLANagising ang diwa ko dahil may naramdaman akong humihila ng laylayan ng damit ko sa hita. Hinanda ko na ang aking sarili na sugurin ang sira ulong humihipo sa hita sa akin. Sisipain ko na sana siya pero pagdilat ko ay ang guwapong mukha niya ang bumungad sa akin. Naka-loose pajama siya at fitted na gray t-shirt, hawak niya ang laylayan ng damit ko. Nagulat din siguro siya dahil yun ang nakita ko sa mukha niya.“Anong ginagawa mo?” Napa-upo ako at napa-atras sa headboard ng kama.“Ah, eh wala akong balak gawin sa’yo. Inaayos ko lang ang damit mo dahil baka pumasok si Doctor Alvin dito makita itong makinis at maputi mong hita.” Kunot noo niyang sabi sa’kin. Hinila ko ang kumot at itinakip ko sa aking hita pababa. Malikot talaga ako matulog kaya dapat palagi akong naka pajama ang problema itong malambot at mahabang damit ang binigay sa akin. Kapag tinangka kong lumakad sa gabi sa labas mapagkakamalan na akong white lady.“Eh ano naman kung makita niya? Doctor siya at walang malisya
KEYLANakakakilabot ang mga tahol ng malalaking aso! At napakabilis din nilang tumakbo! Nahihilo na rin ako sobrang sakit na ng sugat ko. Kahit magpasikot-sikot ako sa damuhan siguradong matutunton ako ng malalaking aso na yun. Hindi ko na alam kung makakaalis pa ba ako at kung aabot pa ba ako ng buhay!“Keyla!!!”Narinig ko na naman ang malakas na sigaw niya. Siguradong nakalabas na gilagid noon sa galit sa akin pero wala akong paki-alam kung galit siya sa akin mas galit ako sa kanya!Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa dinadaanan ko dahil napapasin kong mas matatalim na ang bato dito kaysa kanina hangang sa nagmali ako ng tapak at nagulat na lamang ako nang dumulas ang paa ko pababa.“Ahhh!”“Keyla!!!”Jusko! Bakit bangin na itong nasa ibaba ko? Kung hindi ako nakahawak sa nakausli at malaking bato sigurado akong lasog-lasog na ang katawan ko sa ibaba sa lalim ng bangin! Hindi nga ako malalapa ng aso siguradong hindi na ako mabubuhay kapag tuluyan akong nahulog dito!“Keyla! Huma
KEYLALagpas tanghali na ay hindi pa rin siya bumabalik sa kuwarto ko. Nakatulog na nga ako ng ilang oras kanina pagkatapos tahiin ang sugat ko. Hindi naman sa ina-antay ko siya. Pero hindi ko rin alam kung bakit panay ang tingin ko sa orasan. Simula kanina hindi na siya bumalik. Parang ayaw ko na tuloy maniwala kay Doc Alvin na kinilig nga siya sa sinabi ko kanina.Parang nakakaramdam ako ng inis na hindi ko alam kung saan nangangaling. Naiinis ba ako dahil hindi niya ako dinadalaw dito o naiinis ako dahil hindi tumalab sa kanya ang pagpapabebe ko kanina?Hmp! Kapag hindi pa rin siya nagpakita sa akin maghapon ay hindi ko na siya kakausapin! Hindi man lang niya sinilip kung buhay pa ako! Tapos nagwalk-out pa siya kanina!Pagkatapos ‘kong magtanghalian kanina ay wala pa rin siya. Hindi ko pa rin nakikita ang masungit niyang mukha.Hangang sa malapit nang magdilim ay talagang hindi pa rin siya pumapasok sa kuwarto ko. Nakakabagot kaya mag-stay dito wala naman akong puwedeng kausapin ku
THIAGOKakarating ko lang sa mansyon dahil may inayos akong negosyo sa Manila. Hindi na ako nakapagsabi kay Keyla dahil urgent ang naging meeting ko sa isa sa mga negosyong balak kong pagtuunan ng pansin kapag tinalikuran ko na ang lahat ng mga illegal kong negosyo. Dumaan din ako sa dangwa upang bumili ng maraming rosas dahil yun daw ang gustong bulaklak ng mga babae. Kaya pinakyaw ko na ang lahat ng variety na nakita ko sa tatlong tindahan. Sapat na siguro ang mga yun para magustuhan ni Keyla. Nahirapan pa nga ang mga tauhan kong pagkasyahin sa loob ng chopper ang mga bulaklak sa dami.Ginabi na ako at sabik na rin akong makita siya. Kaya pagkababa ko ay nagmadali na akong magtungo sa kuwarto ni Keyla.Nang buksan ko ang pinto niya ay narinig ko siyang umuungol kaya nagmadali akong lumapit sa kanya.“Keyla? Keyla!”Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at marahan ko siyang niyugyog. Sa tingin ko ay binabangungot siya.“Wag…wag mo akong patayin!” Sigaw niya na ikinataranta ko.“Ke
KEYLAPagkatapos naming kumain ay niyaya naman niya akong lumabas ng mansyon. Pagkabukas pa lang niya ng pinto ay mga basket ng bulaklak na ang bumungad sa akin. Nakahilera sila sa daan at ang ganda nilang pagmasdan.“Anong meron bakit ang daming nagkalat na bulaklak dito?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at dumaan kami sa gitna ng nakahilerang bulaklak.“Hindi ko alam kung anong favorite mong flowers kaya binili ko na lamang lahat.” Sagot niya sa akin na ikina-awang ng labi ko. Binili niyang lahat ng bulaklak na ‘to dahil hindi niya alam ang gusto ko? Malakas na talaga ang tama nito sa akin.Ilang hakbang pa ay bumungad na sa akin ang arko na korteng bulaklak din. Nakaharap ito sa nagkikislapang ilaw sa malayong syudad. Sobrang ganda ng arc iba’t-ibang kulay ng rosas ang nakakabit dito at may mga orchids din. May mga maliliit din na lights na nagkikislapan sa paligid nito. Masarap sa matang pagmasdan. Para kaming nasa fairytale na beauty and the wolf ang
KEYLAImbis na sa loob ng aking kwarto ay ibang kwarto ang pinagdalhan niya sa akin. Kung yung kwarto ko ay maaliwalas pa ng kaunti dahil sa light colors na pintura sa pinasukan naming ay puro naman dark ang nakikita ko. Kulay itim ang kurtina, gray ang dingding at ang sahig. Pero itim din ang kanyang kama pati na rin ang kanyang sofa na may glass table sa gitna. May malaking glass cabinet din at may dalawa pang itim na pinto. May malaking chandelier din na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. May kilala akong mahilig din sa ganitong mixed ng kulay. Yun ay si Luna, hindi na ako magtataka dahil pareho silang misteryoso ang pagkatao.Dahan-dahan niya akong nilapag sa malambot na kama. Pagkatapos ay umalis siya at nagtangal ng coat. At pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay bihisan niya. Mataman lang akong naghihintay pero kinakabahan din ako. Okay lang naman sa akin ang ganitong kwarto. Kahit hindi masyadong maliwanag napaka aesthetic lang at mas nagiging sensual sa pakiramdam. Napasi
KEYLA Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Tumayo ako sa kama at nag-unat dahil pakiramdam ko naninigas na ang mga muscles ko sa kakahiga dahil sa sugat ko. Kapag gumaling na ako ay balak kong mag rock climbing para makababa ako sa bangin gusto ko lang naman subukan kung kakayanin kong makatakas dito kapag doon ako dumaan. Sa tingin ko ay nasa dalawang daan na talampakan ang lalim nito kaya mas maige kung gagamit ng harness pababa at pa-akyat pero mukhang hindi rin ako papayagan ni Thiago baka isipin niya tatakasan ko siya ulit. Pero kapag nagising na siya sa kabaliwan niya sa akin baka nga takasan ko siyang muli. Pagkalabas ko ng kuwarto ay siya na agad ang hinanap ng mata ko. Baka nasa loob lang siya ng bahay. Nag-ikot pa ako ngunit wala akong makita. Imbis na si Thiago ay si Harvey ang nakasalubong ko sa sala. “Nagugutom ka na Ms. Keyla? Nakahanda na ang almusal sa mesa.” Nakangiting sabi niya sa akin. “Si Thiago?” “Ah! Umalis siya kanina pinuntahan si Victor.” Sagot n
THIAGOHindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam na yakap ko sa pagtulog ang babaeng nagpatibok sa aking puso. Kung alam lang niya kung gaano ko siya kagustong angkinin ngunit inaalala ko pa din ang sugat niya. Kaya tiniis ko na lamang na hindi siya halikan upang makalayo ako sa temptation at makalimutan kong kailangan pa niyang magpagaling.Nahirapan akong matulog dahil ayaw kumalma ng alaga ko. Kaya naging mababaw lang ang tulog ko sa magdamag. Pero siya rinig ko ang mahinang hilik niya sa dibdib ko.Damn it! This is not a good idea! Paano ko natagalan ang bagay na ito?Halos pabukang liwayway na nang matangap ko ang tawag ni Victor. Lumabas ako ng kuwarto upang hindi makagawa ng ingay dahil ayokong magising siya sa mahimbing niyang pagkakatulog.“Victor, alam mo ba kung anong oras lang dito? Bakit napatawag ka?” Inis na tanong ko sa kanya.“Tuloy na ang malaking transaction natin ng smuggled weapon dito bukas. Gusto mo bang tignan ang mga armas?” Tanong niya sa akin. Matag