LOGINMalalim Akong napabuntong hininga ng tuluyan na akong makalabas sa Aming silid.Naglakad na ako upang bumalik sa aking trabaho.Baka mapagalitan pa kami.Lalo na ako Ng baguhan pa lamang.Agad ko Naman nakita si kuya Nolan habang may hawak Ng tray ng alak.Nakita Kong ngumiti ito ng Makita ako.
"room 071 baby klea,pasuyo ako ha."Ani niya Sakin. Kaya agad ko Naman iyon kinuha mula sa kamay nito. "no problem kuya nolan,basta Ikaw."sagot ko rin.Hanggang sa maglakad na ako upang dalhin Ang alak sa vip room na iyon. Mayamaya pa ay sunod-sunod na Ang dinadalhan ko ng alak.Hindi rin maiwasan Ang Hindi ako mahipuan Ng mga costumer naming mga lasing na.Pero lahat ng mga iyon ay puro vip.Kung Hindi lang lasing Ang mga ito baka masapak ko Ang mukha ng mga ito. Malalim akong napahingang pumasok sa aming silid.Alas tres na rin Ng madaling araw at ilang tao Na lang Ang natira. Nakaramdam na rin ako ng antok.Masakit na rin Ang mga Binti ko sa kakalakad.Mataas Ang pinasuot nila sa akin na sandal.Kung Hindi ako nagkakamali baka 3 inches Ang taas.Kung pwede nga lang magsapatos eh.Nag-sapatapos na lang sana ako.Pero bawal Naman dapat naka heels lang. Naratnan kong narito na rin Pala sila Niki at Havana.Habang nagkwe-kwentohan Ang mga ito. "kamusta Ang unang Gabi mo,klea.?"tanong Sakin Niki habang nagbibilang ito ng Pera na kinita nito sa kanyang pagsasayaw.Siguro may limang libo Ang kinita nito. "maayos naman.Medyo masakit lang aking binti.Pero Ang mga lasing ako naiinis sobra dahil napakabastos nila."aniko.Nakita Kong natawa si niki sa aking tinuran at si Havana Naman ay nakikinig lamang sa aking sinabe. "NAku girl,sasanayin mo na Ang sarili mo.Dahil Hindi lang iyan Ang mangyayari sayo.Kapag prostitute kana,Hindi ka nila rerespituhin ng tulad ng inaakala mo.Ang alam nila ay Isa kanang bayaran na babae.Kung ako sayo magpakipot ka at magpaganda.Baka mas marami Kang gustong makuha ka.Mas malaki Ang kikitain mo sa Isang gabi."pahayag ni Niki.Ngunit Kong iisipin Kong gagawin ko iyon nasusuka na ako. "oo klea,pero nasa sayo pa rin Kong ayaw mo.Pero kunti lang Ang kikitain mo.Tulad ko na kukunti lang Ang sahod ko kada buwan at sa mga tip na nakukuha ko sa mga vip room. Kasi ayaw kong madumihan aking katawan.Dahil Ang katawan Kong ito ay para lang sa lalaking magiging asawa ko.Kung Meron pang magkakagusto sa Isang tulad ko."malungkot na pahayag rin ni Havana. "ano ka ba hava, syempre Meron.Sa Ganda mo pa Naman. Walang lalaki Ang hihindian ka,Diba klea."Ani ni Niki. "oo Naman Havana."maikli Kong sagot. "pero mas pipiliin ko pa rin Ang umalis rito.Hindi ko pangarap Ang maging isang taga aliw Ng lalaki.Parang Ang hirap sikmurain."dugtong Kong wika. "totoo Ang sinabe mo klea,pero sa hirap ng buhay ngayon.Titiisin at kakayanin para lang sa pamilya.Lalo na sa aking anak. Siguro dito na rin ako tatanda. Mabuti nga sa Inyo binenta lang kayo.Eh ako !heto nahihirapan Lalo at malayo sa akin Ang anak ko.Kapag umuwi Naman ako,hindi ko rin makikita anak ko Kasi kinamumuhian ako.Kaya ayaw Kong ipaalam Ang trabaho Kong ito."malungkot na wika ni Niki.Nakita naming Pareho ni havana na naiiyak si niki Kaya lumapit kaming dalawa ni Havana upang damayan ito.Sa kalagayan ni Niki, sobrang hirap talaga.Kahit sino Naman. "Tama na nga itong dramahan na ito.Wag na lang natin pag-usapan Ang mga ganitong bagay.Baka mag-iyakan lang tayo."Ani niki at sumang-ayon rin kaming pareho ni Havana. Hanggang sa napagdesisyonan naming matulog.Dahil malapit ng mag-umaga. Nagpalit muna ako ng damit pagtulog.Isang t-shirt na malaki at p****k short aking suot.Pare-pareho Naman kaming mga babae rito kaya ayos lang na mag-suot ako ng ganito.Dinala na Pala ni tiyang Maya Ang mga damit ko kaya Meron na Akong susuotin na damit.Nakakahiya Naman Kong hihiram muli ako sa kanila. Pagkatapos Kong magpalit,agad Akong nahiga sa aking kama upang matulog.Agad Kong pinikit aking mata hanggang sa tangayin ako ng kadiliman. ..... Nagising ako sa ingay mula sa labas ng pinto.Agad ko Naman iyon tiningnan baka may nag-aaway na.Kahit alam Kong bawal Ang may nag-aaway rito sa casa. "mabutin Naman at gising na Ang nerdy ,Akala ko Hindi na magigising habang buhay." narinig kong tinuran ni mayet ng Makita ako.Ito lang Naman Ang babaeng nakasalubong ko kagabi sa second floor na may kasamang lalaki.Akala ko pa Naman may kaaway na ito,iyon Pala malakas lang talaga Ang boses. "ops!ano iyong narinig ko mayet.Nambubully ka ba?"tanong ni Niki ng makalapit ito sa Amin.Nakita Kong may bitbit itong dalawang plastic.Alam Kong pagkain Ang laman nun.Galing Pala ito sa labas. "w-wala Niki,may sinabe lang kami sa kanya."Nakatungo at nauutal na sagot nito.Tumingin lang si niki rito at Saka nilampasan. "Tara na sa kusina upang Kumain "pangyaya Sakin ni Niki.Napansin kong hindi nito kasama si Havana.Wala rin sa silid namin dahil paggising ko kanina ay Wala silang dalawa. "nasaan si havana.?tanong ko ng makapasok kami sa kusina. Narinig Kong bumuntong hininga ito. "nasa labas, kausap na Naman Ang itay Niya.Nanghihingi na Naman ng Pera."pahayag ni Niki.Hindi na lang ako sumagot.Inayos ko na lang Ang mga pagkain at Saka kumuha ng sapat Kong kakainin. Ilang sandali lang ay dumating na rin si Havana at parang naiiyak na Naman ito.Hindi na ako magtataka Kong bakit.Lumapit na lang kaming pareho ni Niki upang yakapin ito. Hindi nagtagal ay natapos na rin kaming Kumain.Ako na lang Ang nagpresintang maghugas sa aming pinagkainan. Pagkatapos kong maghugas.Muli Akong pumasok sa silid naming tatlo.Ngayon ako tuturuan ni Havana Ang tamang pagsasayaw.Agad Naman ako nitong niyaya upang sa intablado niya ako turuan.Mabuti na lang siya Ang magtuturo Sakin. Hanggang sa magsimula na itong turuan ako.Wala akong masabe ,napakagaling niyang sumayaw.Walang lalaki Ang Hindi titigasan nito kapag siya na Ang sumayaw.Lalo at kukurampot lang na tela Ang suot.Pinanuod ko Kong paano ang gagawin.Hanggang sa matapos. "Ikaw Naman klea."Ani Sakin ni Niki na bagong dating. "go girl,kaya mo iyan."saad Naman ni Havana Sakin.Pero bakit ganun,parang ng subukan Kong maupo habang medyo nakabukaka aking Binti ay nangangawit agad ako.Parang lalagnatin ako nito pagkatapos. Ilang oras din Ang ginugol namin sa aking pagpa-pratice hanggang makuha ko na Ang ibang step.Pero masakit aking katawan Lalo na aking singit at Binti. "pwede kanang isalang mamayang Gabi klea."sulpot na wika ni mama weng Sakin. "baka po pwede bukas na lang.Medyo masakit po Kasi Akong Binti at singit."Ani ko.Nakita ko Naman na tumango ito. "okay,bukas na lang."maikli niyang sagot. "Sige ,maiiwan ko na kayo rito.Havana! sumunod ka sa akin.'dugtong pa nito.Pareho Naman kaming nagkatinginan ni Niki sa mga sandaling iyon na may pagtataka. "ano kaya pa ba.Magpahinga na muna Tayo."wika ni Niki ng Wala sa paningin namin si havana at mama weng.Tumango ako rito.Klea's pov Ito na ang huling sandali na masisilayan ko ang tiyahin kong nagpalaki at nag-aruga sa akin mula ng mamulat ako sa mundong ito.Kahit na ibinenta niya ako kay mama wen-ay tinanggap ko dahil mahal ko siya-mahalaga siya sa buhay ko dahil wala akong karapatan upang magalit. Ngunit ang napakasakit ay- hindi man lang kami nagkausap ng maayos.At sasabihing mahal na mahal ko siya.Ngunit wala na siya,iniwan na ako.Kung maaari lang ibalik ang araw bago nangyari sa kanya ito-sana nakita ko pa siya ng buhay kahit alam kong pagagalitan lamang din niya ako,. Kasalukuyan kaming nakatunghay lahat sa kanya-katabi ko si aling rosy- na siya rin ang nasa tabi ko at hindi iniwan habang nakaburol sa bahay si tiyang maya.At siya rin lahat ang nag-asikaso sa mga kailangan para sa libing ni tiyang-dahil hindi ko kayang gawing mag-isa lalo't hindi ko alam ang gagawin ko. Malungkot pa rin ang kanyang mukha dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya tanggap ang nangyari sa kanya mula sa mga kama
Dashmond's pov"sir!ang meeting mo kay mr.Daryle wong ay magsisimula na."pabatid ng assistant ko habang inaayos ang mga papel sa lamesa ko.Tumango lang ako.Hindi ako nag-abalang nag-angat ng tingin dahil ang isip ko naglalayag sa dalaga'ng nasa casa ngayon.Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nasabi ko iyon sa babae.Parang ang ginawa ko ay isang katangahan-but im not stupid,i'm a succesful business man and top 2-most billionaire over the world.Kaya alam kong hindi ako tanga.Siguro kaya ko nasabi iyon dahil sa awa -she's victim because of money at hindi niya iyon kagustohan ang magtrabaho bilang taga aliw ng mga lalaking hayok sa laman.Nalaman ko ito mula kay baklang weng-ang may-ari nang casa.She bought it for only 200 thousand from her aunt.Ngunit bakit nagawa niya ito sa kanyang sariling pamangkin?`Maybe,i need to keep my word-baka isipin pa niyang wala akong paninindigan.Marami naman maaari kong ibigay na trabaho-matupad ko lang ang binitawan kong salita sa kanya."sir dashmo
Klea's pov Halos malaglag ang telepono ko sa sahig dahil sa balita ng taong nasa kabilang linya at kasunod nu'n ay isang butil ng luha ko ang pumatak sa pisngi ko-na ikinabahala naman ni Niki at agad niya akong dinaluhan. Ang patak ng luha ko ay naging parang ilog.Parang dinurog ng pino aking puso.At hirap din akong huminga. "bakit ka umiiyak?"natatarantang tanong ni Niki sa akin-hinagod hagod aking likod. "maaari mo ba akong samahan.Nais kong makita si tiyang Maya."humahagulhol kong ani sa kanya.Agad naman siyang tumango. Mabilis ang ginawa kong pagpalit ng damit ko dahil nakasuot lamang ako ng p****k short at kinuha ang wallet ko saka kami lumabas ng casa.Hindi na kami nag-abalang magpaalam kay mama weng dahil may bantay kami sa tuwing lalabas kami. sa aming mga kilos kapag nasa labas kami-ngunit sa malayo ito nagmamasid.Kasi iisipin ng may-ari ng casa ay tatakas kami kaya pinababantayan niya kami sa tuwing lalabas kami.Habang nasa daan kami-patuloy pa rin ang pagdaloy ng akin
Klea's povMalapit ng mag-umaga,ngunit heto pa rin ako-mulat na mulat ang mata.Mag-isa lang ako ngayon rito sa silid namin ni niki dahil siya-nilabas ng naging costumer niya kagabi.At malaki ang ibabayad sa kanya-kalahati lang ng kikitain ko.Iniisip ko pa rin ang sinabe sakin ni sir dashmond-na hindi pa rin ako makapaniwala.Paano ka niya nalaman na binenta ako ng tiyahin ko kay mama weng.Pina-imbestigahan na niya ang pagkatao ko?Pero bakit gawin iyon- kong sakali man?At paano niya nalaman na balak kong umalis sa casa-kami lang naman ni mama weng ang nakakaalam na hindi ko gustong manatili rito ng matagal dahil hindi ko nais na matulad kay tiya-na ito ang naging hanap buhay niya.Katawan niya ang ginamit para kumita ng pera ng mabilisan.Napabuga ako ng hangin-bigla kong hinaplos ang labi ko.Pakiramdam ko,parang nakadikit pa rin ang labi ni sir dashmond sa labi ko.Bakit pakiramdam ko ng mga sandaling iyon para niya akong iningatan-na kaya niyang maghintay na maging handa na akong ipabu
Isang lingo ang dumaan mula nang pupirma ako ng isang kasunduang hindi ko sinasadya..Wlala sanang naganap na ganun kong hindi ako natamaan ng alak dahilan upang magalit sa akin ang may-ari ng club na siyang pinagbentahan sakin ng tiyahin ko- ang tinuring kong ina..... pero inalagaan lang pala niya ako at ibenta kay mama weng para lang magkapera.Masakit man ang ginawa niya sakin- anong magagawa ko.Ganyan lang siguro ang buhay- napaka unfair.Tatanggapin ko na lang na ito talaga ang nakatadhana para sa akin.Napabuntong hininga ako dahilan upang mapalingon sa akin si niki habang nag-aayos ito sa kanyang sarili.Mukang may pupuntahan ito dahil hindi pa naman oras ng trabaho pero nagpapaganda."anong lalim niyon,klea?"wika niya sakin ni niki saka muli siyang tumingin sa salamin na kaharap niya.Hindi ako sumagot- umayos ako ng pagkakaupo ko at sinuot ang malaki kong salamin sa mata."hwag mo na kayang isuot iyang malaking salamin mo.Nagmumuka kang nerdy prostitute."patuyang wika niya saki
Dashmond povBut after that night..akala ko hindi na masusundan pa ang pagpunta ko sa club na ito.Ngunit namalayan ko na lang na nandito akong muli with james and Brandon.Hindi naman sana ako sasama ngunit hindi ako tinigilan ni Brandon na kulitin.Hanggang sa napapayag nga nila ako.Tahimik na umiinom si Brandon sa tabi ko habang nakatingin sa harapan-kong saan ang entabladong may mga sumasayaw na mga babaeng halos hubad na.Si james naman ay kanina ko pa napapansin itong parang may hinanap dahil kanda haba ang leeg nito.Isinantabi ko ang napapansin ko sa kaibigan kong ito at tinuon ko ang pansin ko sa harapn.Dinampot ko rin ang basong may kaunting laman pa na alak saka inisang lagok.Kaya muling humagod sa lalamunan ko ang init at pait na hatid nito.Muli kong nilagyan ng alak ang wala nang laman kong baso saka mabilis kong nilagok.Napaangat ang tingin ko sa malawak na entablado dahil may magsalita duon.After that may lumabas na babae duon and she's wearing a mask na halos hubad na da







