Share

Chapter 31

Author: Seera Mei
last update Last Updated: 2025-08-21 00:37:30

Katalina's point of view

Ang napiling restaurant ni Zach ay cozy, may warm lights at wooden interiors. Hindi siya pang-madaming tao, parang secret spot lang. Tahimik, intimate, perfect para sa private talk.

“Wow, Nice place ha.” sabi ni Hugo nang makaupo kami. “This is new. Hindi ko alam may ganitong lugar kang alam, Zachary. Usually, puro fine dining or business resto lang lagi ang kinakainan mo.”

Tahimik si Zach, hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan, tiningnan lang nito ang menu. Pero kitang kita ko kung paano humigpit ang hawak niya dito, para bang pigil na pigil ang sarili na patulan ang kaibigan.

Umorder si Zach ng para sa akin at sa kanya. Hinayaan ko siyang umorder ng para sa akin dahil hindi ko naman alam kung ano ‘yung masarap dito. Habang si Hugo ay mahaba ang nguso at bumubulong bulong dahil hindi siya inorderan ng kaibigan, Sa huli umorder siya ng para sa sarili niya.

Nang dumating ang order namin ay nagsimula na kaming kumain, At doon, nagsimula ring mangulit si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Seera Mei
Mamaya po ang start ng daily update. Thank you!
goodnovel comment avatar
Limuel Mabilangan
ano na walapang update tpos naba story
goodnovel comment avatar
Limuel Mabilangan
bkit Wala pang next episode
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Night I Met My CEO (Tagalog)   Chapter 52

    Bandang hapon, pumunta ako sa office nila Miguel para mabigay ang notes at ma-finalize na namin ng matapos na. Ayaw ko man, pero kailangan ko talagang kausapin si Miguel. Hindi ko ito magagawang iwasan forever. Kung hindi ko haharapin ngayon, baka mas lumala pa sa trabaho. “Good Afternoon,” Bati ko sa lahat ng naroon ng pumasok ako sa loob, walang nakapansin agad sa akin dahil abala ang lahat. “Good Afternoon Miss Kat,” Bati pabalik ng iba, nginitian ko naman sila. Saktong lumapit naman sa akin si Miguel habang may ngiti sa labi. “Kat, you’re here.”“Yeah. Let’s proceed—where’s your working station? Let’s start with the notes and finalization.” walang paligoy-ligoy na sabi ko. Ayokong magtagal dito sa office nila.“Ah, over there. Come on.” Sumunod ako sa kanya, saka naupo sa upuan na nasa harap ng table niya. Tahimik akong nagbukas ng laptop at inilabas ang kopya ng notes na ginawa ko. “Here,” sabi ko habang iniabot ang kopya ng consolidated notes. “I already outlined

  • The Night I Met My CEO (Tagalog)   Chapter 51

    Katalina's point of view Pagpasok ko sa opisina kinabukasan, pinakiramdaman ko ang buong paligid habang naglalakad sa lobby, pero wala naman akong narinig na kung ano kaya dire-diretso akong naglakad patungo sa elevator. Kahit ang daming nangyari kahapon, nakatulog ako ng maayos kagabi. Pero bago ako natulog, tinawagan pa muna ako ni Zach at nagkwentuhan kami saglit. Balak nga sana niyang sunduin ako ngayong umaga, kaso pinigilan ko siya. Sabi ko sa opisina na lang kami magkita. Pagdating ko sa executive floor, huminga muna ako ng malalim bago naglakad. Ito ang araw na magsisimula ang collab project. Actually, sobrang tambak na ang work ko dahil sa campaign project—mga gawain sa marketing department na kailangan ako, tapos ngayon, itong collab project na personal pang hiningi ni Zach ang tulong ko. Siyempre, hindi ko naman siya matatanggihan. Boss ko siya. Pagbukas ko ng pinto ng office niya, katulad kahapon, busy na naman siya sa harap ng computer. Tambak ang papers sa tab

  • The Night I Met My CEO (Tagalog)   Chapter 50

    Tahimik lang kami habang bumababa ang elevator. Pero nararamdaman ko ang panaka-nakang tingin niya. Pagbukas ng elevator door, marahan niyang hinila ang kamay ko, sabay kaming naglakad papunta sa parking lot kung saan naka park ang sleek na black car niya. “Hop in,” maikli niyang sabi habang binuksan niya ang pinto ng passenger para sa akin. Tipid akong ngumiti saka pumasok sa loob, Pagkaupo ko, naamoy ko agad ang pamilyar na scent ng leather seats at faint perfume na siya lang talaga ang meron. Pagpasok niya sa driver seat, hindi niya agad pinaandar ang kotse. Imbes, saglit niya akong tinitigan. Yung klase ng titig na parang tinatanong kung okay na ba talaga ako.“Katalina,” mababa ang boses niya. “Don’t let him get to you.” Napairap ako, sabay buntong-hininga. “E paano, Zach? Parang siya pa ang may karapatan magalit. Parang ako pa ang mali. Nakakainis.” Huminga siya nang malalim, saka ngumisi nang bahagya—pero hindi ngisi ng pang-aasar, kundi ng tipong ngisi na parang nag

  • The Night I Met My CEO (Tagalog)   Chapter 49

    Katalina’s point of view Paglipas ng ilang minuto, natapos din ang briefing at meeting. Tumayo ako para i-guide sila papunta sa magiging office nila sa side wing ng floor. Akala ko ako lang ang maghahatid, pero nagulat ako nang sumama rin si Zach. Pinakita namin ang office space, sinabihan sila na pwede nilang ayusin muna kung ano ang kailangan, at kung okay na sila, pwede na silang umuwi at ituloy na lang bukas ang iba. Pagkatapos noon, iniwan na namin sila roon. Habang pabalik kami ni Zach sa office niya, hindi ko na napigilan. Tumingin ako sa kanya saka nagtanong.“Bakit mo ginawa ’yun?” Lumingon siya, halatang clueless. “Alin?”“Don’t act like you don’t know.” seryoso kong sagot. “Bakit mo hinawakan ’yung kamay ko sa harap nila, at sa oras ng meeting pa? Hindi ba kapag trabaho, trabaho muna?”Medyo huminto siya sa paglakad, tiningnan ako nang seryoso.“Tsaka ano ’yung tension kanina sa inyo ni Miguel?” tanong ko ulit, Bumuntong-hininga siya, “I did that so Miguel

  • The Night I Met My CEO (Tagalog)   Chapter 48

    Mabilis siyang bumalik sa table niya saka pinindor ang intercom. Binalik ko naman ang atensyon sa ginagawa. “Hello?” seryosong sagot niya. “Sir Vaughn, the representatives for the collaboration project are on their way up,” sabi ng receptionist. Agad akong napaangat ng ulo. Collaboration project? Ngayon ba ang araw ng balik nila? At paglilipat ng gamit para ayusin ang magiging opisina nila dito? Pagkakaalam ko may meeting and briefing din. Pero bakit parang late naman ata sila? Bumuntong-hininga si Zach. “Okay, Thank you.” Kalmado niyang inayos ang necktie niya, bago bumaling sa akin. “Today’s the start of their stay here. Fixing their things here and bringing them over. They'll be working with us for the next few weeks.” Tumango ako kahit may kaba sa dibdib. Magkikita na naman kami ni Miguel dahil kasama siya sa representative. Kung wala sana ang lalaking ‘yun hindi ako kakabahan o maiilang n

  • The Night I Met My CEO (Tagalog)   Chapter 47

    Katalina’s point of view Akala ko tapos na ang pagiging “spoiled” mode niya. Pero mali pala ako. Bandang alas-dos, tumayo siya ulit. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, basta nagpaalam lang siya:“I’m just going out. I’ll be right back.”Nagtaas ako ng kilay. “Bakit? Saan ka pupunta? May meeting ka ba?” “Secret,” sambit niya sabay kindat. Naiwan naman akong tulala, Jusko, saan ba pupunta ‘yun? Parang hindi ko siya boss kung umasta..Napailing na lang ako saka pinagpatuloy ang ginagawa.After 15 to 20 minutes, bumukas ang pinto ng opisina kaya napatingin ako don, at ayun nalaman ko na ang dahilan ng pag labas niya. May hawak-hawak siyang dalawang cup ng coffee at isang maliit na box.“Here,” nakangiti niyang nilapag sa table ko ang kape at box.“Ano ‘to?” Tanong ko kahit obvious naman.“Your afternoon coffee. And brownies.”“Brownies?” “Yes. I figured baka gusto mo ng something sweet habang nagtatrabaho.”Binuksan ko ang box—at ayun nga, neatly packed brownies na mukhang gal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status