Katalina’s point of view UWIAN Finally! uwian na. Naglakad ako patungo sa elevator, hawak ang bag at pagod na pagod na ang katawan. Ang dami kong iniisip—reports, deadlines, at ‘yung mga ganap mula kaninang umaga dito sa office. Hindi ko akalain na ganito ang bubungad sa akin—pagod ang buong katawan pati ang isip. “Kat!” Napaangat ako ng tingin nang may tumawag sa akin. Si Sir Alex, nakatayo sa may hallway malapit sa elevator ng floor namin. Bitbit niya ang laptop bag at may hawak na car keys. “Oh, Sir Alex. Anong ginagawa niyo dito sa Marketing Department?” nagtataka kong tanong nang makalapit ako. “May binigay ako kay Jared na folder. Kailangan ’yun bukas. Sinadya ko na para naka-ready.” Ngumiti naman ako. “Sipag niyo, Sir, ah.” “Well, kailangan. Anyway, pauwi ka na?” tanong niya.“Oo, Sir. Rush hour, mahirap sumakay ng taxi,” sagot ko, sabay tingin sa arrow sa gilid ng elevator—pababa pa lang ito. “Sumabay ka na sa’kin. May dala akong sasakyan ngayon,” alok niya, s
Last Updated : 2025-08-03 Read more