Share

Chapter 18: Memory Loss

Naandito ako ngayon sa kuwarto at patuloy parin na umiiyak, para sa akin ito na siguro ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko, habang patuloy parin ako na umiiyak ay narinig ko na bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Tanisha, pumunta naman ako kaagad sa pintuan ng kuwarto ko at nakasilip lang sa bumukas na kuwarto ni Tanisha, hindi nagtagal ay lumabas ito ng pintuan at nakita ko ito na umiiyak, dahil dito ay lumabas ako ng kuwarto ko at nilapitan ito.

“Tanisha umiiyak ka?” tanong ko dito at tumingin sa akin.

“Mommy magsabi ka nga ng totoo si Tita Ivonne ba ang babae ni Daddy?” serysong tanong nito, dahil dito ay napatahimik ako, pano niya to nalaman, narinig niya kaya ang usapan namin ng daddy niya kanina.

“Oh mommy bakit hindi ka makasagot? Wag mong sabihin tama ako?” taas noong sabi nito.

“A-nak hindi nagkakamali ka, saan mo naman narinig yan?” nabubulol na sabi ko dito.

“Mommy bakit mo ba pinagtatakpan si Tita Ivonne? Babae siya ni Daddy diba?” tanong nito.

“Anak uhm oo per-” na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status