Whoa! You Made It! If you're reading this… wow. You stuck with me ‘til the very end and for that, you deserve a medal. Eme hahaha. By the way, thank you very much for riding the rollercoaster of chaos, drama, heartbreak, and epic moments with me. I laughed, cried, and yes... I got mad at my own characters, just like you probably did. They have minds of their own, I swear. This may be the end for now, but the series will go on. If you enjoyed the journey, don’t forget to leave a comment or drop a rating! And hey—if you don’t feel like doing both because you’re feeling shy or just don’t want to, just hit the like button below so I know you finished reading this book. Until the next wild ride, - ANNE LARS
Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano bumigat ang paghinga niya habang nakatitig sa katawan ko. Hindi niya itinago ang paghanga sa kanyang mga mata. Lumapit ako sa kanya, marahang hinawakan ang kanyang baba at iniangat ito upang magtama ang aming mga mata. Dahan-dahan kong pinadulas ang mga daliri ko pababa sa kanyang leeg, hanggang sa marating ko ang suot niyang necktie. I held the tie between my fingers and slowly, sensually, removed it from his collar. Hindi siya kumibo. Tahimik lang niya akong pinanood habang isa-isang lumuluwag ang buhol ng necktie niya sa ilalim ng aking mga daliri. Nang tuluyan ko iyong matanggal, kaagad ko iyong ibinigay sa kanya. At ngayon, nakatingin lang siya sa akin, ngunit sa kanyang mga mata, nababasa ko na ang kasunod na mangyayari. Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay sa harapan niya, habang nakititig lamang sa kanya, at walang pag-aalinlangang sinabing... "Tie me now." Bahagyang napaawang ang kanyang bibig, tila nagulat sa sinabi ko. "A
Noong tuluyan na silang maglaho sa paningin ko. Ramdam ko na parang may dumagan na bigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan silang unti-unting nawawala sa paningin ko. Nang hindi ko na sila matanaw, napabuntong-hininga ako at nagdesisyong bumalik sa cabin. Pagkapasok ko sa loob, isinara ko ang pinto at napasandal saglit dito. Tila nawala lahat ng lakas ko. Tumungo ako palapit sa kama. Mula sa pagkakatayo, halos matumba ako sa rito. Naupo ako roon, saka dahan-dahang isinampa ang aking mga paa at niyakap ang aking mga tuhod. Walang tunog sa buong silid, tanging mabibigat kong paghinga ang maririnig. At doon na ako bumigay. Bumagsak muli ang mga luha ko. Para silang malakas na buhos ng ulan na matagal nang pinipigil ng langit. Muling sumagi sa isipan ko ang lahat ng pinagdaanan naming apat, ang sakit ng bawat sugat na iniwan ng nakaraan, ang sakripisyong kinailangan naming gawin para sa pagmamahal, ang kasinungalingang pumuno sa pagitan namin, ang pagtatraydor na naglagay ng lamat sa t
Natigilan ako nang biglang sumunod si Feurene sa mag-ama, may dala siyang payong. Maalinsangan kasi ang panahon kahit walang araw. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa dalawa, dumako ang tingin niya sa akin. Napahinto siya. Nagtagpo ang mga mata namin. At sa sandaling iyon, napansin rin ako ni Marcus. Mula sa masayang tagpo ng isang pamilyang naglalaro sa dalampasigan, bigla na lang silang parehong nakatingin sa akin. Hindi ako nag-alinlangang lumapit. Tatlong metro na lang ang pagitan namin nang ngumiti ako. "Hi! How are you?" bati ko sa kanila, bago ko nilingon ang batang karga-karga ni Marcus. Napakaganda ng bata, kitang-kita ang pinaghalong katangian nina Marcus at Feurene. "How old is she?" tanong ko kay Marcus. "Two years old," sagot niya sa mahinahong tinig. Tumango ako bilang tugon. Muli kong ibinaling ang tingin kay Feurene, ngunit hindi siya makatingin sa akin. "Hindi mo ba na-miss ang pag-arte, Feurene?" tanong ko sa kanya. Noon ko lang siya nakitang lumingon,
Maging ang paghinga ko ay tila nahinto. Ang lalaking iyon… Nakita ko kung paano siya may ibinulong kay Mayor, at agad namang tumango si Mayor sa kanya. Ilang sandali lang ay dahan-dahang iniangat ng lalaki ang kanyang tingin at nagtama ang mga mata namin. Nanlaki ang mga mata ko. M-Marcus... He is alive! Kaagad siyang umiwas ng tingin. Kahit mahaba na ang kanyang buhok at may balbas pa siya, sigurado ako—si Marcus iyon. Habang hawak ko pa rin ang mikropono, nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, hindi alintana ang bigat ng damdamin ko sa sandaling iyon. Pilit kong pinanatili ang kumpiyansa sa boses ko, hanggang sa natapos ko ang kanta. Nagpalakpakan ang mga tao, at kasama na siya sa mga pumalakpak. "Isa pa!" sigaw ng crowd, halatang gusto pa nilang marinig akong kumanta. Hindi ko sila binigo. Muli kong tinugtog ang electric guitar at sinimulan ang panibagong kanta. Sa buong pag-awit ko, naroon lamang siya sa likod ni Mayor, nakiki-jamming sa musika
**Snow's POV**"Miss Snow, smile ka naman diyan," request ni Salim. Siya ang photographer at videographer na kasama namin for documentation para sa aming community outreach dito sa Isla ng South View Pablo.Kakadaong lamang namin sa pantalan gamit ang isang superyacht na pagmamay-ari ng isa sa mga boss ng Sandstorm Management. Walang special treatment sa SM, talagang pinagamit lang nila sa amin ang yate para hindi na mahirapan ang team namin na makarating sa islang pupuntahan. Malayo pa naman ito sa mainland.Habang bumababa ang anchor ng yate, ramdam ko ang banayad na paggalaw ng tubig. Ang hangin ay preskong-presko, dala ang halimuyak ng dagat at sariwang hangin mula sa isla. Sa di-kalayuan, kitang-kita ang dalampasigan na may puting buhangin. Napapalibutan ang isla ng malalaking puno ng niyog at makukulay na bahay-kubo. Kahit nasa laot pa lang kami, rinig na ang masasayang tugtugin at hiyawan ng mga tao.Napilitan akong ngumiti habang kinukunan ako ng litrato ni Salim."Ayos na?" t