When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

last updateLast Updated : 2025-12-04
By:  Rap_Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
8Chapters
17views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hindi aakalain ni Heaven Langit na magbabago ang buhay niya pagkatapos nang napakalagim na pangyayari sa bar kung saan siya nagtatrabaho. Bilang isang pole dancer ay hindi niya aakalain na darating ang kinakatakutan niya kung saan magkakagulo at maraming tao ang madadamay lalo na't kilalang sikat ang pinagtatrabahuan niya na binibisita ng mga bigating tao. Isang gabi bago ang sakuna, lahat nagbago nang makilala niya si Dark Mondejar. Isa sa mga pinakamayaman at pinakadelikadong tao sa lugar. Nagkatinginan lang pero iba na agad ang apekto nito kay Heaven hanggang sa napansin niya ang lalaking araw-araw na itong bumibisita sa pinagtatrabahuhan nito at araw-araw na ring may gulong nangyayari. Sa mga titig na pinagsaluhan nila, hindi niya lubos na aakalain na mahuhulog siya sa kadiliman hanggang sa hindi niya namamalayan ay nagugustuhan niya na ang kadilimang ito. Darating ang pag-ibig na siyang hindi nila aakalaing dalawa na pareho silang tatamaan. Mga pangyayaring hindi nila aasahang sabay nilang susuungin. Ang bawat matatamis na luha, mapait na mga tawa at ang nakakalasong pagmamahalan ay siya pa lang magbibigay sa kanila ng labis na tuwa. Bawat pagsubok ay tatanggapin at bawat laban ay hindi uurungan sa ngalan ng kanilang pag-ibig.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Ma, Pa, alis na 'ko! Kailangan ko nang magmadali dahil alam niyo naman ang boss ko!" malakas kong sigaw sa loob ng bahay habang napapailing. Nai-imagine ko na naman kasi ang mukha ng boss ko na palaging galit sa mundo kapag titignan. Laging nakasimangot na para bang walang kaibigan sa buhay.

"Mag-iingat ka, anak! Maggagabi na kaya mag-iingat, ah? Si Papa mo nasa kwarto niya at nagrorosaryo na," I heard from my mother that is probably cooking their dinner. I nodded as if she could see me.

"Okay ma!" I shouted again before going out of our house. Hindi naman malaki ang bahay namin at hindi rin naman gano'n kaliit. Sakto lang sa aming tatlo. At tiyaka, masaya na 'ko kung anong meron ako lalo na't hindi naman kami nagugutom. May nakakakain kami dahil sa mga trabaho namin.

Si Papa ay driver ng jeep, si Mama naman ay nagbabantay sa karinderya namin na siya rin ang nagluluto. May kasama naman siya at kailangan niyang may kasama talaga dahil sa rami ng customers araw-araw. Habang ako naman, ay isang.. pole dancer. 

Well, naka-graduate naman ako ng kolehiyo pero hindi pinapalad sa mga pinapasukan kong trabaho lalo na sa mga restaurants at hotels. HM kasi kinuha ko at alam ko naman na kayang-kaya ko ang mga gawain at tiyaka, plakado ang requirements ko dahil sa may flying colors ako nang maka-graduate. Pero dahil nga sa mukhang malas talaga, kinuha ko na lang ang offer na 'to galing sa bff ko. 

Malaki ang kita, 'no! Hindi naman nakakapaghinayang dahil para rin lang naman akong nasa restaurants dahil minsan, suma-sideline rin ako bilang bartender at waitress. Pero focus ko talaga ay pagiging dancer dahil 'yon ang work ko.

I arrived early kahit alam kong eight pa ang pagbubukas ng bar. At tiyaka, ayaw ko rin kasing ma-disappoint sa'kin ang boss ko. Palagi pa naman 'yong galit pero, hindi naman ako napapagalitan dahil nga sa masunurin naman ako. 

"Hello!" sigaw ko sa loob na iilan pa ang tao. Mga stuffs ng Octagon Bar. Kumaway pa ako sa kanila na siyang ikinahagik nilang lahat lalo na ang bff kong mas maaga pa sa akin. Parehas kasi kami na ayaw mapagalitan kaya kung maaari, mas maaga, mas maganda. At tiyaka, maganda naman talaga tignan kung ang isang empleyado ay maaga kaysa sa boss.

"Heaven! Excited ka na ba? Nako, marami daw customers ngayon kaya galingan mong sumayaw mamaya, ah?" I smirked because of what I've heard from my bestfriend. 

"Nako Breach, alam mo naman na palagi kong ginagalingan diba? At tiyaka, may bago akong moves ngayon kaya maghanda sila," nagtawanan na lang kaming dalawa na pati ang ibang stuffs na naglilinis ay napapangisi at napapailing dahil sa kagagahan namin.

Mula highschool habggang college kasi, magkaibigan na talaga kami ni Breach kaya hindi na talaga ako nagdalawang-isip na tanggapin ang trabaho na 'to. Maliban na sa palagi kaming magkasama, maganda rin ang suweldo. Hindi naman pamomokpok ang ginagawa ko, sumasayaw lang naman ako to entertain the customers. Alam 'yon ng mga magulang ko. 

At first, ayaw nila. Well, sino ba namang mga magulang na gugustuhing makita ang anak nila na sumasayaw sa bar? Kahit ako rin naman pero, I convinced them. Sinabi ko na hanggang sayaw lang naman. No touch, no kiss at tiyaka no sex. Virgin pa 'ko at ayaw kong makuha lang ng kung sino-sino diyan ang perlas ng silanganan ko. 

Two hours later, naghanda na kaming lahat. Nag-make up na 'ko dahil maya-maya, sasayaw na 'ko. Dumating na rin si Boss at sa inaasahan, kunot na naman ang noo ni Madame. May kung ano na naman atang problema.

"Ipakita natin sa kanila kung gaano kabongga ang bar na 'to, Heaven. Ipakita mo na hindi sila nagsisising pumunta rito," turan ni Breach nang pumasok siya rito sa loob ng room ko. Room ko alone kasi ako lang naman ang dancer at wala nang iba. Pero feel ko naman kasi kapag may mga dancer pa, kasama ko sila dito.

"Hay nako Breach, alam mo naman ang kakayahan ko. Baka nakakalimutan mong hiphop dancer ako? Gusto mo, maghiphop ako?" natatawang tugon ko sa kaniya na siyang ikinahampas niya sa balikat ko. Agad akong napangiwi dahil sa ginawa niya.

"Aray!"

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan. Pero no kidding aside, nas gandahan at ayusin mo. Rinig ko kasi kay Bossing na may mga bago ng customers. Bigatin daw," agad akong napaisip sa sinabi niya hanggang sa sumilay na naman ang ngisi sa mga labi ko.

Edi mas maganda. I could show them my new moves.

"Teka, ang maskara ko? Saan ko ba 'yon nalagay?"

"Please help me welcome, Maskareyna!" lips stretched into smirk when the host finally announced my screen name. When I walked onto the stage, the spotlight immediately found me and the excitement quickly filled my wholeness.

Hindi nila nakikita na natutuwa ako ngayon dahil sa pula na maskara na nakatabon sa buo kong mukha. Pero sa likod ng suot kong maskara, kitang-kita ko kung gaano kasabik ang mga taong nasa ilalim ng entablado. Kitang-kita ko ang sabik sa kani-kanilang mga mata at kahit napakaliwanag ng ilaw na nakatapat sa akin, kitang-kita ko pa rin ang paglunok ng karamihan habang nakatanaw sa kabuuan ko.

I am wearing a daring red silk that almost reached my knees that shows my snow white skin until I touched the pole seductively and raised my right leg. I let my leg kissed the pole as well and then swayed my hips a bit. And until I heard the loud screams and loud applause because of what I am doing right at this moment.

I squinted my eyes when the door opened and a group of men went inside. They were laughing as if something entertaining them. From where I am standing, kitang-kita ko ang isa nilang kasama na nasa gitna ng grupo nila na may angking sobrang tangkad na siyang nakatitig nang diretso sa akin.. pero napailing na lang ako at sumayaw na ulit.

For sure, they will enjoy the rest of the night.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviews

Ciejill
Ciejill
Support!🫶
2025-12-04 17:45:38
1
1
FourStars
FourStars
Support and follow niyo ang magandang story ni Miss Otorrr
2025-12-04 16:40:35
1
1
Anne
Anne
support 🫶
2025-12-04 16:33:10
1
1
Chelle
Chelle
Support natin si author 🫶 Highly recommend story!
2025-12-04 16:30:26
1
1
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status