Share

Chapter 7

Chapter 7

Neejel

Natatawa si Nigel habang inaalala ang nangyari kanina. Sobrang obvious naman kung paano banggitin ang pangalan niya, pero si Mallory kanina, nagkamali pa.

"Ano nga ulit pangalan non?" tanong niya sa sarili. "Malyori," sagot rin niya.

Kinuha ni Nigel ang blue na folder sa coffee table. Binasa niya ang buong pangalan mula sa information tungkol sa kliyente.

Mallory Reynolds

"Ang ganda ng pangalan mo, ah," bulong niya.

Dis oras ng gabi. Nasa sala pa rin siya pinatulog ng tinuturing na asawa. Pangako kasi nito na aayusin ang katabing kwarto pero ilang araw na, hindi pa nagagawa.

Palagi kasing tulog sa araw si Mallory. Hindi naman makuha ni Nigel ang susi rito para kahit siya na lang sana ang mag-ayos.

Ilang araw pa lang siya rito, ramdam na niya ang pagiging komportable. Hindi man ganoon kainit ang pagtanggap ng nakatira rito, maayos naman ang pagpapatuloy sa kanya ng bahay na ito.

Hindi rin akalain ni Nigel na ganito pala kaasenso ang asawang kliyente. Binabasa niya sa folder ang records ng babae base sa background checking na ginawa ng Lovefinity. May sarili itong mga ari-arian at naging milyonarya na noong dumating sa edad na 27. Hindi halata ang limpak-limpak na pera sa bulsa nito dahil sa mga simpleng pananamit. Isa pa, wala man lang siyang makitang kahit anong senyales ng pagiging magarbo. Ni wala pa nga itong kotse. Bike lang ang mayroon. Medyo sira pa ang nakita niya sa garage noong una niyang punta rito.

Ang akala pa naman niya noong una ay makakatagpo siya ng isang Jillian version 2. Siguro ay matapos ang relasyon nila ng dating nobyo, halos lahat na lang ng mga babaeng nakikilala ni Nigel ay katulad ni Jillian. Subalit nang makapiling niya si Mallory, ibang-iba ito.

Sa itsura ay malayo si Mallory kay Jillian. Hindi naman panget si Mallory. Masyado pa nga siyang cute, eh. Sa kaso naman ni Jillian, maganda siya parang modelo. Pero sa kanilang dalawa, kung pagtatabihin, si Jillian ang modelo ng produktong likha naman ni Mallory. Kung papipiliin lang rin siya, baka piliin na niya ang huli.

Sino ba namang aayaw sa babaeng puno ng sipag sa katawan?

Alam naman ni Nigel na paghanga lang ang nararamdaman niya kay Mallory. Hindi naman niya itatanggi na mahal pa niya si Jillian. Natutuwa lang siya dahil sa unang beses na makatagpo ng ganoong tao.

Nakaramdam ng pagkauhaw si Nigel kaya nagtungo siya sa kusina. Natanawan niya ang pintuan ng kwarto ni Mallory nang mapadaan sa hagdanan. Nakaawang ang pinto at maliwanag sa loob.

May trabaho si Mallory kahit na madaling araw na.

Sa ilang araw na pananatili ni Nigel sa bahay ng babae, alam na niya ang ilang pattern sa buhay nito. Malamang ngayong oras ay naghahanda na ito para sa shift, kung hindi naman, baka rumaraket online.

Siguro ay nakakapagod rin ang buhay niya, saad ni Nigel sa isip. Ni wala man lang siyang nakakasama sa bahay. Buong gabi pa siya nagtatrabaho, minsan naman sa tanghali ay gising rin para sa iba pang negosyo.

Wala man lang napansin si Nigel na kaibigan nito na nakakausap man lang. Palaging mag-isa ang dalaga. Tanging puro kliyente lang ang tumatawag. Minsan naman ang kapatid nito.

Ang pagiging komportable ni Mallory pagdating sa pinansyal ay malamang na may nakakailang na proseso. Biruin ba naman, halos buong araw na nagpapa-alila sa mga trabaho online. Wala nang social life ang dalaga. Palagi na lang subsob sa work at stress.

Naiintindihan niya na kailangang isakripisyo ng dalaga ang social life para sa maayos na financial flow.

Habang umiinom ng tubig, na-realize ni Nigel na siya lang ang alam niyang kabilang sa social circle ni Mallory maliban sa naikwento nitong kapatid. Kaya dapat sa loob ng tatlong buwan ay may maayos silang pakikitunguhan sa isa't isa.

"Hoy." Napitlag nang bahagya si Nigel dahil sa buong boses na narinig niya mula sa likuran. Kay Mallory pala iyon.

Ano ba 'to? Ang liit na babae, ang laki ng boses, bulong niya sa isipan.

"May mainit na tubig pa ba?" tanong nito kay Nigel. Kinuha naman niya ang thermos at inuga-uga. Dahil magaan ito, iling na ang naisagot niya.

"Ipag-init mo 'ko ng pangkape," utos sa kanya ni Mallory.

"Ano ako, utusan mo?" pang-asar na tugon ni Nigel. Ngumuso naman sa inis ang kausap niya.

Teka, saad ni Nigel sa isip. Parang kakasabi ko lang kanina na magpapakabait ako sa kanya, ah. Pero asarin muna natin sa ngayon.

"Oo," sagot ni Mallory.

Pinakita naman ni Nigel ang kaliwang kamay na may wedding ring nila. "Kasal tayo, remember?"

"Edi pagsilbihan mo 'ko."

"Kasama ba 'yan sa vow natin sa isa't isa?"

"Hindi naman tayo nagpalitan ng vow," sabi ni Mallory.

"Edi hindi tayo kasal?"

"Hindi mo naman ako inaya ng kasal. Naging kasal na agad tayo."

"Kailangan pa ba 'yon?"

"Ewan ko sayo."

"Edi hindi mo na ako mauutusan niyan?"

"Ayoko na lang magkape."

Paalis na sana si Mallory nang hawakan ni Nigel ang braso nito. Wala sa isip na lumuhod siya at idinulas ang kamay sa braso nito papunta sa kaliwang kamay.

"Can I say something crazy?" tanong ni Nigel kay Mallory.

"Kakanta ba tayo after nyan?" sarkastikong tugon nito.

"Pwedeng sagutin mo na lang."

"Ano ba isasagot? Hindi ko naman napanuod ng buo 'yung Frozen."

"'I love crazy'. Tapos, sasabihin ko naman, 'Can I say something crazier?'. Ang isasagot mo, 'I love crazier'. Ang itatanong ko na, 'Will you marry me?' Syempre, ikaw naman, 'yes!'"

"Grabe, scripted," komento ni Mallory.

"Gagawin ba natin? O gagawin natin?"

"Sayang naman yung iniluhod mo kung hindi. O sya. Dalian mo."

"Can I say something crazy?" tanong ulit ni Nigel nang may malawak na pagngiti.

"I love crazy," malamig na sinabi ni Mallory.

"Pwede bang with emotions?"

"Ang dami mo nang demands."

"Ipag-iinit naman kita ng tubig."

"I love crazy!" buong energy na sabi ni Mallory.

"Can I say something crazier?"

"I love crazier!"

"Will you marry me?"

"Yes!" Kinuha ni Nigel ang singsing mula sa daliri ni Nigel at ibinalik din. "Tapos na ba tayo mag-plastikan?"

"Tapos na. Sa makalawa, ikakasal na tayo," sabi ni Nigel. Tumayo siya at nasaksihan ang pagkagulat ng katapat.

"May tuturuan ako magzumba sa araw na 'yon."

"Edi, sila ang saksi. Kape ang handa. Sasayaw kayo habang nagpapalpitate."

"Siraulo. Mga senior citizen na 'yon."

"Edi maigi. Marami tayong mga witness."

"Paano naman 'yan? May marriage contract na tayo at wedding photos."

"Ako ang bahala."

Mukhang mapapasubo pa si Nigel na maitext si Blee. Nang umakyat na sa itaas si Mallory, kinuha niya agad ang smartphone sabay tipa ng mga sasabihin sa katrabaho.

Me

I need wedding organizers tomorrow. Ikakasal na ako.

Mabilis naman siyang nakatanggap ng reply mula sa kaibigan.

Blee

Hoy Nigel. Gabing-gabi uutusan mo 'ko? Atsaka kasal ka pansamantala sa kliyente mo? Anong ikakasal?

Me

Gusto niya, eh. Please, Blee.

Blee

👍

Ganito man ang responde ng kaibigan, alam niyang bukas na bukas rin ay aasikasuhin na siya nito. Alam na rin ni Nigel sa sarili na mapapabilang siya sa mga asawa na under-de-saya pansamantala.

Kung magugustuhan niya man o hindi, ewan na lang niya. Napapalunok na lang siya sa isiping magpapaalila na talaga siya kay Mallory.

Nanginginig tuloy ang tuhod na inihatid ni Nigel ang kape ni Mallory sa kwarto nito.

Bukas ay mag-aayos pa siya para sa kasal nilang dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status