Share

The Pretend Wife
The Pretend Wife
Author: Zavia

Chapter One ‘Instant Husband’

Alexandra’s P.O.V

“Mang, Alis na po ako papasok na ako sa trabaho,” pag papa-alam ko sa aking ina na nang hihina ng nakahiga sa sopa ng tinitirhan naming bahay,

Dahan-dahan itong bumangon kasabay no’n ay ang mahigpit n’yang pag ubo kaya agad ko ‘tong nilapitan upang alalayan ma ka upo.

“Umalis kana sa trabaho mo na ‘yan Alexandra, marami pa na ibang trabaho d’yan ‘yong mas maayos at ligtas ka,” puno ng pag-aalala ang mata n’ya at randam ko ‘yong sakit na dinadala n’ya kaya hindi ko maiwasan ma lungkot na lang,

Hinawakan ko ito sa kaliwang pisngi n’ya habang ang isa kong kamay ay mahigpit na hinahawakan ang kan’ya.

“Mamang, wag na po kayong mag-alala. Matino naman po ang trabaho ko at ligtas naman po ‘to kaya wag na po kayong mag-isip nang mag-isip makakasama po ‘yan sa kalagayan n’yo,” kapakanan ko lang ang iniisip ni mamang kaya hangga’t maari ipaparamdam ko sa kan’ya na wala s’yang dapat ipag-alala at ligtas ako sa trabaho ko.

“Tsaka mang, wala naman tatanggap sa isang katulad ko na elementary lang ang natapos. Maganda rin naman po ang bigayan sa pinag-ta-trabahuhan ko ngayon makaka-ahon rin po tayo mang.” Agad ko ‘tong niyakap nang mahigpit dahil dahan dahan ng tumutulo ang mga luha neto.

“Pasensya kana Alexandra at nagiging pabigat ako sayo, imbis na nag-aaral ka at nabibili mo ang mga gusto mo, pero heto ka inaalagaan ako at nag ta-trabaho para sa gamot ko at panga-ngailangan naten.” Nanikip ang dibdib ko sa mga binitawan n’yang salita na halos hindi na ako makahinga, nakatulala lang ako sa mga mukha n’yang umiiyak.

“Mang, ano ba ‘yan. Never kong inisip na pabigat ka sa’kin sino pa ba ang mag tutulungan kung ‘di tayong dalawa rin, kaya wag na wag n’yong iisipin pabigat kayo sa’kin,” inalalayan ko ‘tong humiga ulit sa sopa at halata sa mukha ko ang inis, lungkot at pag-aalala.

“Malapit na akong kunin Alexandra, nararamdaman ko kaya sana bago ako mamatay man lang makita kitang masaya at nasa maayos.” Naka tingin ito sa malayo habang binibitawan ang mga katagang ‘yon kaya ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tumulo na.

“Wag naman kayong gan’yan mang, ang isipin n’yo na lang gagaling ka na rin, konting pag titiis pa laban lang mang, hangga’t nandito ako wala kayong dapat isipin.” Hindi ko maiwasang mag-alala sa kan’ya lalo’t ganto s’yang mag salita, natatakot ako na baka sa ano mang oras ay kunin na s’ya sakin.

“Pag pasensyahan mo na ako anak, hindi ko lang kasi maiwasan mag-alala sayo lalo’t tuwing gabi ang trabaho mo.” Napangiti ako sa binitawan netong salita at dahan dahan akong lumapit sa kan’ya upang bigyan s’ya nang isang munting halik sa noo.

“Naiintindihan ko po kayo mang, kaya wag na kayong mag-alala. Ako kaya si Alexandra Dizon kayang-kaya ko ‘to mang, basta’t para satin,” proud na proud ko sabi sa kan’ya upang hindi na s’ya mag-alala pa at binigyan ko nang mahigpit na yakap.

“Paano ba yan mang, mauuna na ako at baka ma late pa ako sa aking trabaho.” Pag papaalam ko sa kan’ya at tumayo na, kinuha ko ang aking bag na naka patong sa kahoy naming lamesa,

Binigyan ko mo na ulit si mamang ng isang halik bago dumiretso palabas ng aming bahay.

Napabuntong hininga na lang ako ng marating ko ang sakayan ng jeep, kaya mo ‘yan Alexandra panapanahon lang at aahon din tayo sa hirap.

Mapapagamot na rin natin si amang at makakasama pa natin s’ya ng matagal, go, go, go, para sa pangarap na maganda at maayos na buhay.

Wala pang isang oras at narating ko na ang bar na aking pinag-tatrabahuhan, maganda naman ang bigayan dito, na quota ako ng two thousand sa isang araw at kung papalarin umaabot ng four thousand ang nakukuha ko kasama na ang mga tip,

Pero kulang parin ito dahil sa gamot lang ni inay ay kukulangin na at halos minsan ay wala akong nakukuhang tip.

“Bakla, buti naman at naka dating kana ang ‘yong mga loyal customer ay kanina pa iniintay ang ‘yong pag dating,” ‘yang magandang dilag na ‘yan ay si Ava Cruz ang nag-iisa kong kaibigan at tumulong sa akin na makapasok sa trabaho na ‘to.

“Hoy, anong nang-yari sa mata mo at na mamaga ‘yan. Nag dramahan na naman kayo ni tita Shaine ano.” Nakipag beso beso ‘to sa akin nang makalapit ako dito.

“Alam mo naman si amang, nag-aalala s’ya sa akin at pinapaalis na n’ya ako rito sa trabaho kong ‘to.” Umupo na ako sa upuan at sa harapan ko ay isang mahabang lamesa na puno nang make-up at isang malaking salamin na nakakabit sa pader.

“Try mo rin mag hanap nang ibang trabaho Dra, para maiwasan na ni tita ang pag-aalala at masama ‘yon sa kan’yang kalusugan.” Wika neto habang tinutulangan ako mag apply ng make-up, marunong naman ako mag-aayos pero ‘yong looks na hinahanap ng bar ay hindi ko kaya, kaya tinutulangan ako ni Ava sa pag-aayos.

“Nakalimutan mo bang elementary lang ang natapos ko ava!” napairap ako habang binibitawan ko ang salitang ‘yon at nakatanggap naman ako ng malakas na batok mula sa kan’ya.

“Matalino ka Dra, at sa ganda mong ‘yan ewan ko na lang kung tanggihan kapa nila,” hindi ako naka-imik sa binitawan n’yang salita, dahil alam ko na kahit anong ganda o talino ko kung hindi ko naman ma-meet ang requirements for the job that I’m going to apply, hindi ako papasa.

“Tapos na kitang ayusan, tara na at kanina pa nag aantay ang ‘yong mga customer,” binigyan ko s’ya ng tango at tumayo na, nilagay ko ang mga gamit ko sa locker ko at nilock ‘to.

Pinuntahan ko kung saan naka tayo si ava at nag tataka ako dahil sobrang seryoso ng mukha n’ya, parang hindi si ava ang kaharap ko sa itchura n’yang ‘yon.

“What if mag asawa ka na lang nang matandang kano at mayaman, pag namatay ‘yon tiyak sayo mapupunta lahat ng ari-arian neto and then instant milyonarya kana.” Humagalpak ‘to ng tawa, napatulala ako sa binitawan n’yang salita at mabagal na proseso ang sinabi n’ya sa utak ko.

“Akala ko pa naman seryoso na ang sasabihin mo dahil walang ka expre-expresyon ang mukha mo.” Inis kong wika sa kan’ya at maya-maya lamang ay napatawa na lang rin ako sa naisip n’yang kalokohan.

“Ayaw mo no’n dra, easy money.” tawa lang kami ng tawa habang nag lalakad papunta sa mismong working place namin.

“Puro ka talaga kalokohan Ava, sige na mag trabaho na tayo ng makarami tayong ayuda.” nakipag beso beso ulit ako dito at pumunta na sa mga customer ko na kanina ko pa ako iniintay.

“Hello gentlemen, what’s your order.” may halong pag ka formal na wika ko sa kanila, binigyan nila ako ng isang malaking ngiti ng makilala nila kung sino ako.

I am Alexandra Dizon, a waitress in a prestige bar. ‘yan ang pag kakakilala nila sa’kin and to get more tips ay nakikihalubilo ako sa kanila at nakikipag biruan.

I was doing a fine job ng bigla akong kalabitin ng isang waitress, hindi ko maalala ang pangalan n’ya.

“Alexandra, pwede bang ikaw mona mag tend sa customer na ‘yon.” Turo n’ya sa isang lalake na may kahalikang babae, minsan napapatanong na lang ako paano nila nagagawa ‘yan sa public place,

Alam kong sa bar ako nag ta-trabaho pero wala ba silang respeto man lang sa sarili nila at nag papakita pa sila ng kahalayan sa public places.

“Sige, Ako na bahala.” I wave my hand at pumunta na sa dalawang nag lalampungan.

“Good Evening, Welcome to Night Club.” pag bati ko sa kanilang dalawa upang mabaling ang attention nila sa’kin at itigil nila ang ginagawa nila.

“Kindly choose from this menu and tell me your order,” pag abot ko ng isang menu sa kanila, parang any minute ay tutuklawin ako ng babae dahil sa pang iistorbo ko sa kanila.

Tinignan lang nila ako at nag balikan ulit sa ginagawa nila, palihim akong napairap at umismid.

“Ma’am and Sir, if you need anything just call me. I’ll be assisting other customer now.” pag papaalam ko sa kanila pero hindi nila ako pinansain kaya umalis na ako at nag assist sa iba pang mga customer.

“Girls, diba s’ya si Levi Ackerman ang lalaking nag tayo ng isang sika na sikat ngayon na modeling agency.” Tili nang isa kong kasamahan sa trabaho.

“S’ya ang kilalang womanizer, pa iba-iba ng babae at hindi man lang nakitang nag seryoso o nag stay sa iisang babae.” napangiwi na lamang ako, wala ba silang alam na ibang pag-uusapan pati buhay ng iba ay nakikiesyoso sila.

“Lapitan natin, malay mo tayo na pala ang hinahanap n’ya.” parang mga hayop na nakakawala sa kural at nag takbuhan papalapit sa lalaki at hindi sinasadya mabunggo ako kaya tinignan ko ‘to ng masama.

“Pasensya na Alexandra, hinahanap ka pala ni ava kanina pa puntahan mo daw s’ya sa back room.” pag sasabi n’ya at tila ba nag mamadali ito at nakakaistorbo ako.

Hinayaan ko na lang sila at dumiretso na ako sa back room pag ka pasok na pag ka pasok ko nakita ko agad si ava sa loob dahil s’ya lang ang nandon at tila ba may kausap ito sa telepon.

Nilapitan ko agad ‘to pag ka sara ko ng pintuan, humarap ‘to sa’kin na puno ng pag-aalala ang mga mata n’ya.

Kinabahan ako sa ibig sabihin ng tingin na ‘yon lalo na ng ibigay neto sa akin ang telepono, nanginginig ko itong inabot at nilagay sa aking taenga.

“H-Hello,” nauutal kong sagot dahil hindi parin maalis ang panginginig nang mga kamay ko.

“Ate Alexandra, ang mamang mo naaksidente,” wika ng batang babae sa kabilang linya tila ba nabingi ako sa mga binitawan n’yang salita.

“P-paano? Sino ka?” nauutal kong wika habang hinihimas ni ava ang likod ko at inaalalayan ang aking pag tayo dahil any minute ay bibigay na ito.

“Si Kyle, Alex umuwi papa mo kanina may kasamang babae at nag kagulo sa inyo, sinundan ng mamang mo ang papang mo pero hindi n’ya napansin ang paparating na sasakyan kaya nabunggo ito!” rinig na rinig n’ya na nag kakagulo sa kabilang linya kaya hindi na n’ya napigilan mapaupo sa sahig at dahan dahan tumulo ang kan’yang mga luha.

“Tumakas ‘yong nakabangga Alex, hindi ko man lang nakita ang plate number dahil sa sobrang pag kamadali at madilim ang paligid.” Bigla na lang naputol ang kabilang linya, napasapo ako sa aking dibdib dahil naninikip ito halos hindi na ako makahinga sa mga nalaman n’ya.

“Eto ang tubig Alexandra, kumalma ka mo na at baka atakihin ka Alexandra,” habang hinihimas n’ya ang likod ko ay dahan dahan kong ininom ang tubig na may halong panginginig ng kamay,

Pilit kong kinakalma ang sarili ko pero natatakot ako sa nang-yari sa aking amang, paano kung kunin na s’ya sa akin ayoko pa wag naman please.

“Sige na umalis kana Dra, ako na bahala kay bossing puntahan mo na si tita Shaine.” Agad ko s’yang niyakap, mabuti na lang at nandito s’ya upang tulungan ako sa lahat ng bagay at problema.

“Maraming Salamat Ava.” Kinuha kona ang mga gamit ko sa locker at nag mamadaling lumabas sa fitting area,

Sinalubong ako ng ingay ng bar at ang mas nakakuha ng atensyon ko ay babaeng nag e-eskandalo sa loob ng bar.

“How could you do this to me Levi!” sigaw ng isang babae sa may bandang dulo ng table sa bar na pinag ta-trabahuhan ko ngayon.

Hinila n’ya ang buhok nang babaeng naka kandong sa lalaki at tinabig na animo’y isa lang ‘tong basura.

“You’re not my fiancé Abigail! So stop pestering my life!” inis na bulyaw ng lalake at walang pakialam man lang sa babaeng naka kandong sa kan’ya kani-kanina lamang.

“You’re my fiancé, lola amang said you’ll marry me when I turn 20, you have to accept that you’ll be marrying me in two months.” Ang pag ka irita sa mukha ng babae ay nawala at napaltan ‘to ng pag mamalaki na tila ba walang magagawa ang lalake kun’di ang pakasalan s’ya.

“Not in a million years Abigail, I already decided who I want to marry,” blanko ang expression ng lalaki habang binibitawan ang mga salitang ‘to and I could feel the chill dito sa kinatatayuan ko.

“Come on Levi, matagal ka ng iniwan ni Francine at hinding hindi ka na n’ya babalikan!” nag dilim ang expression ng lalaki, hindi na ako nag abala pa sa pinag aawayan nila dahil nag-aalala na ako sa aking mamang

.

“Who said I’m talking about Francine,” nagulat na lang ako ng hilahin ako neto paupo sa kan’ya hita, halata sa mukha ko ang gulat at wala akong ibang nagawa kun’di napatulala.

“This is my fiancé,” tumigil s’ya sa pag sasalita at tinignan ako, napa tilt ako ng ulo sa kanan dahil hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng tingin n’ya.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil tila may hinahanap s’ya, napangisi na lang s’ya ng makita n’ya ang gusto n’yang makita.

“Abigail, meet Alexandra my fiancé ikakasal na kami next month,” nakangisi n’yang wika, napatingin ako sa babae at para itong tigre at sobrang pulang pula na ng mukha neto at anytime ay dadambain na ako.

“No, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo!” pa dabog dabog ang mga paa neto at konting udyok ng lalaki ay aatakihin na ako neto.

“She’s right, I’m no-” pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinalikan na n’ya ako sa aking labi.

Na blanko ang utak ko at kusang pumikit ang kata ko at pumulupot ang kamay ko sa batok n’ya, natauhan na lang ako ng may narinig ako dabog at sigaw mula sa babae and I know na nag walk-out na s’ya.

Para akong napaso ng apoy at agad ko s’yang tinulak at napatayo ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status