Share

Chapter Two ‘Kyle’

Alexandra's P.O.V

“Ate Alex, mabuti at nakarating kana.” wika sa ’kin ni Joy ng makarating ako sa hospital na pinag dalhan kay amang.

“Kamusta na ang amang ko, Joy?” natatarantang wika ko sa kan’ya at pilit hinahanap si amang kung sa’n room s’ya dinala.

“Nasa emergency room pa ang amang ate Alex, pero wika ng nurse masama daw ang tama sa paa ng amang mo at posibleng hindi na ’to makalakad pa” malungkot n’yang wika habang nakatingin ng malungkot sa pinto ng emergency room.

“Ano ba ang nangyari Joy?” maluha luha kong wika habang pabagsak na umupo sa upuan malapit sa emergency room.

“Si kuya Kyle po ang nakakaalam ng lahat ate, basta ang alam ko lang po ay may umuwi at nag pakilalang tatay mo raw po,” wika n’ya at parang kinakabahan pa ’to, kita mo rin ang takot sa mata mga mata n’ya.

“Nasa’n si Kyle? Gusto ko s’yang maka-usap!” pilit kong pinipigilan ang luhang kanina pa gustong pumatak sa mga mata ko.

“Bumibili lang po ng makakain ate, pero babalik rin po agad si kuya Kyle.” pag ka tapos n’yang sabihin ’yon ay napatula na lang ako sa kawalan.

Sa loob ng sampunh taon hindi nagawang umuwi ng tatay ko para bisitahin kami, iniwan n’ya kami para sumama sa mayamang babae.

Hindi ko s’ya makitaan ng rason para balikan at guluhin muli ang buhay namin, matagal na namin s’yang kinalimutan!

Wala na s’yang karapatan pa para balikan kami! pag may nangyaring masama kay amang hinding hindi ko s’ya mapapatawad kahit kailan!

Sa sobrang pag i-isip ko kung baket kami kinailangan balikan ng lalakeng ’yon e may naramdaman na lang akong malamig na lata na lumapat sa kaliwa kong pisngi.

“Kyle,” wika ko ng makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko, unti-unti ng tumulo ang luhang kanina pa nag babadya ng makita ko s’ya.

“S-si a-amang, anong nangyari sa kan’ya? Ba’t nagawa n’yang balikan kami!” mangiyak-ngiyak ko ng wika sa kan’ya, niyakap naman n’ya ako ng mahigpit para aluhin ang lungkot na nararamdaman ko!

“Ang tatang mo, bumalik s’ya upang kunin ang iniwan pamana sa inyo ng lolang mo!” na patigil ang luha ko sa mga binitawan n’yang salita at napalitan ito ng galit para sa kan’ya!

“Sino s’ya para balikan ang iniwan pamana ng lolang sa amin! ’yon na lang ang natitirang kayaman ng aking amang!” hindi ko na napigilan pang mapa sigaw dahil sa galit, kaya ang mga tao sa paligid ay pinag titinginan na kami.

“Hinalughog n’ya ang bahay n’yo, at winasak ang ibang gamit dito,” wika nito habang inaabot na sa ’kin ang coke in canned at umuupo sa tabi ko.

“Ng mahanap na n’ya ang hinahanap n’ya ay umalis ito kasama ang kabit n’ya, hinabol naman s’ya ng amang mo,” mababagal ang wika n’ya tila ba ako ang kinakapos ng hininga sa bawat salitang binigbigkas n’ya.

“Sinubukan kong pigilan ang amang mo, pero dahil madilim sa lugar natin at walang ilaw ang nakasaga, hindi ’to nakita ni tita Elizabeth,” hindi ako makapaniwalang dahil lang sa kayaman ’yon ay nagawa n’ya muling bulabugin at saktan ang aking amang.

“Paano ’yong nakabangga kay amang? Kilala n’yo ba kung sino?” pag babayadan nila ang ginawa nila sa amang ko, sino ba naman h*ngal ang mag papatakbo ng sasakyan nila ng wala man lang ilaw sa harapan!

“Masyadong madilim sa lugar naten Alex, at kung may nakapansin man ay wala daw ’tong plaka!” nakita ko ang pag kuyom ng kamao n’ya at ang mga ugat sa leeg n’ya na nag lalabasan.

Kaya hinawakan ko ang mga kamay n’ya at tinignan s’ya mata sa mata.

“Ang Papang ko, naabutan mo ba s’ya o nakausap man lang?” seryosong pag ta-tanong ko sa kan’ya dahil gusto kong malaman lahat.

“Hindi namin s’ya naabutan ng amang mo, kasabay ng pag ka bangga ng amang mo ay ang pag laho nilang dalawa na parang bula!” nasapo ko na lang ang mga mukha ko at tahimk na umiiyak, naramdaman ko na lang ang mga braso n’ya sa likod ko at pinapakalma ako.

Ano bang ginawa naming masama to deserve all of this? Naging mabuti naman akong anak, at tao pero bakit puro na lang problema ang bininigay nila sa ’kin.

Lord, if you're real! Please give me a sign to help me solve all of this, please help my amang recover.

Hindi ko alam kung gaano katagal namayapa ang katahimik sa aming tatlo ng bigla na lang bumukas ang pinto sa may emergency room.

“Can I speak to the relatives of Mrs. Elizabeth Dizon!” sabi ng nurse na kakalabas lang sa emergency room kasama ang isang doctor.

“Doc, ako po ang anak ni Elizabeth Dizon. Kamusta na po ang nanay ko?” nag mamadali akong tumayo at lumapit sa kanila, hindi ko mabasa ang expression ng Doctor pero kitang kita ko ang lungkot sa mukha ng nurse na kasama neto.

“She has a severe head damage, broken legs and your mother heart disease is getting worse if we can't give her a heart transplant tomorrow, she can't survive the operation that will be done to her!" nag blanko na ang utak ko, at babagsak na sana ako ng saluhin ako ni Kyle.

“Can she survive kung mabibigyan s’ya ng panibagong puso? Kakayanin n’ya ba ang operasyong gagawin n’yo?" seryosong tanong ni Kyle habang sinusuportahan ako pero kita ko sa kamay n’ya ang panginginig dahil sa takot.

“Giving her a heart transplant will give her a 45 percent out of 100 on surviving this operation, and the rest kung magising ba s’ya sa comatose as her head had received hard impact!” sabi ng Doctor habang binabasa ang mga information na nasa kamay n‘ya.

“I am giving you 5 hours to decide, bago namin gawin ang operation!” binigay na n’ya ang hawak n’ya sa katabi n’yang nurse at umalis.

“How much will this operation cost?” nanginginig pa rin ay humiwalay na ako sa alalay ni Kyle at tinanong ngayon ang nurse na kasama namin.

“The heart transplant will cost around 700,000 to 1,000,000 and the rest of the bill and other operation perform I think you should prepare around 4 to 5 million,” tinibayan ko ang loob ko at pilit sinusuportahan ang mga hita kong bibigay na dahil sa laki ng hinihingi nila para sa operasyon ni amang.

“You can pay half of the bill before the operation then the rest after the operation, your mother will be in Room 205 before the operation.” sa’n naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera? gayon man sa tip at sahod ko lang ako kumukuha ng pera.

Kahit pag sama samahin at ibenta ko pa ang ari-arian namin ay hindi man lang ’to aabot ng 100,000.

“Kyle, pwede bang ikaw mo na ang sumama kay amang. Mag hahagilap lang ako ng pera.” malungkot kong wika dito, si Joy ay kanina ko pa pinauwi dahil gabing-gabi na at hinahanap na rin s’ya ng mga magulang n’ya.

“Saan ka naman hahagilap ng ganoon kalaking halaga sa loob ng limang oras alex,” wika ni kyle pero inilingan ko lang s’ya at nag paalam ng muli at umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status