Share

Chapter Three ‘Contract’

Alexandra's P.O.V

“Hello,” pag sasalita ko ng marinig kong sinagot na n’ya ang tawag, rinig na rinig sa kabilang linya amg ingay ng mga tao at malalakas na musikang nang gagaling sa speaker.

“Sino ’to? Saan mo nakuha ang numero ko!” malakas na sigaw ng kausap, hindi ko pa rin s’ya masyado maintindihan dahil sa lakas ng tugtugin sa kinaroroonan n’ya.

“I’m Alexandra Dizon, can we meet now?” lulunukin ko na ang pride ko at tatanggapin ko na ang inaalok n’ya.

~6 hours ago @ the bar

“She’s right, I’m no-” pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinalikan na n’ya ako sa aking labi.

Na blanko ang utak ko at kusang pumikit ang kata ko at pumulupot ang kamay ko sa batok n’ya, natauhan na lang ako ng may narinig ako dabog at sigaw mula sa babae and I know na nag walk-out na s’ya.

Para akong napaso ng apoy at agad ko s’yang tinulak at napatayo ako.

“How could you do this!” sabi ko habang dinu-duro duro s’ya, hindi ko ma laman kong anong demonyo ang pumasok sa katawan ko para tugunan ang halik na ’yon.

“Here,” sabay abot n’ya sa ’kin ng calling card n’ya, hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nabigyab ko s’ya ng isang malutong na sampal.

napahawak s’ya sa kaliwang pisngi n’ya na sinampal ko, at halos pinag titinginan na kami ng lahat ng tao na nasa bara.

Agad naman itong tumayo upang lapitan ako, baka na bakat sa mukha n’ya ang sampal ko dahil sobrang namumula ’to.

“What! Nagustuhan mo rin naman diba, hindi ka tutugon kung hindi mo ’to nagustuhan?” nakangisi n’yang wika sa ’kin at hinawaka n’ya ang baba ko ng mahigpit at inangat ’to para makatingin ako sa kan’ya.

“Hindi ko nagustuhan ’yon! Wag kang ambisyoso masyado lalaki ka!” pilot ko s’yang tinutulog palayo sa ’kin pero hinapit n’ya lalo ang bewang ko at nilapit ang labi n’ya sa tainga ko at bumulong.

“Marry me Alexandra, if you ever change your mind contact me, the information is inside the card,” pag tapos n’yang i-bulong ’yon ay dinilian n’ya ng dahan dahan ang leeg ko pataas sa tainga ko.

Nangilabot ang buo kong katawan at itutulok ko na sana s’ya ng malakas ng s’ya na mismo ang kumayo sa ’kin at nakataas ang kamay nito at tumatawa ng nakakasar!

“H*yop kang lalake ka! Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan! Hindi porke nag ta-trabaho ako sa lugar na ganito ay pwede mo na akong bastusin ng ganiyan!” nang gagalaitin kong wika na kan’ya, at hindi ako ma sa-satisfied kung hindi ko s’ya masasakatan.

a-ambahan kona sana s’ya ng sapak ng may humawak sa kamay ko, kaya napalingon ako sa likod.

“Tama na ’yan Dra, puntahan mo na ang amang mo,” bigla ko na lang naalala ang amang ko ng bigkasin ni Ava ang tungkol dito.

Pinulot ko ang bag ko at tinignan ang lalaki ngayon ay prenteng prenteng naka upo sa pweste n’ya kaganina lamang.

“Hindi pa tayo tapos lalaki ka! Mag tutuos pa tayo sa susunod nating pag-kikita!” nag pa alam na rin ako kay Ava at nag mamadali ng lumbas ng bar.

Ilang oras rin ako nag antay makasakay ng jeep bago makarating sa hospital na pinag dalahan kay amang.

Nng ilagay ko ang kamay ko sa may bulsa ng suot kong pencil skirt ay do’n ko nakapa ang calling card ng h*******k ba lalaking ’yon.

tinignan ko ’to maigi at naka lagay dito ang pangalan n’ya at number n’ya and I think this is his personal number dahil hindi pang business ang card na ’to.

naisip kong ilagay na mo na ito sa bag ko dahil hindi pa ako tapos sa lalaking ’yon if possible na mag ka tuos ulit kami!

~Present time

Hindi n’a ako masyado marinig kaya naka kasiguro ako na na roon pa s’ya sa bar na pinag ta-trabahuhan ko.

“I swear if I ever found out who you are, I'm going to kill you!” galit na sigaw n’ya, dito ko na napagtanto na non-sense s’yang kausapin sa telepono.

Lalo na’t sobrang ingay pa nng lugar kung nasa’n man s’ya, binaba ko na ang telepono ko at nag lakad na papuntang highway para mag hintay ng jeep na masasakyan.

“Alexdra, ano ba! wala ka ng mahahagilapan ng pera ng gantong oras!” galit na galit na wika ni Kyle habang sumusunod s’ya sa ’kin.

“Ano tutunganga na lang ba ako, habang ang amang ko ay binigyan na lang ng limang oras ang taning ng buhay n’ya, ano bang gusto mong gawin ko ha!” hinarap ko s’ya at binugahan ng galit ko, nadala na rin siguro ako ng sitwasyon dahil kailangan ko talaga gumawa ng paraan para mailigtas ang amang ko.

Kahit isanla ko pa ang kaluluwa ko sa demonyo basta bay mailigtas ko ang amang ko sa kamatayan!

“Pero Alexandra, sa’n ka nga kukuha ng pera! Hintayin natin sumagot ang mommy ko at tulungan n’ya kayo nng amang mo!” hinawakan n’ya nng mahigpit ang braso ko, dahil sa nasasaktan na ako ay marahas ko s’yang tinulak!

“Tapos ano! Isusumbat na naman n’ya sa ’kin ang tulong na ibibigay n’ya? Sawang sawa na akong tapak-tapakan ni tita melchor ang pag ka tao ko Kyle!” nag uumapaw na naman ang luha ko at hindi maalis sa dibdib ko ang paninikip at sakit na nararamdaman neto.

Nang maaninag ko ang jeep na paparating ay pinara ko na ’to at agad agad na sumakay, hindi na rin ako sinundan ni Kyle dahil natulala na lang ’to ng bitawan ko ang mga salitang ’yon.

Bigyan naman n’ya ako ng kahihiyan at respeto sa sarili ko, dahil hindi ko na kakayanin pa kung sa kan’ya ako hihingi ng tulong dahil tiyak ay ilulubog ako neto sa pag kaka utang!

Katulad ng ginawa n’ya dati ng nangutang ako dito kulang na lang ay ilublob n’ya ako sa putikan sa pag kakaapak n’ya sa pag ka tao namin ng nanay ko.

Nilubog n’ya rin kami sa utang dahil sa taas n’yang mag patong ng interest, akala ko noon ay hindi na namin malalampasan ang pag kakalubog sa utang na ’yon kay tita Melchor, buti na lang at mabait talaga ang Panginoon.

Kalahating oras rin ako nag byahe, napa bilis dahil wala ng masyadong tao at sa sasakyan sa labas dahil dis oras na ng gabi.

pumasok na ako sa likod ng bar at naabutan ko si Ava nag aayos ng make-up.

“Dra, kamusta na ang amang mo?” halata sa boses at itchura n’ya ang pag-aalala, hinawakan ko ang dalawang kamay n’ya at tinigna s’ya na may halong lungkot.

“Ava, mamaya ko na i-k-kwento ang lahat, na and’yan pa ba si Levi ’yong lalaking bumasto sa ’kin kanina!" seryoso kong tanong dahil sa pag iisip ko kanina ay napag tanto ko s’ya lang ang makakatulong sa ’kin sa problema ko na ’to.

“Nandoon pa rin s’ya pwesto n’ya kanina!” tumango ako at lumabas na at pumunta sa main bar, nakasunod naman sa ’kin si Ava.

“Ba’t ba kayo nag kagulo ng lalaking ’yon kanina? sabihin mo sa ’kin at uupakan ko s’ya!" nagagalit n’yang wika pero hindi ko na s’ya sinagot, dahil nakita ko na ang lalaking hinahanap ko at makakalutas ng problema ko.

I can use him, and at the same time magagamit n’ya rin ako sa kung ano man ang kan’yang pinaplano sa hinaharap.

Tumigil ako sa harap ng table nila, at mapapansin na may mga lalaki na itong kasama kung bibilangin sila kasama s’ya ay nasa lima sila.

“Oy, oy, isang gintong dilag ang nag tangkang lumapit sa limang makikisig na lalaki!” bibong wika ng lalaking med’yo curly ang buhok habang winawagaywag ang shot glass na hawak n’ya.

Mabuti na lamang at wala ’tong laman kundi at mabubuhos ’to sa mga kasama n’ya dahil sa kalikutan n’ya.

“Hindi lang isa kung ’di ay dalawang gintong dilag pa!” wika ng lalaking nakaakbay sa malikot at bibong lalaki, same vibes sila dahil pareho silang maligalig.

Habang ang dalawang lalaki sa bandang kanan ay tahimk lang at seryoso, yung isa ay halata mong lasing na dahil lupapay na ito.

“Look who's back, what can I do for you Ms. Dizon? or should I say future Mrs. Ackerman.” nakakalokong wika nito at nakangisi pa bago inuman ang wine na hawak n’ya.

“Pwede ba tayo mag usap? ’yong tayong dalawa lang!” pang huhuwestyon sa labas ng bar, tinignan ko naman si Ava at tinanguhan ito upang sabihin na kaya ko na ’to.

“Sure, I'll be back. I have to entertain my future wife!” inakbayan naman ako neto, pilit ko ’tong inaLis pero ayaw n’yang tanggalin kaya hinayaan ko na at mag lakad na kami palabas ng bar.

ng marating namin ang labas ay lumayo na ako sa kan’ya.

“Kung papakasalan ba kita ay matutulungan mo ako sa problemang kinakaharap ko ngayon!” pag bubungad ko sa kan’ya, nag sindi naman s’ya ng yosi sa gilid ko kaya lumayo ako dahil ayoko ng amoy ng yosi.

Nahalata naman n’ya ang pag layo ko, at kinagulat ko ang ginawa n’yang pag tapon sa yosi n’ya sa sahig na kakasindi n’ya pa lang at inapakan ’to para patayin.

“Kaya kong ibigay sayo lahat ng hihilingin mo just name it,” mayabang n’yang sabi at sumandal sa isang itim na Lamborghini sa likod n’ya and to think na naisip ko na napaka-gwapo n’ya sa pwestong ’yon.

Nahihibang ka na at Alexandra! Para isipin na napaka gwapos ng lalaking ’yan, isipin mo na lang na napaka bastos n’ya at s’ya ang mag lulutas ng problema mo!

“I need 5 Million and the secretarial position in your company!” diretso kong sabi sa kan’ya, rinig na rinig ko ang kaba sa puso ko dahil baka hindi n’ya tanggapin ang hinihiling kong halaga lalo na’t sobrang laki neto.

“Sure, I'll transfer the money tomorrow.” nagulat na lang ako sa pag sang-ayon n’ya, para lang pakasalan ako ay ibibigay n’ya ang ganoong kalaking pera!

“But I need the money now! Kailangan ng bigyan ng heart transplant ang amang ko para maoperahan s’ya” hinawakan ko s’ya sa mag kabilang balikat at diniinan ito, kailangan ko na ang pera ngayon dahil kailangan na isagawa ang operation.

“Sino ba ang Doctor ng nanay mo?” wika n’ya habang nakatingin sa kan’yang telepono.

“Sa pag kakatanda ko ang tinawag sa kan’ya ng nurse kanina ay Doctor Golez,” inisip kong mabuti ang ang pangalan neto dahil hindi ko ’to natanong kanina dahil sa sobrang pag ka gulat sa nangyari sa amang ko.

Nakita ko naman ang pag ngisi ng labi n’ya, at maya maya lamang ay may sumagot na sa tawag n’ya. Hindi ko masyado marinig ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

“Yes tito, it's me your nephew. LeviAckerman!” kita mo sa mata n’ya ang saya dahil pumapabor sa kan’ya ang pag kakataon.

“You have a patient named Elizabeth Dizon right?” kukuha sana s’ya ng yosi sa may back pocket n’ya pero napatigil ang kamay n’ya ng mag katinginan kaming dalawa.

“Oparate her now, ako na ang bahala sa lahat nng gastusin.” hindi ako makapaniwala sa sinabi n’ya kaya tuloy tuloy ng tumulo ang luha ko, at hindi ko na napigilan yakapin s’ya pag ka baba n’ya ng telepono.

“Thank you!” mangiyak ngiyak kong wika habang yakap yakap s’ya at nag tatatalon sa galak,

“This is not for free!” wika n’ya habang pinipilit alisin ang kamay ko sa pag kakaakap ng mahigpit sa kan’ya, at napabitaw na lang ako bigla.

“Marry me, meet me at my company tomorrow to signed our contract and agreement about the wedding!” pag kabigkas n’ya noon ay umalis na lang s’ya at iniwan ako.

Bakit ba sobrang halaga sa kan’ya na pakasalan ako, pero dahil rin dito ay naligtas ang buhay ng amang ko! Tinignan ko ang iniwan n’yang address sa ’kin at umalis sa bar pabalik sa amang ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status