“May ideya ba kayo sa kung anong nangyayari kay Euphie? Mukha namang maayos siya pero lagi ko naman siyang naririnig na umiiyak tuwing gabi. At lagi pa siyang nakatulala. Nag-aalala na ako.” nag-aalalang wika ni Veronica na mama ni Euphie sa mga pamangkin niyang sina Lawrence at Madeline.“I don't know Tita. Di ko rin alam kung ba't siya nagkakaganyan.” Tahimik na sagot naman ni Lawrence sakaniya.“After that incident.. Naging ganun na siya. Para siyang ibang tao..”“Don't worry, I'll talk to her Tita. Baka may nangyari lang sakaniya.. Maybe she's stressed or something. Lalo na baka marami siyang plates..” sagot naman ni Madeline sa Tita Veronica niya.“Sana nga ganun. Kayo na sana ang bahala sa kaniya okay? Salamat sa inyong dalawa..” at ngumiti na lang si Veronica sakanila bago siya umalis at iwan ang dalawa. Nagkatinginan si Lawrence at Madeline sa isa't isa.“I'll talk to her, pero please pakibantayan na rin siya Lawrence okay?” seryosong sabi ni Madeline sa pi
“Wow. I didn't know you look good at wearing long skirts. Bagay pala sayo yung mga vintage fashion eh!” sabi ni Hyacinth matapos niyang makita ang kaibigan niya na nakasuot ng Brown long skirts at White long-sleeve blouse.“Talaga?” at napangiti lang si Euphie saka siya humarap sa salamin upang tignan ang sarili niya.Tinignan niya ang sarili niya mula ulo hanggang paa. Parang bumalik lang siya sa 1941 dahil sa ayos niya ngayon. Gustuhin man niyang magsuot ng mga usong damit ngayon ay para bang mas komportable siya pag ganito ang ayos niya. Marahil na rin siguro ay dahil sa nakasanayan na niya ang ganito.“Oo nga pala, medyo maulan ulit sa labas. Sigurado ka bang okay lang?” nag-aalalang tanong bigla ni Hyacinth sakaniya.“Oo. Ayos lang ako..” matamlay na sagot niya.“Okay. Sinabi mo eh. Magdala na lang tayong payong okay? Pero nasa loob naman pala yung booth nila eh.”“Okay.”“Oo nga pala, Euphie..” dugtong pa ni Hyacinth sakaniya.“Ano yun?” sabay lingon niya
“Kanina ka pa tahimik ah? May nangyari na naman ba?” tanong kaagad ni Madeline kay Euphie habang bumabyahe sila papunta sa Tagaytay kung saan nakatira ang kuya ni Lawrence na si Ryle.“Wala, wala naman..” mahinang sagot lang niya habang nakatingin sa kawalan.“May nangyari. Alam ko yan. Kilala kita. So tell me, ano ba yun?” pangungulit na tanong ni Madeline. Napabuntong hininga lang si Euphie saka umayos ng upo at tumingin sakaniya.“Kanina kasi.. may isang lalake nagtanong sakin kung ano raw pakiramdam ng mawalan. Sumagot naman ako ng 'Hurts like hell' tapos nung tinignan ko siya.. ewan ko para ang sakit bigla. Weird right? Eh hindi ko naman siya kilala.” sagot naman ni Euphie sakaniya.“Ah. Yung guy na kausap mo kanina? Yung may itim na payong?”“Oo. Siya nga..”“Hmm..” at napa-isip muna si Madeline ng matagal bago nakasagot. “Baka naman.. siya na?”“Imposible. Nahanap ko na ang para sakin kaya lang nabitawan ko lang. Kaya naniniwala ako na.. Hindi siya yun.” s
“Euphie.. Euphie..” malambing na bigkas ng isang boses kay Euphie habang siya'y mahimbing na natutulog.Napangiti siya nang bigla niyang maramdaman ang mainit na kamay na humahaplos sa mukha niya. Unti unti niyang idinilat ang kaniyang mata at nakita ang isang binatang nakangiti sa tabi niya.Tinignan niya ang paligid at nakita niya ang sarili niyang nakahiga sa tabi ng piano sa gilid ng hardin sa bahay ni Leonard. Nakaupo ang binata sa tabi niya habang may hawak itong isang libro. Mukhang nakatulog ata siya sa binti nito.“Nandito ka..” sambit ni Euphie na punong puno ng iba't ibang emosyon.“Oo naman. Ang lalim ng tulog mo kanina, Mukhang maganda ata ang napanaginipan mo ah?” malumanay na wika ni Leonard naman sakaniya.“Hindi..” at umiling-iling lang siya. “Sa totoo lang, Isa iyong bangungot.”“Bangungot? Bakit? Paano mo naman nasabi?”“Kasi.. Pumunta raw ako sa isang lugar na hindi na kita kasama. Hindi na kita makita. Hindi na kita makausap at hindi ka na da
“Ikaw nga ba talaga yan?” gulat at hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Euphie habang tinitignan niya ng diretso ang binata sa harap niya.“Although it's complicated, Oo ako nga talaga ito.” nakangiting sagot naman ni Jade sakaniya.“Pero paano? I want to know everything!”“Alam ko alam ko. Pero syempre prioridad ko pa rin ang kalusugan mo. Magpahinga ka muna and then we'll talk.”“Pero–” at napakunot ang noo ni Euphie. Paano kapag nawala na naman siya this time? Paano kung hindi pala totoo ang lahat ng 'to?“Relax. Hindi na ako mawawala. Promise.” ngumiti si Jade sakaniya saka lumapit upang halikan ang noo niya. “Go take a rest.”“Okay..” at napatango lang si Euphie sakaniya.“Good girl.”Hinatid na siyang muli ni Jade sa dormitoryo niya upang makapagpahinga na siya. Naligo muna siya at nagpalit ng damit bago humiga sa kama. Kahit masyadong gising ang diwa niya dahil sa mga nangyayari eh pinilit pa rin niyang matulog para makapagpahinga. Alas syete na nang mag
“Uhm so.. ano na nga palang plano natin?” natanong bigla ni Euphie kay Jade bago siya bumaba sa kotse at tuluyang iwan ang binata.“Anong plano?” at napataas lang ng kilay si Jade sakaniya. Agad namula ang pisngi ni Euphie at napirmi sa kinauupuan niya.“Alam mo na!” hirit niya habang nag-iinit ang kaniyang mga pisngi.“I don't know, Euphie. You tell me.” Mapaglarong sagot ni Jade habang nakahalumbaba at nakatitig sakaniya habang nakangisi ito.“Tsk!” at napatakip lang ng mukha si Euphie. “Ewan ko sayo!”At tuluyan na ngang natawa ng malakas si Jade habang mas lalo namang pumupula ang pisngi ni Euphie at nakanguso sakaniya.“Bwisit!” napaungol niya habang nakanguso.“Sorry. Pero seryoso na.” saka kinuha ni Jade ang isang kamay ni Euphie at nilapit ito sa bibig niya upang halikan.“Matagal na akong sa iyo, Euphie. Sana ganun rin ako sayo.” malambing na wika nito.Napa-awang lang ang bibig ni Euphie at unti unting napapalitan ng ngiti ang nakanguso niyang labi. N
“Look! Yan yung girlfriend raw ni Jade oh!”“Patingin nga! Ay iba, maganda infernes.”“No I think she looks normal.”“Wag nga kayong bitter, Admit it.. maganda nga siya.”Napabuntong hininga na lang ng malakas si Euphie sa mga paulit ulit niyang naririnig pagkatapos malaman ng lahat na boyfriend na niya ang isa sa hinahangaang estudyante sa unibersidad nila at yun ay walang iba kundi si Jade. Hindi man siya sanay ay hinayaan na lang niya ang mga ito, sa halip ay umakto lang siyang normal tulad pa rin ng dati.“Oy! Euphie right?” tawag bigla sakaniya ng isang lalake sa likod niya. Agad siyang napalingon at nakita ang nakangiting si Claude sakaniya.“Oy Claude! Musta? Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?” natanong kaagad ni Euphie sakaniya.“Uhm.. medyo late eh. Na-stuck ako sa traffic. Ikaw? Wala ka bang klase?” tanong naman ni Claude sakaniya pabalik.“Actually, katatapos lang.”“Oh? Nice! Tara samahan mo muna ako. Tutal hindi na rin naman ako aabot sa k
“Ano ready ka na?” tanong ni Euphie kay Jade habang naglalakad sila papasok sa isang kilalang restaurant sa Tagaytay. Mahigpit ang hawak ng kamay niya sa binata at halatang medyo nag-aalala siya rito.“Medyo..” mahinang sagot lang ni Jade sakaniya sabay ngiti lang ng bahagya.“Oy grabe ha! Namamawis yung kamay mo! Kinakabahan ka talaga noh?” natatawang wika ni Euphie sakaniya.“Hindi ako sanay sa mga gantong bagay kaya Oo, medyo kinakabahan nga ako. Pero ayos lang. Kakayanin.” sagot naman nito sakaniya.“Don't worry, mababait silang lahat. Wala kang dapat na ikabahala!” sagot naman ni Euphie sakaniya.“Opo opo.” ngumiti lang si Jade at hinalikan ang kamay ni Euphie saka sila dumiretso na sa loob. Pag-akyat nila sa taas ng Diner's Restaurant ay kaagad nilang nakita ang mga pinsan ni Euphie na sama sama nang nakaupo sa isang mahabang mesa at maiingay na naguusap sa bawat isa.“Oh! Andito na sila!” napasigaw kaagad ni Anastasia nang mapansin niya ang papalapit na sin