“Binibini, hindi ko ho maintindihan ang nais niyong sabihin. Seryoso po ba kayo na gusto niyong iligtas ang ginoo?” tanong sakaniya ng lalake sakaniya.“Mukha bang nagbibiro lang ako? Teka sandali, ano nga bang pangalan mo?” tanong niya habang seryoso silang naglalakad papunta sa kuta ng mga hapones.“Diego ho, binibini.” sagot naman nito kaagad.“Diego..” at tumango tango lang si Euphie sakaniya saka nagpatuloy muli sa paglalakad. Dinala siya ni Diego sa isang bahay kung saan nakalagay ang isang malaking bandila ng hapon sa labas ng bintana. Nang makita niya na may ilang nagbabantay na sundalo sa labas ay agad silang nagtago sa malayo at nagmasid muna. Tumingin muna siya sa orasan at nakinig ng maiigi sa mga nangyayari sa paligid.“Eksatong alas sais ng gabi ay sigurado akong aalis muna sila upang pumatrol. Base sa bahay na 'to ay mayroong dalawang pinto rito. Isa sa harap at isa sa likod. At kung magtatago man sila ng mga bihag ay tsak akong ilalagay nila ang mga
“Napatingin si Euphie sa kulay pulang kalangitan habang tahimik at nakapaang siyang naglakad habang pinagmamasdan naman niya ang mga sirang gusali, ang maruming kalsada at ang madilim na ulap na wari mo'y bubuhos ang malakas na ulan ano mang oras.Napatigil siya saglit at napatingin sa mga kamay niyang puno ng galos at kalyo. Ang kamay na nagpapakita kung gaano siya naghirap sa mundong ito. Dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay at muling napalingon sa walang katao-taong kalye. Bigla siyang nakaramdam ng kung anong kalungkutan na wari niya'y unti unting dinudurog ang puso niya.Nakakalungkot isipin na ang dating masigla at mataong lugar kagaya nito ay ngayo'y nagmistulang abandonadong lugar na. At ang mas ikinalulungkot pa niya ay mukhang wala talaga siyang ibang magagawa kundi ang tignan at magbigay simpatya lang. Dahil una sa lahat, Hindi naman siya nararapat sa lugar na 'to at mukhang hanggang dito na lang talaga siya. Tapos na ang tungkulin niya. Nagawa na niya ang
“May ideya ba kayo sa kung anong nangyayari kay Euphie? Mukha namang maayos siya pero lagi ko naman siyang naririnig na umiiyak tuwing gabi. At lagi pa siyang nakatulala. Nag-aalala na ako.” nag-aalalang wika ni Veronica na mama ni Euphie sa mga pamangkin niyang sina Lawrence at Madeline.“I don't know Tita. Di ko rin alam kung ba't siya nagkakaganyan.” Tahimik na sagot naman ni Lawrence sakaniya.“After that incident.. Naging ganun na siya. Para siyang ibang tao..”“Don't worry, I'll talk to her Tita. Baka may nangyari lang sakaniya.. Maybe she's stressed or something. Lalo na baka marami siyang plates..” sagot naman ni Madeline sa Tita Veronica niya.“Sana nga ganun. Kayo na sana ang bahala sa kaniya okay? Salamat sa inyong dalawa..” at ngumiti na lang si Veronica sakanila bago siya umalis at iwan ang dalawa. Nagkatinginan si Lawrence at Madeline sa isa't isa.“I'll talk to her, pero please pakibantayan na rin siya Lawrence okay?” seryosong sabi ni Madeline sa pi
“Wow. I didn't know you look good at wearing long skirts. Bagay pala sayo yung mga vintage fashion eh!” sabi ni Hyacinth matapos niyang makita ang kaibigan niya na nakasuot ng Brown long skirts at White long-sleeve blouse.“Talaga?” at napangiti lang si Euphie saka siya humarap sa salamin upang tignan ang sarili niya.Tinignan niya ang sarili niya mula ulo hanggang paa. Parang bumalik lang siya sa 1941 dahil sa ayos niya ngayon. Gustuhin man niyang magsuot ng mga usong damit ngayon ay para bang mas komportable siya pag ganito ang ayos niya. Marahil na rin siguro ay dahil sa nakasanayan na niya ang ganito.“Oo nga pala, medyo maulan ulit sa labas. Sigurado ka bang okay lang?” nag-aalalang tanong bigla ni Hyacinth sakaniya.“Oo. Ayos lang ako..” matamlay na sagot niya.“Okay. Sinabi mo eh. Magdala na lang tayong payong okay? Pero nasa loob naman pala yung booth nila eh.”“Okay.”“Oo nga pala, Euphie..” dugtong pa ni Hyacinth sakaniya.“Ano yun?” sabay lingon niya
“Kanina ka pa tahimik ah? May nangyari na naman ba?” tanong kaagad ni Madeline kay Euphie habang bumabyahe sila papunta sa Tagaytay kung saan nakatira ang kuya ni Lawrence na si Ryle.“Wala, wala naman..” mahinang sagot lang niya habang nakatingin sa kawalan.“May nangyari. Alam ko yan. Kilala kita. So tell me, ano ba yun?” pangungulit na tanong ni Madeline. Napabuntong hininga lang si Euphie saka umayos ng upo at tumingin sakaniya.“Kanina kasi.. may isang lalake nagtanong sakin kung ano raw pakiramdam ng mawalan. Sumagot naman ako ng 'Hurts like hell' tapos nung tinignan ko siya.. ewan ko para ang sakit bigla. Weird right? Eh hindi ko naman siya kilala.” sagot naman ni Euphie sakaniya.“Ah. Yung guy na kausap mo kanina? Yung may itim na payong?”“Oo. Siya nga..”“Hmm..” at napa-isip muna si Madeline ng matagal bago nakasagot. “Baka naman.. siya na?”“Imposible. Nahanap ko na ang para sakin kaya lang nabitawan ko lang. Kaya naniniwala ako na.. Hindi siya yun.” s
“Euphie.. Euphie..” malambing na bigkas ng isang boses kay Euphie habang siya'y mahimbing na natutulog.Napangiti siya nang bigla niyang maramdaman ang mainit na kamay na humahaplos sa mukha niya. Unti unti niyang idinilat ang kaniyang mata at nakita ang isang binatang nakangiti sa tabi niya.Tinignan niya ang paligid at nakita niya ang sarili niyang nakahiga sa tabi ng piano sa gilid ng hardin sa bahay ni Leonard. Nakaupo ang binata sa tabi niya habang may hawak itong isang libro. Mukhang nakatulog ata siya sa binti nito.“Nandito ka..” sambit ni Euphie na punong puno ng iba't ibang emosyon.“Oo naman. Ang lalim ng tulog mo kanina, Mukhang maganda ata ang napanaginipan mo ah?” malumanay na wika ni Leonard naman sakaniya.“Hindi..” at umiling-iling lang siya. “Sa totoo lang, Isa iyong bangungot.”“Bangungot? Bakit? Paano mo naman nasabi?”“Kasi.. Pumunta raw ako sa isang lugar na hindi na kita kasama. Hindi na kita makita. Hindi na kita makausap at hindi ka na da
“Ikaw nga ba talaga yan?” gulat at hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Euphie habang tinitignan niya ng diretso ang binata sa harap niya.“Although it's complicated, Oo ako nga talaga ito.” nakangiting sagot naman ni Jade sakaniya.“Pero paano? I want to know everything!”“Alam ko alam ko. Pero syempre prioridad ko pa rin ang kalusugan mo. Magpahinga ka muna and then we'll talk.”“Pero–” at napakunot ang noo ni Euphie. Paano kapag nawala na naman siya this time? Paano kung hindi pala totoo ang lahat ng 'to?“Relax. Hindi na ako mawawala. Promise.” ngumiti si Jade sakaniya saka lumapit upang halikan ang noo niya. “Go take a rest.”“Okay..” at napatango lang si Euphie sakaniya.“Good girl.”Hinatid na siyang muli ni Jade sa dormitoryo niya upang makapagpahinga na siya. Naligo muna siya at nagpalit ng damit bago humiga sa kama. Kahit masyadong gising ang diwa niya dahil sa mga nangyayari eh pinilit pa rin niyang matulog para makapagpahinga. Alas syete na nang mag
“Uhm so.. ano na nga palang plano natin?” natanong bigla ni Euphie kay Jade bago siya bumaba sa kotse at tuluyang iwan ang binata.“Anong plano?” at napataas lang ng kilay si Jade sakaniya. Agad namula ang pisngi ni Euphie at napirmi sa kinauupuan niya.“Alam mo na!” hirit niya habang nag-iinit ang kaniyang mga pisngi.“I don't know, Euphie. You tell me.” Mapaglarong sagot ni Jade habang nakahalumbaba at nakatitig sakaniya habang nakangisi ito.“Tsk!” at napatakip lang ng mukha si Euphie. “Ewan ko sayo!”At tuluyan na ngang natawa ng malakas si Jade habang mas lalo namang pumupula ang pisngi ni Euphie at nakanguso sakaniya.“Bwisit!” napaungol niya habang nakanguso.“Sorry. Pero seryoso na.” saka kinuha ni Jade ang isang kamay ni Euphie at nilapit ito sa bibig niya upang halikan.“Matagal na akong sa iyo, Euphie. Sana ganun rin ako sayo.” malambing na wika nito.Napa-awang lang ang bibig ni Euphie at unti unting napapalitan ng ngiti ang nakanguso niyang labi. N