Share

Quietus

 

 

“Binibini, hindi ko ho maintindihan ang nais niyong sabihin. Seryoso po ba kayo na gusto niyong iligtas ang ginoo?” tanong sakaniya ng lalake sakaniya.

“Mukha bang nagbibiro lang ako? Teka sandali, ano nga bang pangalan mo?” tanong niya habang seryoso silang naglalakad papunta sa kuta ng mga hapones.

“Diego ho, binibini.” sagot naman nito kaagad.

“Diego..” at tumango tango lang si Euphie sakaniya saka nagpatuloy muli sa paglalakad. Dinala siya ni Diego sa isang bahay kung saan nakalagay ang isang malaking bandila ng hapon sa labas ng bintana. Nang makita niya na may ilang nagbabantay na sundalo sa labas ay agad silang nagtago sa malayo at nagmasid muna. Tumingin muna siya sa orasan at nakinig ng maiigi sa mga nangyayari sa paligid.

“Eksatong alas sais ng gabi ay sigurado akong aalis muna sila upang pumatrol. Base sa bahay na 'to ay mayroong dalawang pinto rito. Isa sa harap at isa sa likod. At kung magtatago man sila ng mga bihag ay tsak akong ilalagay nila ang mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status