공유

CHAPTER 251.2

작가: Phoenix
last update 최신 업데이트: 2025-05-21 17:11:11

Kung ibang tao lang siguro si Sophia ay baka isipin na niya na kaya niya itong kontrolin at maaari niyang itali ang damdamin ng isang tao habambuhay gamit ang huwad na pag-ibig. Na kaya niyang akitin ito upang ialay ang tunay na puso. Pero ngayon nga na si Sophia ang taong iyon ay hindi na nga siya sigurado.

Unang dahilan nga ni Raymond ay ayaw niya talaga. Kung may pagpipilian lang sana siya ay hindi niya nanaising papasukin si Sophia sa buhay ng isang tao na tulad niya na isang inutil.

Pangalawa, anong desisyon ang gagawin ni Sophia? Kahit pa sabihin ni Sophia ngayon na mahal siya nito ay likas na makasarili ang mga tao. Hindi nya alam kung iiwan ba siya nito sa bandang huli? O mamahalin siya ng tapat nito habambuhay?

At hindi nga kayang sagutin ni Raymond ang lahat ng mga tanong na iyon sa ngayon.

“Bakit hindi ka makasagot?” tanong pa ni Francis habnag may nakakaloko ngang ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi.

Tumingin naman si Sophia kay Raymond. May kaunting tapang at pang-uusig
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 298.2

    “Alam mo Jacob matagal ko ng kasama ang ate Sophia mo at sa totoo lang ay utang na loob ko sa kanya ang kung anumang meron ako ngayon dahil siya ang tumulong sa akin na maabot ito. Kaya nga bilang kapalit sa ginawa niyang pagtulong sa akin noon ay tinutulungan ko siya na mapanatiling maayos ang kanyang kumpanya,” pagpapatuloy pa nga ni Louie.Hindi naman nagsalita si Jacob dahil alam naman niya na kinukumbinsi rin siya ni Louie na tanggapin ang ibinibigay ng ate Sophia niya.“Jacob sobrang halaga sa ate Sophia mo ng kumpanya na ito kaya gusto niyang ipagkatiwala ito sa iyo. Hindi naman porket siya ang nagtatag ng kumpanya na ito ay parang iniasa mo na sa kanya ang lahat. Hindi ganon Jacob. Kapag ikaw na ang may hawak ng kumpanya ay nasa kamay mo na kung magiging matagumpay pa rin ba ito at kahit na hindi ikaw ang nagtatag nito ay parang ikaw na rin ang nagsikap na mapanatili ang pamamayagpag nito sa mundo ng negosyo. At kung iniisip mo naman na baka hindi mo ito kaya ay wag kang mag a

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 298.1

    CHAPTER 298Kinabukasan naman ay maaga nga na pumasok sa opisina si Jacob para doon ipagpatuloy ang kanyang mga hindi natapos na gawain kahapon dahil sa hindi na talaga siya makapag focus sa kanyang ginagawa matapos nilang mag usap ng kanyang ate Sophia.PAgkarating niya sa kanyang opisina ay agad na niyang sinimulan ang kanyang trabaho at maya maya nga ay may kumatok sa pintuan ng opisina ni Jacob at ng bumukas nga iyon ay si Louie nga ang pumasok doon.Bahagya naman na nagulat si Jacob sa pagdating ni Louie sa kanyang opisina. Kaya naman itinigil na muna niya ang kanyang ginagawa para harapin nga ang bagong dating.“May kailangan ka ba kuya Louie?” agad na tanong ni Jacob dito.“Wala naman. Ang aga mo yatang pumasok ngayon,” sagot naman ni Louie habang nakapamulsa pa nga siya na naglalakad palapit kay Jacob.“Ah… oo kuya, maaga talaga akong pumasok ngayon dahil hindi ko natapos ang mga ito kahapon kaya dito ko na lamang ito ipinagpayuloy na gawin,” sagot ni Jacob.Dahan dahan naman

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 297.2

    “Jacob, ang kumpanya na iyan ay hindi lang sa akin… sa atin iyan at yan ang tatandaan mo. Noong tinatag ko ang kumpanya na iyan ay isa ka sa iniisip ko kaya pinagsikapan ko talaga na maging maayos at matatag ang Prudence at syempre sa tulong na rin nila kuya LOuie kaya ko iyon nagawa. At ngayon nga ay sa tingin ko ang tamang panahon para ipasa ko na sa’yo ang pamamahala sa kumpanya dahil hindi ko na nga ito matututukan pa. At tama ka sa sinabi mo na pinaghirapan ko ang kumpanya na iyan kaya umaasa ako na hindi mo rin ito pababayaan,” sagot ni Sophia at saka nya matamis na nginitian ang kanyang kapatid at umaasa talaga siya na sana ay tanggapin na nito ang kumpanya.Sandali naman na natahimik si Jacob at bigla nga siyang napaisip dahil sa totoo lang ay ayaw talaga niya itong tanggapin dahil nga ang gusto niya ay paghihirapan niya ang gusto niyang marating sa buhay. Pero bigla niyang naisip ngayon na ayaw naman niya na madisappoint sa kanya ang ate Sophia niya kaya pinag iisipan na mun

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 297.1

    CHAPTER 297Lumipas pa nga ang mga araw at humahanap nga ng tamang tyempo si Sophia para kausapin ang kanyang kapatid na si Jacob. Buo na kasi talaga ang desisyon niya na ipasa na rito ang Prudence kaya naman gusto na talaga niya itong kausapin.Habang abala nga si Jacob sa pagbabasa ng mga dala nitong papeles sa bahay nila Sophia ay panay nga ang silip ni Sophia sa kanyang kapatid.“Ate may problema ba?” hindi na napigilan na tanong ni Jacob sa kanyang ate Sophia dahil kanina pa talaga niya ito napapansin na patingin tingin sa kanya.“Ha!? Ahm… Ano kasi… Ahmm… P-pwede ba kitang makausap?” kandautal utal pa nga na sabi ni Sophia.Ibinaba naman na muna ni Jacob ang kanyang hawak na mga papeles at saka nito hinarap ang kanyang ate Sophia.“Oo naman ate. Ano ba ang gusto mong pag usapan natin?” sagot naman ni Jacob.Bumuntong hininga naman nga si Sophia at saka siya seryosong humarap sa kanyang kapatid.“Siguro naman ay napapansin mo na nahihirapan na rin talaga ako ngayon dahil s aaking

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 296.2

    Bigla naman tumigil si Francis sa kanyang ginagawa dahil baka nga makalimot siya at baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.“Ang mabuti pa ay tara ng umalis dahil baka hindi ko na makontrol pa ang aking sarili,” sabi ni Francis at saka niya magaan na hinalikan sa labi si Sophia at saka niya ito binitawan na. “Hintayin na lamang kita sa sala,” sabi pa niya at nauna na nga ito na lumabas ng kanilang silid.Napapailing na lamang si Sophia sa inasta na iyon ni Francis at bahagya pa nga siyang natawa rito dahil alam niya na nagpipigil lang ito ng kanyang sarili. Binilisan naman na ni Sophia ang kanyang kilos para makaalis naman na silang dalawa.Saglit lamang naman ang naging byahe nila at agad na nga silang nakarating sa private clinic ng OB ni Sophia at agda na nga nitong tiningnan ang lagay ni Sophia at ng bata sa sinapupunan nito.Pagkatapos ng check up na iyon ni Sophia ay inaya naman na niya muna si Francis sa isang restaurant para kumain ng lunch.“Ali, sa tingin mo ba ay ito

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 296.1

    CHAPTER 296Mabilis naman na lumipas ang mga araw, linggo at buwan at masayang masaya na nga ngayon si Sophia dahil sa wakas ay kasal na sila ni FRancis at nagsasama na muli sila sa iisang bahay. At bukod pa nga roon ay masaya rin siya dahil kasama na rin nga niya ngayon ang kanyang kapatid na si Jacob sa kanilang bahay.Gaya nga ng plano nilang mag asawa ay hindi na muna pumapasok sa opisina si Sophia at nasa bahay na lamang nila ito palagi. At kapag may mga mahahalagang dokumento na kailangang pirmahan si Sophia ay pinupuntahan na lamang nga ito ni Louie o di kaya ay ni Harold sa bahay nito para papirmahin ito.Wala namang reklamo sila Louie at Harold sa set up nila na iyon dahil sanay naman na sila na sila ang nag mamanage ng kumpanya ni Sophia na Prudence. Matagal na rin naman nila itong ginagawa at masaya naman sila sa kanilang ginagawa na ito.Habang si Francis naman ay masayang masaya rin ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Sophia. Sa totoo lang ay p

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status