LOGIN"Divorce paper?" kunot noo pa na tanong ni Sophia kay Francis pagkabukas nya ng iniabot nitong sobre sa kanya. Matapos kasi ang ilang buwan na pamamalagi ni Francis sa ibang bansa ay ito kaagad ang bungad nya sa kanyang asawa pagbalik nya ng bansa. Ang Divorce paper. "Yes. Divorce paper. Maghiwalay na tayo," maawtoridad na sagot ni Francis kay Sophia. "Sige kung yan ang gusto mo at makapagpapaligaya sa'yo ay maghiwalay na lamang tayo," sagot na lamang ni Sophia kahit na sa kaloob looban nya ay nalulungkot sya.
View MoreCHAPTER 1
Habang umiinom ng gamot si Sophia ay bigla namang tumunog ang kanyang phone kaya naman dali dali na nya iyong kinuha at nakita nga nya na ang kanyang matalik na kaibigan na si Karylle ang nagmessage sa kanya kaya naman agad na nga nya iyong binuksan. “Girl, Bumalik na pala ang asawa mo,” basa ni Sophia sa mensahe ng kanyang kaibigan. Kaya naman bigla syang natigilan dahil doon. Higit isang buwan din kasi silang walang komunikasyon ng kanyang asawa matapos itong ipadala ng ama nito sa ibang bansa para pamahalaan ang kumpanya ng pamilya nito roon. “Hindi ko alam na bumalik na pala siya ng bansa,” sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan Bigla namang tumunog muli ang kanyang phone kaya agad na nga nya itong binuksan muli. “Bumalik na sya at alam mo ba na mayroon syang kasamang babae na mukhang mas bata pa sa kanya at kilalang kilala mo rin ,” sagot pa ni Karylle sa kanyang kaibigan at kalakip pa ng kanyang mensahe ay isang larawan at nakita nga roon ni Sophia ang kanyang asawa na mayroong kasamang babae at hindi na sya nagulat pa dahil kilalang kilala nya kung sino ang kasama nitong babae na kamukhang kamukha nya at walang iba ito kundi si Bianca. Si Bianca ay ang nakababatang kapatid ni Sophia sa ama na pinadala noon sa probinsya at doon na nga ito lumaki at nagkaisip. “Magdaraos ng isang welcome party ang iyong ama para kay Bianca. Gusto mo ba na pumunta tayo roon?” basa pa ni Sophia sa mensahe ng kanyang kaibigan. Napabuntong hininga naman si Sophia saka nya tiningnan ang kanyang mga gamot. Tatlong araw na kasi syang nasa ospital dahil sa taas ng lagnat nya. Napatingin din sya sa kamay nyang namumula at namamaga na dahil sa kakatusok ng karayom doon. “Ayokong pumunta roon Karylle. Isa pa ay hindi naman ako imbitado para pumunta roon kaya hayaan mo na lamang sila na magsaya,” sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan. Matapos sagutin ang kanyang kaibigan ay ipinikit naman na muna ni Sophia ang kanyang mga mata dahil parang biglang sumakit na naman ang kanyang ulo at hindi na nga nya namalayan pa na nakatulog na pala sya. *************** Makalipas nga ang ilang araw ay nakalabas na rin ng ospital si Sophia at ilang araw na rin ang nakalipas matapos bumalik ng bansa ni Francis at ngayon nga ay narito ito ngayon sa kanilang bahay. “Kumusta ka?” tanong ni Sophia kay Francis pero imbes na sagutin ang tanong ng asawa ay may iniabot syang sobre rito. Nagtataka man ay agad na rin ngang tinanggap iyon ni Sophia at agad na binuksan at ganon na lamang ang gulat nya ng makita nya divorce paper ang laman noon. “Divorce paper?” kunot noo na tanong ni Sophia sa kanyang asawa. Dahan dahan naman na tumango si Francis. “Yes. Divorce paper. Maghiwalay na tayo Sophia,” wala ng paligoy ligoy pa na sabi ni Francis kay Sophia. “Francis kung dahil lamang ito sa nangyare noon ng kunin mo si Bianca ay pwede naman natin itong pag usapan,” pakiusap ni Sophia sa kanyang asawa ng sabihin nga nito na makikipaghiwalay na ito sa kanya. “Hindi ito dahil doon Sophia,” sabi ni Francis at saka nya seryosong pinakatitigan ang kanyang asawa. “Alam mo naman na pinagkasundo lamang tayo ng mga magulang natin diba at wala talaga tayong espesyal na relasyon na dalawa. Kaya wala ng dahilan pa para ipagpatuloy natin ito,” dagdag pa ni Francis. Noong una pa lamang kasi ay tutol na talaga si Francis sa arrange marriage sa pagitan nila ni Sophia. Tanging ang mga magulang lamang naman nila ang may gusto noon dahil sa isang gabing aksidenteng may nangyari sa kanila. Pero wala na rin syang nagawa pa kundi ang sundin na lamang ang kagustuhan ng kanyang mga magulang dahil doon. Napabuntong hininga naman si Sophia at saka nya muling tinitigan ang divorce paper na binigay sa kanya ni Francis at saka sya dahan dahan na tumango. “Sige kung iyan ang gusto mo at makapagpapaligaya sa’yo ay papayag na lamang ako sa gusto mong mangyare,” sagot naman ni Sophia at pigil nya ang sarili nya na pumiyok sa pagsasalita dahil sa totoo lang ay nalulungkot sya sa nais mangyari ni Francis. “Salamat naman kung ganon,” sagot naman ni Francis dito. “Sandali lang. May gusto sana akong hilingin bago ko tuluyang pirmahan ang divorce paper na yan. Pwede ba na makuha ko muli ang bahay at lupa ng aking ina?” sabi pa ni Sophia dahil gusto nya sanang maibalik sa kanya ang bahay ng kanyang namayapang ina na ibinenta noon sa pamilya nila Francis. “At hindi rin ako magreresign sa trabaho konsa inyong kumpanya. Sana ay hayaan mo lamang ako na magpatuloy sa trabaho ko,” dagdag pa ni Sophia. Napabuntong hininga naman si Francis saka sya dahan dahan naman na tumango. “Sige. Kung Yan ang gusto mo ay pagbibigyan kita sa iyong nais. Ibabalik ko sa’yo ang bahay at lupa ng iyong ina at wala namang problema roon,” baliwala namang sagot ni Francis kay Sophia. “Baka may iba ka pang gusto. Sabihin mo na ngayon pa lang at willing naman akong ibigay yun sa’yo,” dagdag pa ni Francis. “Wala naman na. Yun lang ang gusto ko,” mahinang sagot ni Sophia. Dahan dahan naman na tumango si Francis. “Kung may iba ka pang nais ay sabihin mo lang sa akin. Dahil kapag naaprubahan na ang divorce paper na yan ay ayoko ng magkaroon pa tayo ng anumang ugnayan sa isa’ isa,” sabi pa ni Francis. “Wag kang mag alala dahil ang bahay lamang talaga ng aking ina ang gusto kong maibalik sa akin dahil mahalaga iyon para sa akin,” sagot ni Sophia kay Francis. Habang nag uusap pa silang dalawa ay bigla namang tumunog ang phone ni Francis kaya naman agad na nya iyong tiningnan pero bago nya iyon sagutin ay hinarap na muna nya si Sophia. “May mga importante pa akong gagawin ngayon. Kakausapin ka na lamang ng abogado ko tungkol sa divorce paper na yan,” sabi pa ni Francis. “Aalis na rin ako dahil may pupuntahan pa pala ako ngayon,” pagpapaalam na ni Francis at saka ito dire diretsong lumabas ng kanilang bahay at ni hindi na nga nito hinintay pa na magsalita si Sophia. Naiwan naman na nakatanaw na lamang si Sophia sa paalis na si Francis. Napabuntong hininga pa nga sya dahil ni hindi man lang sya hinintay na magsalita nito at dire diretso na nga itong umalis. Nang gabing iyon ay hindi naman dinalaw ng antok si Sophia kaya naisipan nga nya na magbukas ng social media at hindi nya maiwasan na malungkot ng makita nya ang larawan ng kanyang asawa kasama ang kanyang kapatid na si Bianca na masayang masaya sa kuha ng larawan. Kaya pala nagmamadaling umalis ang kanyang asawa dahil may lakad pala ito at ang kanyang kapatid. Mapait naman syang napangiti dahil talagang wala syang puwang sa puso ni Francis. Itinabi na lamang nya ang kanyang phone at pinilit na lamang din nya ang kanyang sarili na makatulog. Kinabukasan ay nagising naman si Sophia na medyo ayos na ang kanyang pakiramdam. Isang malalim na bunting hiniinga pa nga ang pinakawalan nya bago sya tumayonsa kanyang higaan at saka nag asikaso ng kanyang sarili. Ngayong araw kasi makikipagkita sa kanya ang abogado ni Francis para ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa divorce paper na ibinigay sa kanya ni Francis kagabi. Sa buong panahon ng pagiging mag asawa nila ni Francis ay hindi naman sya trinato ng masama nito yun nga lang ay hindi talaga sya mahal nito. Pinaliwanag naman ng abogado ni Francis kay Sophia ang lahat lahat ng tungkol sa divorce paper na iyon at sinabi rin nito na bukod sa bahay nga ng kanyang ina ay binigyan din sya nito ng isang real estate property. “Kung naiintindihan mo na ang lahat ng sinabi ko at wala namang itong problema sa’yo ay maaari mo ng pirmahan ang divorce paper na ito,” sabi ng abogado ni Francis kay Sophia. Napabuntong hininga naman si Sophia at saka nya kinuha ang ballpen mula sa abogado at kaagad na pinirmahan ang divorce paper na iyon. “Dalawang araw lamang ang hihintayin mo at agad mo na ring makukuha ang certificate,” sabi pa ng abogado matapos pirmahan ni Sophia ang divorce paper. “Okay po attorney. Wala pong problema. Pakisabi na lamang po sa ex-husband ko na kung hindi sya abala ay kunin na nya kaaagd ang certificate at wag ng ipagpaliban pa,” sabi pa ni Sophia sa abogado ni Francis. Tanging pagtango lamang naman ang naging sagot ng abogado bago ito tuluyang umalis roon. Agad naman na nabalitaan ni Karylle ang tungkol sa pakikipaghiwalay ni Francis kay Sophia kaya inaya nya ang kanyang kaibigan na magkape naman silang dalawa sa labas at agad naman iyong pianunlakan ni Sophia. “Alam mo ang tungkol kay Bianca noon diba? Pinaalis sya ng iyong ina at pinadala sya sa probinsya at doon na rin sya nag aral ng mabuti sa isang kilalang unibersidad doon. At sa hindi inaasahang pangyayare ay nagkrus ang landas nila roon ni Francis,” daldal pa ni Karylle sa kanyang matalik na kaibigan. “At nabalitaan ko rin na hinahangaan pala ng iyong half sister si Francis,” dagdag pa ni Karylle. Npabuntong hininga naman si Sophia at saka sya sumimsim ng kape. “Tapos na ang lahat Karylle. Bukod sa kasal ay wala kaming nararamdaman ni Francis sa isa’t isa,” malungkot na sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan at napapikit pa sya ng mariin ng maalala ang unang beses na makilala nya si Francis Kinabukasan pagpasok ni Sophia sa kumoanya ay nabalitaan nga nya na mula sa pagiging sekretarya ay inilipat nga sya bilang isang manager ng isang department doon.CHAPTER 338Makalipas ang dalawang araw ay tuluyan na nga na nagpaalam sila Theresa, Sophia, Jacob at Francis kay Jayson at binigyan na lamang nila itong ng maayos na libing.Yun lamang din kasi talaga ang magagawa nila para rito para na rin sa ikatatahimik nito. Ayaw rin kasi talaga nila Sophia na umasa ang kanilang ina na makakasama pa nito ang kanilang ama dahil kitang kita na nila sa kalagayan nito na talagang wala na itong pag asa pa na magising.Matapos ang libing ay nanatili na lamang din muna silang apat sa puntod ni Jayson. Nanatili rin na iyak ng iyak si Theresa dahil sa totoo lang ay napakahirap para sa kanya ang ginawa niyang desisyon na iyon pero kailangan niya itong gawin para na rin sa kanilang mga anak.“It’s okay mom. Narito naman po kami para sa inyo,” sabi ni Sophia sa kanyang ina.Pinunasan naman muna ni Theresa ang kanyang luha at saka siya pilit na ngumiti sa kanyang anak.“Kaya ko ito anak. Alam ko na masakit lamang ito sa una pero alam ko na makakaya ko ito lal
CHAPTER 337Naaawa naman na tinitigan ni Sophia ang kanilang ina at dahil sa mga sinabi nito ay napabuntong hininga na lamang talaga siya at saka niya ito linapitan dahil hindi na ito natigil sa pag iyak.“Mom, tama po ang desisyon nyo na iyan at alam ko po na maiintintindihan kayo ni dad. Kahit naman po kami ni Jacob ay gusto pa siyang makasama dahil sino ba naman ang hindi mananabik sa pagmamahal ng mga magulang pero sa nakikita po namin na kalagayan ngayon ng aming ama ay sa tingin po namin ay yan po ang mas tama ninyong gawin… ang pakawalan siya. Wag po kayong mag alala dahil narito lamang po kami ni Jacob para sa inyo,” pagpapagaan ni Sophia sa loob ni Theresa.Agad naman na napatingin si Theresa sa kanyang anak dahil sa sinabi nito at hindi na rin niya napigilan pa ang kanyang sarili at nayakap na lamang talaga niya ito ng mahigpit at saka siya doon mas lalong umiyak.Gumanti naman ng yakap si Sophia sa kanyang ina dahil alam niya na kailangan din talaga sila nito ngayon lalo na
CHAPTER 336Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng silid na iyon ay agad na bumungad sa kanila ang isang malinis at maaliwalas na silid na hindi mo aakalain na may ganon pala sa loob ng isang parang abandonadong bahay at sa gitna nito ay may isang kama kung saan may nakahiga na isang lalaki na walang malay.At nang mapansin iyon ni Sophia ay napalunok naman siya ng sarili niyang laway at saka siya dahan dahan na humakbang papalapit dito.“Pasensya na kung natakot kayo sa labas kanina. Sinadya ko talaga na ganito ang lugar na ito para walang maghinala na narito kami ng inyong ama,” sabi ni Theresa.Hindi naman maiwasan ni Sophia na hindi humanga sa kanilang ina dahil talagang kaiba rin ito kung mag isip at talagang gagawin nito ang lahat para lamang hindi sila matunton ng pamilya ng kanilang ama. Sa totoo lang ay hindi talaga akalain ni Sophia na napakalinis talaga ng loob ng silid na iyon dahil pagkapasok pa lamang nila kanina sa lugar na iyon ay parang gusto na talaga niyang umuron
CHAPTER 335Muli namang tumingin si Sophia sa kanilang ina at saka siya tumayo at pumunta sa tabi ng kanilang ina.“Mom, tingnan mo ang aming ama,” sabi ni Sophia at saka siya tumingin din sa screen.Sinunod din naman ni Theresa ang sinabi na iyon ni Sophia at tumingin din siya sa screen ng kanyang laptop.“Tingnan mo siya mom. Sa tingin mo ba ay masaya pa siya sa lagay niyang iyan? Sa tingin mo ba ay hindi siya nahihirapan? Ayaw mo ba na magkaroon na lamang siya ng katahimikan?” mahinahon pa na tanong ni Sophia sa kanyang ina.Hindi naman napigilan ni Theresa ang kanyang luha dahil sa mga tanong na iyon ni Sophia. Pinakatitigan pa niya si Jayson at lalo ng nag unahan sa paagpatak ang kanyang luha at hindi na niya magawa pang magsalita.“Base na rin sa mga sinabi mo kanina ay alam po namin na mahal na mahal mo ang aming ama. Kahit kami ay kung bibigyan kami ng pagkakataon na makasama siya ay magiging masaya rin naman kami. Pero… kung titingnan natin ang kalagayan niya ngayon… parang g






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore