Chapter: CHAPTER 309.2Napabuntong hininga naman si Francis dahil naiintindihan naman niya ang nararamdaman ni Sophia. Gusto lamang kasi talaga muna niyang mauto si Bianca para mabawi nga niya rito ang bata.Hindi naman nakatiis si Francis at yinakap na nga niya ng mahigpit si Sophia.“Please lang. Hayaan mo akong gumawa ng paraan. PInapasakay ko lamang siya para naman makuha ko ang loob niya at mabawi ko ang anak natin. Kagaya mo ay nag aalala na rin ako sa bata pero kailangan kong kumalma dahil walang mangyayari kung sasabayan ko siya. Please, Phia pagkatiwalaan mo sana muna ako ngayon,” mahinang mahina naman na bulong ni Francis kay Sophia habang yakap niya ito.Naipikit naman ng mariin ni Sophia ang kanyang mga mata dahil sa sinabi na iyon ni FRancis. Hindi na rin naman siya nagsalita pa at tanging pagtango na lamang ang naging tugon niya rito.Hinalikan naman ni Francis sa noo si Sophia at saka siya muling bumuntong hininga bago siya muling humarap kay Bianca.“Pinapapili mo ako, hindi ba? Kapag ba pin
Last Updated: 2025-08-12
Chapter: CHAPTER 309.1CHAPTER 309Bigla naman natigilan si Bianca at napatingin nga siya sa sanggol na hawak niya. Pinakatitigan nga niya ito at saka siya muling tumingin kay Francis.“Kapag ba ibinigay ko sa’yo ang bata ay magiging akin ka na muli? Magsasama na tayong dalawa kasama ng bata na ito?” tanong pa ni Bianca kay Francis.Napalunok naman ng kanyang laway si FRancis dahil umaasa talaga siya na tatalab ang plano niyang ito kay Bianca.“O-oo, magsasama na tayo basta ibigay mo muna sa akin ang bata. Sige na,” sabi ni Francis at saka siya dahan dahan na humahakbang papalapit kay Bianca.Nagpalipat lipat naman ng tingin si Bianca sa batang hawak niya at pati na rin kay Francis. At nang mapansin niya na lumalapit na nga ito sa kanya ay dahan dahan din naman siyang umuurong kaya naman napatigil na lang talaga si Francis sa kanyang paghakbang.“Bianca paano mo—” hindi naman naituloy ni FRancis ang kanyang sasabihin ng may bigla ngang sumigaw na may likuran niya.“Ang anak ko!!! Hay*p ka Bianca. Ibalik mo
Last Updated: 2025-08-12
Chapter: CHAPTER 308.2“Wal*ng hiy* ka talagang babae ka. Magbabayad ka talaga sa ginagawa mong ito. Wag na wag mong susubukan na saktan ang anak ko dahil baka hindi mo na talaga masilayan ang araw,” gigil pa na sabi ni FRancis at saka siya nagmamadali na lumabas sa silid na iyon.Agad naman na sinundan ni GErome si Francis at nagtawag na rin nga siya ng back up na mga pulis para samahan sila sa rooftop. Nag utos na rin siya na mag abang sa baba ng ospital dahil baka kung ano pa ang maisipan ni Bianca na gawin sa bata.Pinutol naman na ni Bianca ang kanilang tawag at saka niya pinakatitigan ang sanggol na kanyang hawak.“Napakagwapo mo namang bata ka. Kamukhang kamukha mo ang iyong ama sayang lang at baka hindi mo na makita pa ang magulang mo lalo na kung magmamatigas sila ngayon sa akin. Ang ama mo lang naman ang gusto ko e kaso ang nanay mo ay masyadong mapapel kaya heto at nadamay ka pa sa gulo na ito. Pero wag kang mag alala dahil kapag hindi ka pinalad na mabuhay ay makakasama mo naman ang iyong kapati
Last Updated: 2025-08-11
Chapter: CHAPTER 308.1CHAPTER 308Sinundan pa nga nila ng sinundan kung saan papunta ang naturang nurse na may bitbit na sanggol hanggang sa nakita nila na dinala nga ito sa roof top ng naturang ospital.Muli naman nilang tiningnan ang kuha ng CCTv sa mga oras na iyon at nakita nila na naroon pa rin ang babae habang nakangiti na nakatingin sa camera ng CCTV.Nakita nila sa kuha ng CCTv na may kinuha ito sa bulsa nito at isa nga iyong cellphone at para bang may tinatatawagan nga ito.Lahat naman sila ay biglang nagulat ng may biglang tumunog na cellphone doon kaya naman napatingin sila sa kanilang mga cellphone.At ganon na lamang ang gulat ni Francis ng ang cellphone pala niya ang tumutunog na iyon at unknown number nga iyon. Napatingin pa siya sa mga naroon at napalunok pa siya ng sarili niyang laway bago niya sinagot ang tawag na iyon at linakasan din niya iyon para marinig ng iba pa niyang mga kasama sa silid na iyon ang sasabihin ng tumatawag sa kanya.“Hello, Love. Did you miss me?” malanding sabi ng
Last Updated: 2025-08-11
Chapter: CHAPTER 307.2Bigla namang kinabahan si Francis dahil sa sinabi na iyon ni Sophia dahil baka nga bigla na itong lumabas ng silid nito at malaman nito ang mga nangyayari. Hanggat maaari kasi ay gusto na sana niya muna itong solusyonan dahil baka naroon pa ang anak nila at hindi pa nailalabas ng ospital.“HA!? Naku, m-mamaya ka na lamang lumabas ng iyong silid. May inaasikaso pa lamang ako saglit kaya hindi pa ako nakakabalik r’yan. Magpahinga ka na lamang muna at sabay na lamang tayo na pumunta mamaya sa nursery room. At isa pa ay may oras din kasi ang pagpunta roon kaya baka h-hindi ka rin papasukin. Kaya mamaya na lamang ha,” kandautal utal pa na sagot ni Francis dito.“Pero Ali gusto ko na kasing makita si baby. Baka naman pwedeng makiusap na lang ako roon. Bakit kasi hindi pa nila pinasama sa atin si baby kanina ng dinala ako rito,” sagot naman ni Sophia na halata mo sa boses na naiinip na ito at sabik na talaga na makita ang kanyang anak.“Phia, wag na munang matigas ang ulo. Kahit naman ako ay
Last Updated: 2025-08-10
Chapter: CHAPTER 307.1CHAPTER 307“Naiintindihan naman kita Francis. Ang sa akin lang ay kumalma ka na muna kahit kaunti. Alam mo naman na kapag nagagalit tayo ay hindi na natin minsan alam ang mga ginagawa o nasasabi natin. Kaya kumalma ka na lang muna please. At kapag kalmado ka na ay tutulong na rin tayo sa paghahanap sa baby nyo ni Sophia,” sabi ni GErome kay FRancis.Lalo namang nag isip si FRancis ng marinig niya ang pangalan ni Sophia dahil wala pa rin itong kaalam alam ngayon sa mga nangyayari.“Bro, si Sophia siguradong magwawala rin yun kapag nalaman niya na nawawala ang anak namin. Ni hindi pa man lang niya nayayakap ang anak namin at nasilayan lang niya ang mukha nito kanina dahil nawalan na siya ng malay pagkapanganak niya,” sabi ni FRancis at lalo nga siyang nakaramdam ng matinding galit ngayon dahil sa mga nangyayari.Naipilig naman ni Gerome ang kanyang ulo dahil sa sinabi na iyon ni Francis.“Sino naman kaya ang gagawa nito sa inyo? At bakit pati ang walang kamalay malay na sanggol ay idin
Last Updated: 2025-08-10