Sabi ng mga nakakatanda, ang kahulugan raw ng pagbibigay ng isang bulaklak na mala kampanilya tulad ng Yellow bell Flower ay mahawakan at nangangako ng isang matamis na kaligayahan.
Kaya naman kapag dumating ka sa buhay ko, I will seize every opportunity to have you at all costs, dahil ikaw ang kaligayahan ko, Winona Perez.
- Xavier Uno Zalvariano
"Wina... Be obedient"
"Hmm..."
Namula ang mukha ng dalagita na tila ba nag anyo ng kamatis na siya sa pula, matapos ay may manipis na pawis na lumabas sa kanyang noo, parang kumikinang na hamog dahil sa nararamdaman.
Ang mapulang labi ng lalaki ay bumuo ng isang magandang kurba na tila ba nag eenjoy sa nangyayari at mas lumapit pa siya sa dalaga.
"Do you like it?"
Ang malalalim na boses ng lalaki ay nang aakit sa kanya, ang mga mahaba at matitipunong bisig kasama ng magagandang kamay ng binata ay humawak sa malambot na baywang ng dalaga, pumalibot ito roon at mas hinapit si Winona.
Sino ito? Anong nangyayari? Nasaan siya? Naguguluhang tanong sa sarili.
Agad na binuksan ni Winona ang kanyang malabong mga mata at tiningnan siya ng lalaki mula sa itaas. Ang ilaw ay tumama sa ulo ng matipunong lalaki sa harap niya dahilan para ang halo nito ay nakapalibot rito, hindi niya makita ang mukha nito o kung sino man ito.
After a long time.
Nagising na lamang siya mula sa kanyang pagkalito at unti-unting luminaw ang lalaki sa kanyang harapan.
Mga matitipunong wangis na makakabihag sa lahat, matulis na kilay at magandang mga mata, mayroon rin itong matangos na ilong at bahagyang nakataas na manipis na labi.
Siya, siya ay...
Beep, Beep, Beep~
Bigla na lamang nagising si Winona Perez, matapos ay inilibot ang paningin. Nakita ang mga kagamitan sa silid at naalala kung nasaan siya, nasa ospital siya at nakatulog sa tabi ng matanda.
Paano siya nagkaroon ng ganoong panaginip?
Paano niya napanaginipan ang lalaking iyon ngayon? Dahil ba bumalik na siya? Wala naman silang koneksyon…
Sa telebisyon, isang balitang nakakagulat ang nakakuha ng atensyon ng mga pulitiko at negosyante, Idagdag na rin ang buong sambayanan.
Bumalik sa bansa si Xavier Uno Zalvariano, ang tagapagmana ng Zalvariano Group of companies at opisyal na itinalaga bilang general manager at Chief Executive ng Zalvariano Group of Companies.
Ang dahilan kung bakit niya ito napansin ay dahil sa hidwaan ng Zalvariano Group of Companies at Mendoza Group of Companies— matalik itong magkaribal simula pa lamang sa kalolo-lolohan ng mga ito, at maski ang mga tagapagmana ng bawat pamilya na sina Xavier Uno Zalvariano at Clifford Mendoza ay magkaaway rin.
Alam niya ang mga bagay na ito dahil nagtatrabaho si Winona sa Mendoza Group of Companies at binibigyan diin niya ng espesyal na atensyon ang bawat galaw ng kanyang kalaban.
Ngunit bakit niya napanaginipan na kasama niya ang binata...
"Wina, tumutunog ang telepono mo"
Nakita ni Lola Sally na nakatulala ang kanyang apo at tila ba malalim ang iniisip, hindi tuloy napigilan ng matanda na mag alala para sa pinoproblema ng dalaga.
"Lola, sasagutin ko na muna tong tawag." pagpapaalam naman nito ng magising mula sa malalim na pag iisip.
Nakita ni Winona ang pangalan ng tumawag sa kanyang telepono, matapos nito ay bahagyang kumunot ang kanyang noo, lumayo muna siya mula sa matanda upang sagutin ang tawag.
"I want you to buy me 3 boxes of condoms, you already know what I like. Dalhin mo sa Room 123, Kingstar Hotel."
Ang boses ng lalaki ay may maangas sa tono na tila ba inuobliga ang dalaga, matapos ay may kasamang matamis na tawa ng babae ang narinig ni Winona Perez sa kabilang linya.
Sandali siyang huminto matapos ay mahinang sinabi sa kabilang linya. "Sir Clifford, pwede bang sa susunod na lang? Inaalagaan ko pa kasi ang lola ko ngayon. Day off ko rin po"
Sa kabilang banda ng linya, ang kamay ng babae ay malilikot na dumulas sa hubad na dibdib ng lalaki at matamis na sinabi gamit ang nang aakit nyang tono ang ilang mga kataga. "Oh my… look Clifford, mahal, mukhang ayaw niyang gawin ang inuutos mo oh, paano na tayo nyan."
Sumimangot si Clifford Mendoza dahil rito, hindi nya gustong napapahiya kaya nama'y kinurot niya ang malikot nitong kamay.
"A lowly maid really thinks she's something, huh? Wag mo akong galitin, Winona. Bibigyan kita ng kalahating oras, gusto kong makita ang mga inutos ko rito sa kwarto, kung hindi, sisante ka na."
"Ang mahal ko ay napakagaling, so mighty, so manly······ Kyaaa"
Pagkatapos ay may mga hindi kanais-nais na tunog na siyang narinig, pagkaraan pa ng ilang sandali ay tuluyan na nitong ibinaba ang telepono.
Ang silid ng ospital ni Lola Sally ay nasa dulo ng pasilyo.
Tumingin si Winona sa labas, malakas ang ulan, na may pagkulog pa at ang mga sanga ng mga puno ay malakas na gumagalaw.
Sobrang delikado bumiyahe kung titingnan.
Hindi na siya nagulat sa kahilingan ni Clifford Mendoza, palagi siyang ganoon sa dalaga kaya naman sanay na siya.
Utos roon, linis ng problema rito.
Inilagay ni Winona Perez ang kanyang telepono sa kanyang bag matapos bumalik sa silid ay lumapit sa kama ni Lola Sally.
"Wina, hinihingi na naman ba ng ospital ang bayad natin? Gusto kong lumabas ng ospital."
Tiningnan ng matanda ang pagod na mukha ng kanyang apo at labis siyang nalungkot.
Kasalanan niya na hindi maganda ang kanyang kalusugan, kaya't ang kanyang apo ang pumapasan nang resulta ng kapabayaan niya. Tumatakbo ito sa pagitan ng kumpanya at ospital halos araw araw para lamang sa kanya.
"Lola, hindi ganon yun. Hindi ang ospital ang tumawag sakin kundi si sir Clifford, pinapunta niya ako para maghatid ng mga bagay sa kanya."
Inayos ni Winona ang kumot ng kanyang lola, at ngumiti ng bahagya para pagaanin ang loob nito.
Sa totoo lang, hindi lamang siya sekretarya ni Clifford Mendoza, ang chief executive ng Mendoza Group of Companies, kundi pati na rin ang katulong ng pamilya Mendoza.
Lumaki rin siya kasama si Clifford Mendoza bilang alalay nito at inasikaso ang lahat ng uri ng bagay para sa binata.
"Wina, huwag mong isipin si sir Clifford mo. Kung may angkop na lalaki kang nakita na mamahalin ka ng lubos, subukan mong makipag-date, huwag mong sayangin ang iyong sarili sa kakatrabaho at pagsisilbi sa mga Mendoza..." nag aalalang pagpapaalala niya sa apo.
Alam na alam ni Lola Sally kung anong uri ng tao si Clifford Mendoza at ang mga Mendoza, gusto lang niyang maging masaya ang kanyang apo.
"Lola, alam ko po iyan, naiintindihan ko po ang gusto nyo. Pero magpahinga ka muna, lola, babalik rin ako kaagad pagkatapos nito." Mahinang aliw ni Winona at hindi pinansin ang sinabi ng lola niya.
"Wina, malakas ang ulan sa labas ngayon, delikado. Tatawagan ko na lang si Sir Clifford para tanungin kung pwede sa susunod na lang o kaya sa pagtila ng ulan..."
Tiningnan ni Lola Sally ang malakas na ulan at hangin sa labas, nag-alala na baka kung anong mangyari sa kanyang apo pag lumabas pa ito.
"Ayos lang ako, Lola. Mag iingat naman ako" pagkukumbinsi nito sa matanda.
Ngunit, mahigpit na hinawakan ni Lola Sally ang kamay ng kanyang apo at ang kanyang may katandaan na mukha ay nagpakita ng kalungkutan.
"Wina, alam ko ang aking katawan, huwag mo nang sayangin ang pera mo sa akin. Huwag ka nang humingi ng tulong sa pamilya Mendoza para sa pang ospital ko... gusto lang ni Lola na maging masaya ka, at mamatay nang walang pagsisisi pagkatapos."
Kung hindi dahil sa kanya, makakalaya na sana ang kanyang apong si Wina mula sa pamilya Mendoza at hindi na sana siya nakaranas ng napakaraming paghihirap tulad ng pang aabuso sa trabaho.
Alam ni Winona ang inaasahan ng matanda, marahang lumambot ang puso nya dahil rito "Lola, huwag kang magsalita ng ganyang mga nakakatakot na salita. Gusto ko pa rin na kasama ka Lola na makita akong magpakasal at magkaroon ng mga apo ulit mula sakin"
Ngumiti si Lola Sally. "Si Wina ko ang magiging pinaka magandang bride sa buong mundo, sana makita ko ito."
Ibinaba niya ang kanyang mga mata, at ngumiti ng tumango. "Makikita mo ito, Lola. Sisiguraduhin ko iyon"
Bagaman malayo pa ang kasal para sa dalaga at wala pa ito sa utak niya, kung mapapasaya niya ang kanyang lola sa ganoong bagay ay palaging may paraan kung gugustuhin.
Malakas ang ulan sa labas at malakas ang hangin. Kahit na may payong si Winona Perez ay nahihirapan siya dahil tinatangay ito at hindi niya makita ang daan sa harapan.
Pagkalabas pa lang niya ng ospital, nabasa na siya. Halos walang tao sa kalye dahil sa sobrang lakas na ulan, tanging iilang sasakyan lang ang dumadaan na nagtatapon pa ng putik sa dinadaanan niya—parang tinatawanan ng mga ito ang kanyang kalagayan ngayon.
Basang-basa si Winona at gulong gulo.
Sa gabi ng tag-ulan, maraming tindahan ang sarado dahil sa panahon. Naghanap pa siya sa kung saan saang botika ngunit walang bukas ni isa.
Paglipas pa ng ilang paghihirap, sa wakas, nakabili na si Winona ng gusto ni Clifford sa isang botika, na sa awa ng diyos ay bukas.
Tiningnan ng tindera ang babaeng basang-basa na para bang basang sisiw, matapos ay nag aalangan nagtanong, "Miss, may iba pa ba kayong kailangan?"
Sino ang bibili nito sa ganito kalakas na ulan at tatlong kahon pa, ang mga kabataan ngayon ay walang kontrol.
"Salamat, ito lang ang kailangan ko."
Nagbayad na si Winona at lumabas sa kalye. Hindi naalis ng tindera ang bahagyang simpatikong tingin nito sa kalagayan ng dalaga.
Inayos muna ni Winona ang kanyang basang jacket at ang malamig na hangin ay humampas sa kanyang mukha.
Naramdaman ni Winona ang pamamanhid dahil sa lamig. Alam niya kung gaano siya katawa-tawa ngayon, ngunit kailangan pa ring magpatuloy ang buhay. Hindi siya dapat magreklamo kaya naman kailangan niyang manatiling positibo para magpatuloy.
Naglakad si Winona sa gilid ng kalsada.
Sa araw ng tag-ulan, ang paghinto ng taxi ay isang luho, lalo na't basang-basa pa siya ngayon, sigurado siyang walang gustong dumihan ang kanilang sasakyan para lamang sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas, hindi pa rin nakakahanap ng masasakyan si Winona. Dahil hindi niya makita ang mga sasakyang dumadaan dahil sa matinding ulan ay tuwing may sasakyang dumadaan, kumakaway siya, ngunit karamihan sa mga sasakyan na iyon ay nagtatapon lamang ng putik o baha sa kanya.
Pagkalabas sa isang kanto, nakita ni Travis Cortez ang isang babae sa harapan at agad na nag-ulat sa kanyang amo.
"Mr. Zalvariano, may babae na kumakaway sa harap, akala ata taxi tayo."
Dahan-dahang binuksan ng lalaking nakapikit ang kanyang mga mata at tanging kawalang-interes ang nasa kanyang mga mata.
"Travis Cortez, Anong gusto mong gawin ko? kailan ka pa nagkaroon ng simpatiya para sa iba?"
"Ah..."
Lihim na sinaway ni Travis ang kanyang sarili sa pagiging madaldal. Paano tutulungan ng boss niya ang isang taong hindi nito kilala diba, lalo na't isang babae pa ito.
Umalis ang Rolls-Royce na minamaneho ni Travis at ang putik na tumalsik ay walang awa na humampas sa dalaga.
Habang naglalakad si Winona, hindi sinasadyang tumingin ang lalaki sa labas ng bintana matapos nakalagpas sa dalaga.
Ang ilaw ay tumama sa maputlang mukha ng babae at sandali natigilan ang binata.
"Travis Cortez, stop the car."
Screech~
Naguguluhan si Travis na tiningnan ang lalaking nagbukas ng pinto ng kotse pagkatapos ay mabilis na kinuha ang payong at bumaba ng kotse.
"Mr. Zalvariano, mag-ingat po kayo, malakas ang ulan."
Hindi na umasa si Winona na may hihintong sasakyan sa harap nya, ngunit nang huminto ang kotse ilang hakbang lamang sa kinaroroonan niya ay nagmamadali siyang humabol rito ngunit nadulas ang kanyang paa at nadapa sa putik.
Nagpumiglas siya upang bumangon mula sa lupa. May butas na ang kanyang bag, at lahat ng tatlong kahon ng condom ay nahulog sa sahig.
Gulo-gulo at inis na inis niyang kumuha ang mga ito sa lupa. Matapos niyang kinuhanin ang 2 kahon at handa nang kunin ang ika-tatlong kahon ng may...
May isang pares ng makintab na sapatos na leather ang lumitaw sa kanyang harapan.
Tumingala si Winona at tiningnan siya ng lalaki mula sa itaas.
Tila huminto ang ulan sa mga sandaling ito.
Ang porselanang puting mukha ng babae ay may putik dahil sa pagkakadapa. Ang kanyang mga mata ay puno ng hiya at basang-basa na siya. Ang kanyang puting kamiseta ay mahigpit na nakakapit sa kanyang maselan na katawan at bahagyang makikita ang perpektong kurba nito.
Ang tingin ng lalaki ay malamig at walang ekspresyon sa kanyang mukha.
Ang tubig-ulan ay tumulo mula sa kanyang buhok at humampas sa kanyang kamay, na parang napaso.
Ang malakas na aura ng lalaking nasa harap niya ay nakakatakot.
It was him, siya si Xavier Uno Zalvariano.
Nagmamadaling tumayo si Winona at umatras ng kalahating hakbang.
Pinaglaruan ng lalaki ang condom sa kanyang kamay at ang kanyang labi ay bumuo ng isang malamig na kurba.
"Miss Perez, is this thing yours?"
Naalala pa pala niya ang pangalan ng dalaga, medyo nagulat si Winona rito.
"Salamat, Mr. Zalvariano, sa pagtulong sa akin na kunin yan."
Pagkatapos ng pagkabigla, kalmado niyang inilahad ang kamay upang kunin ito sa binata.
Ngunit sa sandaling ito, binawi ng lalaki ang kanyang kamay na hawak hawak ang box ng condom at mahinang ngumiti, "Paano kung ibigay mo na lamang sa akin ang kahon na ito, Miss Perez?" mapaglarong asik nito
Gusto niya ang kahon ng condom? Naguguluhan ang dalaga.
Bilang lamang ang mga mayaman na pamilya sa Pilipinas, na kinabibilangan ni Xavier Uno Zalvariano—ang tagapagmana ng pamilya Zalvariano—Bakit nya gustong hingin ito? kulang ba sila nang stock ng condom...? Imposible namang hindi nila afford???
Alam ng lahat na may dalawang malalaking pamilya sa Pilipinas, ang pamilya Zalvariano at ang pamilya Mendoza. Si Xavier Uno Zalvariano ang tagapagmana ng Zalvariano Group of Companies, siya ay malamig at tahimik, mabilis kumilos at malupit sa kanyang mga pamamaraan sa pagpapalakad ng kumpanya. Siya ang pinakamalakas na kalaban ng pamilya Mendoza.
Dahil sa relasyon ni Mrs. Mendoza kay Winona Perez ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalaga na mag-aral sa isang marangal na paaralan at inasikaso ang lahat ng maliliit o malalaking bagay para kay Clifford Mendoza.
Silang tatlo ay mga magkaklase sa high school.
Dahil sa pag-aaway nina Xavier at Clifford, kahit na magkaklase sila ay iilang beses lang nag-usap sina Winona at Xavier.
Pagkatapos ng high school, nag-aral si Xavier sa ibang bansa. Sinasabing pagkatapos ay pumasok siya sa overseas business department ng Zalvariano Group of Companies at kamakailan lang bumalik sa bansa.
Maraming balita ang naiulat ukol sa pagbalik nito.
Ang pagbabalik ni Xavier ay walang alinlangan at duda na makakapag pahina sa kalamangan ng Mendoza Group of Companies sa business world.
Parehong tagapagmana ang dalawang magkaribal. Ngunit, ang reputasyon nina Xavier at Clifford sa industriya ay magkaiba, ang isa ay nasa langit at ang isa nama'y nasa lupa.
Hindi inakala ni Winona na hindi lang niya ito napanaginipan ng araw na iyon, kundi nakita rin siya nito sa ganitong kalagayan, at humingi pa ito ng isang box ng condom sa kanya.
"Kung gusto mo, Mr. Zalvariano, kunin mo na." Namula ang pisngi ng dalagita.
Bahagyang ngumiti ang lalaki sa naging sagot ng dalaga at inilagay ang box sa kanyang bag na ikinagulat ni Travis Cortez na nasa likuran ng binata.
"Totoo ba ito? ang kanyang boss ay humihingi ng isang bagay sa isang babae!? at hindi lang iyon, kundi box pa ng condom!?" pipeng sigaw ng binata sa utak niya.
Sa loob ng ilang taon na kasama niya ang kanyang boss, hindi pa niya nakikita ang amo na bumili ng condom. Isa pa, hindi rin niya nakakita ang amo na may maraming babae o maski lumalapit sa mga babae o di kaya'y hinahayaan ang mga babae na lumapit sa kanya.
'May kakaiba ba sa Condom na iyon kaya nagustuhan ng amo niya? Dapat ba niyang pag-aralan kung anong brand ito? Dapat na ba niyang palaging dalhin ang condom na yon, kung sakaling kailanganin ng boss niya?’ windang na tanong pa sa utak ni Travis at nalulunod na sa sariling pag iisip.
Sa kabuuan, Ang hula ni Travis ay dumating na ang araw na gusto na ng boss niya na 'malasap ang sarap ng langit'?