공유

CHAPTER 285.1

작가: Phoenix
last update 최신 업데이트: 2025-07-02 22:22:20

CHAPTER 285

“Wag kang mag alala dahil pinapabantayan ko na rin ang tiyuhin ko. At oras na may hindi nga siya magandang gawin o balakin kay Sophia ay hindi ako mangingimi na pagbayarin siya sa mga ginawa niya kay Sophia noon. Pinalampas ko na siya noon at kinampihan pa pero sa pagkakataon na ito ay hindi na ako makapappayag pa na masaktan muli si Sophia ng dahil sa kanya,” seryoso pa na sabi ni Francis.

Napabuntong hininga naman nga si Gerome at saka siya dahan dahan na tumango.

“Basta mag iingat ka na lamang kung ano man iyang mga binabalak mo. Palagi mo ngayong aalalahanin na may Sophia na naghihintay sa’yo. Mag isip ka munang mabuti at wag kang magpadalos dalos ng iyong mga desisyon,” payo pa ni Gerome kay Francis.

Mataman na nakikinig si Francis sa sinasabi ng kanyang kaibigan at sa tingin naman niya ay tama naman ang mga payo nito sa kanya. At tama rin ito na dapat niyang tandaan na may Sophia na naghihintay sa kanya kaya kailangan niyang mag ingat palagi.

Halos isang oras din yat
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 335

    CHAPTER 335Muli namang tumingin si Sophia sa kanilang ina at saka siya tumayo at pumunta sa tabi ng kanilang ina.“Mom, tingnan mo ang aming ama,” sabi ni Sophia at saka siya tumingin din sa screen.Sinunod din naman ni Theresa ang sinabi na iyon ni Sophia at tumingin din siya sa screen ng kanyang laptop.“Tingnan mo siya mom. Sa tingin mo ba ay masaya pa siya sa lagay niyang iyan? Sa tingin mo ba ay hindi siya nahihirapan? Ayaw mo ba na magkaroon na lamang siya ng katahimikan?” mahinahon pa na tanong ni Sophia sa kanyang ina.Hindi naman napigilan ni Theresa ang kanyang luha dahil sa mga tanong na iyon ni Sophia. Pinakatitigan pa niya si Jayson at lalo ng nag unahan sa paagpatak ang kanyang luha at hindi na niya magawa pang magsalita.“Base na rin sa mga sinabi mo kanina ay alam po namin na mahal na mahal mo ang aming ama. Kahit kami ay kung bibigyan kami ng pagkakataon na makasama siya ay magiging masaya rin naman kami. Pero… kung titingnan natin ang kalagayan niya ngayon… parang g

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 334

    CHAPTER 334Nang unti unti naman ng umaalis ang mga bisita nila Sophia at Francis sa kanilang kasal ay agad na munang nagtungo si Sophia sa kanyang silid upang magpalit ng damit at pagkatapos ay tinawag lamang din niya si Jacob para sabay na silang pumunta sa silid kung nasaan ang kanilang ina. Noong una ay ayaw pa sana ni Jacob na sumama sa kanyang kapatid pero napilitan na lang din siya na sumama dahil ayaw naman niyang magalit ang kanyang ate Sophia.Pagkapasok nila sa silid na iyon ay naabutan nila ang kanilang ina na nakaharap sa laptop at mayroon itong tinitingnan doon at napansin din nila ang luha na umaagos sa pisngi nito. At sa sobrang tutok pa nga nito sa screen ng laptop ay ni hindi man lang nito naramdaman ang pagpasok nila Sophia sa silid na iyon.Napatingin naman muna si Sophia kila Jacob at Francis at isang malalim na buntong hininga na muna ang kanyang pinakawalan at saka siya tumikhim para maagaw nila ang atensyon ng kanilang ina.Nagulat naman si Theresa ng may bigla

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 333

    CHAPTER 333“Hindi… hindi ako sang ayon sa sinabi mo ate. Pasensya na pero kung aalis ka ngayon ay wag ka na lamang magpakita muli sa akin. Masyado ng masakit ang mga nangyari noon at sa muli mong pagpapakita sa amin ay handa akong bigyan ka ng isa pang pagkakataon para makabawi sa lahat ng pagkukulang mo. Pero kung aalis ka muli ngayon at para bang sinilip mo lang talaga kami ay wag ka na lang bumalik pa,” sabi ni Jacob at hindi na niya hinintay pa na makapagsalita ang kanilang ina at agad na siyang tumalikod dito at agad na naglakad palayo sa mga ito.Napabuntong hininga naman si Theresa dahil hindi rin naman talaga niya masisisi ang kanyang anak kung bakit ito nagkakaganito ngayon dahil kasalanan din naman talaga niya. Pero ang malaking problema niya ngayon ay hindi niya alam kung aalis ba siya ngayon o mananatili na lang muna roon dahil ayaw din naman niya na mas lalong sumama ang loob ni Jacob sa kanya.Napatingin naman si Theresa sa mag asawang Sophia at Francis na tahimik lama

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 332

    CHAPTER 332“J-Jacob anak… s-sorry. Alam ko na malaking malaki ang pagkukulang ko sa’yo at maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad dahil kasalanan ko rin naman talaga ito. Aminado ako na masyado akong naging makasarili at masyado akong nalunod sa pagmamahal ko sa inyong ama. Pero sa lahat ng ginawa ko ay wala naman akong pinagsisisihan dahil kita ko naman ngayon kung gaano kayo katapang at katatag na harapin ang inyong buhay at proud na proud ako sa inyo sa mga narating nyo ngayon kahit na wala ang patnubay ko,” sabi ni Theresa kay Jacob habang nangingilid ang kanyang luha sa mata. Nang hindi magsalita si Jacob ay muli namang tumingin si Theresa kay Sophia.“Sophia anak sobrang proud din ako sa’yo sa mga narating mo sa buhay at talagang napahanga mo ako sa mga nagawa mo,” sabi ni Theresa kay Sophia.“Mga anak kailangan ko ng umalis muli. Ayoko naman na magulo ang buhay ninyo dahil sa pagbabalik kong ito pero wag kayong mag alala dahil palagi pa rin naman akong nakabantay sa in

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 331

    CHAPTER 331Nanatili naman na walang imik si Jacob habang nanatili pa rin siyang nakatitig sa kanilang ina na nasa isang sulok lamang doon at mag isang kumakain.“Alam ko na mas mahirap ang mga pinagdaanan mo kaysa sa akin kaya hindi kita masisisi kung bakit ganyan ang sinasabi mo. Pero Jacob… siya pa rin ang ating ina. Kaya nga iniisip ko na lamang na tapos naman na ang lahat ng iyon at pwede naman tayong mag move on na lang at magkapatawaran na lamang para magkaroon na lamang tayo ng isang masaya at tahimik na buhay. Sa dami ng mga pinagdaanan ko ay napagtanto ko na mas masarap mabuhay kung wala tayong kagalit, kasamaan ng loob o kaaway. Mas masarap mabuhay kung puro masasayang alaala na lamang ang ating gagawin at wala ng sumbatan pa,” sabi pa ni Sophia.Bigla namang napaisip si Jacob sa mga sinabi na iyon ng kanyang kapatid dahil totoo rin naman ang lahat ng iyon. Gusto rin naman niya na magkaroon na lamang ng isang tahimik at masayang buhay kasama ang mga mahal niya sa buhay.“Pa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 330

    CHAPTER 330Nagpatuloy naman ang seremonyas ng kasal nila Sophia at FRancis at ang lahat ng mga naroon ay masayang masaya sa muling pag iisang dibdib ng dalawa. Ang mga kaibigan naman nila na naging saksi sa lahat ng mga pinagdaanan ng dalawa ay masayang masaya na rin ngayon para kila Sophia at Francis. Habang sa isang sulok naman ng simbahan ay naroon ang ina ni Sophia na si Theresa at tahimik na nanonood sa pag iisang dibdib ng dalawa. Masayang masaya rin talaga si Theresa para sa kanyang anak at masaya rin siya ngayon dahil magkakaroon na ng katahimikan ang kanyang anak at ang pamilya nito dahil sa wakas ay wala ng hadlang sa pagmamahalan ng dalawa. Kahit naman kasi iniwan niya noon ang kanyang mga anak ay may mata pa rin siya rito at alam pa rin naman niya ang mga nangyayari sa kanyang mga anak. Alam naman din niya na malaki talaga ang pagkukulang niya sa mga ito pero hindi naman siya nagsisisi sa mga ginawa niya dahil kita naman niya ngayon kung gaano katatag at kahuhusay ang k

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status