I am doing my best not to falter on everything that I've been going through. I hope I have someone who I can depend on, whom I can call my home. I home Michael is with me, but sadly, she's back to her first love. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang epekto sa akin nang huling sinabi ni Michael. Si Michael ang unang pumasok sa loob ng kwarto rito sa loob ng opisina niya bago ako mabagal na sumunod. "Ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong ko. Mabagal naman akong nilingon ni Michael bago niya binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto. Mabilis ko namang ipinikit ang aking mga mata upang i-adjust ang aking paningin sa biglang liwanag na siyang nagbigay ilaw sa amin. "I know you have loads of questions," panimula niya sa usapan naming dalawa. Mabagal ko namang idinilat ang aking mga mata at tinignan siya. Nakatayo si Michael ngayon sa tapat ng isang silver na box. Ito 'yong mga box na nakita ko no'ng nakaraan.
I know that loving someone is also equivalent to letting other people to use you. Because it is indeedly a fact that if you are into someone, you have something that you want to protect. And protecting someone means a weakness. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Michael sa mahabang hallway. Katatapos lamang ng interrogation na kanilang ginawa. Flashback Nanatiling tensyonado ang buong kwarto. Habang ako naman ay nanatiling tahimik habang pinakikinggan ang usapan ni Michael at ng lalaki. "H-hindi ko alam kung buhay pa ba ang founder ng Black Familia. Dahil ang tanging alam lang namin ay nanggagaling ang bawat utos kay Ms. A. Kahit si Vince pa mismo ang tanungin mo sa bahay na 'yan," sabi pa ng lalaki bago tinignan si Tyron. Nakita ko naman ang mabilis na pagkunot ng noo ni Tyron. "Tyron, not Vince," sabi niya bago sumandal sa pader na katabi niya. Hindi naman na kumibo ang lalaki. Muli na lamang niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Michawl na kanina pa tahimik at hindi kumikib
I wish I can still hug Michael after this. "Renice," agad akong napatigil sa paggalaw nang makita ko kung sino ang lalaking ngayon ay nasa aking harapan. Ilang beses ko pang ipinikit at idinilat ang aking mga mata upang masigurado kung tama nga ba ang nakikita ko sa mga oras na ito. Ngunit hindi nga ako nagkakamali, si Michael nga! "M-michael?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Akala ko ay magsasalita pa si Michael, ngunit nanatili lang kami sa gano'ng posisyon ng ilan pang segundo. "A-anong ginagawa mo rit---" hindi ko na naituloy pa ang akin sanang sasabihin nang mabilis niyang inagaw sa aking kamay ang bato at inihagis iyon sa kung saan. Akma ko na rin sanang ibubuka ang aking bibig upang magsalita, ngunit ang mabilis at sumunod na pangyayari ay kaagad nagdulot sa akin ng katahimikan. Ngayon ay yakap na ako ni Michael. Mahigpit 'yon at puno ng pag-aalala. "I was worried," narinig kong sabi n
Life was too complex, if you can't easily cope up with everything that surrounds you, you'll be left behind. Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob ko
The guilt was still there but I know that at the end of the day, I was wrong. Matapos lumabas ng team na nag-ayos sa akin. Kaagad akong nilapitan ni Redenn habang may ngiti sa labi. Wala na ang kaninang nakakatakot na awra niya habang nakatingin sa team na nag-ayos sa akin. "Nako, mabibighani na naman si Michael n'yan sa iyo, Renice," nakangiting sabi niya bago iniiling ang kaniyang ulo. Kaagad ko namang kinagat ang pang ibaba kong labi. "T-talaga ba? Hindi naman ba malaswa sa akin ang itsura ko ngayon?" kinakabahang tanong ko bago ako napahinga ng malalim. "Hindi. Bakit? Kinakabahan ka ba?" narinig kong biglang tanong ni Redenn sa akin. Napahinga naman ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit pero may part sa akin na natatakot sa maaaring sabihin ng lalaking 'yon. Na baka hindi niya magustuhan ang itsura ko. Hindi ko kasi alam kung bakit ganito, inamin ko naman na sa sarili ko na may kakaiba akong pagtingin kay Michael, pero bakit ba na-co-conscious ako masyado sa kung anong magi
I keep telling lies, but so far, my favorite was telling that I love you. My whole life only revolves around Michael that I intended to keep my eyes on every wrongs that he had done. Now, now I rest my case. Maybe after finally knowing the truth. It makes me numb. Renice's POV Nakatayo ako ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. Hindi ko alam kung bakit nandito ako, pero mayroong parte sa akin na gustong pumasok upang makita ang loob nito. Malalim akong napabuntong hininga bago ako naglakad papasok sa loob no'n. Malakas ang tibok ng puso ko. May kung ano akong naaamoy. Ibat't ibang amoy na gusto kong isuka dahil sa baho. Mabagal akong naglakad papalapit sa pinto at binuksan 'yon. Nagulat naman ako nang makita ko ang isang babae na nakayakap sa isang lalaki habang may mga taong nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nilang mga dugo. Ngunit mas nagulat ako nang makilala ko kung sino ang dalawang taong magkayakap ngayon sa harapan ko. Ako ang babae, habang si Michael naman
Life's been really tough for the past three months but I guess, those instances are the ones thatnare keeping me sane. Nanatili akong nakayakap kay Michael. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming ganito, wala naman akong naramdaman na pagtutol mula sa kanya. "A-anong nangyari?" tanong ko bago ako humiwalay sa kanya ng pagkakayakap. Nakita ko naman na hinuli niya ang mga mata ko bago siya nagsalita. "Aren't you afraid?" biglang tanong niya. Natahimik naman ako. Pakiramdam ko isa 'yong sapak sa akin. "B-bakit naman ako matatakot?" kinakabahang tanong ko. Nakita ko namang napalingon si Michael sa gawi ng mga lalaking malamig ng nakahandusay sa kama. "Aren't you afraid?" ulit na tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita. Nanatili kami sa mga posisyon naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot. Hindi ko rin alam kung bakit nananaig sa akin ang tuwa na makitang ayos lang si Michael. "Sino sila?" tanong ko. Nakita kong napatingin muli sa akin si Michael.
I was left dumbfounded. I didn't know what to react nor what to say. Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon sa cell