I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.
Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la
Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m
"Ate," napalingon ako sa aking likod nang marinig ko ang boses ni Reev, ang nakababata kong kapatid."Ano 'yon, bunso? Bakit?" tanong ko bago ko ibaling ang aking atensyon sa ginagawa kong pag-aayos ng mga papeles na kakailanganin ko sa paghahanap ng trabaho ngayong araw.Naglakad ako papunta sa kabinet na katabi ng kama ko at kinuha ang plantsado ko ng formal attire, na binili ko pa sa ukay-ukay para lang talaga sa araw na 'to."Tawag ka ni Mommy," sagot niya sa aking tanong.Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa gawi kung saan ako nakatayo. At 'di nagtagal ay narinig kong tumunog ang kama ko na nakapwesto malapit lang sa akin. Muli ko siyang nilingon, kaya nakita ko ang malungkot niyang mukha. At dahil sa ginawa kong pagtingin sa kaniya ay 'di ko naiwasang hindi padaanan ng tingin ang payat niyang pangangatawan.Twelve years old na si Reev, at pangatlo siya sa aming magkakapatid. Siya ang bunso at nag-iisang lalaki sa pamilya."May prob
Matapos akong magbihis sa loob ng aking kwarto ay lumabas na ako. Nakita ko sa aming maliit na sala sina Ranie at Reev.Nanonood si Ranie, habang si Reev naman ay nakaupo at hawak ang kaniyang nag-iisang libro na nabili ko noong nagtrabaho ako bilang isang crew sa isang fast food chain."Nasaan si Mommy?" tanong ko kay Ranie. Pinasadahan naman niya ako ng tingin bago niya muling ibinaling ang kaniyang atensyon sa panonood ng t.v."Lumabas," tipid at mabilis na sagot niya sa akin. Hindi na ako nagtaka pa o nagsalita at tinawag na lamang si Reev."Reev, kumain ka na?" tanong ko sa aking nakababatang kapatid. Tinignan naman niya ako tyaka siya ngumiti."Hindi pa, ate. Sabi kasi ni Mommy, sa iyo na lang daw ang pagkain na nakahain sa mesa," sagot nito sa aking tanong bago muling bumalik sa kaniyang ginagawa. Tahimik naman akong napabuntong hininga.Araw-araw na ganitong scenario ang nakikita ko rito sa loob ng bahay. Wala nang bago, wala nang im
Nanatili akong nakaupo at nag-abang sa loob ng jeep hanggang sa marating ko na ang lugar na aking pag-aapplyan. Hindi ko alam pero tila habang papalapit ang jeep na sinasakyan ko, tumi-triple ang kabog ng aking dibdib. Sa lahat ng mga trabaho na napag-applyan ko, ngayon lamang ako kinabahan ng ganito. Nakapag-apply na rin naman ako sa ibang kompanya, pero confident ako sa interview na pinagdaanan ko sa mga kompanyang 'yon. Iba ang araw na 'to, parang may kakaiba at bagong mangyayari. "Para po," sabi ko nang matanaw ko na ang building na aking pakay. Bumaba na ako sa sasakyan nang huminto ito. Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo roon. Huminto ako 'di kalayuan sa lugar kung saan iyon nakatayo. Napaka-laki pala talaga nito, at napakataas. Kumikinang din ang paligid nito, dahil nagrereflect ang kalangitan sa exterior design nitong salamin. Nakakabighani, nakakaakit. First time kong mag-apply sa ganito kalaking
"Be my wife," rinig kong sabi ng lalaking nakaupo sa gitna ng dalawa pa. Mabilis na tumibok ang aking puso. Tila nabingi rin ako dahil sa aking narinig. "Ah, I am Renice Ocampo. I am applying for any position that your good company can offer," sabi ko habang nakatingin lang sa kanila. Nakita ko namang napailing ang isa sa kanila habang natatawa naman ang isa. Mabilis na kumunot ang aking noo. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Nakakatawa ba na okay lang sa akin ang kahit anong posisyon na maaari kong makuha sa kompanya nila? "Look, I told you not to start it with that kind of--pfft!" sabi ng isa sa kanila habang pinipigilan ang kanyang pagtawa. Teka, bakit pamilyar sa akin ang mukha niya? "I don't know either. You know how I told him to start it with a proper introduction," sabi naman ng isa habang tumatawang nakatingin sa lalakin
"This is your room," sabi ni Michael sa akin. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. "Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag. Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang loob no'n. Kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Madilim kasi ang loob nito at 'di ko ri